Six months later..
Marami na ang nangyari sa loob ng anim na buwan. Si Celine, dahil sa sobrang depression sa paghihiwalay nila ni Harley tuluyan ng nabaliw. Kahit na pumupunta siya sa psychiatrist hindi pa din nawala ang depression niya. Masyado niyang dinibdib ang nangyari sa kanya at tuluyan ng pinabayaan ang kanyang sarili na mahulog sa matinding depression. Nung isang araw kinausap ako ng parents niya at nagmamakaawa na dalawin ko daw si Celine sa mental hospital baka daw sakaling bumalik ang katinuan sa isip niya. Pero duda na ako dun, baka lalo lang lalala ang sakit niya sa isip kapag nakita niya ako. But despite everything, nandun parin ang awa ko sakanya. Naging matalik ko din siyang kaibigan dati kaya kahit papanu i still care for her.
Si Tricia at JL medyo nagkakamabutihan narin ngayon. Kung minsan nga nahuhuli ko silang nakatingin sa isa't isa pero hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon hindi parin sinasagot ni Tricia si JL. Kapag tinatanong ko naman siya lagi nalang siyang nagkikibit balikat sa tanong ko. But i always respect her decision, nandito lang naman ako lagi para sa kanya to support her on whatever decision she will make. Just like what she always do to me.
Ngayon ko napatunayan na ang tunay na kaibigan hindi nagsisimula sa magandang pakitungo sa isa't isa. Minsan nag-uumpisa ito sa hindi magandang pagkakakilanlan at kapag nag tagal ang panahon na magkakilala kayo saka mo madidiskubre ang tunay na pagkatao sa likod ng masamang pinapakita niya sayo. Sabi nga nila hindi mo makikilala ang isang tao kung hindi mo siya nakakasama sa loob ng isang bahay. Pero para sa akin, hindi na kailangan na magsama kayo sa iisang bubong para makilala ang isa't-isa, sapat na yung magkasama kayo ng panandalian lang pero nararamdaman mo ang sincerity sa bawat ugaling pinapakita niya sa'yo, masama man o mabuti ang ugaling yun. Walang halong kaplastikan. Hindi na importante kung paanu kayo nag simula ang importante kung paanu pa kayo magiging matatag bilang magkaibigan.
Si Peter naman naging sobrang busy sa business niya. Nagkaroon ng iba't ibang branches ang club republiq all over the Philippines. Wala narin kaming balita kay Paige after graduation. Although nanghihinayang ako para sa kanilang dalawa ni Peter. Siguro nga hindi pa talaga panahon para ilevel up nila kung anu man ang ugnayan na meron sa kanilang dalawa. I'm just hoping na sana time will come na makamove on na si Peter kay Paige. Na mahanap niya rin ang babaeng karapat dapat para sa kanya.
Si Kelvin, siya parin ang kilalang babaero ng lahat. Pero napapansin ko kasi lately na parang lagi silang nagkakainitan ng ulo ni Jomania. Hindi ko alam kung anung meron sa dalawa pero bagay silang dalawa. Isang babaero at isang masungit. Posible kayang mapatino ni Jom si Kelvin kung sakali? At mapapa-tamed naman kaya ni Kelvin si Jomania? Basta sa ngayon sikat na international model si Jom at si Kelvin naman nasa top 1 list ng bachelors sa Pinas. Siya narin ang nagpapatakbo ng Bradford motors kaya mas lalong madaming babaeng nahuhumaling sa kanya.
Si Elisa and Tristan naman, on and off ang relasyon nila. Parehong mga immature at hindi pa nagmamatured. Minsan naisip ko kung kelan kaya sila magmamature kasi nga nakakairita narin ang bangayan nilang dalawa. Pero syempre mahal ko naman ang dalawang childish na yan.
Si Harley? Kasama ko siya ngayon, nanonood kami ng football sa Philippine Stadium. May laban kasi ang Azkals kontra sa Singapore team. Naimpluwensyahan narin ako ni Harley sa panonood ng football.
Siya na ngayon ang nag mamanage sa lahat ng business nila kaya most of the time bumibiyahe siya abroad for business matter. Mag six months na kaming nagka balikan and counting. Going strong na at ngayon marami na ang nagbago sa kanya. Naging mas matured na siya when it comes to our relationship and future. Naging open na kami sa isa't isa at mas naging understanding na siya compared nung una. Seloso parin pero natural lang naman yun siguro ang selos sa isang relationship. As long na hindi makakasira ng relasyon namin kaya okay lang. I find it cute when he's jealous.
Ako? Nandito na talaga sa Pilipinas nakatira although nag paiwan ang parents ko sa Australia. Pumupunta lang ako doon once a month para bisitahin sila at para narin icheck ang business ko dun. Naiturn over narin ni daddy ang pagmamanage ng business namin sa akin at sila naman ngayon nagtotour nalang around the world. Masaya sila sa mga nangyari sa buhay ko at lagi silang nandiyan para suportahan ako sa lahat ng mga desisyon ko sa buhay. Minsan nga naitatanong ko kay God kung anu ba ang nagawa kong mabuti dahil sa sobrang daming blessings ang dumadating sa buhay ko. Ako naman kasi ang tipo ng tao na kuntento na sa kung anung meron ako kaya siguro ibinagay sa akin ang lahat ng ito dahil alam Niyang hindi ko aabusuhin kung anu man ang meron ako.
Minsan pag nagkakaroon ng time para mag bonding ang barkada namin nagbabakasyon kami abroad or kahit dito lang sa Pilipinas. Naalala ko pa nung nag bakasyon kami sa Iloilo at first time na pupunta sila Tricia, Jomania, at Elisa dun. Pinagtripan sila ng Gforce at pina experience din sa kanila yung experienced nila nung unang punta nila dun.
Flashback..
" Josha, saan tayo sasakay? Bakit wala pa ang susundo sa atin? " Tanong ni Jomania.
May susundo naman talaga sa amin kasi may mga sasakyan na sila mama na binili na ginagamit nila sa farm or for family use. Kaso gustong ipaexperience ng Gforce sa tatlo na sumakay ng Jeep at mag commute kaya nakiayon narin ako. Gusto ko kasi makita ang reaksyon ng tatlo kapag nalaman nilang sa jeep kami sasakay.
" Cousin, walang susundo sa atin ngayon. We need to commute in order for us to reach the farm house." Sabi ko kay Jomania. Napasimangot naman si Tricia pagkarinig niya na magcocommute kami.
" Hey guys, stop arguing now. Ayan na ang jeep, gutom na ako kaya bilisan natin para makarating na tayo sa farm house niyo Josha! " Sigaw ni Peter sa amin. Napalaki naman ang mga mata ng tatalo nung malaman nila na mag jejeep lang kami.
" What? " Sigaw nilang tatlo. Natatawa ako sa reaksyon nila pero i tried to compose myself to look serious.
" Sasakay ba kayo o maiiwan kayo dito? Oh by the way, kung gusto niyong mag taxi wawarningan ko na kayo, kung ayaw niyong iligaw ng taxi mag jeep nalang kayo. You choose! " Hilarious! Epic na epic ang mga mukha nilang tatlo. Parang naka inom ng suka dahil sa sobrang asim ng mukha nila. Naglakad narin sila pasakay ng jeep at dahil naka high heels si Tricia nahirapan siyang pumasok sa loob. Nauntog pa ang ulo niya sa roof ng jeep kaya napamura siya ng wala sa oras.
" Shit! I hate you Josha! Why the hell we need to ride in this errr jeep?! Mayaman naman kayo bakit hindi kayo bumili ng maraming sasakyan? " Sa akin na ibinunton ni Tricia ang frustration niya kaya hindi ko nalang siya pinansin. Buong biyahe kaming walang imik ngunit dahil sa mga nadadaanan namin makikita mo na hangang hanga sila sa mga lugar na madaanan namin. Napangiti ako sa kanila, somehow lumalabas din ang pagkahilig nila sa nature.
End of flashback..
Kaya simula nun, kapag nagbibiyahe kami pauwi ng Iloilo hindi na siya nagheheels at naka dress kundi naka sneakers nalang siya at naka simpleng top tank and jeans nalang. Biglang nabalik sa reyalidad ang isip ko nung marinig ko ang hiyawan ng mga tao dito sa stadium. Naka score pala ang Azkals kaya sila nag hiyawan. Half time break kaya nagpunta sa bleachers ang bawat team. Tumingin naman ako sa LED kung saan nakalagay ang score ng bawat team pero lumuwa ang mga mata ko sa nabasa ko dun.
Joshane Querah Alvarez, will you marry me?
At nagkaroon ng slideshow ng mga pictures namin na magkasama ni Harley. Lumingon ako sa kinaroroonan niya na nangingilid na ang mga luha ko. Ngiting-ngiti siya sa akin at halos lahat ng tao sa amin nakatingin. Pag tingin ko ulit sa LED kami na ang nakikita ko dun yung live na video namin ngayon. May lumapit na guy na may hawak na microphone at ibinigay ito kay Harley. Bigla namang tumugtog ang song ni Adam Sandler na " Grow old with you" (kindly play the video on the side). Hilam na ako sa luha pero hindi mapagsidlan ang kasiyahan ko sa mga oras nato. Sobrang nag uumapaw na parang malulunod na ako sa matinding kaligayahan.
" Babe," Nag crack na ang boses ni Harley sign na naiiyak narin siya. " We've been through a lot of sacrifices and pains. I know i'm not a perfect boyfriend for you and not even your ideal boyfriend. But i just want you to know that you are the love of my life. I want to spend the rest of my life with you. I want you to be my bride, my wife, and future mother of my kids. I want to tell the world how much i love you." He paused and take out the red box in his pocket and he opened it. Napasinghap ako at napatakip sa bibig ko kahit na alam ko na kung anu ang laman ng red box na yun.
So here I am, standing in front of 30,000 people to witness my proposal to you.
Joshane Querah Alvarez, will you be my wife? " Umiiyak na sabi ni Harley. Kinuha ko sa kanya ang microphone.
" Akala ko manonood lang tayo ng football! " Sabi ko habang nagpapahid ng luha ko.
" Hindi ko man lang alam na marriage proposal pala ito. Hindi tuloy ako nakapag handa. " Tumawa naman ang mga tao sa sinabi ko.
" Harley Scheffer Branston, yes, i will be your wife! " Sagot ko sakanya. Naghiyawan ang mga tao nung marinig nila ang sagot ko. Hinalikan ako ni Harley sa labi in front of 30,000 people. Isinuot na niya sa daliri ko ang singsing na hawak niya.Sobrang nag uumapaw sa kaligayahan ang puso ko. Kinuha niya ang microphone at nagsalita ulit.
" I love you to the moon and back! " - Harley
May narinig kaming helicopter na paikot ikot lang sa stadium at may tarpaulin na nakasulat dun na " I love you Joshane! " . Nag hulog din ng mga petals sa ere ang helicopter. Sobrang daming petals na color white, red and pink. Umalis na ang helicopter at biglang nagliwanag ang kalangitan dahil sa mga fireworks.
Dumating din sa stadium ang parents namin ni Harley at ang mga kaibigan namin para batiin kaming dalawa. Pinakita ko kay Tricia ang daliri ko na may nakalagay na ring. Sobrang saya ng lahat at halos lahat sila masaya para sa amin ni Harley. Ito na ang simula ng bagong chapter ng buhay ko kasama na siyempre si Harley.
The real promise is if the time you spend together will be worth the pain in the end. Totoo naman na naging worth it din yung pain naranasan ko dahil ngayon kasama ko na ang taong naging dahilan kung bakit nasaktan ako noon. True love! Yan ang love na meron kami para sa isa't isa kasi kung hindi tunay ang love namin sa isa't isa siguro wala kami ngayon dito. Hindi ko mararamdaman ang ganitong feeling ngayon.
Ako si Joshane Querah Alvarez, dating scholar sa isang sikat na university. Binully at inapi pero nagpakatatag at itinuring na malaking pagsubok sa buhay ang lahat ng yun.
Love is very magical. Sino ang mag aakala na magkakaroon ng mala fairy tale love story ang isang scholar sa isang heartthrob ng bayan? Simpleng tao lang naman ako noon nung makilala ko siya pero minahal niya ako at itinuring na espesyal na tao sa buhay niya.
" Someday, you will find the one who will watch every sunrise with you until the sunset of your life.. "