Chapter 53: He's choice.

Rem Ezekiel Point Of View

I wonder why Gab didn't use my money, I thought she's using credit cards pero hindi, I check all of her accounts even her credit cards para bayaran pero wala. Hindi niya ginagalaw ang pera na inilagay ko sa atm niya, iyong cash na ibinigay ko sa kaniya hindi niya ginalaw kung saan ko nilagay, nakapag-tataka na meron siyang ginagastos na pera pero walang bawas lahat ng binibigay ko sa kaniya iyon pala dahil sa nagtatrabaho siya. No fucking way, this can't be.

Fuck it. I really can't believe that she's doing this, damn! Sinabi niyang hindi siya hihingi sa akin, bigay ko 'yon sa kaniya at responsibilidad ko na bigyan siya, Fuck! She's working as a waitress? Like shit! This can't be.

"What's with that face Buddy?" Kaagad akong napalingon sa pintuan at nakita kung pumasok doon si Rev.

"What are you doing here?" I frustrated brush my hair using my hands.

"Problem?" I glare at him.

"Wala ka bang balak na sagutin ako ah? Gago!" Naiinis na sigaw ko kay Rev.

"Ow... Timing naman sa bad mood," Pang-aasar ni Red na pumasok sa loob ng opisina ko kasama sila Ren. Ano namang ginagawa ng mga 'to rito?

"I don't have time for you guys, so get out." Pagtataboy ko sa kanila.

"Ganiyan mo ba itrato si Sammy-baby kapag bad trip ka? Pinagtatabuyan?" Ngumisi ako ng nakaka-asar.

"I never push her away from me pero siya? Kulang na lang ipagtulakan ako palabas ng pinto." Naiiling kung sabi. All the time this past month ganu'n siya sa akin. Her phone is always out of coverage, like fuck. Hindi ko makuntak-kontak, she's so cold to me.

"Sino ba naman kasing magiging masaya kung may anak ka sa labas?" Inis na tanong sa akin ni Ren.

"I saw her, working?" Napatingin ako kay Rev.

"When?" Takang tanong ko sa kaniya.

"Last time, pumunta kami rito para ipaalam sayo if ever na 'di mo alam or ikaw ba mismo nagsabi na mag trabaho siya?" Rev look at me seriously.

"I'm not crazy to ask her to work, I can give her a good life! Damn! I saw her today, this is so shit! Fuck it." Sinipa ko ang swivel chair ko at humarap sa bintana habang pinipigilan ang galit ko.

"I don't know why but seems she's weird," Rex commented.

This is not the life I want for her, she will never gonna work again! I think I need to explain because on what she saw earlier, I don't want to think her negatively about Bianca and I.

Samantha Gabrielle Point Of View

"Kailan pa Gab? Hindi na sapat ang binibigay ko? Kulang ba? Ah? Kulang ba para mag trabaho ka bilang waitress?" Nagulat ako ng pagkapasok ko sa bahay boses kaagad ni Ezekiel ang sumalubong sa akin.

Ramdam ko ang galit niya sa bawat titig niya sa akin, nakayuko lang ako habang nakapatayo sa likod ng nakasarang pinto.

"H-hindi. Katulad ng sinabi ko, kaya ko ang sarili ko at hindi ako hihingi sayo. Ginagawa ko lang 'yong bagay na kailangan kung gawin." Deritsahang sagot ko sa kaniya habang nakatitig sa mata niya.

"Tch, kailan ka pa natutong mag trabaho ng ganu'n daig mo pa ang katulong sa kaliwa't kanang utos! Damn! Hindi ka ba napapagod?" Tumayo siya at lumapit sa akin.

"Nakakahiya naman kung perang pinagpaguran mo ang gagastusin ko, may binubuhay kang pamilya ayaw ko ng dumagdag pa. Kaya kung buhayin ang sarili ko—"

"Hindi ka na nahiya! Ano na lang ang sasabihin ng mga taong may makakilala sayo? Asawa ni Rem Mendoza isang waitress?!" Sigaw niya sa akin na ikaigtad ko sa pagbigla at 'di ko namalayan na tumulo ang luha ko. Nakita ko naman siyang natigilan.

"W-wag kang mag-alala hindi ko binibitbit ang pangalan mo sa kahihiyan, pero sa totoo lang walang nakakahiya sa ginagawa ko talagang kinakahiya mo lang na ako ang naging asawa mo. Pasensiya na ah? Ikaw ang nahihiya para sa akin, bakit hindi mo pa ako h-hiwalayan? Siguro doon lang naman 'to papunta," Nakatingin sa kaniyang mata na sambit ko nakita kong nagkaroon ng emotion sa kaniyang mukha, hindi iyon galit, reaksyon na pinagsisihan ang sinabi niya.

"Nagtrabaho para hindi umasa sayo, pero hindi ko akalain na kinakahiya mo pala ako. Sorry ah? Ganito lang ako, siguro dapat na palayain mo na ako, total may pamilya ka na, hindi ko na alam kung saan ako lulugar, hindi ko na rin maramdaman na asawa kita, siguro dahil sa hindi na tayo katulad ng dati, siguro dahil wala ka ng oras para sa akin. Hindi ko na nga matandaan kung kailan kita nakasama, hindi ko na matandaan na ako ang dahilan ng iyong pagtawa, sa madaling salita, hindi na ako."

"Hindi. Hindi ko gagawin 'yang sinasabi mo, you must be follow me. Walang lalabas hangat hindi ko sinasabi Samantha Gabrielle! From now on, you're not working anymore, you'll stay here, with the five servant, weather you like it or not. Don't you ever think to disobey me,"

Pilit akong ngumiti at tumango sa kaniya, ayaw ko ng pahabain pa ang usapan na ito, gusto ko ng magpahingga, gusto ko ng i-relax ang sarili ko dahil sa maghapon stress at pagod.

"About what you saw, that's—"

"It's okay. It's your responsibility I understand. I am not asking for your explanation, I feel sorry. I'm sorry dahil nag lihim ako sayo, sorry kong nararamdaman mong pinapahiya kita, it's not my intention ayaw ko lang na makadagdag sa p-problemahin mo," Putol ko sa sasabihin niya at bahagya akong yumuko, I am sincere, kasi alam kung may mali ako.

"Wala ka bang sasabihin sa akin?" He ask. Anong sasabihin ko sa kaniya? Nakapag-sorry na naman na ako ah? Ako na nga palaging nag s-sorry tapos—wait? Isang bagay lang ang hindi niya alam, that I'm pregnant.

"Gab..." He call me so calm and he walked towards me. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nakita kong seryoso siyang nakatitig sa akin, mga ilang minuto akong naghintay sa sasabihin niya pero wala akong narinig.

"A-akyat na ako," Kaagad kong iniwas ang mata ko sa kaniya at naglakad ako ng dahan-dahan papunta sa kwarto, inilapag ko sa kama ang dala kong shoulder bag at napaupo ako sa paanan ng kama, I was crying silently, gusto kong ilabas ang hinanakit at sakit na nararamdaman ko sa pag-iyak, wala naman akong ibang ginagawa kapag nararamdaman ko ito, iniiyak ko lang ang lahat.

Sa totoo lang gusto kong marinig ang paliwanag niya pero naiisip ko pa lang na baka kasinungalingan lang ang sasabihin niya mas mabuti ng wag ko na lang alamin pa, kung ano ang nakita't narinig ko 'yon na 'yon. I feel so insecure, I feel so lonely. Naiingit ako na nilalabas niya ang mag-ina niya samantalang akong asawa niya tinatangihan niyang samahan, hindi niya ako nagagawang kamustahin sa maghapon, sa pag-uwi naman niya masyado ng malalim ang gabi hindi naman kami nakakapagsabay sa pagkain, kulang na lang hindi kami magkita.

Ngayon, nag decision siya para sa akin. Asawa ko siya at alam kung may galit siya sa akin dahil sa paglilihim ko sa kaniya, siguro sapat na dahilan na para mapatawad niya ako kapag sinunod ko siya. Mahirap man iyon para sa akin na baguhin ang nakasanayan ko, pag-aralan ko ulit kung paano magsimula ng pwedeng pagka-abalahan.

Lumipas ang mga araw na palagi lang akong nasa bahay, sinunod ko ang sinabi niya hindi ako lumalabas ng bahay nag resign na din ako kahit walang Pormal na resignation kay Annie okay lang sa kaniya dahil mas mabuti raw iyon para sa akin.

Katulad ng dati nararamdaman ko pa rin na mag isa ako kahit na madami akong katulong na kasama sa bahay. Palaging busy si Ezekiel, laging late umuuwi pero may nagbago sa kaniya, iyon bang walang gabi na wala siyang dala para sa akin. He buy me expensive jewelry, branded bags, clothes even shoes. Iyon wala akong hinihinggi pero binibigay niya, sa iisipin na nagagawa niya akong bigyan ng kung anu-ano ay mapapangiti ako pero may parte sa akin na nalulungkot ako.

Aanhin ko ang mamahaling alahas, magagandang damit at branded na bags kung hindi naman ako lumalabas? Hindi naman material na bagay ang gusto ko, all I need is he's attention, he's time for me! But seems he can't give me.

These past few days I can't understand what's going on me, sometimes I feel so sad, sometimes I'm lonely and feel alone, I hate him but sometimes I really miss him to the point I want him always on my side. This is the weird things I really felt, right now.

I am lying on the bed while waiting for him it's already ten in the evening, I can't sleep feels like I really missed him. Hindi ako makakatulog na hindi siya makikita at makakasama.

Nakadapa ako sa kama habang yakap-yakap ang unan niya habang nakaharap sa pinto, inaabangan ko ang pagbukas ng pinto at ang pagpasok niya.

Siguro maghahanap pa siya ng pwedeng i-regalo sa akin? Siguro may pasalubong na naman siya sa akin na magugustuhan ko?

Ganito siguro kapag buntis ang daming challenge.

"Ezekiel!" Tawag ko sa kaniya at napabangon ako sa kama at tumakbo papalapit sa kaniya at yumakap ako sa likuran ng makita ko siyang pumasok sa loob ng kwarto akala ko hindi na siya darating eh, ang tagal ko ng naghihintay.

"Why are still awake?" I pouted ng maramdaman kong tinatanggal niya ang kamay ko na nakayakap sa kaniya, pero kaagad rin naman akong napangiti ng humarap siya sa akin at hinila niya ako papalapit sa kaniya at niyakap niya ako, kaya niyakap ko rin siya ng mahigpit.

"I miss you! Bakit ngayon ka lang?" Tanong ko habang nakayakap sa kaniya, pinakawalan niya ako sa yakap niya at hinalikan sa noo.

"I miss you too, go back to sleep Gab." Utos niya at kaagad na umalis sa harapan ko, pumasok siya sa walk-in closet at nang lumabas siya ay napakunot ang noo ko ng makita ko siyang hindi nakapantulog kundi nakabihis siya.

Kakarating niya pa lang alis na naman siya? Kaagad akong sumunod sa kaniya ng lumabas siya ng kwarto, maingat akong bumaba habang sinusundan siya na nag-aayos ng suot niya.

"Saan ka pupunta? Gabi na ah? Kakauwi mo pa lan—" He cuts me off.

"Wala akong oras sa mga tanong mong 'yan kailangang-kailangan ako ni Bianca, hindi ko siya pwedeng pabayaan at basta-basta na lang iwan. You know the situation Gab, I need to go," Malamig niyang ani sa 'kin.

Kailangang-kailangan ni Bianca? So ako? Ako pababayaan at iiwan niya? Bakit hindi ko ba siya kailangan? Parang may sumaksak sa puso ko sa mga  binitawan niyang salita. Ang sakit.

"Kailangang-kailangan ka niya? So? Inaakala mong hindi kita kailangan? Namin? Lagi na lang siya. Bakit mahal mo pa ba?— Ex-fiancee mo lang siya 'di ba? Bakit kasi inanakan mo siya habang asawa mo ako? Ako? Asawa mo ako Rem! Mamili ka siya o ako?" Naramdaman kong namumuo na ang luha ko sa gilid ng mata ko pero pinipigilan kong lumabas.

"Ano bang klaseng tanong 'yan Gabrielle? Sa ayaw at sa gusto mo aalis ako. Hindi mo ko mapipigilan. Matulog ka na masyado ng mal—" I cuts him off.

"So siya? Ang dami mo pang sasabihin pero wag mo ng ituloy alam ko na ang sagot mo sa tanong ko. Fine! Sa kaniya ka na, total lagi ka namang nasa kaniya wala ka naman palagi sa 'kin. Sa 'min, sana kahit ngayon lang ako naman ang unahin at piliin mo pero hindi... Ex always win. Wala akong laban," Umiiyak kong sambit dahil hindi ko na mapigilan ang luha ko. Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya.

"S-sa 'min? W-what do you mean?" Nanginginig ang boses na ani niya.

"Kailangan kita pero sinabi mong kailangang-kailangan ka niya, sino ba naman ako para pigilan ka?" Pinahid ko ang luha ko.

"Kaniyang-kaniya ka naman talaga hindi ba? Never ka namang naging sa 'kin, kung aalis ka mas mabuti pang wag ka ng bumalik dahil wala ka naman ng babalikan pa rito," Sambit ko.

Nginitian ko siya tanda na okay lang na umalis siya. Pero ang ngiting iyon may kasabay na luha na umaagos sa aking pisngi. I can see the pain in his eyes but I know he's decision never changed.

Aalis na sana ako ng bigla niya kong hinila papalapit sa kaniya at mahigpit na niyakap.

"D-dont. Dont leave," Natawa naman ako sa sinabi niya don't leave? Bakit ako ba ang aalis?

"Sa pagkaka-alam ko ikaw ang mang-iiwan sa 'kin? 'Di ba dapat ako ang nagsasabi niyan sayo?" Malamig kong sambit at pinakawalan niya na ko sa yakap. Umiling siya na at pinupunasan ang luha ko.

"Babalik rin naman agad ako pero sa sinasabi mo parang hindi kita maabutan rito, wag ka namang ganiyan oh!" Sambit niya sa nagmamaka-awang boses.

"Doon ka na kahit wag ka ng bumalik total lahat ng tungkol sa 'kin limot mo pero pagdating sa kaniya lahat tanda-tanda mo, ang dami ng nagbago sa atin, hindi ko alam kung bakit," Inalis ko ang kamay niya sa mukha ko at tumalikod na sa kaniya.

"Love no! That's not true. Your a very important person to me a very special..." aniya na ikinaharap ko sa kaniya na may asar na ngiti na naka ukit sa labi.

"Really? I'm important? Special to you? Ow! Alam mo ba kong anong araw ngayon? Sympre hindi! Rem it's our first anniversary! Now tell me am I important? Special? Rem if I am. Kahit inuwi mo man lang ako ng maaga para sabay tayong mag dinner. Kahit do'n man lang maramdaman ko na special at importante ako sayo."

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya. See? He forgot about us. He forgot our first anniversary. Yeah, walang araw na hindi niya pinapakita sa akin na mahalaga at mahal niya ako pero ng malaman mong may anak na siya, madami ang nagbago sa aming dalawa, dahil ang sakit eh. Ako ang asawa pero may anak siya sa iba na palagi niyang inuna. Ang graduation day namin na inakala kong pinaka-masayang araw naming dalawa na magkasama pero nagkamali ako, iyon pala ang araw na hindi ko makakalimutan, araw na dinurog niya ako ng pinung-pino.

"Pero hindi... Hindi ko naramdaman na importante at special ako sayo. Hindi ko naramdaman kahit ngayon lang, uunahin mo pa siya kesa sa 'kin. Sayang lahat ng effort ko sa araw na 'to na ako lang pala ang excited sa araw na ito na hindi ko akalain na iiyak lang pala ako," Dagdag ko pa.

"I—" I cuts him off again.

"H-happy first anniversary! Sana mae-enjoy niyo ang gabing 'to," Pinilit kong pasiglahin ang boses ko at pilit ko siyang nginitian kahit durog na durog na ko. Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya tumakbo na ako papa-akyat sa kwarto.

Pagkasara at lock ko ng pinto kaagad akong napasandal sa nakasarang pinto. Para akong nanghihina nauubusan na ko ng lakas. Kaya dahan-dahan akong napaupo sa lapag habang nakasandal sa pinto at malalakas na humihikbi.

Pinaghandaan ko ang araw na 'to tapos mauuwi lang pala sa ganito. Bakit? Bakit ko nararamdaman ang ganitong sakit? Bakit kailangan kong naranasan 'to? Masama ba ako?

May surprise pa naman ako sa kaniya pero mukhang hindi niya na kilangan pang malaman, actually graduation gift ko pa dapat ito sa kaniya pero hindi ko nasabi dahil sa nangyari. Pupuntahan niya si Bianca for sure magtatagal siya roon dahil kailangan raw siya. Kailangang-kailangan!

Anong laban ko? Kailangan ko lang siya at kailangang-kailangan naman siya ni Bianca ng anak nila. Napahawak ako sa tummy ko at masuyo ko itong hinaplos.

"O-okay ka lang ba diyan b-baby ko? S-sorry mukhang tayong dalawa lang lagi ang m-magkasama. *Sob* Wag kang magtatampo ah? *Sniff* Nandito si Mommy para sayo, I promise aalagaan at iingatan kita ng sobra... I love you my little angel. Mommy loves you. Always," Pagkakausap ko sa maliit kong tummy.

Yes. Im pregnant. I'm 3 weeks pregnant ito sana ang surprise ko kay Rem ngayong first anniversary namin ang sabihin ko na dapat sa kaniya na magkaka-anak na kami, pero nauwi lang sa wala. Nakalimutan niya ang mahalagang araw naming dalawa.

Kailangan ko siya, kailangang-kailangan namin siya ng baby ko pero mas gusto niya kay Bianca, mas gusto niyang puntahan ito kaysa manatili sa tabi ko. Hindi ako aasa na pag gising ko nandidito siya. Hindi na ako aasa pa sa kaniya.

"I'm going to be a mother I can't wait to see you baby..." Sabi ko sa sarili ko at ngumiti na para bang nakikita ako ng baby ko na buhat-buhat ko, I can't wait the day I was holding my baby, pero may part sa akin na malungkot dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa baby ko kapag lumaki siya na wala siyang kinikilalang ama, hindi ko rin alam kong tanggap siya ni Rem. I don't know if he want this but for me? My baby is the best gift and blessing in our first anniversary.

"I'm so happy baby," I said while caressing my small womb, I'm sorry because I can't promise that I can give my baby a complete family, I'm sorry kong hahayaan ko ang Daddy niya na mapunta sa iba, wala naman akong ibang hinangad kundi ang magkaroon ng lalaking magmamahal sa akin tapat pero dumating si baby sa buhay ko, hindi ko kailangan ng lalaki cause for now?

My baby is my priority.

Ngayon pa na handa na akong sabihin sa kaniya ang tungkol sa baby namin, ngayon naman siya aligaga na balikan ang mag-ina niya. Siguro nga tama lang na nilihim ko sa kaniya ang anak ko.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.