Chapter Forty Seven | Truth

Andrew POV

Bagot akong tumingin sa labas ng Principal Office. Hinihintay ko ang principal para samahan ako sa papunta sa magiging classroom. Since late na ako nag enrolled. 2nd semester na ng Senior High School para makapag transfer ako.

Nahagip ng aking mata ang tatlong babae. Napatingin ako sa medyo chubby na babae parang angel ang kagandahan.

She's pretty! my mind said kahit malayo nakikita ko na maganda s'ya.

Dinala ako ng Principal sa classroom. Tinatamad talaga ako.

Umikot ang paningin ko nang makita ko ang tinitignan kong babae kanina.

Gusto ko siyang makatabi.

Hindi ko maintindihan kung bakit naisipan ko umupo sa likod niya.

I smell her perfume or cologne. Like sweet or strawberry? Ah basta ang bango niya.

Nag lecture ang Teacher namin. Damn! Nawawala ng ballpen ko. I don't have a choice at gutom na din ako. Nag sisi ako hindi ako nag lunch kanina dahil busog pa ako.

Anong oras ba matatapos ang klase? Sinundot ko ang kanyang baywang actually gusto ko ng pisilin para lang manghiram ng ball pen. Pinahiram naman niya ako.

Nagulat ako nag offer siya ng Ham Sandwich. Hindi na ako nag dalawang isip pa tinanggap ko agad ang Ham Sandwich.

That is a best Ham Sandwich natikman ko! Kaya kinuha ko yun kinakain niyang Ham Sandwich.

Dahil nangako ako kay Daddy na hindi ako makikipag Girlfriend. Ang intensyon ko lang makilala ang ina at kapatid. Alam ko naman na committed na ako sa anak ng kaibigan niya kahit hindi ko pa kilala ang anak nila. Iyon ang kasunduan namin. Since iyon na ang pinasok sa isip ko.

Pero dumating sa buhay ko si Lacey ginulo niya ang isip ko. Kahit saan ako mag punta palaging nakasunod sa akin.

Lihim ako napangiti nang nakita ko siya natutulog mag isa sa Bus. Tinabihan ko siya. Hindi niya alam na niyakap ko siya. Lihim kong sinilip ang dalawang kaibigan niya natutulog din.

Napadako ang tingin ko sa likod nina Kira at Ate Misha. Si Aaron nakatingin sa akin. Malamig niya akong tinitigan nakipag laban ako ng tingin. Pareho kaming salubong ang kilay. Hindi ko mabasa ang iniisip niya. Masyadong malihim.

Naiinis ako nakita ko siyang naka swimsuit. Ayokong nag susuot siya ng ganyan. Halos gusto ko na dukutin ang mata ng mga kaklase namin. Dali dali akong kumuha ng Towel para ibalot sa kanya.

Nang gabing natikman ko ang labi niya. Hindi ako nakatulog palihim kong sinulyapan si Lacey nangingitim ang ilalim ng mata. Mukhang hindi kami pinatulog sa loob loob ko kinikilig ako

Akala ko makakatabi ko siya sa Bus nainis ako naunahan ako ni Aaron. Masama ko siyang tinitigan. Nakita ko ang pag ngisi sa kanyang labi. Halatang nang aasar siya.

Pero nagulat ako lumipat siya ng nakatulog si Lacey.

Napalunok ako ng ilang beses kung tatabihan ko ba siya o hindi. Bahala na! Sa huli tumabi ako. Naaawa ako dahil hirap na siya sa pwesto. Niyakap ko siya. Buti na lang nagising ako agad kundi mahuhuli niyang nakayakap ako sa kanya.

Naiinis ako tuwing tumatawag si Daddy para kumustahin ako at sabihin na huwag akong ma inlove sa ibang babae. Kaya paulit ulit kong iniiwasan si Lacey.

Hindi ako umattend ng Christmas Party dahil nilalagnat ako pero kaya ko naman sarili ko. Lumabas ako para bumili ng makakain.

Pero sa hindi ko malaman na dahilan nagpanggap ako nanghihina.

Na aadik ako matikman ang labi niya.

Grabe ang self control ko para lang hindi ko siya angkinin. Kaya nag panggap ako na tulog.

Umuwi ako sa Massachusetts para mag Christmas kasama si Daddy. Nag lalakad ako nang may nakita akong Music Box biglang pumasok sa isip ko si Lacey. Binili ko agad bago pina rush para makaabot sa Christmas. Hinintay ko ang message niya. At tama nga ako palagi niya akong mine message. Palaging siya ang laman ng isip ko. Halos hilain ko ang araw sana magpasukan na para makabalik na ng pilipinas.

Dali dali akong pumasok ng maaga. Para lang makita ko siya agad. At hindi nga ako nag kakamali.

When I saw her kissing with Aaron. Halos gusto ko na mag wala at sugurin si Aaron kita ko nang aasar niyang ngiti sa akin.

Pero ng gabing iyon pinagkaloob ni Lacey ang sarili niya sa akin. I know that in my mind. She will be mine forever.

I want to keep her

I want to marry her.

I want her to be Mother of my Children.

But how? My father will disown me once I refused to marry that woman.

Iniwasan ko siya sa abot ng makakaya ko.

Nakita ko siyang kasama si Aaron sa likod ng School. Halos gusto ko na mag wala sa galit. Wala siyang karapatan hawakan ang kamay ni Lacey lalo na't halikan ito.

Palihim kong sinusundan si Lacey hindi niya alam. Naiinis ako kapag kasama niya sa Aaron sa Parke kung saan madalas tumatambay si Lacey.

Naiinis ako sa sarili ko. Iniwan ko si Lacey na halos nagmamakaawa sa akin. Tinitiis kong hindi ko siya yakapin pabalik. But I need to do this. First month in Massachusetts with my Dad. Una pasilip silip ako sa facebook niya. Nagtaka ako bakit nag Deactivated ang FB niya. Hindi na ako nakatiis gusto ko siyang balikan. Kahit walang alam si Dad. Tumakas ako para bumalik sa pilipinas.

I saw her with Aaron magkayakap sila. Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang galit at selos. Sobrang sising sisi ako na iniwan ko siya. Sana hindi ko na lang siya iniwan. Walang araw na hindi ako gumigimik. Halos pabayaan ko na ang pag aaral ko sa kakaisip kay Lacey.

***

Dalawang linggo na ang nakakalipas simula nagising siya mula sa comatose.

"Love, open your eyes!" Unting unti niyang inimulat ang kanyang mata. Nanlalaki ang kanyang mata. Mga Stolen Shot Picture niya mula highschool. Habang natutulog siya nakabukas ang bibig. Bumalong ang luha sa mata niya. Inisa isa niya ang mga nakasabit.

"Nang aasar ka ba? O, gumaganti ka? Ang panget ko dyan eh!" Kahit naiinis nakatawa pa rin. Mas lumakas ang iyak ni Lacey yun makita ang Love Letter niya na inipon ko.

"Itinabi mo lahat ito?" Parang bata niyang iyak.

"Yes! Love, Kung alam mo lang araw araw pinapakilig mo ako" Napadako ang tingin niya sa isang lalagyanan.

"Itinabi ko din lahat ng Chocolate wrapped. Kinain ko mga dala mong chocolate. Love" Pinunasan ko ang luha niya gamit ang panyo.

"Love, I have a suprised for you!" Halata ang pagtataka niya sa mukha nang binuksan ko ang pinto.

"SUPRISED!!!" Umawang ang labi niya sa pagkagulat.

"Mom, Dad, Kuya Luis?" Halos hindi makagalaw si Lacey. Nakatulalang nakatingin sa pamilyang nasa harap niya.

"Our Baby Girl!" Yumakap sila sa isa't isa. Halos manikip din ang aking dibdib nang makita ko ang pangungulila niya sa magulang at kapatid.

"We miss you so much my Baby Girl!" Walang tigil sa pag yugyog ang kanilang balikat. Ang makita ko ang babaeng mahal na mahal ko maging buo kasama ang pamilya niya. Isang accomplishment na sa akin. Tumingin ako sa ama ko habang kasama ang aking ina na hanggang ngayon nag liligawan pa rin at kasama ng kanilang mga apo si Andrei, Diorella. Buhat nila si Lucas at Lorenz. Katabi nila si Ate Einah na buntis ng pitong buwan kasama si Nicholas at si Eirah. Lahat kami masayang nakangiti nakatingin sa pamilyang Madrid.

Pagkatapos nilang magyakapan pumunta sa kin si Lacey para magpasalamat. Habang ang magulang niya lumapit sa magulang ko para mag batian at kargahin ang mga apo nila.

"Thank you Love for everything" Niyakap ako ni Lacey. Nagulat siya bigla akong lumuhod sa harap niya.

"Love?" Napatakip siya ng kamay sa kanyang bibig. Habang binuksan ko ang kahita sa harap niya.

"Will you marry me?" Nakatitig ako sa kanya hinihintay ko ang sagot niya kahit kinakabahan ako.

"Y - Yes! I will marry you!" Kinuha ko ang kamay niya para ilagay ang singsing sa daliri niya. Pagkatapos kong maisuot ang singsing sa kamay ni Lacey. Tumayo ako para bigyan siya ng madiin na halik.

Pagkatapos lumapit ang mga pamilya namin para batiin kami.

"Congratulations! Bayaw!" Bati ni Kuya Matthew sa amin.

"You're welcome Kuya Matt!" Biglang naging hilaw ang ngiti nito.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.