Andrew POV
Nandito ngayon si Angelina para dalawin si Andrei. Una kong pina imbestigahan ang babaeng ito. Binigay sa kin ang pekeng report ng private investigator na kinuha ko na si Angelina ang ina ni Andrei. Kaya naniwala ako na siya ang babaeng naka one night stand ko.
Thanks to Matthew sa lahat ng binigay niya sa kin na ebidensya na si Lacey ang totoong ina ni Andrei.
Ini rekomenda ni Matthew sa kin si Jake De la Cuesta. Ang kilalang sikat na international criminal lawyer at private investigator. Nasa akin na ang report nag lalaman tungkol kay Angelina.
"Why are you here?" Malamig kong tanong. Masayang nakangiti si Angelina may hawak na isang box na laruan.
"Of course! I'm here for my son" She answered me back. Nakipag titigan ako sa kanyang mata.
"Really? How do you know that he is your son?" Nakita ko ang pagkagulat sa mata niya sa tanong ko.
"I'm very sure of that. Andrew!" Matigas niyang sagot. Napailing ako sa kanya. Binuksan ko ang cabinet ng desk ko.
Binagsak ko sa kanya ang mga larawan niya kasama ang ibang lalake. Siya dapat na ipapakasal sa akin ni Dad subalit umatras sila nang nalaman na may anak ako sa iba.
"Have you seen of your picture?" Patagilid akong ngumiti nakita ko ang palihim niyang paglunok.
Sa mga larawan kasama niya ang kilalang businessman si Kyle Daniel Villafuerte. Isang CEO sa Villafuerte Summit Holdings Incorporated. Nalaman ko na magkasintahan si Angelina at ang Kuya ni Kyle si Marco. Subalit ikakasal si Marco sa ibang babae. Hindi ko alam kung anong nangyari kung bakit si Kyle ang kinakasama nito ngayon.
Anyway labas na ako sa kanila.
Nang malaman ni Angelina na pinagkasundo kaming dalawa. Dinahilan ng pamilya ni Angelina na umatras sila dahil nagkaroon ako ng anak pero ang dahilan talaga nakipag tanan si Angelina kay Kyle.
Actually nag usap na kami ni Kyle regarding kay Angelina. Sinabi niya na siya na ang bahala sa lahat. I think ginigipit si Angelina ng kanyang magulang.
"This is not true Andrew! He is just my friend" Tanggi pa rin niya.
"Oh come on! Not that i care. Halos nasa condo mo na nakatira si Kyle tapos sasabihin mong kaibigan? Huwag mo akong pinag loloko Angelina" Natatawa kong sinabi. I am not concern about her. Kahit sino pang lalake ang i date nito. Wala akong pakielam. Ayaw pa kaseng umamin kitang kita na nga ang ebindensya.
"Pupuntahan ko ang anak ko. Wala akong panahon magpaliwanag sa iyo! Ang anak ko lang ang importante sa akin. Hindi ako makakapayag na ilayo mo sa akin si Andrei!" Mariin sinabi ni Angelina. Akmang tatayo ito para puntahan ang anak ko.
"Try to get my son. Sisiguraduhin kong pag babayaran mo pag kinuha mo ang anak ko. You are not his real Mother!" Nanlisik ang mata ko sa galit.
Damn this Lady! Sumulpot na lang bigla para guluhin kami.
"He is my son!" Ganting asik niya sa akin.
Bakit ba pinag pipilitan nitong anak niya si Andrei?
"Really?! Okay show me the evidence that he is your son?" Nagtagis ang bagang ko. Bigla siyang natahimik. Wala siyang maisagot sa akin. Lumapit ako sa kanya. Kitang kita ang takot sa mukha ni Angelina. Akmang aalis siya nang hinila ko siya.
"Sino ang nagpadala sa iyo dito?" Hinawakan ko ang braso niya para pigilan pag tangka niyang umalis. Namuo ang luha sa kanyang mata.
"It's - It's your Dad but it doesn't matter. Andrew, You know that I love you mag sama na tayong dalawa. Pangako aalagaan ko kayo ni Andrei" Natawa ako sa sinabi niya. Binitiwan ko ang braso niya.
"Love me? My Ass! You are not the real mother of my son! Angelina kung ako sa iyo tumigil ka na. Because if you don't want to stop. I'll make your life a living hell" Banta ko sa kanya. Naramdaman niya ang seryoso sa sinabi ko. Pumunta ako sa pinto para paalisin ang babaeng ito.
"Get out of my house!" Pag bukas ko ng pinto. Nanlaki ang mata ko si Andrei nakatayo sa pinto. Narinig niya pag uusap namin ni Angelina.
"Andrei - ?" Tumakbo ang anak ko. Nakita kong pumasok siya sa loob ng kwarto. Kaya't hinabol ko ang anak namin ni Lacey. Iniwan ko si Angelina nakatulala.
Pag pasok ko sa kanyang kwarto. Nakita kong yumuyugyog ang kumot. Nahabag ako sa kalagayan ng aking anak.
Alam ko sabik siyang makasama ang totoong ina niya.
"Son?" Mahina kong tawag lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi ng kama. Ibinaba ni Andrei ang kumot. Naawa ako sa itsura niya na puno ng luha ang mga mata.
"I'm sorry" Hinaplos ko ang noo niya. Sa totoo lang ayokong lumaking walang ina ang mga anak ko. Naranasan ko na lumaking hindi kapiling ang ina.
"Dad, Who is my real Mom?" Tanong niya.
Hindi ko malaman If sasagutin ko ang anak ko. He's too young para maranasan ang gulo sa buhay namin. Pero kailangan ko aminin sa kanya ang lahat kahit sa murang edad niya. Para maintindihan niya ang nangyayari sa pamilya namin.
"You're real Mom - Is your Mama Lacey" Napapikit ako dahil hirap kong banggitin ang pangalan ng kanyang ina.
Paano ko ipapaliwanag ang lahat sa kanya?
"Where is she now?" Gumaralgal ang boses ni Andrei. Niyakap ko ang aking anak dama ko ang bigat sa aking dibdib.
"You're Mom is busy to save us. Son, Please try to understand her. Soon, she will come back with your little sister Diorella" Paliwanag ko. Unti unti-unting ko sinabi sa kanya ang nangyari sa amin ng kanyang ina.
Hihintayin kita Lacey. Basta ligtas ka lang bumalik sa amin. Aalagaan ko ang mga anak natin. Para hindi ka mag alala sa kanila.
I really miss her so much.
***
Angelina POV
Walang tigil sa pag agos ang luha sa mga mata ko habang nag da drive ng sasakyan. Malapit na ako sa condo ko.
Shit! Shit! Kasalanan ni Kyle lahat ng ito! Nasira ang plano ko. Dahil sa kanya nalaman ni Andrew ang relasyon namin. Alam ko na sinadya niyang palaging pumupunta sa condo ko.
Pag pasok ko sa condo kinuha ko agad ang cognac sa Mini Bar. Tinungga ko agad ito. Kahit masakit sa lalamunan.
Hindi maaring ito! Sa akin lang dapat si Andrew.
Paano na ang lahat?! Paano ko ma ipapagamot ang anak kong babae? Bagsak na ang kumpanya namin. Siguradong sasaktan ako ni Papa sa kapalpakan ko.
Bakit kase pumayag ako na dito matulog ang lalakeng iyon! Binato ko ang baso sa pader.
Gusto kong sumigaw sa galit.
Hindi ko naramdaman ang pagyakap sa akin ni Kyle.
"Don't cry. Hun!" Pag aalo niya sa akin. Humarap ako sa kanya. Mabilis ko siyang sinampal sa mukha.
"Fuck you! Dahil sa iyo nasira lahat ng plano ko! Mawawala lahat sa amin at pati ang kumpanya, mansion at condo ko! Kasama ang mga utang ni Papa. Paano na ang pamilya ko?!" Humagulgol ako sa harap niya. Napaluhod ako habang umiiyak.
Nagtaka ako dahil mapaglarong ngiti ang ibinigay niya sa akin.
"Bakit ka napapangiti dyan?" Kaya napatigil ako sa pag iyak.
"Are you worried that mawawala sa inyo ang kumpanya ninyo? Well, huwag kang mag alala. I'm the new owner of Ferrer Cosmetic since sa akin naisanla ang kumpanya, bahay at condo mo! Isama mo pa ang utang ng ama mo sa sugal. Alam kong wala kayo maipambayad sa akin" Nahihimigan ko ang tuwa sa sinabi niya. Mukhang wala na kaming magagawa pa. Siguro nga wala na akong choice kundi pumayag sa kagustuhan ni Kyle.
"Wala akong hihingiin na pambayad kundi ikaw! Ang kabayaran sa lahat ng pagkakautang n'yo. Angelina Ferrer!" Nanlalaki ang mata ko dahil sa matiim niyang titig.
"And you are mine! Mine alone!" Bago siniil niya ako ng halik.