Rem Ezekiel Point Of View
Abala ako sa pagbabasa ng mga kontratang dapat kung pirmahan, dahil nakaugalian ko na ito ang magbasa bago pumirma mahirap na Kasi baka may makasalisi. Nang marinig ko ang mahinang katok sa pinto.
"Come in," I formally said, and I saw my secretary.
"Escuse me Sir, Mr. Garcia wants to talk you," Pormal niyang sabi at tumango ako sa kaniya, sinyas na papasukin niya ang bisita.
"Make us a coffee." Turan ko pa sa kaniya.
Ano naman kayang sadya ng ama ni Gab, at talagang pumunta pa rito?
"What a workaholic son-in-law I have? Hindi kaya nawawalan ka na niyan ng oras para sa anak ko?" Bungad niya na ikinatayo ko, ngumiti ako sa kaniya at sinalubong siya.
"Dad, what's brought you here?" Nakipag kamay ako sa kaniya.
"I personally came here to personally talk to you, sana ay hindi ako nakaka-esturbo?" Umiling ako at sumenyas sa kaniya na maupo sa visitors chair.
"No, by the way what's the matter all about?" Naupo ako sa kaharap na upuan sa harapan ng lamesa ko.
"About my daughter." Napalunok ako sa sinabi niya, wala akong nakikitang emotion sa mukha niya iba ang kaniyang mga tingin hindi ko malaman kung anong tungkol kay Gab ang gusto niyang pag-usapan, wala akong nakikitang problema maliban na lang kung nalaman nila ang tungkol sa anak namin ni Bianca, fuck.
"I want you to know that I cut everything connection to my daughter's account. Ibig sabihin ay pinagkakatiwala ko na sayo ng buo ang anak ko, mula sa araw na ito wala na siyang matatangap na kahit Isang centimos sa akin, sa totoo lang ay ayaw kong gawin ito pero sa sinabi ng asawa ko ito ang tama," He paused.
"Naiintindihan ko po, akong bahala sa anak niyo." Sagot ko dahil alam ko na ang ibig niyang sabihin, hindi na siya magbibigay ng allowance ni Gab, at bilang asawa niya ako na dapat ang magbibigay niyon sa kaniya, mga pangangailangan at ka-gustuhan niya.
"Gusto kong makasigurado na magiging maayos ang buhay ng anak ko sa piling mo, isang bagay lang ang hihilingin ko sayo. Pakamahalin mo siya higit pa sa pagmamahal na ibinibigay ko sa kaniya, sana ay hindi ka magsawa sa ugaling mayroon siya." Napahinto siya sa pagsasalita ng marinig ang mahinang katok at pumasok ang secretary ko na may dalang dalawang tasang kape.
"Thanks." Saad ko ng mailapag nito ang kape at kaagad ring umalis.
"Don't worry Dad. I give everything she's needed and she wanted. I assure you that, lahat ng bagay na nakukuha niya noon, siguradohin kung magkakaroon siya ngayon, higit pa sa kung anong meron siya. I want you to know that I love your Daughter, every single minutes." Ngumiti ako sa kaniya na ikinatango niya.
"Mabuti kung ganu'n, aasahan ko 'yan Rem." Sumimsim siya ng kape.
"Ngayon malinaw na sayo, ikaw na bahalang magpaliwanag sa kaniya. Give her a kiss for me, I have to go." Tinap niya ang balikat ko ng makatayo.
"I will." Kaagad kong tugon.
Nang maka-alis siya kaagad akong bumalik sa upuan ko at may tinawagan ako para makapag-transfer ng pera sa account ni Gab. An enough money to afford her wanted and she needed, ayaw kong magtaka siya na walang laman ang mga cards niya.
Samantha Gabrielle Point Of View
Tiningnan ko ang mga damit ko sa closets wala akong nabiling bago ngayon dahil sa walang laman ang cards ko pero alam kung madami akong damit na bago na hindi ko pa nasusuot kaya pwedeng doon na lang ako mamili para bukas. Tuloy na ang pagdalo ko sa binyag ng anak ni Annie lalo't pa siya ay boss ko ngayon.
Buti na lang at tinanggap niya ako sa isang condition na magiging Ninang ako ng anak nila, hindi naman mahirap 'yon kaya tinanggap ko na may mapagkakakitaan man lang ako. Ayaw niya nga ako g gawing waitress pero nagpumilit na ako nakakahiya naman kung biglang nasa cashier ako since wala naman vacant doon.
"Hey," Napalingon ako sa nay pintuan ng marinig ko ang boses ni Ezekiel, napatingin ako sa wrist watch ko alas dyes singkwenta ng gabi naiisip niya pa rin palang uwiin ako? Akala ko kasi hindi, na sanay na akong mag-isa maghapon na walang text o tawag, parang wala nga akong asawa.
Kinuha ko ang mga damit ko na nagkalat sa kama sa dami ng hindi ko pa nasusuot nahihirapan akong pumili na kung anong magandang isuot, akala ko kasi hindi siya uuwi kaya sinulo ko na ang kwarto.
"Hi." Tipid kong sagot sa kaniya habang abala sa paglalagay sa paper bag ng mga damit ko. Since nakalagay pa sa paper bag kaya binabalik ko lang.
"I didn't bother you whole day, how's your day?" Hindi niya ako inabala maghapon o wala talaga siyang balak na kausapin ako. Naglakad siya papalapit sa akin at ng akmang hahalikan niya ako kaagad kong iniiwas ang mukha ko sa kaniya dahilan para matigilan siya.
"Hm... Okay lang, sanay na ako na hindi inaabala." Labag sa loob kung sagot at naglakad ako papunta sa closets ng maramdaman ko ang kamay niya sa braso ko dahilan para mapatingin ako sa mata niya.
"Hindi mo ginalaw 'yong pagkain kaninang umaga na—"
"Sorry naging busy ako, don't worry lilinisin ko 'yon pagkatapos ko rito nawala rin kasi sa isip ko." Nakalimutan ko na 'yon paniguradong sira na Kasi kanina pang umaga 'yon nadatnan niya pa.
"That's not what I mean, kumain ka ba maghapon?" Tango lang ang isinagot ko sa kaniya at inalis ang pagkakahawak niya sa akin.
"Hindi mo na naman na problema kung kumain ako o hindi, magpahingga ka na."
"Iniiwasan mo ba ako? Gab, alam kung may kasalanan ako sayo pero wag mo nama—"
"Wala akong sinabi, wala akong ginagawa, wala rin akong hiniling na kahit ano mula sayo, wag mo ng simulan please lang." Putol ko sa sasabihin niya at naglakad ako papunta sa closets kaagad kong inayos ang mga gamit ko at paglabas ko ng kwarto wala siya, paniguradong naglilinis siya ng katawan kaya kinuha ko ang unan at kumot ko dinala ko sa Sala bago dumiretso sa kusina.
Pagbukas ko ng mga pagkain na tinakpan ko kanina ay sira na nga, nasayang tuloy ang effort nila Shaine hindi ko man lang nakain. Nilagay ko sa basurahan ang mga panis na pagkain at hinugasan ko ang mga kagamitan. Nakaramdam ako ng antok ng pagkatapos ko maghugas kaya kaagad akong bumalik sa Sala.
Inayos ko ang mga throw pillow, kasya naman ako rito isa pa may aircon naman kaya parang nasa kwarto lang ako.
"Wag mong sabihin na diyan ka matutulog?" Bakit saan pa? Sa kwarto kasama siya? Tapos ano? Busy siya phone niya habang kausap si Bianca kahit na doon na siya nanggagaling?
"Dito ako komportable," Nahiga na ako at narinig kong naglakad siya pababa.
"You father talk to me earlier he said—"
"I know. Tumawag sa akin si Mom about that. Don't worry, hindi ako hihingi sayo." Hindi ko mapigilang tumulo ang luha ko.
Kakatawag lang ni Mommy sa akin, pagkadating ko rito sinabi niyang hindi na sila magbibigay sa akin ng pera dahil may asawa na ako, kaya naisip kong 'yon ang dahilan kaya wala akong pera kahapon. Well, wala naman talaga akong kung any laman na iyon cards ko hindi pa rin iyon sa akin. Kay Ezekiel 'yon.
"Yeah, but it's my responsibility to give everything you needed and wants to make you happy,"
"Do you think money make me happy?" Kaagad kong tanong sa kaniya. Nilingon ko siya at ngayon ko lang mapag-tanto na naka-upo siya sa tabihan ko habang nakatitig sa akin.
Hindi kailanman nababawasan ng kahit ilang halaga ng pera na ilagay niya sa accounts ko ang sakit na nararamdaman ko, ang pagtitiis na dinadanas ko.
Isa lang naman ang magpapasaya sa akin eh, ang maging akin siya ng buong-buo, amin ng anak ko. Pero malabo ng mangyari iyon.
"Hindi kita tinatalikuran Gab, oo, may anak ako kay Bianca pero hindi ibig sabihin no'n mahal ko siya, Ina siya ng anak ko pero ikaw ang mahal ko, isang bagay lang naman ang gusto ni Bianca para sa anak namin, ang magpaka-ama ako sa bata. I am just doing my responsibility as a father nothing more, You're my wife the girl I—"
"Sa papel. Asawa mo ako sa papel, wala akong sinasabi na wag mong papanindigan 'yong bata, wala rin akong sinabi na wag kang magpaka-ama, sana nga 'yon lang ang ginagawa mo. Hahayaan kitang gawin lahat ng gusto mong gawin kasama ang mag-ina mo dahil alam kung doon ka naman masaya," akmang pupunasin niya ang luha sa pisngi ko pero inunahan ko siya. I can wipe my own tears.
"Wag mo na akong pagka-abalahan, masasayang lang ang oras mo. Kaya ko ang sarili ko, at kakayanin ko para—" Para sa anak ko. Salitang hindi ko matapos-tapos.
"Para sa atin, dahil mahal kita, kaya kung magtiis," Pagpapatuloy ko.
"You don't need to do that, Gab. Listen, I'm sorry about last time, I'm sorry for everything what I have done, I swear I didn't mean to hurt you, I—"
"Tama na, inaantok na ako. Please, iwan mo na ako." Putol ko sa sasabihin niya at tumalikod sa kaniya.
Hindi ko na naman narinig na kinulit ako, until I heard a foot step away from me. I cried silently. Masyadong mababaw ang luha ko, bakit ganito ang sakit pa rin, kahit na alam kong sanay na ako. Sanay na akong mag-isa sa lahat ng bagay.
Sa pagkain, sa pamamasyal, sa pagbibigay ng gusto ko para sa sarili ko, sa lahat, ako ang nagpapagod para sa sarili ko, at para sa baby ko.
Pagkatapos ng binyag na dinaluhan ko isa na akong regular na waitress sa shop nila Annie, pa-minsan-minsan napapatanong siya bakit? Bakit ko raw ginagawa ito? Ngiti lang ang tanging sinasagot ko sa kaniya ayaw ko na may maka-alam pa
Magdadalawang buwan na akong nagtatrabaho rito, masasabi kung okay naman siya dahil natutugunan ko lahat ng pangangailangan ko, nakakapag-ipon na rin ako para sa panganganak ko, nakapagpa-check up ako, nakakapagod pero sanay na rin naman ako sa trabaho ko kaya masaya rin naman.
"Girl, number 25." Binigay sa akin ni Fae ang tray na may lamang pagkain, siya pala iyong babaeng sumalubong sa akin ng unang araw ko ditong pumasok.
"Sige," Kaagad kung kinuha ang tray at tray at hinanap ko kung na saan ang customer na may number 25, masama ang pakiramdam ko ngayon pero kailangan kung kumayod, medyo nahihilo nga ako pero hindi ko lang pinapahalata.
"Hello Ma'am, Sir, this your order." Nakangiting sabi ko habang isa-isang nilalapag sa table ang pagkaing order nila.
"Thank you. Babe your favorite," Saad ng babae seems like she's familiar may hawak siyang bata. Napatingin naman ako sa kasama niya, nanlaki ang mata ko ng makita ko siya at kaagad akong bumaling sa babae bago ako tumingin sa kaniya.
Akala ko namamalik mata lang ako na si Ezekiel ang naka-upo sa harapan pero ng muli kung tingnin ang babae doon ko na alala na siya si Bianca. Bakas sa mata ni Ezekiel ang pagkagulat ng makita ako, he look at me head to toe na siyang ikina-yuko ko. Hindi niya alam na nagtatrabaho ako, hindi ko rin alam kung anong magiging reaksyon niya ngayon na alam niya na.
"E-enjoy your meal, Ma'am, S-sir," Halos hindi ko na mabigkas ng maayos ang salita ko. Ramdam ko sa dibdib ko ang kirot at sakit, pilit akong ngumiti at muli ko silang pinagmamasdaan. Sana ako na lang siya...
Kaagad akong humakbang papalayo sa kanila ng bigla akong makaramdam ng hilo dahilan para mapatigil ako sa paglalakad at muntik pa akong matumba.
"Gab?" Rinig kong tawag sa akin ni Ezekiel siguro napansin niya akong muntik matumba kaya naman kaagad akong humakbang papunta sa loob ng mawala ng kaunti ang pagkahilo ko.
Sa dami-daming shop na pwede nilang kainan bakit dito pa? Sa lahat pa naman na pwedeng mag serve sa kanila bakit ako pa ang natuka na magdala ng pagkain nila?
"Ayos ka lang Sam? Muntik kang matumba kanina ah, may sakit ka ba?" Puna ni Fae sa akin. Umiling lang ako at ngumiti sa kaniya.
"Siguro, sobra kang na gwapuhan sa lalaking iyon nu? Oyy! Unfairness ahh titig na titig sayo papalapit ka pa lang ang lagkit na kaagad ng tingin niya, mukhang gulat na gulat pa nga eh," Panunukso naman sa akin ni Bela.
"Tumigil ka nga diyan Bela! Sino ba naman kasing hindi mahihilo kung 'yong asawa mo may ibang kasamang lumabas may anak pa." Napatingin ako kay Fae na nakakunot ang noo.
"H-huh?" Ano bang alam niya?
"Wag ka ng magmaang-maangan pa, ako ang nasa cashier kanina at ng iabot niya sa akin ang card niya napansin kung kasal na siya at 'yong singsing na suot niya nakita ko na ang kapareho no'n tiningnan ko ang kamay ng babaeng kasama niya wala akong nakita, basta alam kung nakita ko na ang singsing na kapareho no'n at naalala kong sa kamay mo iyon nakita ko, ano tatanggi ka pa?" Paliwanag ni Fae habang nakatingin sa kamay ko.
"Totoo ba 'yan? Girl ano? Totoo? Asawa mo ang gwapong—"
"Hindi ito ang oras para sa daldalan, magsilabas kayo doon." Biglang pumasok sa kitchen si Ma'am Annie na ikinatigil ni Bela sa kakatanong sa akin, tumingin ako kay Fae at ngumiti siya sa akin na para bang naawa? Basta alam kung ngiting dinadamayan niya ako?
"Oh, ayos ka lang ba? Namumutla ka ah?" Puna sa akin ni Ma'am Annie.
"O-okay lang po ako Ma'am." Ngumiti ako sa kaniya.
"I told you just call me Annie, pahinga ka na muna baka naman so—"
"Sam, may gwapong naghahanap sa iyo sa labas," Biglang sulpot ni Bela pero agad ring natigilan ng makitang kausap ko si Ma'am.
"Ay sorry, joke lang pala..." Nah piece sign pa siya sa akin.
"Thanks God!" Bulong ko sa sarili ko, akala ko kasi totoo.
"Huh?" Kaagad akong napatingin kay Annie, nanlaki ang mata ko, nandidito pa pala siya akala ko wala na, god.