Chapter Epilogue

Samantha Gabrielle Point Of View

"Ezekiel, are you drunk?" Kunot-noong tanong ko sa kaniya ng akmang hahalikan niya ako naamoy ko kasi ang hiningga niya amoy alak siya.

Tiningnan niya ako sa mata na para bang nags-sorry siya. "A little, I'm sorry..." Mahinahon niyang sabi at nag-iwas ng tingin sa akin, ngumiti ako at hinalikan ko siya sa pisngi.

"Don't be, just make sure na makakauwi ka ng ligtas kapag umiinom ka," Bilin ko sa kaniya na ikinangisi niya ng nakawan ako ng halik sa labi. "Thanks Love." Tinabihan niya ako sa sofa at yumakap mula sa tagiliran ko habang nakasiksik sa leeg ko ang mukha niya at naramdaman kong hinahalikan niya ako sa leeg.

"Ezekiel!" Saway ko sa kaniya at tinapik ko siya sa balikat.

"Dawddy! You're home!!" Tumakbo papalapit sa amin si Ram-ram habang bitbit ang isang airplane toy na bigay sa kaniya ni Ezekiel. Napalayo naman sa akin si Ezekiel sabay tayo at sinalubong ang anak namin, napangiti ako sa ginawa niya.

"Yeah little Rem! Can I have a warm kiss kiddo?" Binuhat ni Ezekiel si Ram-ram at mahigpit naman itong kumapit sa leeg ni Ezekiel habang nakangiti itong hinalikan si Ezekiel sa labi.

"I'm Ram-ram not Rem!" Protesta niya habang umakto na lumipad ang airplane at may pa sounds effect pa.

Nakangiti ako habang nakatingin sa kanilang dalawa. Ito ang mga araw na hindi ko naibigay kay Ram-ram ng baby pa siya at pinagkait ko sa kanilang dalawa na nakapiling ang isa't-isa. I am really quilt because of what I did, lalo na ng malaman ko ang totoo mula kay Ezekiel, ilang buwan ang nakalipas. Hindi ko siya hinayaan na magpaliwanag nor tell him that I am pregnant. Basta ko na lang siya iniwan.

Wala akong dahilan para hindi siya tanggapin muli sa buhay namin ng anak ko ng malaman ko ang buong katutuhanan, wala pa ring nagbago sa nararamdaman ko sa kaniya, mahal na mahal ko pa rin siya sa kabila ng maraming taon na nakalipas na hindi kami magkasama.

"Earth to you my love." Napakurap ako ng maramdaman ko ang labi niya sa labi ko and I heard a soft chuckled from my son.

"Mami! Hihi..." Naupo sa lap ko si Ram-ram at yumakap sa akin kaya naman niyakap ko siya at hinalikan sa noo. Naramdaman ko namang may kamay na pumulupot sa bewang ko kaya napalingon ako kay Ezekiel.

"You okay?" Nag-aalalang tanong ni Ezekiel kaya tumango ako at nginitian ko siya. "Yup. May naisip lang ako..." Sumandal ako sa dibdib niya at naramdaman ko namang hinalikan niya ako sa noo.

"Wag mo na akong isipin nasa tabi mo na ako," Bulong niya at hinalikan ako balikat bago siya mahinang tumawa.

"Ang aga mo kasing umuwi eh, tingnan mo four thirty-seven pa lang. Hindi pa nga ako nakakapagluto ng dinner nandidito ka na kaagad," Nakasimangot kong sabi na ikinatawa niya.

"That's not a problem, pwede naman tayong kumain sa labas. Bakit hindi ba ako pwedeng umuwi para i-date ang mag-ina ko?" Humarap siya sa akin at tumingin sa mga mata ko, I can see the happiness in his eyes.

"At bakit hindi mo ba kami pwedeng i-date na nandidito lang sa bahay? We can eat together and bound, hindi natin kailangang lumabas para kumain I can cook!" Sinalubong ko ang nakakaloko niyang ngiti.

"Tsk. Fine," Pagsusuko niya at nagbaba ng tingin Kay Ram-ram.

"Ezekiel, hindi mo kailangan na ilabas kami palagi para lang makabawi ka. Sa effort mo pa lang na umuwi ng maaga para makasama kami ayos na iyon, hindi mo dapat sinasanay na dinadaan ang lahat sa pera, kasi hindi habang buhay mayaman ka, tayo. Dapat matuto rin ang ikaw, ako at ang anak natin ng mamuhay ng simple... That's all I wanted to have a simple, piece and happy family with you." Mahabang sabi ko at hinawakan ko ang pisngi niya at iniharap sa akin habang sinasabi ko sa kaniya.

"Yeah. I understand, Love." Tumango siya at binigyan ako ng halik sa labi, inilagay ko sa lap niya si Ram-ram na kaagad niya namang niyakap at pinaulanan ng halik.

"Magluluto lang ako ng dinner, magpalit ka na muna bago ka makipaglaro kay Ram-ram." Tumayo ako at inayos ko ang damit ko. "Thanks Love." Rinig kong sambit ni Ezekiel bago pa ako makapunta sa kitchen, nasa condo niya kami rito sa Manila. Kaming tatlo lang ang nandidito walang maids kaya sa akin ang lahat ng gawaing bahay. Pag-aalaga sa anak namin at sa kaniya. Masaya akong gawin iyon para sa kanilang mag-ama ko lalo na kapag nakikita kong masaya sila.

Kumuha ako ng isang buong manok sa freezer, at inihandan ko ang mga kagamitan at ingredients sa pagluluto ng adobo, iyon na lang ang lulutuin ko at fried chicken para sa Ram-ram. Dati hindi ako marunong nito pero natuto ako mula ng magka-anak ako dahil gusto ko ako ang gagawa ng lahat para sa kaniya, I learned everything to be a good mother, pinag-aralan ko ring maging perfect na asawa kahit walang Ezekiel sa tabi ng mga panahong iyon at ngayon lahat ng iyon ay magagawa ko na.

Noong una ayaw ni kuya na sumama kami kay Ezekiel napag-alaman ko rin na si kuya ang hadlang sa paghahanap ni Ezekiel sa amin, naiintindihan ko si kuya dahil isang bagay lang naman ang ayaw niya eh, ang nasasaktan ako. Lahat ng ginagawa niya ay para sa akin, ayaw niya lang talaga na masaktan ako kaya super protective siya sa akin. Wala akong galit o sama ng loob sa kaniya besides I'm so thankful to have a protective brother like him, ginawa niya ang lahat para lang wag akong masaktan.

Alam na rin ng parents ko at parents ni Ezekiel na nagsasama na ulit kami at masaya sila para sa amin they are so excited to see my son soon cause they are all in business trip, and also my Sarah and Shaine can't visit cause they're in travels. Masaya ako para sa kanila.

"Love?!" Rinig kong tawag ni Ezekiel mula sa sala.

"Yes?" Nakangiting tugon ko sa kaniya.

"Lalabas lang kami saglit ni Ram-ram, babalik rin kami kaagad." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya ano namang gagawin nila sa labas? Kaya naglakad ako papunta sa Sala.

"Anong gagawin niyo?"

"Hm... Bibili kami ng meryenda habang nag—"

"So ayaw niyo na gawan ko kayo ng meryenda bago magluto ng dinner?" Tinaasan ko siya ng kilay na ikinabusangot niya.

"Love... Sympre gusto, babalik rin naman—"

"Gusto pala eh bakit kailangang lumabas? Sabihin mo may hinihinggi na naman sayo si Ram-ram at Ibibigay mo sa kaniya na walang pasabi sa akin. I told you... Don't spoiled him to much, baka masanay siya." Putol ko sa sabihin niya.

"Love, ayos lang 'yon. Gusto kong ibigay lahat ng gusto ng anak natin, I want to spoil him hayaan mo na ako bata pa naman siya. Isa pa, pagkain lang naman ang pinapabili niya huminggi siya sa akin ng stick-o tiningnan ko ang lalagyan ng pagkain niya ubos na." Hala? Kakabili pa lang namin no'ng isang araw ah? Ang bilis naman atah?

"Ubos na agad?" Nagtatakang tanong ko.

"Oo, mukhang hindi naman 'yong anak ko 'yong nakaubos eh. Hahaha, sige na baba lang kami saglit babalik rin kami kaagad na may dalang desert." Kumindat siya sa akin.

"Oo na, ingat kayo. Ayusin mo ah, nakainom ka." Paalala ko sa kaniya.

"Love hindi ako lasing, napilitan lang akong uminom dahil hindi ako maka-hindi kay Red, pero isang baso lang 'yon wag kang mag-alala." Ngumiti ako sa kaniya.

"Bye Mami!!" Kumakaway sa akin si Ram-ram ng ihatid ko sila sa may pinto.

"B-bye... I love you." Sagot ko at nag flying kiss pa ako sa kaniya.

"I love you..."

"Wabyu Mami!"

Sabay na tugon nilang dalawa sa akin kaya nakangiting isinara ko ang pinto ng condo bago ako bumalik sa kusina at nagsimula ng magluto, nagsaing muna ako habang inihahanda ko ang lulutuin kong ulam. Pagkatapos kung magluto ay wala pa rin ang mag-ama ko kaya naisipan ko ng ihanda ang mesa dahil baka pauwi na sila, nilagay ko na so table ang mga pagkain na ginawa ko. Rice, adobo, fried chicken, nagluto rin pala ako ng menudo para may pagpipilian si Ezekiel na kung anong gusto niyang kainin fork or chicken. Nag prito rin ako ng hotdog at ham, naglaga rin ako ng itlog kasi hindi ko natanong ang baby Ram-ram ko na kung anong gusto niyang iulam. Gumawa na rin ako ng apple juice at naglagay ng tubig sa mesa.

Nang maiayos ko na ang mesa tiningnan ko ang relo na nasa kamay ko, it's exactly seven pm. Wala pa ang mag-ama ko siguro maya-maya nandidito na iyon habang naghihintay sa kanila naligo na muna ako at nag-ayos ng sarili ko dahil amoy usok na ako sa dami ng niluto ko. Nagsuot ako ng isang off-shoulder dress above the knee na kulay itim at pinarisan ko ng white shoes, nakalugay lang ang buhok ko.

Nang maayos ko na ang sarili ko napagpasyahan ko na sa baba ko na lang sila hihintayin. Nag text na Kasi si Ezekiel na pauwi na sila, na traffic lang siguro kaya natagalan. Pababa pa lang ako ng hagdanan ng marinig ko ang matinis na boses ni Ram-ram.

"Mami I'm home!!!" Napangiti ako ng makita ko siyang nagtatalon, he look so very happy saan naman kaya siya dinala ng Daddy niya? Pero teka na saan naman si Ezekiel?

"Seems like you are so happy my Prince..." I commented, napatingin sa akin si Ram-ram na para bang komikinang ang mata niya ng makita ako, nakita ko ring bumukas ang pinto at iniluwa no'n so Ezekiel na may mga bitbit pero isa lang ang nakakuha ng attention ko, he was holding a boutique of flower.

Nakita ko siyang nakatingin sa akin, tingin may paghangga sa kaniyang mga mata, I smiled as I saw his Adams apple move.

"Oh para ka namang nakakita ng multo, bakit pangit ba ako?" Tanong ko sa kaniya ng makalapit ako sa kinatatayuan niya. Kumurap-kurap siya at ngumiti ng malapan.

"N-no, you look wonderful tonight Love. For you..." Iniabot niya sa akin ang bulaklak habang nakatitig sa mga mata ko, hindi ko maiwasang maramdaman ang pagsikdo ng puso ko dahil sa ka-sweet-tan niya ang alam ko ay si Ram-ram lang ang ini-spoil niya pero bakit parang pakiramdam ko, ako rin?

"Thank you..." Matamis kong sabi sa kaniya at inamoy ko ang bulaklak it's so sweet, ang bango ng amoy. Nang biglang pumasok sa isip ko ang sinabi sa akin ni Lolo Robert na allergy si Ezekiel sa bulaklak pero bakit binibigyan niya ako palagi ng magkasama na kami pero hindi naman siya naano?

"Akala ko may allergy ka sa bulaklak pero parang wala naman..." Umiling siya habang ngumiti. "Saan mo naman nakuha 'yan?"

"Kay Lolo Robert remember, dinala mo ako sa bahay niya? Madami kayang na kwento sa akin si Lolo about sayo, isa na doon ay ang allergy ka sa bulaklak pero may isang ma-swerteng batang babae na binigyan mo..." Napangiwi ako sa huli kong sinabi.

"Swerte ka pala, pero mas swerte ako sayo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Anong swerte ako? Ako ba ang batang babae na binigyan niya pero bakit wala naman akong naalala?

"H-huh?"

"Wala, ang sabi ko ang ganda mo, right buddy? Your Mom is very beautiful isn't she?" Umuklo pa siya para magkatapat ang mukha nila ni Ram-ram.

"Yesh! Mami is so stunning!" Nakangiting tugon ni Ram-ram at para bang kinikilig na nakatingin sa akin.

"For you Mami!!" Sigaw niya at inabot sa akin ang isang red rose, abah mayroon rin ang baby ko.

"And for you also!" Dagdag niya pa at iniabot sa akin ang isang box at sa kahon pa lang ay halatang cake ang laman.

"Wow... Ang sweet naman ng baby ko. Thank you Baby!" Nakangiting tinanggap ko ang mga binigay niya.

"You're welcome Mami!" Yumakap siya sa kaliwang hita ko kaya hinaplos ko ang buhok niya. "Sweet naman ng mag-ama ko, pero halika na nakahanda na ang dinner."

"Yehey!!" Pumapalakpak pa siya at binuhat naman siya ni Ezekiel kahit na may mga bitbit pa siyang plastic sa isa niyang kamay.

"Tara, nagugutom na ako," Tumango naman ako Kay Ezekiel, nauna na silang naglakad papunta sa kitchen inilagay ko muna sa center table ang bulaklak na bigay nila sa akin at dinala ko ang cake sa kitchen, nakita kong pinaupo ni Ezekiel si Ram-ram gitna.

"Love," Tawag niya sa akin ng ipaghugot ako ng upuan sa katabi ni Ram-ram na kaharap niya. "Thank you..."

"Ang dami naman nito, mukhang mapapadami ang kain ko ah..." Nakita ko ang kumikinang na mata ni Ezekiel ng makaupo siya sa harap namin ni Ram-ram.

Tudo alaga siya amin ni Ram-ram habang kumakain, pakiramdam ko ay lumumutang ang puso ko sa kasiyahan ng dahil sa kanilang dalawa, nagtawanan kami habang kumakain at nakikita kong nagustuhan nila ang niluto ko. I can say sila pa lang ay kompleto na ako.

"Mami, can I come to Dawddy's office?" Nilingon ko ang anak ko na printing nakahiga sa dibdib ni Ezekiel habang naka-sime lie naman si Ezekiel sa kama habang ako nasa tabihan nilang dalawa na ngsusuklay ng buhok.

"Hm... Why not? Pero busy si Daddy baka makaabal—"

"Of course not, mas gaganahan akong mag trabaho kong nandodoon kayo." Putol niya sa sasabihin ko.

"Sabihin mo, spoiler ka." Inirapan ko siya, inilagay ko sa bedside table ang suklay at umayos ako ng pagkakahiga sa kama. Naka-unan ako sa braso ni Ezekiel habang hinahaplos ko ang buhok ni Ram-ram.

"Malakas kayo sa akin eh," Natatawang sabi niya at hinalikan niya sa buhok si Ram-ram na busy sa kakakalikot ng kaliwang kamay niya kasi unan ko ang kanang braso niya eh.

"Mami please?" Ram-ram puppy eyes. "Sige, pupunta tayo pero susunod na lang tayo kay Daddy magluluto muna tayo ng lunch, okay ba?" Hinalikan ko sa noo so Ram-ram.

"Yehey! Wabyu Mami!" He smiled ear to ear. "I love you more baby..." Sagot ko sa kaniya.

"Akala ko ba ako ang spoiler pero mukhang in-spoil mo naman ako masyado niyan ah," Pinisil ko ang ilong ni Ezekiel. "Dami mong alam, matulog ka na kaya." Saad ko na ikinatawa niya.

"Dawddy what's this?" Nagkatinginan kami ni Ezekiel at nakita kong natigilan siya sa tanong ni Ram-ram kaya naman tiningnan ko kung ano ang tinuturo ni Ram-ram sa may kamay ni Ezekiel mapa-upo ako sa kama para tingnan kong ano 'yon?

"Gabrielle?" Basa ko sa nakasulat na tattoo sa kaniyang wrist. Is that my name? Teka? Ito 'yong bagay na gusto kong makita noon pero hindi ko magawa dahil may suot siyang bracelet at hindi niya iyon inaalis kaya hindi ko ito nabasa noon.

"Mami's name?" Nakita kong nag-angat ng tingin si Ram-ram sa Daddy niya. "Yes. Wanna put here your name too?" Tanong ni Ezekiel at itinaas ang kaniya kanang kamay at tinuro ang wrist niya. Seryoso?

Tiningnan ko siya ng explain-look, bakit pangalan ko ang nakalagay sa wrist niya na parang bracelet tuloy dahil sa dugtong-dugtong ang pagkakasulat.

"Bago pa kita pinakasalan nasa pulsohan ko na ang pangalan mo, bata pa lang tayo Gab. Alam kong mahal na kita." Seryoso niyang sabi na ikinalaki ng mata ko.

"Wabyu Dawddy!" Napangiti ako ng si Ram-ram ang sumagot kay Ezekiel. Hindi ko alam kong anong sasabihin ko pagkatapos ng sinabi niya. Wow! Ganu'n niya ba ako ka-mahal para ipalagay pa sa balat niya ang pangalan ko at kahit nagkalayo kami ng ilang taon hindi niya pinatanggal.

Humiga ulit ako sa tabihan niya at niyakap ko siya, naramdaman ko ring ipinulot niya sa katawan ko ang kanang braso niya. Mahal niya na ako ng hindi ko alam.

Rem Ezekiel Point Of View

Nagising ako ng magulat ako na wala na sa dibdib ko ang anak ko, akala ko nahulog pero nasa tabihan ko lang pala mahimbing na natutulog, napangiti ako ng makita kong tulog na tulog siya at napakasarap niyang pagmasdan na natutulog, inayos ko ang unan na yakap niya. Hinding-hindi ako magsasawang alagaan siya marami man ang nasayang na oras na hindi kami magkasama sisiguradohin kong susulitin ko ang bawat minuto na kasama siya.

Bumaling ako sa kanan ko at nakita ko ang asawa kong mahimbing na natutulog sa tabi ko, para siyang si Ram-ram ang sarap pagmasdan kapag natutulog pakiramdam ko tuloy sobra silang komportable sa akin dahil sa pagkakahimbing nila, humarap ako sa asawa ko at pinagmamasdaan ko ang kaniyang mukha, ang ganda niya at mas lalo siyang gumanda. I love her so much and I can't explain how much I love her all I know I don't wanna lost her again in my life.

Inabot ko ang phone ko na nasa bedside table sa tabihan ni Gab, tiningnan ko ang oras at nakita kong alas tres na sa madaling araw. Shit, hindi na ako dinadalaw ng antok.

Sumiksik ako sa asawa ko at isinubsob ko sa leeg niya ang mukha ko, ang bango niya, bango na hindi ko pagsasawaan. I kiss her neck, I lick it until I heard her soft moans na mas lalong ikinainit ng katawan ko.

"I kiss her neck go to her earlobe, I look up in her face and I can see she was opening her eyes, I smiled and she smiled back. "Hmm..." Her moans in between of my kiss, una ay hinahayaan niya lang akong halikan siya pero hindi rin nagtagal tinugon niya ang mainit kong halik.

"Ezekiel?" Tawag niya sa akin na halos bulong. "Naisturbo ko ba ang tulog mo?" Tanong ko at hinalikan ko siya sa tungki ng kaniyang ilong.

"A-ano bang ginagawa mo?" Hinawakan niya ako sa balikat at bumaling sa anak namin na nahihimbing na natutulog sa tabihan ko.

"Waking you up to make love with me," Bulong ko sa kaniya at walang sabi-sabing inaangkin ko ang labi niya.

Five Years Ago*

"Daddy!! Look Daddy baby Fhria know how to walk!" Malakas na salubong sa akin ni Ram ng makapasok ako sa loob ng bahay.

"Really? How about Fhia?" Masayang tanong ko sa kaniya.

"Of course she know too! I miss you Daddy!" Tumalon-talon pa sa harapan ko si Ram tanda na magpapabuhat siya.

Dati-dati ay hindi niya mabangit ng maayos ang Daddy ngayon ay alam na alam niya na mas lalo naman ang Mommy na dati ay Mami. Ang I love you na dating wabyu. He's now an eighth years old and he have a two years old little sisters, a twins.

Our twins name is the first one is...

Saffhia Grazeirille Garcia-Mendoza.

Ilang minuto ang Tanda niya sa bunso naming si

Safrhia Glazeirille Garcia-Mendoza.

I'm proudly said that I'm the who named them lamang ako kay Gab dahil si Ram lang ang pinangalanan niya which is...

Ram Ezackielle Clydein Garcia-Mendoza

Happy to know his name ay hango sa pangalan ko, my wife really love me even that time where not together she still named our son looks like mine.

Naglakad ako papunta sa kwarto kung saan ang mag-iina ko habang buhat ko si Ram, sanay na ako na pagbukas ko ng pinto ay si Ram ang bubungad sa akin ng nakangiti.

"Hey Love," Bati ko kay Gab ng makalapit ako sa kaniya na buhat-buhat si Ram. She smiled and give me a kiss.

"Nandiyan ka na pala, how's work hubby?" Tanong niya at inaayos sa crib ang anak namin. After a year nasundan na si Ram, his twins little sisters.

"Tiring but it's fine." Sagot ko at dumukwang ako para halikan ko ang kambal.

"Ops, maligo ka na muna. Galing ka sa labas mamaya mo na sila halikan. At ikaw naman Prince Ram-ram ko, nagpabuhat ka na naman kay Daddy, kaya sabay na kayong maligo kundi hindi niyo pwedeng hawakan ang mga prinsessa natin," Kinikiliti niya si Ram habang sinasabi 'yon.

Napangiti ako dahil sa over protective ang asawa ko pag dating sa mga anak namin, she's so careful and caring, about us. Palaging kami ang inuuna, ayaw na ayaw niya na nagkakasakit ang mga anak namin, dahil pakiramdam niya wala siyang kwentang Ina dahil napapabayaan niya. And ayaw ko ang pakiramdam niyang iyon cause she's so worth it. Kaya hangat kaya kung iwasan gagawin ko wag lang siyang mag-isip ng kung anu-ano.

"Ipaghahanda kita ng meryenda." Tumango ako sa kaniya at bago pa man siya makalabas ay pinigilan ko siya at hinalikan sa noo. "Pwede mo na naman 'yang iutos sa maids ah?" Bulong ko sa kaniya alam kung pagod siya sa maghapon rito sa bahay, kahit na may mga katulong kami rito alam ko gumagawa pa rin siya.

Lumipat na kasi kami sa bahay at kumuha ako ng sampong katulong na makakasama nila sa bahay at para gawin ang lahat ng dapat Gawin, maliban sa dalawang Yaya ng kambal. Ayaw ni Ram ng Yaya si Mommy niya lang ang gusto niyang mag-alaga sa kaniya kaya hindi ko na pinagpilitan.

"Kaya ko naman eh, Isa pa gusto kitang pagsilbihan." Tinulungan niya akong hubarin ang necktie ko.

"Hm, thank you so much for all Love. I don't know what's now today if I don't have you in my life. Thank you for going back to me and staying, I love you so much, more more than my life... Cause you are my life."

"I love you too hubby... Mahal na mahal kita, kayo ng mga anak natin." Hinaplos niya ang pisngi ko kaya ipinulot ko sa bewang niya ang braso ko at bahagyang hinapit ko siya papalapit sa akin.

"Thank you for giving me a wonderful kids. This is all what I dreamed." Sambit ko bago ko angkinin ang labi niya na kaagad naman siyang tumugon.

"I love you..." I whispered between our kissed.

This is the life I wanted with her, bata pa lang ako siya na ang hinihiling ko na makasama ko sa habang buhay pero nawalan ako ng pag-asa na makamtan ang pangarap na iyon mula ng iwan niya ako pero ito ako ngayon, abot kamay ko na ang pangarap ko at hinding-hindi ko sasayangin ang mga pagkakataon na ipakita sa kaniya ang pagmamahal ko. I love her so much and our kids, they are my happiness, my piece and everything to me.

I am Rem Ezekiel Cloud Mendoza, behalf of my lovely wife, Samantha Gabrielle Garcia-Mendoza is now officially signing off. Thank you and have a good day.

The end

[A/N: Maraming salamat po sa inyong pasensiya sa mabagal na Pag-update, maraming salamat po sa inyong suporta at pagbabasa maari niyo akong maging kaibigan sa aking mga accounts just visit! Thank you again happy reading and happy ending Ingat kayo palagi.]

Fb: Jâypéi Jay-Jay WP

Wattpad: Black_Jaypei

TikTok: Jaypei_jay20

Twitter: BlackJaypei

Again thank you so much!

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.