Chapter *Special Chapter* A date to remember

*BRANSTON AND ALVAREZ NUPTIAL*

Isang special na araw ang mangyayari ngayon! Bakit? Ngayon na kasi ang araw ng kasal namin, my most awaited day! Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon, kaba, saya, excitement at kung anu-anu pang positive feelings.

Tapos na akong ayusan and ready na ako. Habang papalapit ang takdang oras ng kasal ko mas lalong tumitindi ang bilis ng tibok ng puso ko. Nabibingi na nga ako sa sobrang lakas ng kabog nito. May kumatok sa pinto ng room ko at pumasok sina mommy at mama ko.

" Oh iha, are you ready? " Tanong ni mommy. Ubod lapad ang ngiti niya at daig pa niya na siya ang ikakasal sa sobrang saya na nakaguhit sa mukha niya. Ganun din si mama, panay ang tanong sa akin kung nauuhaw daw ba ako or nagugutom. Baka daw gusto ko munang kumain bago umalis. Paano ba ako makakain nito kung puno ng excitement ang katawan ko? Nakakawalang gana kayang kumain?! Hindi nga ako nakatulog ng maayos kagabi because i'm too excited for this day to come. Natural lang naman ang ganitong feeling sa mga taong ikakasal. Syempre, the long wait is over na nga.

" Mom, reading-ready na po ako kanina pa. " Hinawakan ako ni mommy sa kamay at natawa siya nung mahawakan na niya ang palad ko.

" Are you nervous? Don't have to be nervous. Relax, everything will be fine. " Nginitian ako ni mommy to calm me down. Sino ba ang hindi kakabahan sa araw ng kasal nila? Lahat naman yata ganito ang feeling eh. I'm not worried that someone might stop our wedding coz Celine is locked up at the mental hospital. I'm just nervous, that's all.

" Mom, lets go? Baka naghihintay na ang mga guests sa atin." Niyaya ko ng umalis sila mama at mommy. Pag dating namin sa lugar kung saan idadaos ang wedding ceremony ko, marami ng tao ang naghihintay sa pag dating ko. Its a garden wedding by the way. Ayoko kasi ng traditional wedding although mas maganda daw pag sa simbahan gaganapin ang kasal para may basbas daw talaga from heaven.

" Nandito na tayo anak! Naalala ko pa nung unang kita ko palang sayo baby kapa nun at walang alam sa mga nangyayari sa mundo. Pero ngayon ikakasal kana sa taong nagmamahal sayo. Masaya ako para sayo dahil sa wakas makakasama mo na si Harley. " Niyakap ako ni mama ng mahigpit. Kahit ako hindi parin ma absorb ng utak ko ang mga nagaganap ngayon. Lutang pa ako at parang kelan lang nag proposed si Harley sa akin, 8 months narin pala ang nakalipas.

" Sige iha, dito ka muna sa loob ng sasakyan. Bababa ka lang if cue mo na para lumakad sa aisle. I love you!" -Mommy

Bumaba na sila at pumunta na sa crowd para hintayin ang start ng ceremony. Naghintay ako ng another 15 minutes bago tuluyang lumabas ng sasakyan. Sinalubong ako ng wedding planner ko at siya ang nag assist sa akin. May kinausap siya sa headphone niya at sinabi na ready na akong lumakad.

" Are you ready Joshane? The ceremony will start now. " Pagkatapos niyang sabihin yun nag simula ng tumugtog ang pianist ng wedding march at yun na ang cue ko para maglakad sa aisle. Naka red carpet ang aisle na may maraming flower petals in different color sa nilalakaran ko. Nag mistulang fairytale wedding ang kasal ko.

Habang naglalakad ako sobrang kabado ako pero nandoon parin ang excitement at saya na hindi ko maitago. All eyes are on me. Lahat nakangiti sa akin at hangang-hanga sila sa akin. Napatingin ako sa parents ko na nag aabang in the middle of the aisle. Four of them are very happy that finally I am getting married to the person i love the most.

Napadako naman ang tingin ko sa mga kaibigan ko. I remember the first day i met them, we were at the hall way of the school checking my schedules and the rest is history.

I saw Tricia, she's smiling and i can see happiness written all over her face. She used to be my enemy and i haven't even expected that things will changed, now she's my bridesmaid and my bestfriend. I saw Jomania, wiping her tears. Ah, tears of joy, i hope she'll find her Mr. Right soon. Si Elisa naman ubod lapad din ang ngiti at alam ko na maliban ky Tricia at Jomania, isa din si Elisa na masaya para sa amin ni Harley ang pinaka close niyang cousin. Ofcourse, mawawala ba ang Gforce? Si Peter ang bestman ni Harley since siya ang bestfriend ng huli. Si Kelvin and JL naman panay ang kulitan nilang dalawa at sinenyasan sila ni Tristan na tumahimik.

Lastly, ang lalakeng mahal ko at pakakasalan ko na nasa harapan ko na ngayon. Kinamayan siya ng mga magulang ko and after that i hugged and kissed my parents. Hinarap ko na si Harley at buong suyo niyang ginagap ang kamay ko at inalalayan niya akong makatayo sa tabi niya. Nagsimula nang mag salita si Father.

" Welcome, all of you. We are gathered here today for one happiest occassions in all human life, to celebrate before God the union of Harley and Joshane who love each other. " Panimula ni Father. " Marriage is a most honorable estate, created and instituted by God, signifying unto us the mystical union which also exists between Christ and the Church; so too may these marriage be adorned by true and abiding love." He continue.

Halos lahat ng tao nakikinig sa seremonyas ni father. Naririnig ko ang malakas na pag tambol ng puso ko pero hinawakan ako sa kamay ni Harley at sabay pisil dun. Tumingin ako sa kanya at lumingon din siya sa akin at nagsabi ng "relax" ngunit walang sound na lumabas dun. Ngumiti siya sa akin at pakiramdam ko hinaplos ang puso ko sa simpleng ngiti niya lang. I can't believe i am too affected with his smile. Ngayon ko lang narealized kung gaano ka tindi ang impact ng lalakeng to sa akin. Kaya niyang yanigin ang buong sistema ko and vice versa. Bigla akong nabalik sa reyalidad nung mag-salita ulit si father.

" You may now say your wedding vows. " Sabi ni father sa amin.

Humarap naman si Harley sa akin at nung mag tama ang mga tingin namin nakita ko na puno ng pagmamahal niya akong tinitigan. And as if on cue, hindi ko na napigilan ang pag landas ng mga luha ko tanda ng kasiyahan. Nag umpisa na siyang sabihin ang wedding vows niya at nakita ko ang butil ng luha niya na nagbabadyang pumatak.

" I, Harley Scheffer Branston, take you Joshane Querah Alvarez, to be my wife. I promise to be true to you in good times and in bad, in sickness and in health. I will love you and honour you all the days of my life. " Dahan-dahan na niyang isinusuot ang singsing sa daliri ko. Pagkatapos niyang mailagay ang singsing ngumiti siya sa akin.

Kinuha ko naman ang singsing na isusuot ko sa kanya. " I, Joshane Querah Alvarez, take you Harley Scheffer Branston, to be my husband. I promise to be true to you in good times and in bad, in sickness and in health. I will love you and honour you all the days of my life. " Isinuot ko narin ang singsing sa kanya. Nakatingin parin kami sa isa't isa at wala ni isa sa amin ang bumawi ng tingin. Kaya kong makipag titigan sa kanya, sa asawa ko kahit habang buhay pa.

" By the power vested upon me, I now pronounce you husband and wife! You may now kiss the bride. " - Father

Dahan dahang inangat ni Harley ang veil ko na nakatakip sa mukha ko. Nung naitaas na niya ang veil, tumingin muna siya sa audience at ngumiti saka ibinalik ang tingin niya sa akin. Unti-unti niyang inilapit ang labi niya sa labi ko at nung gahibla nalang ang layo ng labi niya sa akin he mouthed " i love you " and he sealed our marriage with a kiss!

Nagpalakpakan ang lahat ng mga sumaksi sa kasal namin at lahat sila masayang masaya para sa amin. Biglang sumigaw si Peter.

" Mabuhay ang bagong kasal! " Sigaw ni Peter.

" Mabuhay! " chorus nilang lahat. At naglakad na kami papunta sa kotse na sasakyan namin para ihatid kami sa venue ng reception.

****

HOTEL.. Nasa reception na kami at walang humpay ang pag bati ng mga guests sa amin ni Harley na malugod naman naming pinasalamatan. May short program pa at dumating na sa part na ihahagis ko na ang bouquet ko. Lahat ng mga abay sa kasal na babae nakapila sa gitna at halatang ayaw ni Tricia at Jomania ang part na yun pero since request ko na mag participate sila kaya wala silang choice kundi sundin ako. After all, this is my wedding at ako ang superior sa araw na to. Nung inihagis ko na ang bouquet, sa sobrang iwas ni Tricia para hindi mapunta sa kanya ang bouquet mas lalo lang na siya ang nakasalo nito na ikinayamot naman niya. Tumawa ako sa kanya pero inirapan lang niya ako.

Next naman na pumila ang mga abay na lalake. Halos lahat sila excited kung sino ang makakakuha ng garter na ihahagis ni Harley. Si Peter deadma lang dahil wala naman siyang pakialam kung makukuha niya o hindi ang garter. Pero si JL pursigidong makuha ang garter dahil si Tricia ang nakakuha ng bouquet ko. Nung inihagis na ni Harley ang garter, tumalon si JL kaya nakuha niya ang garter. Gayon na lamang ang pag laki ng mga mata ni Tricia nung makita niyang si JL ang nakasalo nito. Panay naman amg ngiti ni JL na ikinainis naman ni Tricia. Pinaupo na sa gitna si Tricia at dahan dahang isinuot ni JL ang garter sa binti ni Trish.

" Higher, higher. " Sigaw ng lahat na lalong ikinainis ni Trish. Sinunod naman ni JL ang sinabi ng karamihan ngunit ang lapad ng ngiti niya nung tumingin siya kay Tricia pero sinamaan lang siya ng tingin ni Tricia.

" Kiss her.. Kiss her. " Request uli ng mga tao. Dahil sa narinig ni Tricia bigla siyang tumayo at akmang mag wowalk out na pero pinigilan ko siya.

" Hey, don't be such a killjoy. It's my wedding, remember? " Pangungunsensiya ko sa kanya.

" Fine! " Padabog siyang bumalik sa unahan at hinalikan siya ni JL sa pisngi ngunit napalingon si Tricia kay JL kaya imbes na sa pisngi lang sana siya mahahalikan napunta sa labi niya ang halik. Bigla naman natahimik ang lahat buti nalang nag patugtog na ang bandang binayaran namin na tumugtog sa kasal namin kaya nawala ang atensyon ng mga tao kina Trish at JL at nadako na ang atensyon nila sa banda.

" Are you happy my wife? I love you so much Mrs. Branston. " Ang sarap pakinggan na tinawag ako ni Harley ng "my wife" instead sa usual na endearment namin. Medyo nakakapanibago pa pero alam ko na masasanay din ako balang araw.

" Yes, super happy my hubby. I love you too Mr. Branston. " Hinalikan niya ako sa labi ko at kahit maraming mga tao ang nakatingin sa amin wala na kaming pakialam dahil kasal naman namin.

Ito na talaga ang simula ng malaking pagbabago sa buhay namin ni Harley bilang mag asawa na. Marami kaming pinagdaanan at sinubok ng panahon ang aming pag iibigan. Ngayon ko napatunayan na kapag kayo ang itinadhana, kahit mag hiwalay man kayo ng mahabang panahon magkakabalikan din kayo pag dating ng panahon. Tadhana ang naghiwalay sa inyo, tadhana din ang magpapalapit sa inyong muli.

" For some people, they believed that Destiny is a matter of choice. But for me, destiny is a matter of chance. Hindi ko pinili si Harley noon pero pinili siya ng tadhana para sa akin. At naniniwala ako na kami na talaga forever til the sunset of our lives. "

- THE END -

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.