Chapter Nine | True Love

Einah POV

Naging smooth naman kami ni Sir Matt. Magaling siyang boss akalain mo ang binatilyong nakilala ko noon. Isa nang magaling na businessman. Palagi niya akong sinasama sa mga meetings. Parang ayaw niya akong mawala sa paningin niya. Kasalukuyan akong nakaupo sa black sofa ng office habang may dinidikta siya sa akin sa mga investor ng MTCI.

Nakatingin siya sa harap ng laptop niya. Napako ang titig ko sa kanyang labi. Wala sa loob lumabas ang dila ko kaya nabasa ang labi ko at napakagat tuloy ako sa labi.

Ano kaya ang pakiramdam kapag nahalikan ni Matthew Madrid? kinky mind said.

Haliparot ka! Sabi ni Badass Mind.

Teka? Single naman ako ah. May karapatan akong lumandi. Pag tatanggol ko sa sarili. Dumako ang mata ko sa kanyang makakapal na kilay at sa mata niya.

Why? he so gwapo! Malandi kong tanong sa isip. At ang ilong niya perpekto ang pagkahulma pareho sila ng aking si Nicholas. Napakunot noo ako na ma realized ko sa kanilang dalawa ni Nicholas.

Oo nga?! Pwede ba yun? Siguro nagkataon lang. Bumaba ang tingin ko sa kanyang katawan. Pansin ko na wala siyang tyan. Mukhang active siguro siya sa gym.

Ilan kaya ang pandesal nakatago sa kanyang amerikanang suot?

"Ms. Sandoval, done checking on me?" He's smirked napansin niya ang paninitig ko sa kanya. Lumakas ang tibok ng puso ko parang drum ang lakas nito. Namula ang pisngi ko sa kahihiyan

"Y - Yes Sir, I mean no Sir!" Halos hindi ako makatitig sa kanya.

Damn it Einah! Focus to your work not to your boss! Landi lang teh! My Badass Mind.

Hindi naman ako naging ganito noon na parang teenager sa first crush niya. Oo, noon na gwapuhan ako kay Ivan but he was not my crush.

But this man, parang may binuhay siya sa pagkatao ko.

"Tomorrow, we are going to japan for business meeting" Hanu raw?! Business meeting sa japan! Teh! Nagtataka ako sa sinabi niya.

Isasama niya ako? Teka, hindi pwede may anak ako nag hihintay sa akin. Tatanggi sana ako ng sinabi niya.

"We gonna use my private plane. Umaga tayo aalis at uuwi din ng gabi sa pilipinas." Gulat ako sa sinabi niya.

May private plane siya? Napilitan akong tumango.

Kinabukasan naka schedule ang meeting niya ng 5:00pm kay Mr. And Mrs. Takahashi.

Maaga kaming pumunta alas siyete ng umaga kami bumiyahe.

Nagtaka ako dahil pumasok kami sa roxy mall sa asakusa. Nagtataka ako kumuha siya ng isang box ng Gundam at mga damit na kasing edad ni Nicholas. Napakunot ang noo ko.

Para kanino yan binili n'ya? At may mga damit at alahas sa Bvlgari shop. Mas lalong lumaki ang mata ko pumunta kami sa Rolex. Tinanong niya ako kung anong magandang relo syempre asar ako eh!

Tinuro ko yun mahal. Ahihihi! Tinanong niya ako kung alin yun maganda.

May pag reregaluhan ba siyang iba? Tanong ko sa sarili. May konting kirot akong naramdaman sa dibdib. Wala sa loob nailagay ko ang kamay sa dibdib.

Ano kaya ang ibig sabihin nito?

***

Matthew POV

Kahit saan ako pumunta palagi kong sinasama si Einah. Ayoko siya mawala sa paningin ko. Ngayon nandito kami sa ka business meeting ko. Isinama ko siya dito sa Japan. habang kausap ko ang mag asawang Mr. Takahashi at ang asawa niyang filipina parehong may edad na ang mag asawa.

"Thank you Mr and Mrs. Takahashi for trusting us." Nagkamay kami sa isa't isa.

"Oh! By the way, we would like to invite you for dinner with us." Tumingin si Mrs. Takahashi kay Einah. Gandang ganda siya kay Einah.

"Sure" Masaya kong tugon sa kanilang mag asawa.

"My son will coming soon. Oh! there he is" Isang matangkad na lalake. Halatang hapon ang mukha na papunta sa amin.

"Hi! Okasan" Humalik siya sa kanyang ina bago bumati sa kanyang ama. Napasulyap siya kay Einah kaya tumagal ang tingin niya sa babaeng mahal ko. Matamis na ngumiti si Einah sa binatang lalake.

Sumama ang pakiramdam ko.

"This is my Son. Hiro Takahashi." Pakilala sa amin ni Mr. Takahashi sa anak niyang lalake. Kinamayan ko ang anak nila. Nag sisi ako kung bakit pumayag pa ako sa imbitasyon nila. Nakita ko ang paghawak niya sa kamay ni Einah pinisil niya ito and jealousy strike on me. Tumikhim ako sa kanila para ipabatid na alisin niya ang kamay sa mahal ko.

"You have a very beautiful secretary" Sabi ni Hiro titig na titig kay Einah. Kung hindi lang nakakahiya kay Mr. Takahashi hinila ko na ang kamay ni Hiro.

I won't allow any guy to touch my girl. Hindi ko sinagot ang sinabi ng lalakeng hapon na ito. Inilagay ko ang kamay sa baywang ni Einah. Ipinakita ko na may relasyon kaming dalawa. Nagtatakang tumingin sa akin si Einah.

Sinalubong ko ang tingin niya sa akin. Sinasabi ng mata ko na sumunod ka na lang. Halos hilain ko na ang oras matapos lang ang Dinner namin. Ayokong may lalakeng mag kakagusto kay Einah.

She's mine!

***

Einah POV

Gusto kong simangutan si Sir Matthew. Isinama pa niya ako sa Japan para sa business meeting niya. Kanina pa siya. Kulang na lang yumakap ako sa kanya. Nakita ko ang interes ng anak ng investor ng MTCI. He's cute para siyang korean actor na kahawig ni Soo Hyun Kim.

Masama ang tingin ni Sir Matthew kay Hiro.

Ano bang problema ni Sir Matthew?

"Thank you for wonderful dinner Mr. And Mrs. Takahashi" Sabi ni Sir Matthew. Kanina pa ako napapangiwi.

"You're welcome. Mr. Madrid and also to your girlfriend. I think both of you are compatible." Nakangiting bati ni Mrs. Takahashi. Akmang mag sasalita ako. Pinisil ni Sir Matthew ang baywang ko.

Nagpipigil ako ng galit sa kaka chansing niya sa akin. Nakita ko ang pang hihinayang sa mukha ng anak ni Mr. Takahashi. Lumabas kami ng Hotel kung saan pinag darausan ng meeting.

Nag dadabog akong nag lakad habang si Sir Matthew naka ngisi.

"What happened to you. Ms. Sandoval?" Inosenteng tanong niya sa kin.

"Nag tatanong ka pa talaga. SIR! Pagkatapos mong pisilin ang baywang ko?!" Madiin kong sinabi.

"I didn't do anything Ms. Sandoval" Natatawa niyang sinabi. Biglang nag seryoso ang mukha ni Sir Matthew.

"Hindi ko hahayaan na may humawak na ibang lalake sa iyo dahil akin ka lang - " Lumapit siya sa akin. Ako naman halos mangapusan ng hininga umangat ang kamay niya sa pisngi ko.

Napaigtad ako nang patakan niya ng halik ang labi ko. Nagtaasan ang balahibo sa katawan ko. Parang may kuryenteng dumaloy sa kaibuturan ko.

"After so many years. I kissed that lips again" What did he say? Kiss? Again? What is he's talking about? Nakabukas lang ang bibig ko. Walang boses namutawi sa akin. Natahimik ako sa sinabi niya.

Tuliro akong inalalayan niyang pumasok sa loob ng sasakyan. Nalilito ako sa kinikilos ni Sir Matthew. Nasa Narita Airport na kami habang nakasakay sa private plane ng Madrid. Mag a alas nuwebe na ng gabi.

Para pa rin lutang ang isip ko sa pag halik niya sa akin. Madaling araw na hinatid niya ako sa Townhouse na kinuha ko dito sa antipolo. Latang lata ako sa pagod.

"Thank you, Sir and Good Night" Nasa harap na kami ng bahay akmang lalabas na ako ng kotse pigilan niya ako. Nauna siyang lumabas at siya nag bukas ng pinto ng sasakyan. Nagtaka ako pumunta siya sa compartment ng BMW n'ya. Inilabas ang tatlong paper bag na Bvlgari Jewelry at Rolex Watch at Isang box ng Gundam Robot at Ibang pinamili niyang damit.

"Take this as my gift!" Nanlaki ang mga mata ko. Lumakas ang tibok ng puso ko.

"What?!! No way! Sir. this is too much!" Sunod sunod na pag iling ko. Nanlalaki ang mata ko sa mga binigay niya sa akin. Ang mamahal kaya nito! Hindi lang mahal kundi Super Mahal. Sinamaan niya ako ng tingin.

Sinasabi na tanggapin ko na lang.

"Take this Einah or else i'll kissed you?!" Binantaan na naman niya ako. Umawang ang labi ko sa sinabi niya. Natulala ako habang nakatitig sa kanya. Nagulat ako bigla niyang hinablot ang batok ko. Marubdob niya akong hinalikan. Halos maubusan na ako ng hininga nang binitawan niya ang labi ko.

"Good night baby!" Masayang nakangiti ang mukha niya. Iniwan niya ako ulit nakatulala. Hindi pa rin ako kumikilos habang nakalayo na ang kanyang sasakyan.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.