Andrew POV
Nagtataka akong pinapunta ni Matthew Luis Braun - Madrid sa bahay nito sa Alabang. Ang kapatid na lalake ni Lacey. Nakaharap ako sa kanya. Mariin ang titigan namin dalawa.
"I just read the news about your marriage with Angelina Ferrer" Tumiim ang bagang ko. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang pag tutok niya ng baril kay Lacey.
"Don't get married Andrew. Ayokong masaktan ang kapatid ko lalo na siya ang ina ng mga anak n'yo" Pakiusap niya. Hindi ko pinansin ang sinabi ni Matthew marahas akong lumapit sa kanya.
"Nasaan si Lacey?" Madiin kong hinawakan ang kwelyo ni Matthew.
"I can't tell you Andrew, This is Lacey request para sa kaligtasan ng mga anak ninyo" Nagsalubong ang kilay ko. Bigla akong kinabahan.
Naguguluhan akong napatitig sa kanya.
"What do you mean? Mga anak? Iisa lang ang anak namin ni Lacey". Why he used "mga"? I am not fluent in tagalog but I understand his word.
Binitiwan ko ang kwelyo ni Matthew.
"Lacey gave birth to your son while she was comatose" Napaawang ang labi ko. Nanlaki ang mata ko sa gulat na sinabi ni Matthew akin.
"What?! - " Hindi niya tinapos ang sinabi ko.
"Buntis si Lacey nang gahasain siya ni Bryan MacKenzie!" Madiin na pag banggit ni Matthew tungkol sa nangyari kay Lacey. Nabitiwan ko ang kwelyo ni Matthew. Gulat na gulat sa sinabi niya.
"Nilooban ang bahay namin noon. Kakauwi ko lang galing US para mag bakasyon. While Lacey was pregnant because of one night stand. Siya ang babaeng sumundo sa iyo sa bar. Yan ang naikwento niya sa amin." Nanghihina akong napaupo.
Siya ang babaeng iyon!
Bakit hindi niya sinabi sa akin? Sana napag usapan namin iyon. Damn!
"I tried to save her but I need to bring my parents in the hospital. Nakiusap ang Daddy namin dahil nag hihingalo na si Mommy. I don't have a choice kundi iwanan si Lacey sa kamay ng mga kalalakihan." Nag facepalm si Matthew tanda ng frustration nararamdaman.
"Tatlong araw nawawala ang kapatid ko. May tumawag sa min para sabihin kung nasaan si Lacey. Iniligtas namin siya ni Kuya Roldan at Aaron. I don't want to remember how Lacey was situation that time. She was beaten and raped. Tatlong araw siyang binaboy. You can't recognized her look. Awang awa ako sa kapatid ko wala man lang ako nagawa para iligtas siya. Gustong gusto ko patayin si Bryan MacKenzie" Inabot niya sa akin ang picture ni Lacey. Nanginginig ang kamay ko tinanggap ang picture. Hindi ko napigilan mag tuluan ang luha sa mga mata ko.
Ang babaeng mahal ko!
Kitang kita ko ang mga pasa at sugat sa kanyang mukha at katawan. Humagulgol si Matthew dahil awang awa sa kanyang kapatid na babae.
Si Lacey? Why her? Bakit wala siyang sinabi sa akin sa nangyari sa kanya?
Sa buong buhay ko. Hindi ko man lang pinahalagaan si Lacey. Simula nang high school kami palaging ako ang inaalagaan niya. And then, She gave birth twice to my children.
Ang ma raped ng tatlong araw at dinadala ang anak namin. Isang tortured napakahirap sa isang babae na malagpasan ang masalumuot na nangyari sa kanya. Isang masayang Lacey ang palaging nakikita ko. Hindi mo mababakas sa kanya ang hirap ng pinagdaanan sa kamay ng lalakeng iyon.
"For almost 8 months. She was in comatose. Nakikipag laban siya sa kamatayan maipanganak niya ang anak ninyo si Andrei. Dahil ayokong madamay ang bata sa gulo ng pamilya namin. Iniwan ko si Andrei sa gate ng bahay ninyo sa Massachusetts. Mas pipiliin kong iwanan ang bata sa iyo. Walang alam si Lacey tungkol kay Andrei pagkakaalam niya namatay ang anak ninyo. Dahil iyon ang sinabi ni Bryan MacKenzie sa kanya" Napaluhod ako dala ng pang hihina sa mga rebelasyon ni Matthew. Nanginginig ako sa galit, awa at pagmamahal kay Lacey. Hindi ako makapaniwala sa mga kinuwento sa akin ni Matthew.
Kaya pala wala na akong balita sa kanya. Sa nakalipas ng siyam na taon.
"Ninakaw ni Bryan MacKenzie si Lacey sa Hospital. Pagkagising ni Lacey gumawa ng kwento si Bryan. Hanggang sa gawin siyang Assassin ng Royal Mafia sa loob ng pitong taon." Halos walang lumabas na salita sa akin.
Iniwan ko ang babaeng mahal na mahal ko dahil sa takot ko sa aking ama. Kung binalikan ko siya noon hindi niya mararanasan ang magahasa ng Bryan MacKenzie na iyon. Lumaking masaya sana si Andrei kasama ng Ina.
Ang babaeng nakipag laban kay kamatayan. Ang Ina ng mga anak ko.
Sino si Angelina? Anong kasinungalingan ang pinagsasabi nito. Sana pala tinuloy ko ang DNA test ni Andrei at Lacey. Kung alam ko lang hindi sana mag hihirap ng ganito ang pamilya ko.
Bumalik ang tingin ko kay Matthew. Pinunasan ko ang mga luha sa aking mata. Pareho na kaming nahimasmasan.
Inabot niya ang papeles nag lalaman ng Birth Certificate at DNA result ni Andrei.
"Late registered yan ng Birth Certificate ni Andrei. Inalam ko ang buong pangalan ng pamangkin ko. Dahil walang middle surname ang bata nakalagay na ang name ni Lacey at sa iyo. Kung may alinlangan ka pa. Eto ang DNA result ng anak mo si Andrei kay Lacey" Inabot niya sa akin ang lahat ng documents naglalaman ng inpormasyon tungkol kay Andrei. Nagsalubong ang kilay ko sa USB.
"Yan ang naglalaman sa CCTV na si Lacey ang babaeng nakasama mo ng gabing iyon" Napaawang ang labi ko. Kaya pala walang maipakita ang P. I dahil kinuha ang kopya ng kapatid ni Lacey.
"Who is Bryan MacKenzie?" Tanong ko. Nakita ko sa mata ni Matthew ang galit.
"He was the ex lover of my Mom and Drug Leader Syndicate of Royal Mafia. He is very powerful man. Please stop investigating my little sister. Ayaw ni Lacey malaman ang tungkol sa inyo ni Bryan MacKenzie para sa kaligtasan ng mga bata" Pakiusap niya sa akin. Narinig namin may kumatok sa pinto. Pumasok ang napakagwapong batang lalake habang karga nito ang batang babae.
"Dad, let's eat lunch" Paanyaya niya sa ama. May karga itong batang babae napatitig ako kamukhang kamukha niya ang aking si Lacey.
"Sure, by the way son meet your Uncle Andrew. It's your Auntie Lacey's boyfriend" Napaangat ang kilay ko sa "Boyfriend thing" tumingin sa akin si Matthew na nag uusig na parang sinasabi na magpakasal na kase kayo.
"Andrew, this is my son Nicholas and my little girl Eirah" Turo niya sa mga anak.
"Hi! Uncle Andrew" Tinaas ni Nicholas ang kamay ni Eirah para kumaway. Humagikgik ito. Kinuha ni Matthew ang anak nitong babae. Kamukha ng kanyang si Lacey.
"Hello handsome boy next time. I'll bring your cousins here" Tinapik ko ang balikat ni Nicholas .
"Oh! I have a cousins. I'm excited to meet them" Halata ang saya sa mukha ni Nicholas. Bumaling ang tingin ko kay Matthew.
"I want to tell you the truth. This all my plan. Para ma contact ko ang isa sa inyo wala akong planong magpakasal maliban lang kay Lacey. I really loved Lacey so much. Kahit noon pa nag aaral kami" Ngumiti ako sa kanya. Tinapik ni Matthew ang balikat ko tanda na sumasang ayon sa kagustuhan ko.
"By the way, Lacey is not married to Aaron Florencio. She used her Florencio just to keep her identity" Sa sinabi ni Matthew. Umapaw sa tuwa ang puso ko.
"Thank you Kuya Matt!" Pang aasar ko.
"Shut up! Marry my little sis before you called me Kuya!" He hissed. Pareho sila ni Lacey
***
Dali dali akong umuwi ng bahay pagkatapos kong makausap si Matthew. Pinag masdan ko ang anak namin ni Lacey si Andrei natutulog.
Una akala ko guni guni ko lang minsan na nakikita ko ang pagkakahawig niya kay Lacey. Nakuha ni Andrei ang kilay at shape ng mukha ni Lacey. Ngayon nalaman ko na ang ina ng aking anak.
Isang bahagi ng puso ko na sobrang galak. Buong buhay ko si Lacey lang ang pinangarap ko na maging ina ng mga anak ko.
I may not show my true feelings for her but she's my own true love.