Chapter 43. I dont love you and it's a lie.

HARLEY'S POV

Masakit isipin na ang pinapangarap ko na maging asawa ay siyang hindi ko pa makakatuluyan. Bakit pa kasi kailangan mangyari ang lahat ng ito sa amin lalo na sa akin?

Yung tipong sumusunod ka na lang sa agos ng buhay dahil hindi mo na magagawa pang mag desisyon para sa sarili mo dahil nalunod kana ng mga pangyayari sa buhay mo.

Alam ko makasalanan ako, na deserve kong parusahan but i'm not expecting this kind of punishment. Ngayon ko lang napatunayan na sadyang mapaglaro ang tadhana. Mahal namin ni Joshane ang isa't isa pero hindi kami allowed na magkasama dahil may ibang taong masasaktan, worst is yung magiging anak ko pa.

Nasasaktan ako na nakikitang nasasaktan si Joshane. Kahit nakangiti siya alam ko na sa loob niya sobra na siyang nasasaktan. Magaling mag-lagay ng maskara si Joshane na madali niyang mapaniwala ang lahat na okay lang siya pero hindi niya ako mapapaniwala dahil ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

" Hon, okay na ba sa'yo itong wedding dress ko? Bagay ba sa akin? " Tiningnan ko ang wedding dress niya. Maganda naman at bagay sa kanya kaya lang mas maganda sana kung si Joshane ang may suot niyan. Nalungkot ako sa isiping yun, parang kinukurot ang puso ko pero wala akong magagawa.

" You look good in your wedding dress! " I plastered a smile on my face. Ang hirap ngumiti ng pilit lalo na kung dinudurog naman ang puso mo. Kelan ba ito matatapos ang pag papanggap ko na okay lang akong ikasal sa kanya?

" Thanks honey, i'm happy that soon you're going to be my husband! " Hindi na ako umimik dahil ayoko na may masabi na hindi maganda sa kanya.

Natapos na ang pag susukat niya ng gown, sabi nga nila na bawal sukatin ang gown kaso mapilit siya kaya hinayaan ko nalang. Sana nga totoo ang kasabihan na kapag sinukat mo ang wedding dress mo hindi matutuloy ang kasal.

Hinatid ko na si Celine sa bahay nila. Next week na ang kasal namin at pakiramdam ko para na akong sinasakal. Dapat maging masaya ako dahil ikakasal na ako kaya lang daig ko pa ang namatayan dahil ikakasal ako. Oo, namatay ang puso ko dahil hindi ang babaeng mahal ko ang pakakasalan ko. Condolence na lang sa puso ko!

Pagdating ko sa bahay deretso na ako sa kwarto ko. Tinatawag ako ni mommy pero hindi ko siya pinansin. Mas gusto kong mapag-isa ngayon at mag mokmok. May kumatok sa pinto ko at niluwa nun si mommy na nakangiti.

" May problema ka ba iho? Gusto mong pag-usapan natin? " Alam na alam talaga ng mga ina kung may pinagdadaanan ang kanilang mga anak.

" This whole wedding thing is my problem. Bakit ganun mom? Naging mabuting anak naman po ako sa inyo, wala naman akong niloko na kapwa ko pero bakit nangyayari sa akin to? " Bakas sa mukha ni mommy na nahihirapan din siya para sa akin.

" Alam mo anak, may mga bagay na kailangan mong pagdaanan hindi porke't mabuting tao ka hindi kana susubukin. Lahat ng mga trials na dumadating sa ating buhay may sulosyon. Sa ngayon siguro hindi mo pa nakikita yun pero nandiyan lang iyan. Don't lose hope son, if you are really meant for each other kahit anu pang hindrances ang maeencounter niyo ni Joshane pagtatagpuin din kayo in the right place and in God's perfect time. Sa ngayon, kung anu ang responsibilidad mo dapat mong panindigan yan. I'm so proud of you son, hindi ka tumalikod sa responsibilidad mo kay Celine kahit na kelangan mo pang i-give up ang happiness mo para sa iba. " -Mommy

Biglang pumatak ang luha ko, hindi ko akalain na mapapaiyak ako ni mommy sa mga sinabi niya sa akin. Iyon na nga lang ang maaari kong pang hawakan na kung kami talaga ang meant to be ni Joshane darating yung time na magkakatuluyan din kami.

" Thanks mom, hindi mo alam kung gaano niyo po napagaan ang bigat ng damdamin ko. I love you mom! " Niyakap ako ni mommy at nasa ganoong posisyon kami nung madatnan kami ni daddy. Kaya nakiyakap narin siya sa amin. Alam ko na kahit hopeless case na mag kabalikan pa kami ni Joshane pero hindi parin ako nawawalan ng pag-asa. Thanks to these two wonderful people, my parents!

***

Nandito kaming mga Gforce ngayon sa club republiq. Since malapit na daw akong ikasal dapat daw sulitin na daw namin yung time na mag bonding while single pa kaming lahat. Boys night out to kaya hindi ko sinama si Celine.

" Dude, after next week hindi kana single kundi double na. " - JL

Natawa ako sa sinabi ni JL, pero nalulungkot din at the same time. Magiging limitado na kasi ang pagkikita namin once na ikasal na ako. Knowing Celine, masyado siyang possessive na nakakasakal na kung minsan.

" Sayang, mas boto ako kay Joshane kesa kay Celine. I don't like her at all but since you're going to marry her i should start learning to accept your future wife. " - Tristan

" Hay naku, mag inuman na nga lang tayo. Nakakabading ang pag dadrama niyo! " - Kelvin

Binato ni Peter ang phone ni Tristan kay Kelvin. Buti nalang nasalo ni Kelvin ang phone dahil kung hindi niya nasalo malamang basag ang phone ni Tristan.

" Hey, don't throw my phone. Ibato mo yung sa'yo not mine. " Reklamo ni Tristan sabay hablot ng phone niya kay Kelvin.

" Alam mo ikaw Kelvin, wala ka lang girlfriend nagiging bitter ka na. Get a life dude! " - Peter

" Pete, i don't need a girlfriend! Because i already have lots of girls."- Kelvin

"Whoooohh.. " - Sigaw naming apat kay Kelvin.

" Kelvs, pag nainlove kana saka mo sabihin sa amin na hindi mo kailangan ang girlfriend. " -JL

Parang nasa hotseat lang si Kelvin dahil siya ang napagtripan ng barkada ngayon. Kahit ganito lang kami may sarili din kaming prinsipyo sa buhay.

" Ehem! Late na ba kami? " Sigaw ni Tricia na ikinalingon naman ni JL. Parang natulos naman na kandila si JL sa pag dating ni Tricia.

" You're just in time babes! " Sabi ni Kelvin sa limang babaeng dumating. Napatingin ako kay Joshane at nahuli ko siyang nakatitig din sa akin. Agad naman akong nag bawi ng tingin, as much as possible gusto ko ng iwasan siya dahil ayoko ng makikitang nasasaktan siya. Pero sadya talagang mapag biro ang tadhana kasi the more na umiiwas ako sa kanya, the more na mas pinagtatagpo kaming dalawa.

Lumapit siya sa akin at para naman akong hindi mapakali sa kinauupuan ko. Bakit ba ang lakas ng dating niya sa akin? Na tuwing nasa malapit siya halos mag wala ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog nito. Siya lang ang nagpapalakas ng kabog ng puso ko at siya lang ang may kakayahang sirain ang katinuan sa sistema ko.

" Harley, can we talk? " Tanong ni Joshane. Napatingin naman sa amin ang mga kasama namin dito sa room. Ayoko ng bigyan pa siya ng reason na makipag lapit pa sa akin.

" Joshane, we can talk here. Pero dapat ang topic is not about us. Ayoko ng pag usapan ang nakaraan natin." Bigla naman lumamlam ang mga mata niya na parang nagsusumamo na kausapin ko siya.

" Not here please! Kahit sa labas lang ng bar ni Peter tayo mag-uusap. " - Joshane

" Sige na dude, kausapin mo na siya. Baka ito na ang last niyo na pag-uusap eh. For old time sake! " - Peter

" Okay! Follow me! " Naglakad na ako papunta sa labas. Hindi ko nililingon si Joshane dahil ayokong ipagkanulo ako ng puso ko.

Narating ko ang labas pero hindi pa nakalabas si Joshane. Marami kasing tao sa loob kaya siksikan sa loob ng bar ni Peter. Nakita ko narin siya na palabas ng bar at palinga-linga siya sa paligid. Nung nakita niya na ako lumapit na siya sa akin.

" Anu pa ba ang dapat nating pag-usapan Joshane? Sabihin mo na ngayon para makapasok na tayo sa loob. " Walang emosyon kong sabi sa kanya. Gusto ko ng sanayin ang sarili ko na ganito na ako dapat makitungo sa kanya. I know its unfair but this is the least i can do. And i'm doing this for us. I want her to move on and live her life without me in it.

" Pag sinabi ko ba sayong hindi buntis si Celine, iiwanan mo ba siya? " Tanong ni Joshane na ikinabigla ko naman. Bakit nita ito tinatanong sa akin? Pero alam ko na buntis siya dahil may nangyari sa amin ng ilang beses.

" Please stop! She's pregnant at alam ko yun dahil may nangyari sa amin ng ilang beses. Ito lang ba ang gusto mong sabihin sa akin? I think we're done talking! Let's go back inside. " Aalis na sana ako pero niyakap niya ako sa likuran ko. Para akong napako sa kinatatayuan ko. Gustohin ko mang tanggalin ang pagkakayakap niya sa akin pero ayaw makisama ng katawan ko. Dahil sa totoo lang miss na miss ko na siyang yakapin. Gusto kong umiyak sa oras na ito pero tumingala ako para hindi pumatak ang luha ko.

" Hindi siya totoong buntis, maniwala ka sa akin. Sinabi niya lang na buntis siya para hindi mo siya iiwan. I love you Harley, please don't marry Celine. " Bigla akong nabingi sa sinabi niya. Parang sasabog ang utak ko sa rebelasyon niya sa akin. Pero imposibleng hindi mabubuntis si Celine dahil may pinakita siyang pregnancy test sa akin at positive ang result nun.

Kinalas ko ang pagkakayakap niya sa akin at hinarap ko siya.

" Enough! Ayoko ng marinig pa ang sasabihin mo Joshane, ako mismo ang nakakaalam na buntis siya dahil pinakita niya sa akin ang result ng pregnancy test niya at positive yun. Itigil mo na kung anu man ang binabalak mo dahil hinding hindi magbabago ang lahat. Pakakasal ako kay Celine at kelangan mong tanggapin na hindi tayo para sa isa't isa." Nag paused muna ako at huminga ng malalim. Humugot ako ng lakas at saka ko ibinagsak na parang bomba ang huling sasabihin ko sakanya. Once na binitawan ko na ang mga katagang ito, yun narin ang end ng lahat-lahat sa aming dalawa. "I'm sorry but i don't love you anymore! " Hindi ko alam kung paano ko nasabi yun na hindi man lang pumiyok or nautal sa harap niya.

Naglakad na ako pabalik sa loob ng bar. Naiwan si Joshane na umiiyak sa labas. Hindi ko na siya nilingon nung tumalikod na ako. I'm sorry if i had to say that. Ayoko na sanang saktan pa ang damdamin niya dahil kahit ako parang pinipiga ang puso ko na makita siyang umiiyak at nasasaktan. Pero ito ang katotohanan eh, kaya kailangan niyang tanggapin ito sa ayaw at sa gusto niya. Alam ko masakit pero wala akong magagawa para alisin ang sakit ng nararamdaman niya dahil kahit sarili kong puso hindi ko magawang alisin ang sakit nito.

May mga bagay na ayaw natin mangyari pero kailangan mangyari at dapat nating tanggapin. Mga bagay na ayaw natin malaman pero kailangan matutunan. At yung taong ayaw mong pakawalan pero kailangang bitawan.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.