Chapter Seven | True Love

Einah POV

Nakasimangot ako nakasunod kay Sir Matthew. Pagpasok niya sa loob ng kanyang opisina.

"Ms. Sandoval, i'm starving! can you please order delivery food for two person?" He said to me. Napaawang ang labi ko nang sabay kumalam ang sikmura namin. Napatingin siya sa akin. Namumula ang mukha namin sa sobrang pagkapahiya. Pareho din kaming napalunok.

"I think we need to go outside. hindi na kakayanin ng delivery service ang gutom ko" Tumayo si Sir Matt biglang niyang hinila ang aking kamay. Parang may kuryenteng pumasok sa loob ng katawan ko.

"W- wait Sir Matthew! B - bitawan n'yo ang kamay ko. Sasama naman ako sa iyo!" Sabi ko instead na sundin ang sinabi ko mas lalo pa niya akong hinatak. Buti na lang dumerecho kami sa parking lot at walang tao nakakita sa amin. Pina andar niya ang sasakyan.

"So, where should we eat?" Tanong niya sa akin.

Sa gutom ko! Hindi na ako makakapag hintay ngayon kaya walang pumapasok sa isip ko. Bigla kong nakita ang KFC fast food restaurant. Nag ningning ang mata ko.

"Sa KFC!" Napakunot ang noo ni Sir Matthew sa akin.

"Are you sure?" Tumango ako sa kanya. Nagkibit balikat siya tanda na sumang ayon sa kagustuhan ko na kumain sa KFC kaya hininto niya ang sasakyan sa parking lot ng fast food restaurant. Buti na lang hindi mahaba ang pila.

"Sir, 8 pcs of original bucket meal. Mas makakamura tayo dahil may brownies at mash potatoes with drinks na!" Nakangiti kong sinabi. Kinuha ko ang wallet para ibigay sa kanya ang kalahati ng inorder namin.

"No need I can pay" Nakangiti niya sinabi. Tumango na lang ako. Sabagay libre na kaya hindi na ako mag iinarte pa. Nag hanap ako ng upuan habang hinihintay si Sir Matthew.

Palihim ko siyang sinusulyapan habang nakapila siya sa counter. May ibang babae napapatingin sa kanya. Hindi ko maintindihan kung saan nanggaling ang inis sa mga babaeng humahangang nakatitig kay Sir Matthew.

Pagkatapos makapag bayad dala ni Sir Matthew ang order n'yan bucket meal. Ningitian ko siya habang tinutulungan ilagay ang mga pagkain. Sabay kaming naghugas ng kamay bago nilantakan ang manok. Sa sobrang gutom ko hindi ko na siya pinansin.

"Ms. Sandoval -" May sasabihin sana siya.

"Mamaya mo na ako kausapin Sir. Gutom ako!" Sunod sunod ang subo ko. Napapailing na lang siya sa akin. Napansin ko na prim and proper kumain ni Sir Matthew.

"You remind me of my younger sister" Napakunot ang noo ko dahil hindi umabot ang ngiti niya sa mata.

May problema ba siya? Tumikhim ako. Para mabaling sa iba ang usapan.

"Sir, kamayin mo na lang ang manok mas masarap!" Pinakita ko sa kanya ang pag himay ng manok bago ko sinawsaw sa gravy kaya sinunod niya ako. Parang hindi makapaniwala si Sir Matthew na mauubos ko ang isang bucket ng manok samantalang siya naka dalawang piraso lang at isang rice at mash potato. Ako naman walang pakielam kung mukha akong patay gutom.

"Hindi ko akalain na kaya mong ubusin lahat yan Ms. Sandoval sa payat mong yan?" Gulat na gulat sinabi ni Sir Matthew.

"Bakit? May problema po ba Sir?" Nagtataka kong tanong.

"Nothing! Mukhang kailangan ko mag order ng maramihan" Natatawa siyang napailing. Ibig sabihin siya ang gagastos sa lunch namin? Dumirecho na kami pabalik ng opisina. Alam ko na mag o overtime kami ni Sir Matthew lalo na kita ko na tambak ang mga folders nakalagay sa table namin.

***

Matthew POV

After nine years nakita ko na din siya. Ang tagal ko na siyang hinintay. Ang babaeng gumulo ng isip ko sa batang edad na fifteen years old. Nalaman ko nag divorce sila ng kanyang ex husband si Ivan Lester Gonzales Black. Lihim ako napangiti dahil nagkagusto siya sa ibang babae.

"Sir Matt, here's the list of your meeting for today" Mariin ang titig ko sa kanya habang nag sasalita siya.

She's really beautiful! Hindi ako magsasawang titigan ang kanyang napakagandang mukha. Naalala ko ang pinag usapan namin ni Daddy.

Flashback

Nag tataka ako pinapunta ni Daddy sa Mansion namin sa Colorado.

"Hey, Dad!" Yumakap ako sa kanya.

"How was your work?" Tanong niya sa akin.

"Good" Tipid kong sagot alam ni Daddy na hindi pa rin ako masaya.

"Son, I want to tell you something" Nakaupo kami ni Daddy habang nakatingin siya sa malayo pinagmamasdan ang lupain namin dito sa Colorado.

"What is it dad?"

"Naalala mo ba ang babaeng na i drawing mo at pinakita sa akin?" Tumango ako.

"She will going to worked in our company in philippines" Napaawang ang labi ko. Sa oras na iyon. Nagmadali akong umuwi ng pilipinas kinausap ko si Daddy na siya muna mag ma manage ng business namin dito sa US.

Ngayon abot kamay ko na si Einah gagawin ko ang lahat para mapasa akin lang siya at magkagusto din siya sa kin. Tatanggapin ko ang anak nito kay Ivan. Hindi ko hahayaan kumawala pa sa akin si Einah.

Because she is mine! Only mine. Walang ibang makakaagaw sa akin kay Einah Sandoval. Pinapangako ko.

***

Einah POV

Akala ko Madrid Techno Cars Incorporated lang ang hawak nila. Nalaman ko na pag aari nila ang naglalakihang Supermarket sa US kaya pala nakikita ko ang Braun's Mart at Shareholder sila ng naglalakihan Hotels sa buong mundo at ilang Hospital sa asia kasama pa ang Titan Defense Services sa Colorado at Los Angeles.

Kung titignan napaka private na tao ang pamilyang Madrid hindi sila maingay katulad ng pamilya ni Ivan na mahilig makipag social gathering sa mga kapwa mayayaman. Sila iyon napaka down to earth na tao.

Kung ikukumpara ko mas nakakalamang ang pamilyang Madrid kumpara sa Gonzales - Black. Sa loob ng dalawang linggo. Hindi ko naranasan na bumaba ng lunch simula nang dumating si Sir Matthew. Anyway mabuti na din para makatipid sa gastusin.

Simula ng nag hiwalay kami ni Ivan. Hindi ko tinanggap ang offer niyang sustento. Tama na sa anak namin si Nicholas ang tumanggap ng sustento. Ang condo na pinamana sa akin ni Uncle Samuel sa Los Angeles na pinaupahan ko at ang ipon kong pera simula nagtrabaho ako sa Military at Secret Agent. Binili ko ng Townhouse dito sa Antipolo.

Pina ayos ko din ang bahay namin sa Laoag. Pag nagka oras ako hihingi ako ng bakasyon para mapasyalan namin ulit ng anak kong si Nicholas. Nabalitaan ko na nanganak na si Harriet pasimple kong sinilip ang facebook niya kasama ang pamilya ni Ivan. Nakaramdam ako ng kirot sa puso. Nalaglagan ang butil ng luha sa aking mga mata.

"Ms. Sandoval are you okay?" Napatingin ako kay Sir Matthew nag aalalang mukha. Matamlay akong gumanti ng ngiti.

"I'm fine Sir. Sorry may naisip lang ako" Bumalik ako sa pag che check ng E - mail hindi ko napansin na lumabas si Sir Matthew sa office nito. Nanatili pa rin siyang nakatayo habang nakatitig sa akin. Nagtatakang tingin ang binigay ko kay Sir Matthew.

"Sir, do you need something?" Umiling siya sa akin. Napaigtad ako nang lumapit siya sa table ko. Tumaas ang kanan kamay niya at hinaplos ang pisngi ko gamit ang daliri niya. Para akong nakuryente sa pag haplos ng kamay niya.

"I'll promise that you will never cry again" Umawang ang labi ko. Nag rambulan ang tibok ng puso ko sa sinabi niya.

"Sir Matt -?" Naguguluhan kong tanong. Tinanggal niya ang kamay sa pisngi ko.

"Nothing Ms. Sandoval, just go back to your work." Matamlay niyang sinabi. Pumasok si Sir Matthew sa kanyang office. Habang ako naguguluhan sa kinikilos niya.

***

Matthew POV

Gusto kong suntukin ang pader. Naninikip ang dibdib ko sa inis at selos. Hindi niya napansin na lumabas ako ng opisina at nakita ko siyang nakatitig sa cellphone. Kitang kita ko pinag mamasdan niya si Ivan at ang asawa nitong babae. Gusto ko siyang yakapin at alagaan.

Pinapangako ko hinding hindi ako magiging katulad ni Ivan na mag mamahal ng ibang babae. Para lang ako kay Einah walang ibang tinibok ang puso ko kundi siya.

Hinding hindi ko siya sasaktan. Pangako yan!

Ibibigay ko ang lahat basta mahalin lang ako ni Einah.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.