Chapter Forty Five | Truth

Lacey POV

Nang makita kong susugurin na ni Bryan si Andrew. Mabilis kong tinakbo ang pwesto niya. Maraming ng sugat at pasa sa aking katawan.

"Please run. Andrew" Pakiusap ko habang gumaganti sa pag hampas ng samurai. Umiling si Andrew sa akin. Hindi ko inaasahan bigla bumuwelta si Bryan kaya hinagis niya ako. Si Xelena naman ang sumugod kay Bryan. Pareho na kaming sugatan ni Lady X. Nakahiga na ako sa sahig. Pinunit ko ang damit para lapatan ang nag durugo kong braso.

Nabuhayan ako ng loob nang makita ko si Kuya Luis. Akmang babarilin niya si Bryan. Hinarang ni Bryan ng Samurai ang mga bala ng baril. Kinuha ni Bryan ang lalagyanan ng Samurai at binato sa kamay ni Kuya Luis. Kaya Nabitawan niya ang baril. Tumingin siya sa gilid at nakita ni Kuya ang samurai naka display sa gilid. Kinuha ni Kuya Luis ang isang samurai. Pareho na sila ni Andrew ang nakikipag buno kay Bryan kahit walang alam sinubukan niyang makipag laban.

Pareho na kaming nanghihina ni Lady Xelena. Gusto na namin sumuko habang si Kuya Luis at Andrew nagtutulungan nakikipag laban kay Bryan MacKenzie. I know Kuya Luis can fight with samurai and Guns. Our father trained him but not like me na well trained sa pagiging Assassin.

"Isa kayong mahinang nilalang!" Tumawa ng malakas si Bryan Mackenzie.

Nanlaki ang aking mata nang makita ko si Bryan sinaksak si Kuya Luis sa tyan.

"Kuya!!!!!" Sigaw ko.

"Matthew!!!" Narinig kong sigaw din ni Lady Xelena.

I heard of Xelena's crying habang gumagapang papunta kay Kuya Luis nakahiga sa sahig. Hinawakan sa kwelyo si Andrew ni Bryan akmang ihahampas sa leeg niya ang Samurai nang sumigaw ako.

This is now or never! Pinilit kong bumangon palapit sa kanya. Hiniwa ko ang kanyang likod. Hindi niya inaasahan ang pag lapit ko sa kanya. Binitiwan niya si Andrew. Unting unti bumagsak si Bryan. Nakita kong hindi na gumalaw si Bryan tanda na patay na ito. Binitiwan ko ang samurai na hawak ko.

Tapos na!

Gusto kong isigaw.

Nanghihina akong tumayo palapit kay Andrew. Kahit hirap na hirap ako. Nagyakapan kaming dalawa. Malakas na sigaw mula kay Lady Xelena ang narinig ko at panlalaki ng mga mata ko at ni Andrew.

Naramdaman ko ang samurai sa aking tyan. Sinaksak ako ni Bryan habang nakaharap kay Andrew. Tumagos ang Samurai sa bandang tyan ko.

Slow motion ang lahat. Putok ng baril ang nagpagising sa akin.

Si Kuya Luis hawak niya ang baril na ipinutok niya kay Bryan MacKenzie sa likod. Sa pag aakala ni Kuya Luis may laman pa ang baril subalit wala na itong bala. Sa abot ng aking makakaya tinalon ko papuntang sa likod ni Bryan Mackenzie. Naalis sa aking tyan ang Samurai na sinaksak sa kin ni Bryan. Sa gulat ni Bryan sa ginawa ko pilit kong kinuha ang Samurai sa kamay niya inipit ko ng aking binti ang ulo niya.

Pinugutan ko ang ulo niya. Kaya nahulog ang kanyang ulo sa harapan ko.

Dala ng pang hihina ng aking katawan. Lumabas ang dugo sa aking bibig. Napaluhod ako sa sahig bago napangiti kay Andrew.

"Tapos na!" My last word bago dumilim ang aking paningin. Ngumiti ako kay Andrew and saying

"I love you"

"Lacey!!!" Narinig ko ang pag tawag sa akin ni Andrew.

***

Andrew POV

Nang makita ko ang kalagayan ng ina ng mga anak ko sobrang nanghihina ang aking loob. Lumapit ako sa kanya habang may dugo sa bibig ni Lacey. Walang tigil ang pag agos ng luha sa aking mata.

Ang aking si Lacey.

"Lacey!!!" Kahit masakit ang aking katawan pinilit kong binuhat si Lacey. Humahangos na dumating si Aaron.

"Fuck!" Pinagmasdan niya ang kalagayan ni Lacey. Pinunit ni Aaron ang itim na long sleeved at itinali sa tyan ni Lacey para mapigilan ang pag labas ng dugo. Narinig namin na dumating ang ambulasya sa labas.

"Please bring her to the ambulance" Tumango ako kay Aaron habang buhat nito si Matthew at Xelena palabas ng silid na iyon.

Nakita ko ang swat team at ibang mga kapulisan na pumasok sa loob ng ware house kasama ang ibang mga sundalo.

Maraming pumapasok sa utak ko dala ng takot at pangamba. Hindi ko akalain na mararanasan ko ang lahat ng ito.

Habang tumatakbo ang ambulansiya papuntang Hospital. Hawak hawak ko ang kamay ni Lacey. Naririnig ko din ang sumusunod na Ambulance sa amin. Sa pagkakaalam ko si Matthew at Xelena ang nasa loob.

Pagkarating namin sa Hospital nakita kong nag mamadaling nag bihis si Aaron ng Hospital Uniform habang sinusuotan ng PPE para sa operasyon ng kanyang si Lacey at ang kapatid nitong si Matthew.

"Doc, gawin mo ang lahat. Mailigtas mo silang dalawa" Nagmamakaawa kong sinabi kay Aaron. Napaluhod ako sa harap niya.

"I will do my best. Andrew" Nakikita ko ang takot at pag aalala sa kanyang mata. Nangangamba din sa kalagayan ni Lacey.

Tatlong Doctor ang sumunod na pumasok sa loob ng Operating Room.

"Please God save them both" Walang tigil ang panalangin ko.

Ayokong lumaki ang mga anak namin na walang ina. Ipinapangako ko na hinding hindi ko na pahahawakan pa ng baril ang aking si Lacey.

***

Dalawang oras na akong nakatulala habang hinihintay ang pag labas ng mga Doctor.

Hindi ko mapigilan maalaala. Ang unang pag halik ko kay Lacey sa Beach at sa kwarto ko. Actually kaya ko naman kumilos kahit may sakit ako noon. But I'm with Lacey parang nanghina ang aking mga tuhod.

Kung hindi ako nakapag pigil ng gabing iyon baka may mangyari na sa aming dalawa.

Napapangiti ako sa tuwing nahahalikan ko ang mapulang labi niya. Halos hindi ako patulugin ng labing iyon. Alam ko na sa sarili ko na gusto ko na siya. Hindi ako maaring magkagusto kanino man babae dahil may nakatakda na sa akin para ipakasal.

Nang gabing malasing ako sa Bar. Hindi ko alam na tinawagan ng Manager ang nasa phone book ko gamit ang print sa aking daliri ng Iphone. Nakita nila ang pangalan ni Lacey nang gabing iyon akala ko ibang babae ang naka One night stand ko.

Hindi ko na I check ang babaeng nakasama ko sa nang gabing iyon. Pinahanap ko sa Private Investigator hindi na nila makita ang CCTV copy dahil burado na ito nang bumalik ako sa pilipinas na nag install ng bago.

But Matthew did. Pinakita niya sa akin ang kopya ng CCTV ng gabing iyon mula sa Bar hanggang sa Condo ko. Kitang kita ko si Lacey ang babaeng ina ng aking mga anak.

Kasama ang Video nang manganak siya kay Andrei. Matalinong tao si Matthew kaya gumawa siya ng maraming Evidence. Pati ang pag picture sa pag iwan niya kay Andrei sa gate ng bahay namin.

Nang malaman ni Dad na nakabuntis ako. Iniurong niya ang pagpapakasal ko sa Business Partner niya. Ayaw tanggapin ng partida ni Angelina na may anak ako sa pagka binata. Kahit ako din wala din akong balak mag asawa maliban kay Lacey.

Inamin ko na sinaktan ko siya nang iniwan ko si Lacey para sa pag aaral ko sa Harvard University at hawakan ang Business namin pero tumakas ako pabalik ng pilipinas after three months of staying in Massachusetts para lang makita ko siya ulit. Pag punta ko nakita ko silang magkasama ni Aaron na sana kinopronta ko na lang s'ya nang araw na iyon at malaman na buntis na siya sa anak namin. Subalit mas pinili kong bumalik sa Massachusetts.

I confronted my Dad sa pakikielam niya sa amin ni Lacey. Nalaman ko na inutusan niya itong umalis sa bahay namin.

Nag sisi si Dad nang malaman niyang si Lacey ang totoong ina ni Andrei. Sinabi ko din ang sinapit ng aking si Lacey.

Raped by Bryan MacKenzie kahit nasa libingan na siya gusto ko ulit patayin ang lalaking iyon. I don't care about her past. Hindi naman niya kagustuhan iyon. And being pregnant with my Son. She's doing her best to protect our child on her tummy. She's really strong woman. Mas lalo ko pa siyang minahal at mamahalin habang buhay.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.