JOSHANE'S POV
Inimbitahan ako ni tita Shirley sa mansyon nila. Hindi ko naman siya pwedeng tanggihan dahil lang sa ayaw kong makita ang pagmumukha ng anak nila. Magkasosyo ang parents ko at parents ni Harley sa business kaya malaki ang bond ng family ko sa family nila. Plus close friends talaga ang mga family namin sa isa't isa.
Pagkatapos kong mag ayos ng sarili ko umalis na ako ng bahay. Gustuhin ko mang isama si Jomania pero hindi pwede kasi hectic ang schedules niya for the whole week. Bihira na nga lang kami magkasabay kumain ni Jom dahil siya busy sa career niya at ako naman busy sa business ko. Sinimulan narin kasi namin na mag open ng malaking boutique dito sa Manila. Syempre kapartner ko si Tricia sa business na'to. Si Lia at Cherry naman magkasosyo sa resort na pinatayo nila and so far mabenta naman ito sa public since malapit lang and maganda ang ambiance ng place.
Papasok na ako sa subdivision nila Harley at dito palang ang bilis na ng kabog ng dibdib ko. Hinihiling ko nalang na sana wala si Harley sa bahay nila para maging kumportable naman ako mamaya. Nandito na ako sa tapat ng bahay nila at nag door bell na ako. Kilala naman ako ng guard nila kaya pinapasok na niya ako agad. Sinalubong ako ni tita Shirley ng yakap.
" Iha, long time no see. How are you? You look fabulous and gorgeous as ever not to mention that you're beautiful as well. " Papuri ni tita Shirley sa akin.
" I'm fine tita! Kayo nga din po maganda parin as always. Looking young lagi, care to share your secrets? " Tumawa si tita sa sinabi ko. Niyaya niya ako sa living room at nandun si lolo Henry na nanonood ng tv.
" Joshane, i miss you! Kamusta kana? Hindi mo ba namimiss si lolo Henry? " Niyakap ako ni lolo Henry at nag mano naman ako sa kanya. Parang lolo ko narin kasi si lolo Henry kasi kung ituring niya ako parang sarili niya rin na apo. That's why i am fond of him. Kalog din si lolo Henry at pinapatawa niya ako lagi kapag nandito ako sa bahay nila.
" Ofcourse i missed you lolo, kamusta na po kayo? Mukhang bagets na bagets parin kayo ha? " Tumawa si lolo Henry sa sinabi ko sa kanya. Madaling mahuli ang loob ni lolo dahil likas na sa kanya ang pagiging mabait at friendly.
" Alam mo bang nalulungkot ako at hindi kayong dalawa ni Harley ang magkakatuluyan? " Pinalungkot pa niya ang kanyang mukha. Kinurot naman ang puso ko dahil sa sinabi niya. Kahit naman ako nalulungkot eh, hindi lang basta nalulungkot kundi lungkot na lungkot at nasasaktan ako sa mga nangyayari. Pero ganun talaga ang buhay, hindi lahat ay mangyayari according sa kagustuhan mo. Reality check, life doesn't always happened the way you wanted it to happen.
" Lo, wag na po kayong malungkot. Kung saan masaya si Harley suportahan nalang po natin siya. Things happen for a reason, let's just respect his decision. " Ang hirap palang sabihin ang mga katagang tumutusok sa puso mo. Yung mga katagang hindi mo inaasahan na sasabihin mo yun for the sake of comforting someone.
Niyaya na ako ni Tita Shirley na kumain na ng lunch. Thank God, wala si Harley kaya hindi ko kailangan ma concious at ma tense. May lakad daw sila ni Celine, chineck yung wedding gown niya at mag dadagdag daw siya ng sequence ng damit. Halos hindi ko na naintindihan ang mga sinabi ni tita dahil bigla nalang akong nawala sa sarili ko. Napansin naman ni tita ang pananahimik ko kaya tumigil na siya sa pag kwento.
" I'm sorry iha, i don't know what happened to both of you, but know that i always wanted you to be my son's bride. Mas boto ako sa'yo kesa kay Celine. " Inabot ni tita ang kamay ko at pinisil ito para iparamdam na she feels what i am feeling now. Ngumiti lang ako ng mapait na kahit pinipilit kong ngumiti ng matamis hindi ko magawa. Hindi ko nga alam kung paano ko nagagawang ngumiti pa kahit na nasasaktan na ako ng sobra-sobra. Magaling lang siguro akong mag-tago ng tunay ko na nararamdaman. Bitter na kung bitter pero yun ang totoo. Nasasaktan parin ako kahit 2 years na ang nakalipas.
Buong mag hapon lang kaming nag kukwentohan ni tita sa bahay nila. Kinamusta niya ang parents ko at sinabi niya na papasyalan nila daw ang parents ko sa Australia one of these days.
Bago pa dumating sila Harley, nag paalam na ako kay tita na uuwi na ako. Nag dahilan nalang ako na may dinner ako with my friends at kelangan ko pang mag prepare for that. Inihatid ako ni tita sa labas at bago pa kami maghiwalay may sinabi siya sa akin na nagpadurog ng puso ko.
" Alam mo Joshane, saksi ako kung gaano ka kamahal ng anak ko. Kung gaano siya nasaktan nung panahong umalis ka. Kung gaano siya ka miserable nung mawala ka." She paused for a while, took a deep breath and continue what she was saying. " He never stop loving you, i knew that because i'm his mother. At isa ako sa nasasaktan dahil sa nangyari sa inyo. It breaks my heart everytime i see him crying."
Tumingala ako dahil nagbabadya ng pumatak ang mga luha ko na kanina pa gustong pumatak. Ayokong makita ako ni tita na mahina at umiiyak. " I love my son as much as he loves you. Sana mapatawad mo ang anak ko Joshane. Ayoko mang sabihin ito sa'yo but i hope someday you'll be able to find the right guy that you deserve. Take care iha. " Hindi na ako nakasagot kay tita, humakbang nalang ako papunta sa kotse ko. Unti-unting pumatak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.
Gustohin ko mang bawiin si Harley kay Celine pero hindi ko magawa. Hindi ko kayang saktan ang dadamin ng ibang tao. Hindi lang naman si Celine ang masasaktan kapag ipipilit kong bawiin si Harley. May baby na involved na dito at ayoko na agawin ang karapatan ng bata na makilala ang ama nito. Hindi ko kayang agawin ang ama nito para lang sa pansariling kapakanan ko. Kung ang mga magulang ko nga nasaktan nung mawala ako sa kanila how much more kung ang anak pa na lumaking wala sa tabi niya ang daddy niya?! Ayokong maging home wrecker kaya kahit masakit sa akin ang mga nangyari papakawalan ko na si Harley.
Kahit mahal pa namin ang isa't isa wala parin magbabago. Hindi na maibabalik ang lahat gaya ng dati. Marami na ang nag-bago, at kasama na sa mga pagbabagong iyon ang sitwasyon namin ngayon. Kahit masakit, hahayaan kong maging masaya si Celine sa piling ni Harley hindi dahil naaawa ako sa kanya kundi naaawa ako sa bata.
Some people are just meant to love each other but not meant to be together, at kasama na kami dun sa iilan na yun.
Nakarating na ako sa bahay na mugtong-mugto ang mga mata ko. Nakita naman ako ni Jomania pero hindi nalang siya umimik. Hinayaan na lang niya akong pumunta sa kwarto ko. She knew that at this moment, i need to be alone. Hindi na ako bumaba para mag dinner dahil wala din naman akong ganang kumain. Mas pinili ko nalang ang mukmok kesa lumabas ng bahay. Tawag din nang tawag si Tricia sa akin pero hindi ko yun sinasagot.
Kinabukasan, maaga palang gumising na ako. Pag tingin ko sa wall clock ko 5:10am palang. Nag bihis ako ng leggings at razorback sleeveless na pinatungan ko ng jacket na may hoody. Isinuot ko ang pink rubber shoes ko at lumabas ng bahay. Isinaksak ko sa tenga ko ang earphone ng ipod ko at nagpatugtog while nag jojogging. Ilang ikot din akong tumakbo sa loob ng subdivision namin hanggang sa napagod ako. Ito lang kasi ang way ko para alisin ang stressed at depression ko. So far, helpful naman ang pag jogging ko. Bumalik na ako sa bahay at naligo. I'm planning to go out para mag relax at mag enjoy.
Napadpad ako sa isang restaurant, maganda ang ambiance ng lugar at sa nakikita ko puro couples ang kumakain dito. Spell awkward! Paano naman kasi, mag-isa lang akong kumakain at halos ang nakapalibot sa akin puro couples? Nag order na lang ako at deadma nalang sa mga taong nakatingin sa akin. Habang naghihintay ako sa pag dating ng order ko may lumapit sa akin na guy.
" Joshane, is that you? " Napalingon naman ako sa pinagmulan ng nagsasalita. Familiar ang mukha niya pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita.
" Have we met before? You look familiar to me. " Nakakunot noo ako dahil alam ko na met ko na siya dati.
" Yes, I'm Ethan remember me? " Oh, si Ethan na nakilala ko sa school. Siya ang kasama ko sa mga pictures na pinakita ni Celine sa akin. Na after ng house party ni Celine hindi ko na siya nakita pa ulit.
" What happened to you? Bakit bigla ka nalang nawala after nung house party ni C-Celine? " Nautal pa ko nung banggitin ko ang name ni Celine.
" Pumunta ako ng US, just came back last month. Can i join you here? " Tumango naman ako sa kanya at iminuwestra ko na umupo siya.
" So, you and Celine were childhood friends right?! " Just making sure if they were really friends. Tiningnan niya ako ng matiim sa mga mata.
" Yeah!" Bigla siyang naging uncomfortable pagkatapos. Tila parang may gusto siyang sabihin sa akin na parang ayaw niya din ipaalam sa akin.
" Something's wrong? May gusto ka bang sabihin sa akin? " Dumating naman ang order kong food kaya hindi agad naka sagot si Ethan sa tanong ko.
" Kumain ka nalang muna and i'll tell you something later." - Ethan
Tinapos ko na ang pagkain ko at nagyaya si Ethan na maglakad-lakad kami sa baywalk. Ang sarap ng hangin na dumadampi sa pisngi ko. Umupo kami sa bench paharap sa dagat.
" Joshane, did Celine tell you that she is pregnant? " Hindi ako tumingin sa kanya at nakatingin lang akon sa dagat. Pakiramdam ko bumalik nanaman ang lungkot na kanina lang nawala.
" Oo, sinabi na niya sa akin. Yan din ang reason kung bakit kahit mahal pa namin ni Harley ang isa't isa hindi ko kayang kunin siya kay Celine dahil may baby na maapektohan. " Ewan ko kung paanu ko nasabi yun kay Ethan na hindi man lang pumiyok ag boses ko.
" She's lying! " Pabulong niyang sabi ngunit sapat na para marinig ko iyon.
" What did you say? " Tama ba ang dinig ko? Nagsisinungaling lang si Celine?
" Ayoko sanang sabihin ito sayo kaso masyado ng ginulo ni Celine ang buhay niyo ni Harley. I'm doing this because i love her. " Mahal ni Ethan si Celine? All this time hinayaan niya lang si Celine na mapunta sa ibang lalake habang nasasaktan naman siya na makita na masaya ang babaeng mahal niya sa piling ng iba?
" I don't get it. Please explain! " Hinarap ako ni Ethan at tumingin siya sa mga mata ko. Nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya, alam kong nasasaktan siya dahil pareho lang kami ng nararamdaman sa ngayon.
" H-hindi siya totoong buntis. It's her way to make Harley stay with her. She planned all of this, pati na yung paghiwalayin kayong dalawa. I left because i can't bear the pain any longer. She just fucking used me because she knew that i will do all the favor that she asked me to do because i love her." Nagulat ako sa isiniwalat ni Ethan, hindi ko akalain na lahat pala plinano ni Celine. Unti-unting pumatak ang mga luha ni Ethan, naikuyom niyabang mga palad niya.
" But now, i already moved on. Narealized ko na she don't deserved my love. She don't deserved any of these. She's not pregnant, and she will never get pregnant kahit anu pa ang gawin niya because she's sick. She has this disease that affect her ovary. The doctor said she is no longer capable to bear a child. " Parang sasabog ang ulo ko sa narinig ko. Shocked written all over my face. How could she do this to us? I never thought she is capable of doing this.
" May proof ka ba? " Tanong ko kay Ethan. Tumango naman siya at nabuhayan ako ng loob. Ngunit hindi matanggal sa sistema ko ang kaba at ang shock sa mga nalaman ko.
" Kilala ko ang doctor na nag sabi niyan sa amin. Pwede natin siyang kausapin para makakuha tayo ng pruweba. Tara na before its too late. " Tumayo na kami at naglakad papunta sa kotse niya.
" Wait, i brought my car, anung gagawin ko sa kotse ko? " Hindi naman ako worried na baka mawala ang kotse ko dahil sa totoo lang mas mahalaga sa akin na malaman ang totoo na hindi buntis si Celine.
"Leave it there, balikan nalang natin mamaya. " Pumasok na kami sa kotse niya at nag drive papunta sa clinic ng doctor ni Celine. Mabilis na pinatakbo ni Ethan ang kotse, it's like a matter of life and death situation. But its not, although nakasalalay ang kaligayahan namin ni Harley dito.
Narating namin ang clinic ni Dr. Althea Borromeo in just half hour. Pag pasok namin sa loob hindi pa namin agad nakausap si Dr. Borromeo dahil kailangan ng appointment with her. Buti nalang napakiusapan ni Ethan ang assistant ni Dr. Borromeo na importante lang ang pakay namin kaya pinayagan niya kaming makapasok sa loob ng kwarto na ginagawang office ni Doc.
Kumatok kami and after ng tatlong katok pumasok na kami sa loob. Nung makita ni Dr. Borromeo si Ethan napangiti ito sa kanya.
" Hi, how may i help you? Is this your wife? " Sabay turo sa akin ni Doc. Sabay naman kaming napailing ni Ethan.
" Hindi po Doc, kaibigan ko po siya. May kailangan lang po kasi kami sa inyo Doc. Pwede ba naming makita ang files ni Celianne Farah Fuentebella? " -Ethan
" Oh, i'm sorry but i can't. Confidential yung files nila at hindi namin inaallowed na ipakita yun sa ibang tao. " Bigla akong nanlumo sa sinabi ni Doc, paanu pa namin mapapaniwala si Celine na alam na namin ang secret niya kung walang pruweba?
" Doc, please nakikiusap kami sa'yo. We need your help. Nakasalalay ang kaligayahan ko dito. Ang boyfriend ko ikakasal na kay Celine dahil sinabi ni Celine na buntis siya at ang boyfriend ko ang ama ng ipinagbubuntis niya. " Paliwanag ko sa doctor. Kahit hindi ko naman boyfriend si Harley sinabi ko nalang na boyfriend ko para ma convinced ang doctor. Sana lang worth it ang pag sinungaling ko.
" But that's impossible, she has this disease na hindi siya pwedeng mabuntis. Kumbaga, parang baog siya. Kaya zero percent ang possibility na mabubuntis siya. " So totoo nga na hindi siya pwedeng mabuntis at yung sinasabi niyang buntis siya was just a lie!!
" Thats why doc we need her files to prove that she isn't capable of getting pregnant. " - Ethan
Parang nag aatubili pa si Dr. Borromeo kung ibibigay ba niya ang files ni Celine or hindi?! I know, bawal yun at pwede siyang makasuhan sa gagawin niya pero sana lang pumayag siya. Tumayo siya at pumunta sa filing cabinet kung saan nakalagay ang mga records ng mga patients niya. May kinuha siyang folder at iniabot ito sa amin.
" Iyan ang files ni Celine, sana makatulong sa iyo yan. Kahit labag man sa kalooban ko na gawin ito pero ayoko naman na mawala ang kaligayahan mo dahil lang sa kasinungalingan at pagiging selfish ng ibang tao. I hope it will really help you. " Napayakap ako kay Dr. Borromeo sa sobrang tuwa ko. Tiningnan ko ang files at pinasadahan ko ito ng basa at nakasulat doon na hindi na nga pwedeng mag buntis si Celine. Nagpasalamat kami kay Dr. Borromeo at umalis na kami after namin magpasalamat.
" Joshane, i'm sorry sa mga nangyari last time. Sana sapamamagitan nito makabawi man lang ako sa'yo. "- Ethan
" Salamat Ethan, siguro kung hindi pa tayo nagkita ngayon baka malulungkot nalang ako lagi at wala ng pag-asa na magkabalikan pa kami ni Harley. Thank you! " Inilahad ko ang kamay ko para makipag kamay sa kanya. Tinanggap naman niya ito.
" Don't thank me yet, hindi mo pa nababawi si Harley kay Celine. So paanu, i need to go now. Thank you at pinatawad mo na ako. "- Ethan
Umalis na si Ethan pero nanatili parin akong nakatayo doon. Ngayon may pag-asa na akong bawiin si Harley kay Celine. Tama nga naman na kung kailan nawawalan kana ng pag-asa saka naman dumadating ang sulosyon sa problema. Everything happens for a reason. Tanging si God lang ang nakakaalam kung anu ang mangyayari next.