Lacey POV
Sa loob ng dalawang buwan ang akala ko hindi malalaman ni Bryan ang tungkol kay Andrew.
Eto na ang kinakatakutan ko ang tawag sa akin ng isa sa mga tauhan ko. Habang pilit itong nakikipag laban sa mga tauhan ni Bryan MacKenzie.
Andrew is kidnapped and Bryan MacKenzie is waiting for me.
This shouldn't be happen!
Tama si Agent Arrow. Matalino talaga si Bryan kahit anong gawin ko hahanapin niya ang kahinaan ko at iyon ay si Andrew. Buti na lang lahat ng relo ni Andrew pahilim kong pinalagay ng Detector sa tulong ni King Genesis kaya nalaman namin kung saan siya dinala ni Bryan MacKenzie.
***
Matinik talaga si Bryan MacKenzie. Mabilis niyang dinala si Andrew sa South Cotabato. Papunta na kami ngayon kung saan nila itinago si Andrew. This is the Last Fight bahala na ang FBI at ibang mga kapulisan sa mga ibang sindikato sangkot kay Bryan MacKenzie. Ibinigay na namin ang list na kasabwat ni Bryan. Sa ngayon kailangan ko munang iligtas si Andrew sa kamay ni Bryan MacKenzie. Dahil ngayon gabi hindi kami mapapansin ng mga tauhan ni Bryan MacKenzie.
"Nakahanda na ba ang lahat?" Kinakabahan kong tanong. Dalawa kami ni Lady X ang mauunang papasok sa loob ng warehouse bago ang mga back up. Ang warehouse kung saan isa ito sa pagawaan ng droga.
Inayos namin ni Lady X ang mga earbuds sa tainga namin. Si Aaron ang mag ga guide sa amin kung saan ang destinasyon ng parte ng warehouse.
"Take care of yourself. Lady S at Lady X. Let's finish this fight!" Anunsyo ni Aaron. Dama ko ang kaba sa puso namin hindi biro na makalaban ang isang Bryan MacKenzie.
Nag sign sa akin si Lady X na mauuna siyang pumasok sa loob.
"Twenty black men on the ground Satinne at Xelena" Boses ni Aaron nakikita niya sa monitor ang ginagawa ng mga tao. Magaling sa pag hack ng CCTV si Aaron.
"How's Andrew situation?" Tanong ko. Sana walang nangyari sa kanya.
"He's still sitting on the chair with a lot of bruises" Napakagat ako sa labi sa pag alala sa kanya.
Wait for me. Love, Papunta na ako dyan! Piping dalangin ko. Ang akala namin nasa benteng katao ang nasa loob. Hindi namin akalain mahigit fifty sila. Kasama namin ang member ng A&L Organization at TDS.
Hinarang kami ng isang babae si Caroline Mackenzie ang isa sa ampon ni Bryan. Kilala ko siya. Isa sa mga nagturo sa amin sa Isla Del Fuego.
"Satinne, ako na ang bahala dito. Puntahan mo na si Andrew" Mahinang sambit ni Xelena.
"Thank you Lady X!" Tumakbo ako papunta sa silid ni Bryan MacKenzie. Hindi ko akalain na ganito karami ang humarang sa daraanan ko. Hindi ko mabilang kung ilan na ang napatay ko. Punong puno ng dugo ang aking damit. Konti na lang mararating ko na ang silid ni Bryan. Binaril ko ang door knob ng pinto. Sinipa ko ang pinto kaya't bumukas ito habang nag tago ako sa gilid nang paputukan ako ng baril.
Pag harap ko tinamaan ko sa ulo ang dalawang lalakeng nagbabantay. Pumasok ako sa loob at nag tago sa gilid ng maliit na aparador. Mga lalagyanan ng Samurai ni Bryan. Pasimple kong sinilip ang paligid.
Patay na ang mga tauhan niya. Kaya alam ko na wala nang nag babantay sa kanya. Umalis ako sa pinag tataguan ko.
Humarap ako kung saan naka pwesto si Bryan MacKenzie.
Narinig ko ang malakas na tawa niya habang naka frog position nasa gilid nito si Andrew nakatali at tinakpan ng scotch tape ang bibig nito. Bumalik ang tingin ko nang pumalakpak ang kamay niya.
"Well, well, well! Look who's here. My Lady Satinne. From sweet lady turn into my Assassin. Pagkatapos ng lahat na ginawa ko sa iyo. Ito lang ang isusukli mo sa akin?" Nanlilisik ang mata niya sa galit.
"Really?! Pagkatapos mong akong gahasain at pagtangkaang patayin ang magulang ko at muntikan na mamatay ang anak ko dahil sa kagagawan mo at ang pinakahuli pinabugbog at ikinulong mo ako sa sasakyan para mahulog sa bangin. Ako pa ang may utang na loob sa iyo? Ang kapal naman ng mukha mo!" Ganting sagot dumiin ang pag hawak ko sa baril.
"Ang dapat sa iyo ang mamatay na! Nang matapos na ang kasamaan at kasinungalingan mo." Tumingin ako kay Andrew nanlalaki ang mata niya. Takot ang nababasa ko sa mukha ni Andrew.
"Hahahaha! Kung hindi ka nakipag sabwatan sa CIA wala sanang magiging problema at ikaw na ang magiging reyna ko." Napangiwi ako sa sinabi niya. Hindi ko maatim na pumatol sa isang matanda at ganid sa kapangyarihan. Gusto ko tuloy mandiri.
"Anyway ayoko ng pinapahaba ang usapan. How about one on one sa Samurai? Bitiwan mo yan baril mo kung ayaw mong pugutan ko ng ulo ang taong mahal mo." Mabilis siyang lumapit kay Andrew. Kinabahan ako dahil kilala ko si Bryan gagawin pag ginusto.
"No! Please. Bibitawan ko ang baril ko. Please leave him alone!" Pakiusap ko binitiwan ko agad ang baril at sinipa sa gilid. Lumabas ang luha sa mga mata ko sa pag alala kay Andrew.
"Sure! Take that samurai. Let's start this fight Lady Satinne. You know how I love samurai tamang tama ang hawak ko para sa ulo mo" Mabilis kong kinuha ang samurai sa likod ko. Hindi man ako kasing bihasa but I will do everything mailigtas ko lang si Andrew.
Nakaposition ako habang hinihintay ang atake ni Bryan sa akin.
Sa pag sugod sa akin ni Bryan hirap akong sabayan ang bawat galaw niya. Muntikan na akong matamaan sa aking braso. Gumuhit ang sugat nito. Gumanti din ako nang mapunit din ang damit ni Bryan.
Napatingin ako sa pinto biglang pumasok si Lady X. Kita ko ang ilang mga pasa at sugat niya sa katawan.
"Oh! may isa pang traydor. Sumali ka sa amin Lady X" Wala nang hawak na armas at black jacket na suot si Xelena.
Tumingin ako kay Lady X nagpatiwatig na itinuro si Andrew. Tumango siya sa akin sinasabi na "Lady X, kalagan mo ng tali si Andrew i lilihis ko muna si Bryan para mailigtas si Andrew" Kaya't pinuntahan niya si Andrew para tanggalin ang tali nito sa katawan.
Sunod sunod ang pag tira ni Bryan sa akin. Akmang lalapitan ako ni Andrew.
"Huwag kang sumali dito. Andrew, umalis ka na. Iligtas mo ang sarili mo" Sabi ko sa kanya kaya't na estatwa siya sa pwesto.
"No, Love. I'll stay with you!" Ganting sinabi niya sa akin. Umiling ako sa kanya nakikiusap.
Tumabi sa akin si Lady X hawak ang Samurai na kinuha sa cabinet ni Bryan. Nagkatinginan kami ni Lady X sabay sinugod si Bryan MacKenzie.
***
Andrew POV
Buong buhay ko hindi ko akalain na darating sa ganito na makita ang babaeng mahal na mahal ko nakikipag laban. Naalala ko ang batang si Lacey na Senior Highschool pa kami. She's wearing uniform. Hindi kayang makipag away. Palaging may dalang Chocolate at nilalagay sa Locker ko kasama ang Love Letter. Sana kung pwedeng maibalik ko lang ang kahapon.
My Innocent Lacey Anne Braun - Madrid.
Hindi ako makapaniwala na kayang makipag laban ni Lacey. Ang makita siyang buwis buhay nakikipag laban.
Sa nakikita ko ngayon gusto ko siyang ikulong sa aking bisig at itatago ko siya sa kamay ni Bryan MacKenzie. Lumabas ang luha sa aking mga mata nang makita kong hinagis ni Bryan Mackenzie si Lacy habang si Lady X mag isang nakikipag buno kay Bryan.
Masakit ang aking katawan pinilit kong mag hanap ng maaring iligtas sa kanila. Nakita ko ang baril sa kamay ng lalakeng binaril ni Lacey. Lumapit ako para itutok ang baril sa nangangalan Bryan MacKenzie. Nanginginig ang aking kamay dahil hindi ako marunong humawak ng baril.
Nanlaki ang aking mata ng tatamaan ko na si Bryan subalit ang bala. Hinarangan ng samurai nito.
Fuck! Ganon kagaling si Bryan? Nabaling sa kin ang tingin ni Bryan. Nanlilisik ang mata kaya lumapit siya sa akin. Handang papatayin ako gamit ang samurai.
Ihahampas na sa akin ang samurai nang hinarang ni Lacey ang kanyang samurai ni Bryan. Nabigla si Bryan hindi inaasahan ang pag lapit ni Lacey kaya sunod sunod ang pag atake niya.
Ang Ina ng mga anak ko. Makita ko na nakikipag patayan. Halos pigil hininga ang nararamdaman ko ngayon.
I am not a coward person pero sa katauhan ni Bryan MacKenzie. Tama si Lacey na wala akong laban.