Lacey POV
Dahil sa iniutos ng OB - gyne Doctor na mag lakad ako para makapanganak ng normal. Nandito ako sa Mall kasama ang driver ni Andrew si Mang Kanor. Ibinilin niya na samahan ako ng driver para may mag dala ng mga binili kong gamit kay Baby Diorella. Alam ni Andrew na lalabas ako ng bahay. Malapit lang ang Glorietta sa Forbes Park pati ang Makati Doctor's Hospital.
Papunta na kami ng Parking lot. Biglang may nagpaputok ng baril. Nadaplisan ang braso ko.
Fuck! Panic ng isip ko.
Alam na niya agad!
"Ma'am, may sugat po kayo sa braso!" Nag aalalang sinabi ni Mang Kanor. Salubong ang kilay napatango ako sa kanya. Mabilis kaming pumasok sa loob ng sasakyan. Kinuha ko ang cellphone at tinawagan ko agad si Aaron
"Lace, what happened?!" Mabilis niyang sinagot ang tawag.
"Tulungan mo ako. Aaron! Alam na niya kung nasaan ako. Nag sisimula na siya! Nandito ako sa Glorietta I in front of Makati Winterson Hotel" Naramdaman ko na humilab ang tyan ko. Nanlaki ang aking mata nang may lumabas sa akin na tubig at dugo.
My Amniotic Fluid. Bakit ngayon pa?!
"Location Detected. Parating na ang mga back up within ten minutes" Aaron said halata ang kaba sa boses niya.
"Make it fast. Aaron, pumutok na ang panubigan ko! I check the perimeter. I saw five men wearing black" Sinabi ko sa kanya. Kitang kita ko na nag tatago sila sa gilid ng mga sasakyan.
"What?!! Fuck! I'll call your OB-gyne! Hintayin mo ang mga pinadala kong tao. As of now try to hide yourself!" Binaba ko ang tawag.
Hindi ito maari nasa panganib ang buhay namin mag ina.
Kinuha ko ang aking bag nasa gilid ng kotse. Nararamdaman ko ang pag kirot ng sakit sa balakang ko pero kailangan kong lumaban ngayon.
Ilang putok ng baril ang tumama sa sasakyan namin.
"Ma'am. kailangan na tayong umalis dito!" Taranta ang Driver namin.
"Hindi tayo pwedeng umalis mas maraming mapapahamak. Tumawag na ako ng pulis parating na sila. Mag tago muna tayo!" Imporma ko sa kanya. Kita ko panlalaki ng kanyang mata sa pagkasa ko ng baril.
"Ma'am, bakit may baril kayo?" Gusto ko tuloy mapairap. Ang daming tanong ni Mang Kanor.
"Mang Kanor, please do not tell this to Andrew. Ayoko siyang mag alala" Hirap akong magsalita. Sumasabay ang sakit ng tyan at balakang ko. Mamaya papalitan ni Aaron ang sasakyan. Para hindi makita ni Andrew ang mga basag na salamin. Nag mula sa bala ng baril at ilan tama ng kotse.
"Pero Ma'am - ?" Pag aalinlangan nito
"Huwag po kayong mag alala may mga Bodyguard na mag babantay sa kanya. Please? Ayokong mag alala siya. Ako na po ang bahala" Napilitan tumango si Mang Kanor.
Nag sisimula na siya! Kailangan ko makapag desisyon napaaga lang ngayon.
Isa ito sa kinakatakutan ko.
"Dito lang po kayo Mang Kanor. Huwag kayong aalis" Paalam ko.
"Pe - pero. Ma'am, saan kayo pupunta? Malalagot ako kay Sir Andrew" Nag alala niyang sinabi.
"Ako na po ang bahala. Basta dito lang kayo" Tumango ang natatakot na matanda. Mabilis akong lumabas ng kotse sabay nag tago sa gilid.
Nakita kong tumakbo ang lalakeng naka itim sa kabila para lumipat. Kinuha ko sa bag ang compact face powder ko. Nilabas ko ang salamin nakita kong dalawa silang nag tuturuan. Dahan dahan akong umikot sa kabilang gilid na hindi nila napapansin.
Nasa likod na nila ako palihim akong napangiti. Halatang Unprofessional Killer.
Wala na akong choice kundi kailangan ko silang patayin kundi ako ang papatayin nila at ang anak ko. Lumabas ako sa gilid na pinag tataguan ko.
Walang alilangan na binaril ko sila sa ulo. Two down!
Narinig kong nag ring ang phone ko. Tumatawag si Aaron.
"Nandyan na ang back up! Nasaan ka Lace?"
“Nandito ako nagtatago sa VGN 123 ang plate number ng sasakyan" Inform ko sa kanya. Pag angat ko ng tingin.
Nakita ko si Aaron nakatayo at naka white uniform. May kausap siya sa Cellphone.
"All clear! May dalawang nabaril dito. Clean this area asap!" Imporma ni Aaron sa mga tauhan. Naramdaman ko ang pag sakit ng tuluyan ng tyan ko.
"Dalian mo. Aaron, masakit na tyan ko!" Halos hindi ko na maihakbang ang paa ko.
"I'm coming. Papunta na ang ambulance!" Lumapit siya sa akin.
***
Andrew POV
Mabilis akong tumakbo papuntang LDR Room. Tumawag si Mang Kanor sinabi nasa LDR room si Lacey habang hinihintay ang OB-Gyne Doctor nito.
Hindi ko maintindihan kung bakit ako kinakabahan kanina.
"Kumusta si Lacey?" Tanong ko kay Mang Kanor. Napansin ko na balisa ang Driver.
"Ayos naman po siya nasa loob na siya ng Delivery room. Sir Andrew" Hindi makatingin sa akin si Mang Kanor.
"Bakit balisa kayo Mang Kanor. May nangyari ba?" Nagdududa kong tanong.
"Wa-wala po Sir" Akmang may itatanong ako. Bigla akong napahinto nang lumabas ang OB gyne Doctor mula sa loob ng Delivery room.
Lumapit ako sa OB-Gyne Doctor ni Lacey.
"Mr. Winterson, can I talk to you for a minute?" Tumango ako sa Doctor. Lumayo kami kay Mang Kanor. Nag alala ang mukha nakatingin sa akin ang babaeng doctor si Althea.
"You're wife has a gun shot on her left arm" Nagulat ako sa pahayag ng Doctor.
"what?!" Nabigla kong sinabi. Bigla akong napatingin kay Mang Kanor nag iwas ng tingin.
Mukhang may nangyaring hindi maganda kanina.
Nagsalubong ang kilay ko sa nalaman. Bumaling ang tingin ko kay Dra. Althea.
"We are going to prepared now for Caesarian Operation because she's low amniotic fluid hindi na niya kakayanin pa mag delivered ng normal procedure. That's why you need to sign the waiver. By the way, I just want to ask you again Mr. Winterson, If she was delivered the baby before?" Kahit naguguluhan. u
Umiling ako sa Doctor.
Naguluhan ang mukha ng babaeng Doctor.
"Dahil may hiwa siya sa ilalim ng puson niya."
Napansin ko din yun pero tinanong ko si Lacey sinabi niya nakuha n'ya daw nang maaksidente siya noon.
Umalis na ang doctor para bumalik sa loob ng Delivery Room. Naguguluhan ako ngayon.
Ano ba talaga nangyari sa iyo Lacey?
Lumapit ako sa driver.
"Mang Kanor, anong nangyari kanina?" Nakita ko ang takot sa mukha nito.
"Sir, pasensya na po pero may nangyari kanina habang nasa labas kami ni Ma'am Lacey" Nag aalangan niyang sinabi.
"You need to tell me or else you will lose your job" Banta ko. Halata ang takot sa mukha ni Mang Kanor. Kinuwento lahat sa kin ng Driver ko.
Pagkatapos namin mag usap.
Pinapasok ako ng Doctor sa loob ng delivery room.
Pinakita sa akin ang anak kong babae.
Diorella Lace Madrid - Winterson my baby girl.
She's so beautiful my girl version. Nag uumapaw ang saya sa puso ko. Kamukha ni Andrei ang kapatid n'yang babae. Alam ko matutuwa si Andrei na may kapatid na siyang babae. Pumasok bigla sa isip ko ang sinabi ni Mang Kanor.
Sino ang mga taong iyon? Gustong patayin ang mag ina ko?
Anong kailangan nila kay Lacey? Sinabi ni Mang Kanor na dinala ni Aaron si Lacey sa Hospital?
Nakaramdam ako ng pag se selos.
Bakit hindi niya ako ang tinawagan kanina?
Ano ba ang relasyon ng dalawa? Una bakit hindi nagalit si Aaron nag buntis si Lacey sa ibang lalake? Hanggang ngayon malaking palaisipan sa akin ang tungkol kay Lacey.
Nakipag kita ako kay Aaron Florencio but he just gave me a cold look. Wala akong nakuhang sagot sa kanya.
I don't have a choice! I want to know everything. Hindi pwedeng mag lihim sa akin si Lacey. For nine years wala siyang sinasabi sa akin.
I love her but I feel bad. When she rejected my proposal.