Einah POV
Nasa comfort room kami ng MTCI ngayon kasama ang dalawa kong kaibigan sina Lyka at Miel. Sila ang naging Close ko dito sa MTCI. Kasalukuyan kaming nag re retouch katatapos lang ng lunch namin. Nagkataon wala si Sir Matthew kaya magkakasama kami ngayon.
May ka meeting na client ng MTCI si Sir Matthew. Nagulat ako na may dumating na delivery food galing sa Winter palace isa sa sikat na Outlet Restaurant ng Makati Winterson Hotel. Sa dami ng pagkain niyaya ko sina Lyka at Miel na sumabay sa akin dito sa Cubicle ko.
"Einah, sama ka sa amin mamaya. May bagong bukas na bar sa makati maraming fafa bells dun" Wika ni Miel. Umangat ang isa kong kilay sa sinabi niya.
"Naku girls wala akong tiwala sa fafabells na sinasabi ninyo. Marami ng nag lipana ng ka federasyon ngayon" Natatawa kong sinabi. Nagtawanan kaming magkakaibigan.
"Sows, hindi naman siguro malay mo may makilala tayong katulad ni Sir Matthew na makalaglag panty ang kagwapuhan kaso ubod naman ng suplado." Umirap si Lyka. Maraming babae nagkaka gusto sa CEO ng MTCI.
Wehh? Ikaw din naman may crush ka din kay Sir Matthew?
Tse! Tumigil ka nga! Sinaway ko agad ang sinabi ng isip ko tungkol kay Sir Matthew.
"Anong feeling na nakikita mo araw araw ang kagwapuhan ni Sir Matthew?" Curious na tanong ni Miel.
"Wala. subsob siya sa trabaho. Bihira lang kami mag usap kung di rin lang regarding sa work" Totoo naman sinabi ko.
Maniwala ako sa iyo Einah! Nahuhuli mo nga siyang palaging nakatitig sa iyo.
Ano ba itong nasa utak ko? Palaging sumasagot si Kinky mind sa isip ko.
"Kung ako sa iyo Einah. Subukan mong akitin si Sir Matthew sa ganda mo yan? Marami kayang may gusto sa iyo dito. Naku! Kung ako yan gagamitin ko kagandahan mo at mag papalahi na ako kay Sir Matthew para naman magkaroon ng kapatid si Nicholas. Ang super pogi mong anak. Sayang ang bata pa ng anak mo kundi pipikutin ko talaga yun. Kapag lumaki na si Nicholas. I'm sure sasakit ang ulo mo sa dami ng babaeng magkaka gusto sa kanya" Natatawa akong napapailing sa dalawa kong kaibigan. Pati anak ko nanahimik dinadamay nila sa kalandian. Nakita na nila si Nicholas kaya gwapong gwapo sila sa anak kong lalake.
Syempre kanino pa ba mag mamana kundi sa kanyang ina.
"Ano sasama ka ba sa amin?" Tanong ulit ni Miel. Nag isip ako. Siguro nga kailangan ko muna mag unwind. Matagal na din na panahon huling nung gumimik ako.
"Sige! Sasama ako sa inyo" Pag payag ko sa kanila.
"Ayun at last na yaya ka din namin! oh girls just wanna have fun!" Kanta ni Lyka.
"Tara na nga!" Anyaya ko sa kanila para makapag simula na ng mag trabaho.
***
Hindi pa bumabalik si Sir Matthew mula sa meeting. Mag aalas singko na. Kaya napag desisyonan ko na umuwi na lang ng bahay. Nag bihis ako ng White Button Up Crop Top at Maong Short at Sandals with heels. Napangiti ako dahil nag mukha akong bata sa edad ko na thirty three years old. Hindi mo iisipin may anak akong nine years old.
"Wow! You're so Sexy, Mom!" Napangiti ako sa sinabi ng pogi kong anak.
"Thank you. Anak!" Pinang gigilan ko siya bago hinalikan sa pisngi.
Ang pogi pogi talaga ang anak ko!
"Stop it. Mom!" Natawa ako sa pag simangot ng anak ko. Nagpaalam sa kanya bago umalis. Usapan namin mag kita sa entrance ng Elite Bar ng mga kaibigan ko si Miel at Lyka.
Pag pasok namin sa Elite Bar. Maraming kabataan na sumasayaw sa dance floor. Nakita ko may mga artista at anak ng politician. Ang iba napapatingin sa amin. Actually sa akin.
"Ang ganda mo talaga Einah! Halos lahat ng mga lalake nakatingin sa iyo" Sabi ni Lyka.
"Maganda ka din kaya." Ganting sagot ko sa kanya. Masaya kaming nag iinuman nina Miel at Lyka. Marami na kaming napag ke kwentuhan. Ako naman pinapanood ko ang mga babaeng sumasayaw. Nagka yayaan na sumayaw kami sa dance floor dahil nahihilo na ako sa ininom kong vodka.
Masaya kaming nag sasayawan nina Lyka at Mie. Biglang may lalaking humawak sa baywang ko.
"Hi! Beautiful. May I know your name?" Bulong niya sa akin. Gwapo ang lalake at mukhang ka edaran ni Sir Matthew. Hindi ko siya sinagot. Naiinis ako sa paghawak niya sa baywang ko. Akmang itutulak ko na siya. Biglang may sumulpot na lalake sa harap namin.
Nagulat ako nasa sahig na ang lalakeng humawak sa baywang ko. Nanlalaki ang mata ko sa gulat.
Si Sir Matthew?! Anong ginagawa niya dito? Napatingin ako sa galit na galit niyang mukha.
Paano siya nakapunta dito? Teka? Paano niya nalaman nandito kami? Nagulat ako bigla niyang hinila ang kamay ko. Palabas ng Elite Bar. Dahil sa gulat napasunod ako sa kanya.
"What are you doing here. Ms. Sandoval?!" Nanlilisik ang mata ni Sir Matthew sa akin. Bumaba ang tingin niya sa suot kong damit.
"Ah.. Eh Night party?" Inosente kong sagot. Nahihilo na ako. Salubong pa rin ang kilay niya. Hindi ko na maintindihan ang mga binigkas niya. Nasusuka na ako. Hindi na ako makaangal nang hinila niya ako papunta sa BMW niyang sasakyan. Pinaupo niya ako sa passenger seat.
Ang utak ko gusto ko ng tumakbo papuntang CR para mailabas ko ang ininom ko. Hindi ko na masabi pa kay Sir Matthew. Habang pinapaharurot niya ang kotse.
"Sir, slow down! Nasusuka na ako!" Pasigaw kong sinabi. Hindi niya ako pinansin. Nakatiim bagang lang siya. Wala sa sariling lumapit ako sa kanya.
"Sir?!!" Malakas kong sigaw. Lumingon sa akin si Sir Matthew dahil nakaharap na ako sa kanya.
"What?!" Pagkasabi ni Sir Matthew iyon. Nasukahan ko siya mismo sa kanyang tyan.
"Damn it. Einah!" Ang huling narinig kong sinabi ni Sir Matthew.
***
Bigla akong napamulat ng mata. Tinignan ko ang buong kapaligiran. Napanganga ako sa ganda ng kwarto. Very manly at ang bango! Modern ang mga kagamitan halatang mayaman ang may ari.
Bumango ako nang maramdaman ko ang sakit ng ulo.
Teka? Where am i? Napatingin ako kung may suot akong damit. Buti naman. Nakasuot ako ng mahabang T - Shirt at naka bra at panty pa ako. Ayokong mangyari ulit noon na nag lakad akong nakahubad.
Nakita ko may isang pitsel ng tubig at gamot. Napangiti ako dahil sa nakita kong effort ni Sir Matthew.
Pagkatapos ko siyang suka - What?! Nasukahan ko siya kagabi! At - Biglang nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang nangyari.
Biglang bumukas ang pinto. Pulang pula ang mukha ko nakatingin sa nakangiting mukha ni Sir Matthew.
"I'm glad. You're awake. Ms. Sandoval!" Halatang bagong paligo si Sir Matthew. Napayuko ako hindi ako makatingin sa kanya dahil sa nangyari kagabi.
"Hey! Are you okay? Masakit pa ba ang ulo mo?" Nag aalala niyang tanong.
"Ha.. I'm sorry. Sir, Sa nangyari kagabi" Pulang pula ang mukha ko. Tumawa ng mahina si Sir Matthew.
"It's okay. Ms. Sandoval. Pinalaba ko na kay Yaya Loren ang damit mo. At siya din nag bihis sa iyo kagabi." Nakahinga ako ng maluwang sa sinabi ni Sir Matthew.
"You can use my Toilet. If you want to take a bath para mahimasmasan ka. Then let's eat lunch together" Hindi pa rin ako makapag salita sa kanya.
Kwarto niya ito?! Dito niya ako pinatulog?! Nakayuko lang ako nanlalaki ang mata sa gulat. Mas nagulat ako ng kamay niya nasa baba ko iniangat ni Sir Matthew ang mukha ko.
"You are so beautiful. Ms. Sandoval!" He said bumukas ang labi ko nakatitig sa kanya. Nakita ko ang pag lunok niya. Binitiwan niya ang mukha ko. Nagmamadali siyang lumabas. Ang lakas ng tibok ng puso ko.
What was that?! Pagkatapos kong maligo. Lumabas na ako sa kwarto niya.
Namangha ako sa ganda ng bahay niya dito sa Forbes Park. Bigatin mga nakatira dito. Niyaya niya akong kumain. Hindi pa rin ako makapag salita.
"Hindi mo ba nagustuhan?" Tukoy ni Sir Matthew sa pagkain nakahain sa pinggan ko. Nahihiya akong umiling sa kanya.
"I - I'm sorry talaga Sir!" Humalakhak si Sir Matthew.
"It's okay Ms. Sandoval. Ihahatid na kita pauwi sa bahay mo. Bago ako pumasok sa opisina" Buti na lang Saturday ngayon. Day off ko kaya malakas ang loob ko na uminom kagabi.
Si Sir Matthew ang may pasok sa Saturday. Half day naman siya. Hindi ko lubos maisip napaka gentleman ni Sir Matthew. Hindi niya sinamantala ang kalasingan ko kagabi.
Anong gusto mo may mangyari sa inyo? My badass mind said.
Why not?! Lalo na may mapang laway na katawan si Sir Matthew.
Shit! Ano ba itong pumapasok sa isip ko.
Hinatid ako ni Sir Matthew sa tinitirhan ko. Pag akyat ko sa kwarto Nakatingin ako sa kisame. Nakatulala. Iniisip ko pa rin ang nangyari sa amin ni Sir Matthew kanina.
Kaya kinilig ang puso ko.
***
Matthew POV
Grabe ang self control ko. Gustong gusto ko na mahalikan si Einah kanina. Kagabi, sobrang lasing na lasing siya. Inutos ko kay Yaya Loren na siya na mag bihis kay Einah dahil kapag ako. Hindi lang pag bibihis ang gagawin ko. Mas higit pa doon.
Nagkayayaan kami kagabi ng Client ko sa Elite Bar. Hindi ako nakabalik sa opisina dahil napahaba ang kwentuhan namin. Kaya nag pa deliver ako ng lunch para kay Einah. Ayoko siyang magutom at lumabas ng cubicle niya.
Iinumin ko na ang alak sa baso ko. Nang mahagip ng mata ko si Einah nasa dance floor at hawak ng lalake ang baywang niya. Sa Oras na iyon sumugod ako. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na suntukin ang lalakeng iyon. Bago ko inuwi si Einah sa bahay. Mismong sa kwarto ko siya pinatulog.
Naalala ko sinukahan ako ni Einah. Hindi ko mapigilan na matawa.
My Sweet Einah! Walang ibang hahawak sa kanya kundi ako lang. Akin lang si Einah!