Einah POV
Pagod kaming nakarating sa bahay. Tinawagan ko ang yaya ni Nicholas sinabi ko na late kami makakauwi. Buti na lang pinakain na niya ang anak ko. Pagkatapos namin maligo. Nanatiling tahimik si Matthew. Halatang takot na takot pa rin ito. Napabuntong hininga ako.
"Matt, tell me bakit ka gustong i assassinate ng mga lalakeng iyon?" Napalunok siya. Halatang pag aalinlangan nito na sabihin sa kin ang tanong ko sa kanya.
"Si Byan MacKenzie ang taong gusto gumanti sa amin." Nagsalubong nag kilay ko nang pagkarinig sa taong kilalang kilala ko.
"Pa - patay na si Bryan MacKenzie pa - paanong buhay siya ngayon?" Umiling si Matthew.
"Buhay siya akala din namin pinatay na ang taong iyon" Nanlalaki ang aking mata sa nalaman.
Bakit hindi nila sinasabi sa kin tungkol dito?
"P - Paano mo nalaman?" Nanginginig kong tanong sa kanya. Pinagpawisan ako ng malamig at nanginig ang tuhod ko sa nalaman. Ibig sabihin alam din ito ni Silver. "
"Because of Agent Arrow inform us. Nang sinugod nila ang warehouse sa Saint Petersburg. Nakita nila si Bryan Mackenzie." Bigla akong kinabahan.
Shit! Ngayon buhay si Bryan MacKenzie alam na din niya tungkol sa akin. Anytime babalikan niya ako.
"I - I left my younger sister! Einah" Nakita ko ang mukha ni Matthew na punong puno ng hinagpis habang kinukwento ang nangyari sa pamilya niya. Pinakita niya ang picture ng kapatid nitong si Lacey Anne Madrid. Napaawang ang labi ko Nakatitig sa babaeng kilalang kilala ko. At hindi ako nagkakamali.
Si Lady Satinne ang kapatid ni Matthew kaya pala may pagkakahawig silang dalawa. Siya ang batang babae nakita ko noon sa mall.
Damn it! Bakit hindi ko naisip iyon? Kaya pala nag hihiganti si Lady Satinne. Hinahanap niya kung sino ang gumahasa sa kanya.
Kung alam ko lang na siya ang anak ni Leonardo Madrid na nawawala. Disin sana'y iniligtas ko siya sa kamay ni Bryan MacKenzie.
"Matt, I'm the person who responsible to kill Bryan MacKenzie" Napabitiw ito sa pag yakap sa akin nanlalaki ang mata. Hindi siya makapaniwala sa narinig.
"You mean? Ikaw si Agent Phoenix. Ikaw ang pinadala ng TDS para ipapatay si Bryan Mackenzie?" Tumango ako sa kanya.
"I'm a Military Officer and Secret Agent nag panggap ako kay Bryan MacKenzie. Naging isa sa mga tauhan niya for almost three years. I met your younger sister Lacey Anne Madrid. S'ya na ngayon si Lady Satinne isa sa mga tauhan ni Bryan MacKenzie" Naguguluhan ang mukha ni Matthew hanggang sa humagulgol ng iyak sa narinig niya tungkol sa kanyang kapatid.
"Masaya ako na gising at buhay ang kapatid ko. Matutuwa sina Mommy at Daddy." Garalgal ang boses ni Matthew. Inamin niya na trauma siya sa nangyari sa pamilya nila. Hindi niya alam kung nasaan itinago ni Bryan Mackenzie si Lacey.
"Nakasama ko ang kapatid mo noon nag te - training kami sa Isla Del Fuego. Isang mapanganib na tao ang kapatid mo. Matthew, punong puno na ng galit. Aaminin ko sa iyo na may takot akong nararamdaman kay Lady Satinne. Isa siya sa pinakamagaling na Assassin ni Bryan MacKenzie. " Matiim ko siyang tinitigan. Umawang ang bibig ni Matthew sa nalaman tungkol sa kanyang kapatid.
"Alam ko ang nangyaring pang gagahasa ni Bryan Mackenzie sa kapatid mong babae. Narinig ko nag usap sila ni Genesis ang isa sa mga ampon niyang anak. Gustuhin ko man aminin kay Lady Satinne but she trusted Bryan Mackenzie so much" Paliwanag ko kay Matthew.
"Kung alam ko lang ang ganitong mangyayari sa pamilya namin. Sana sinabi namin kay Lacey tungkol sa pagkatao ni Bryan Mackenzie." Humagulgol ulit si Matthew.
"We need to hide! Because Bryan MacKenzie is a very dangerous man" Tumango sa kin si Matthew. Alam namin hindi kami patatahimikin ni Bryan MacKenzie. Kailangan ko higpitan ang pag babantay sa anak ko.
Eto pala ang sinabi ni Mr. Leonardo Madrid ang maging bodyguard sa anak niya dahil buhay pa pala si Bryan Mackenzie.
***
Mahigit isang linggo na ang nangyari. Humigpit ang security sa kumpanya at pati kay Matthew. Nagpadala ng tauhan si Matthew sa Townhouse para sa kaligtasan ni Nicholas.
Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Matthew na buhay pa si Bryan MacKenzie.
Anong gagawin ko? Kilala ko siya na babalikan niya ako. Saan ko itatago ang anak ko? Kung ganitong buhay pa si Bryan MacKenzie. Natatakot ako sa kaligtasan ng anak ko.
Hawak ko ang lapis sa aking palad. Wala sa loob na nabali ko ito. Nang marinig ko ang pag uusap ni Bryan MacKenzie at Genesis. Nagka idea ako sa nangyari kay Lady Satinne.
Pero ang hindi ko akalain na si Lady Satinne at Matthew na magkapatid sila. Kaya pala naalala ko na ang lahat. Ang matabang batang babae ay si Lady Satinne. Ang liit ng mundo naming dalawa. Kung alam ko lang sana ang nangyari. Maari kong iligtas si Lacey sa kamay ni Bryan MacKenzie.
Tumunog ang cellphone ko. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko.
Hindi ko alam kung saan nanggaling ang sobrang kaba na naramdaman ko ngayon.
"Hello, Yaya Wanda?" Bungad ko sa kausap.
"Ma'am Einah, si Nicholas nabaril" Umiiyak na sinabi ni Yaya Wanda. Naglaglagan ang luha sa mata ko.
"Nasaan hospital kayo?" Hindi magkamayaw ang luha sa mata ko. Kinuha ko ang bag at dali dali akong tumakbo papuntang parking lot ng MTCI habang kausap ang yaya ng anak ko. Nakarating ako sa Hospital na sinabi ni Yaya Wanda.
"Nicholas!" Sigaw ko papasok na sana ako sa loob ng operating room. Pinigilan ako ng mga Nurse.
"Ma'am, huwag muna kayong pumasok" Sabi ng Nurse. Walang tigil sa pag iyak.
Pinaliwanag sa kin ni Yaya Wanda na naglalaro si Nicholas sa Garden. May lalakeng naglalako ng ice cream ang dumating sa harap ng bahay namin. Binaril niya si Nicholas at may bumaril din sa lalake. Kaya patay na ito ngayon.
Tama nga ako! Hindi titigil si Bryan Mackenzie. Una si Matthew. Ngayon ang anak kong si Nicholas ang pinuntirya niyang patayin. Ang inosente kong anak.
Nag sisimula na siya. Hindi maari ito kailangan kong mag tago lalo na hindi biro ang makalaban si Bryan MacKenzie. Suntok sa buwan ang kalabanin ang Mafia of all the Mafia. Ibig sabihin alam na niya ang pagkatao ko.