Chapter Thirty Seven | Truth

Matthew POV

"Sir, I found your sister and here's the profile of Lacey Anne Braun - Madrid" Inabot sa akin ng isa sa pinaka magaling na private investigator at International Criminal Lawyer si Silver or Jake De la Cuesta ang partner ni Einah sa mission.

Tahimik kong binasa ang report. Ayon imbestigasyon sa nawawala kong kapatid na si Lacey.

Mahigit tatlong taon nasa pilipinas si Lacey. Wala man lang ako kamalay malay. Si Aaron Florencio ang kasama niya magaling mag tago ang dalawa. Napangiti ako ng malungkot alam ko galit sa akin si Lacey. Kaya hindi nag papakita ang kapatid ko.

Tahimik akong umiinom ng alak habang iniisip ko ang kalagayan ni Lacey nalaman ko na buntis siya ngayon kay Andrew.

Natatawang napailing ako. Iba mag mahal ang bunsong kapatid ko. Hanggang ngayon si Andrew pa rin. Simula ng senior high school. Ibig sabihin kasama din nito si Andrei. Masaya ako sa kapatid ko dahil alam ko na ligtas siya sa piling ni Andrew. Sana dumating ang oras na mapatawad niya ako.

"Mommy, si Kuya oh!" Hinabol ko ang bunso kong kapatid pababa ng hagdanan.

Arghh how I hate it!

Malakas na humalakhak ang magulang namin nang makita nila ang itsura ko.

"Mom, lagot sa akin ang babaitang yan! Kita n'yo naman i di drawing n'ya sa gwapo kong mukha!" Nanggagalaiti kong inis.

Sino ba naman matutuwa nilagyan ng make up ang mukha ko! And worst nilagyan pa ako ng nail polish sa paa at kamay.

"Tama lang yan ginawa ng kapatid mo! Sino ba nag sabing umuwi ka ng lasing?" Pag tatanggol ni Mommy kay Lacey.

Nakita kong dinilaan pa ako ng spoiled brat kong kapatid. Makaka ganti din ako pag binigyan ako ng pagkakataon.

Pero ang pagkakataon na iyon hindi na nangyari dahil pinadala ako sa America. Pagka graduate ko ng highschool. Pumatak ang luha sa mata ko sa masayang ala ala ng pamilya ko.

"What are you thinking?" Niyakap ako sa likod ni Einah. Mabilis kong pinunasan ang luha sa mga mata ko. Humarap ako sa kanya. Pinatakan ko ng halik ang labi niya. Alam ni Einah na iniisip ko ang kapatid kong babae.

"Iniisip mo ba ang kapatid mo?" Malambing na tanong niya. Kahit hindi ko sabihin.

"Yeah! I miss my little sis. Yun pangungulit niya sa akin. Noon masayang magkakasama kami" Hinaplos niya ang buhok ko.

"Huwag kang mag alala. I'm sure miss ka din ng kapatid mo. Sa nakikita ko sa kanya noon. Alam ko nangungulila siya sa inyo. Balang araw mapapatawad ka din niya" Niyakap ko s'ya ng mahigpit.

"I love you. My Beautiful Mommy. Thank you at dumating ka sa buhay ko kayo ni Nicholas at Eirah" Umiling siya. Masuyong ngiti ang binigay niya sa akin.

"I love you too. My Handsome Daddy. Kung hindi dahil sa iyo hindi ako magiging masaya at magiging buo kami ng mga anak mo. Gusto ko tuloy kausapin ang dalawa mong classmate para pasalamatan sila sa kalokohan nila noon" Pareho kaming natawa. Actually niregaluhan ko sila ng free vacation sa Japan kasama ng pamilya nila.

***

Lacey POV

Gusto ko sanang kausapin si Andrew tungkol sa sinabi ng kanyang ama subalit pag kaharap ko sa kanya. Umuurong ang dila ko.

Lalo na ngayon nandito ang kinakatakutan kong tao. Simula nang tumawag si Aaron. Sa ngayon siya muna ang pinapakilos ko.

Sinabi ni Aaron na baka hinala lang lalo na tahimik sila ngayon. Kaya sinigurado niya ang seguridad namin.

Pagkatapos kong tanggalan ng mga tuyo na dahon ang mga bulaklak sa garden. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa. Napangiti ako nang mabasa ang tawag ni Andrew. Dali dali ko itong sinagot. Madalas na siyang tumawag sa akin dahil kabuwanan ko na ngayon.

"Hello! Love, how's our baby?" Tumaas ang kilay ko sa tanong niya.

"Andrew, wala pang dalawang oras na umalis ka sa bahay" Narinig ko ang munting tawa sa kabilang linya kaya napangiti din ako.

"You know. Love, How much I miss you. Kung pwede lang bumalik na ako sa bahay. Isang linggo na akong tigang" Namula ang mukha ko. Kahit malaki na ang tyan ko. Hindi pa rin ako tinitigilan ni Andrew. Humihirit pa rin kaya no choice ako kundi pag bigyan.

"Tumigil ka nga. Andrew, ang aga aga ang harot mo!" Mas lalong lumakas ang pag tawa nito.

"By the way. Love, naiwan ko ang pinirmahan kong proposal sa loob ng study room kagabi. Okay lang ba na pakihanap muna darating ang company driver sa kanya mo na lang ipa abot. Blue ang folder n'ya" Wika niya.

"Alright! Sige na baka dumating na ang driver mo. Don't forget to eat your lunch" Paalala ko sa kanya. Ibinaba ko na ang tawag.

Pagpasok ko sa study room. Lumapit ako sa desk. Hinanap ko ang Blue folder sa ibabaw subalit wala akong makita.

Baka nasa loob ng Cabinet.

Pag bukas ko ng unang cabinet nakita ko agad ang Blue Folder.

Napakunot noo ako napasama ang Yellow Folder. Wala sa loob na binuksan ko ito dala ng Curiosity.

Pre Nuptials Agreement

Nagsalubong ang kilay ko sa nabasa.

After kong manganak. Kukuhain ni Andrew ang bata kapalit ng limang milyon? Anong ibig sabihin nito? Akala ko ba gusto niya akong pakasalan?

Akala ko?

Akala ko mahal ako ni Andrew?

Akala ko gusto na niyang mabuo ang pamilya namin?

Bakit may ganito?! O, Plano ba niyang akong hiwalayan? Di ba ginamit ka niya noon pagkatapos niyang makuha ang Virginity mo?

So? Lahat ng ito isang laro lang para kay Andrew. Ano yun pinapakita niya sa akin?

Mahal? kailan n'ya ba sinabi na Mahal ka n'ya? Never di ba?

Alam mo naman Lacey na ikaw lang nagmamahal kay Andrew simula't sapul. Masyado ka kaseng binulag ng pagmamahal mo sa kanya. Noon pa lang hinabol habol mo na siya.

Lalo na pag nalaman ni Andrew ang lihim mo. Baka mas lalong pagdirihan ka niya.

Wake up Lacey! You are not good enough for him. He is CEO of WGC pag nalaman niya ang lihim mo itatapon ka niya na parang basahan.

Si Angelina na malinis at Ina ni Andrei. Mas higit na nababagay sa kanya.

Sunod sunod na pag patak ng luha ang lumabas sa aking mata.

Plano ko na sanang itigil ang lahat hahayaan ko si Aaron kase gusto kong bumuo kami ng isang masayang pamilya. Aaminin ko na sana tungkol sa amin ni Aaron.

Sa nabasa ko halos nanghina ako.

Ang sakit mong mahalin Andrew! Tama ang ama niya hindi ako nababagay sa anak niya.

Naramdaman kong nag vibrate ang Phone ko kasama ng ringtone. Nabasa ko ang pangalan ni Andrew. Pinilit kong ayusin ang boses ko bago sagutin ang tawag niya.

"H - Hello?" Gumaralgal ang boses ko.

"Hey. Love nakita mo na?" Tanong niya.

"Oo, hawak ko na ang folder" Mahina kong tugon.

"What happened to your voice? Did you cry?" Pag aalala niyang tanong.

Liar!!!

Gusto kong isigaw sa kanya.

"Hindi. Love parang sisipunin lang ako. But I'm okay" Pag kakaila ko.

"Are you sure?" Tanong niya ulit. Halatang hindi naniniwala sa sinabi ko.

"Oo nga sabi eh!" Kumbinsi ko sa kanya.

"Okay, mamaya sa labas tayo mag dinner. See you later!" Paalam ni Andrew sa akin.

Huminga ako ng malalim.

I act like nothing happened.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.