Einah POV
Pag pasok namin sa loob ng bodega. Tinignan ko ang buong paligid.
Negative. Walang laman ang kwarto kulay puti ang mga pader.
Napangisi ako. Hindi ako magiging magaling na Lieutenant Colonel at Secret Agent kung wala akong kaalaman sa ganitong senaryo. Tumingin ako sa sahig napansin ko may guhit sa bandang kaliwa. Napangiti ako.
Bingo!
"Dito.Ka.Lang! Huwag na huwag kang aalis!" Madiin kong sinabi kay Ivan. Napakatigas ng ulo talaga ng lalakeng ito. Sinabi nang maghintay na lang sa pwesto niya. Pinaputukan ko ng pa square ang kinatatayuan ko saka direcho akong bumagsak sa pwesto ko.
"Einah!" Narinig kong sigaw ni Ivan.
Nakita ko ang limang kalalakihan nakasuot ng itim na damit at ang isang lalakeng nakita ko walang iba kundi si Mr. Jackson Black ang tiyuhin ni Ivan habang hawak nito sa leeg ang ama ni Ivan si Mr. Luciano Black.
Sa gulat nila hindi nila. Naitutok ko agad ang baril sa dalawang lalake at binaril ko agad sa ulo. Nang maubusan ako ng bala. Binato ko sa isang lalake ang baril sakto sa ulo niya. Nakita ko si Ivan bumaba sa hagdanan ng pinagbagsakan ko.
Shit! Mura ko sa isip. Kitang kita ni Ivan ang pag sabit ng dalawang paa ko sa ulo ng lalake bago ko binagsak sa sahig at baliin ang kanyang paa. Ang isang lalake naman lumapit sa akin hinampas niya ako sa mukha kaya bumagsak ako sa sahig. Tiniis ko ang sakit sa mukha.
Nagmadali akong tumayo at hinablot ko siya saka ko binigyan ng sinapak sa mukha at tinadyakan ang likod niya bumagsak ang lalake. Kinuha ko agad ang hawak niyang baril at pinatamaan ang ulo nito.
Narinig ko ang pag tawag ni Ivan sa matandang lalake. Tumayo ako ng tuwid bago lumapit kay Ivan.
"Uncle Jackson!" Salubong ang kilay ni Ivan nagtatanong ang kanyang tingin. Ang kanyang Uncle Jackson ang may kagagawan ng pangingidnap sa kanyang ama.
"Why?" Naiiyak na tanong ni Ivan sa kanyang tiyuhin.
"I didn't expect that you're girlfriend is a soldier! tama nga ako may kakaiba sa kanya" Matiim ang tingin binigay ni Uncle Jackson sa akin. Nakadama ako ng lungkot dahil si Uncle Jackson ang nag tanggol sa akin nang pinahiya ako ng magulang ni Ivan. Alam ko na mabait ang matandang lalake.
"Uncle Jackson, pag usapan natin ito. Bakit ninyo kinidnap si Mr. Luciano? Kapatid mo siya di ba?" Mahinahon kong tanong.
"Jackson, pakawalan mo na ako! Wala kang mapapala sa mga ginagawa mong ito!" Galit na sigaw ni Mr. Luciano.
Damn it! Hindi man lang magpakumbaba itong ama ni Ivan.
"Tumahimik ka! Dahil sa iyong Ina kaya ko ito ginawa. Una ninakaw ng ama natin ang kayamanan ng totoo kong Ina! Ang kayamanan na dapat para sa akin!" Nagulat ako sa nalaman. Napabaling ang tingin ko kay Ivan na gulat na gulat din sa nalaman.
"Gusto kong marinig ng anak mo ang totoong nangyari sa pamilya natin. Mayaman ang angkan ng totoo kong Ina ang mga Romualdez. Umibig ang Mama ko sa ama namin na isa lamang empleyado. Minahal at ibinigay niya ang lahat pagkatapos niyang paibigin ang aking Ina. Inangkin lang niya ang kayamanan ni Mama. Iniwan niya si Mama na walang wala sa sobrang pagmamahal kay Papa nagpakamatay ang totoo kong ina." Nakaramdam ako ng habag sa kwento ni Uncle Jackson.
"Kung ginagawa ko ito kinuha ko lang ang karapatan ko!" Naglaglagan ang luha sa mata ko. Mapait ang boses ni Uncle Jackson. Napakagat ako sa labi. Si Ivan na tahimik at hindi alam ang gagawin. Paborito niyang tiyuhin si Uncle Jackson. Siya ang takbuhan kapag may problema siya sa kanyang ama.
"I'm sorry K - kuya Jackson hindi ko alam a - ang nangyari. Si Mama puro kasinungalingan ang sinabi niya sa akin. Kaya lumayo ang loob ko sa iyo" Nagulat kami sa sinabi ng ama ni Ivan na umiiyak na ngayon. Nakita namin ang luha ni Uncle Jackson sa kanyang mata.
"H - hindi ko alam na - nagawa ni Papa sa iyong Ina. K- kung nalaman ko lang hi - hindi sana tayo umabot ng ganito pero kahit ganon mahal kita. Kuya, Dahil ikaw lang nag iisa kong kapatid!" Napansin namin lumuwag ang pag hawak ni Uncle Jackson sa leeg ng ama ni Ivan. Itinulak niya si Mr. Luciano papunta kay Ivan. Nanlaki ang mata namin nang itutok ni Uncle Jackson ang baril sa sentido nito.
"Uncle Jackson. Please huwag mong gawin yan!" Nagmamakaawang sigaw ni Ivan.
Shit! Kailangan kong lumapit.
"Huwag ka nang mag tangka pang lumapit Einah. Hindi ko kayang sumuko sa batas para makulong. Patawarin mo ako. Luciano. Kung hindi ako naging mabuting kapatid sa iyo" Nanlalaki ang mata ni Mr. Luciano Black. Parehas din ni Ivan na umiiyak
"K - Kuya, huwag mong gawin yan! Gagawa ako ng paraan para makalaya ka agad. Please nagmamakaawa ako sa iyo!" Nag aalalang sigaw ng ama ni Ivan.
"Patawarin mo ako sa nagawa kong kasalanan sa pag kidnap ko sa iyo. Mahal na mahal kita kapatid ko. Isa lang kahilingan ko hanapin mo ang mag iina ko si Sofia Montemayor at ang nag iisa kong anak na lalake si Carl Montemayor. Ibigay mo sa kanila ang mga ari arian ko. Sabihin mo sa kanila patawarin nila ako. At sa babaeng minahal ko si Isabelle Riva." Sabay binaril ang kanyang ulo. Napaluhod si Mr. Luciano sa sinapit ng kapatid.
***
"Maraming salamat. Penelope sa pag ligtas mo sa asawa ko" Naluluha ang mata ni Mrs. Romina niyakap ako.
"Patawarin mo kami sa kasalanan namin sa iyo. Iha." Ngumiti ako sa kanila tanda na napatawad ko na sila.
"Wala na po sa akin iyon. Mas mabuting kalimutan natin ang nangyari." Niyakap ako ni Mrs. Romina Black.
"Thank you Iha. Tawagin mo kaming Mom and Dad" Kimi akong ngumiti. Tumikhim si Ivan.
"Let's talk" Tumango ako kay Ivan. Nagpaalam ako sa magulang niya. Sumunod ako kung saan ang nilalakaran ni Ivan. Pumasok kami sa loob ng kanyang kwarto.
"Who are you?" panimulang tanong ni Ivan. Huminga ako ng malalim bago ko binuka ang bibig.
"I'm Lieutenant Colonel Einah Alonzo - Sandoval from U.S Army and Secret Agent of Titan Defense Services. Nag panggap kaming student sa UCLA ni Silver dahil sa kumakalat na droga sa loob ng eskwelahan at pag kidnap sa mga estudyanteng babae at ibebenta sa mga mayayamang tao. I'm sorry cause I lied to you. Kung iniwan kita noon because I need to finish my military training. I want to fulfill my dream and promises to my Uncle Samuel. At yun nag kita tayo may mission kami dito sa pilipinas para hulihin si Michael Hudson sa Midnight KTV. I'm not a real dancer nor prostitute." Napakagat ako sa labi sa pag pipigil ko ng luha.
"I have a Professional Oath as a Secret Agent. I need to hide my myself to anyone even my love one's" Naglaglagan ang luha sa mata ko. Napayuko ako sa kanya. Hindi ako makatingin kay Ivan natatakot ako na baka hindi niya ako tanggapin dahil sa kasinungalingan ko sa kanya.
"Do you love me?" Napaangat ako ng ulo sa hindi inaasahan tanong ni Ivan. Lumakas ang tibok ng puso ko.
"Yes! I love you with all my heart" Nahihiya kong sinabi. Nagulat ako biglang lumapit sa akin si Ivan. Niyakap niya ako ng mahigpit.
"That's enough for now. I don't care if you're a Prostitute or Secret Agent. Nang mawala ka sa tabi ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung saan saan kita hinanap. My heart is longing for you" Bumaba ang labi ni Ivan. Gumanti ako sa mga halik niya. Binitiwan niya ang labi ko nang maubusan kami ng hininga.
"Mahal na mahal kita Einah Sandoval" Pinunasan niya ang luha sa mga mata ko.
"Mahal na mahal din kita Ivan Lester Black" Ganting sagot ko din. Niyakap niya ako ng mahigpit.