Einah POV
Binigyan ako ng back up soldier ni General Jose. Nasa chopper kami habang kasama ko si Ivan nakahawak sa kin kamay. Nanatili lang akong tahimik at iniisip kung paano ko ma ililigtas ang ama ni Ivan.
Sa Laguna City hall kami binaba ng piloto. Para hindi makahalata ang kalaban. Sinabihan ko si Ivan na maghintay sa labas habang nag mi meeting kami sa loob ng municipality office. Nilapitan ako ng isa sa mga sundalo at ibinigay sa akin ang uniporme ng pang sundalo at ang Springfield Armory Saint AR-15 pistol. Isa sa Rifle sa pakikipag bakbakan sa gyera. Nagpaalam ako sa Mayor makikihiram ng comfort room para mag palit. Pinaunlakan niya akong gumamit.
Natapos ang meeting namin.
Hinanda ang mga weapons na gagamitin. Umawang ang labi ni Ivan pagkalabas ko ng office habang suot ang pang sundalong uniporme ng Pilipinas. Kitang kita niya ang itsura ko. Subalit nanatili akong tahimik. Hindi umiimik si Ivan hanggang sa biyahe. Papunta na kami kung saan ang kuta ng kalaban.
"Dito ka lang. Hindi ka pwedeng sumama sa amin sa loob" Utos ko kay Ivan. Tumango siya sa akin bago niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa noo.
"Please take care of yourself. I love you so much!" Kita ang takot sa mata ni Ivan. Nag mamadali kaming sumakay papunta sa hide out ng kalaban. Kita sa Long Range Night Vision Binocular ang mga tao nasa loob ng bahay. Nag sign ako sa limang sundalo na palihim kaming papasok sa loob ng mansion.
***
Ivan POV
Hindi ako mapakali. Natatakot ako baka kung anong mangyari kay Penelope o Einah. Nagulat ako sa nalaman ko na isa siyang U.S army.
Unang kita ko kay Einah/Penelope. Aminado ako na love at first sight ako sa kanya. Napakaganda talaga niya. Napukaw niya ang interes ko. Marami na akong naging flings.
Pero si Einah/Penelope kakaiba siya. Tuwing tinititigan ko siya napaka misteryosa ng kanyang mukha.
Kahit may boyfriend siyang iba. Hindi ko siya tinigilan. Wala akong pakielam kung masabihan akong mang aagaw. Gusto ko mapasaakin siya. Nang makuha ko siya ng gabing iyon. Halos mag tatalon ako sa tuwa. Dahil ako ang unang lalake sa buhay niya.
I want her to be my wife. Yan ang tumatak sa isip at puso ko. Hinding hindi ko siya papakawalan. Kahit anong mangyari subalit nang magising ako kinabukasan. Halos manghina ako dahil wala siya sa tabi ko. Gusto kong suntukin ang sarili ko kung bakit nakatulog ako ng mahimbing.
Ilang beses kong tinawagan ang cellphone niya but cannot be reached ang sagot sa akin ng operator. Kung saan saan ko siya hinanap. Walang nakakaalam tungkol kay Penelope/Einah. Ilang araw ako nag aabang sa classroom niya subalit walang Einah/Penelope na pumapasok sa UCLA.
Hanggang sa makapag tapos ako ng Master's Degree. Umuwi ako ng pilipinas para asikasuhin ang family business namin. Kung sino sino ang nakaka date ko subalit walang nakapukaw ng interes ko kay Einah/Penelope.
Ilang taon ako umaasa na makita ko siyang ulit. Napatayo ako nang makita ko siyang sumasayaw sa gitna ng stage. Lalo na nakasuot siya ng sexy lingerie. Gusto kong pag susuntukin ang mukha ng mga kalalakihan nanonood sa kanya at nakakita ng katawan niya. Sa oras na iyon. Gusto ko nang pumatay ng tao.
Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya mag trabaho sa club? Maraming magandang trabaho sa US. At maraming opportunity para magka pera.
Anong ginagawa niya dito? Nagulat ako na TNT pala siya. Pakiramdam ko maraming lihim sa pagkatao niya. Anytime bigla na lang siya mawawala sa paningin ko. Ginawa ko ang lahat para hindi siya tumakas.
Dahil pinapangako ko hinding hindi ko na siya pakakawalan. Kapag nag tagpo ang landas namin. Akin lang siya. Kahit anong mangyari. Hindi ko hahayaan mawala siya sa paningin ko. At tama nga ako. Marami nga siyang lihim.
Ngayon nalaman ko na isa pala siyang sundalo sa US army.
I'm so proud of her. Una hindi biro ang Training ng Military lalo na isang babae pa. Ngayon ko na naintindihan ang lahat. Tumingin ako sa paligid may mga kasamang pulis at sundalo nag hihintay sa mangyayari sa loob.
Lumabas ako sa loob ng sasakyan. Buti na lang wala sa akin ang atensyon nila. Hindi ko ma tiis ang babaeng mahal ko makikipag sagupaan sa mga kidnappers.
Nasa itaas kami ng bangin kung saan may puting mansion na pag aari ng isang mayaman na tao. Pasimple ako umalis sa pwesto ko.
Nakikita ko ang malaking bahay kung saan naka pwesto ang ibang mga kapulisan at sundalo nakatutok ang baril nila. Nang hindi nila ako napansin dali dali akong tumakbo sa kabilang panig ng daan. Naisip ko sa likod ako dadaan. Umakyat ako sa bakod ng mansion. Naririnig ko ang putukan ng baril sa loob ng mansion.
Nakita ko ang pinto sa likod ng bahay. Pagkababa ko pumasok ako sa likod ng pinto. Pasimple akong nagtago.
Nakita ko si Einah/Penelope nakikipag barilan sa mga kidnapper. Pagapang ako papunta sa kanya.
Nag salubong ang kilay ni Einah/Penelope nang makita niya ako nagtatago. Tumakbo si Einah sa kinalulugaran ko. Gumaganti siya sa pag papaputok.
"Damn it! Anong ginagawa mo dito. Ivan?!" Pasigaw na tanong ni Penelope. Nakikita ko ang galit sa mukha niya.
"Mahal kita Einah o Penelope. Hindi ko kayang mawala ka sa paningin ko" Nagulat kami na may bumaril sa amin
"Oh Shit!" Itinabon ni Einah ang kanyang katawan. Tumayo siya para gumanti ng baril sa kalaban. Nabaril sa ulo ang isang lalake.
"Umalis na tayo dito!" Mariin sinabi ni Einah. Hinila niya ako. Nag sign si Einah sa ibang mga sundalo. Ang iba nag palitan ng putok ng baril.
Padapang naglakad kami paakyat sa itaas. Kabang kaba ako sa mangyayari. Nang makarating kami sa taas. Binaril ni Einah ang door knob at sinipa ang pinto. Nakita namin na walang tao. Umalis kami at lumipat sa iba habang nasa likod niya ako. Inaamin ko na nahihirapan siyang kumilos dahil inaalala niya ang kalagayan ko. Isang pinto na lang binaril niya ang door knob.
Sinilip namin na wala pa ring tao. Tumingin siya sa buong paligid. Tinignan kung may kakaiba. Akmang aalis na kami nang may mapansin siyang kakulay ng pinto ang pader. Unang tingin hindi mo mapapansin.
Pero kung titigan doon mo lang mo mapapansin. Nagtaka ako kumatok siya sa pinto. Parang may hinahanap siya. Napansin niyang iba ang tunog saka niya idinikit ang tainga. Lumayo si Einah/Penelope. Kinuha niya ang Silencer Gun nasa uniform niya. Kung saan niya dinikit ang tainga. Doon niya mismo isinetro ang pag baril. Bumukas bigla ang pinto.
Ganito kagaling ang mahal ko? Namangha ako sa galing niya kaya napatitig sa magandang mukha ng mahal ko. Pumasok kami sa loob napaka dilim. Dahan dahan kaming nag lakad. May kinuha siya sa bulsa at may binuksan siya saka biglang umilaw. Kaya lumiwanag ang loob. Walang tao. Umikot ang mata ni Einah sa paligid.
Plain white lang lahat wala akong napansin kakaiba. Nagulat ako tumalon siya sa gilid kung saan nakatayo si Einah/Penelope
"Dito.Ka.Lang! Huwag na huwag kang aalis!" Madiin niyang sinabi. Nanlaki ang mata ko biglang binaril ni Einah/Penelope ang pa square ang sahig hanggang sa bumagsak siya.
"Einah!" Sigaw ko!