Chapter Fifteen | True Love

Einah POV

Pabalik balik ako sa paglalakad sa sobrang pag aalala ko kay Nicholas. Tinawagan ko na si Matthew sinabi ko nasa ospital ako.

Tama nga ako hindi titigil si Bryan MacKenzie. Matinik talaga siya magpapalipas muna bago isagawa ang plano.

Tinawagan ko na din si Ivan para ibalita ang nangyari sa kanyang anak. Nagkataon nasa pilipinas sila ng kanyang asawa si Harriet. Humahangos na tumatakbo si Ivan at Harriet kaya sinalubong ko silang dalawa.

"Kumusta ang anak ko?" Ivan said namumula ang kanyang mata. Tanda nag pipigil ng iyak.

"Hinintay ko pa na lumabas ang Doctor" Paliwanag ko sa kanya. I realized that wala na ang sakit na nararamdaman ko sa kanya.

I'm free from pain. Kaya ko na harapin si Ivan. Pero hindi ito ang tamang panahon para isipin ko muna tungkol sa nararamdaman ko. Mas nangibabaw ang pag aalala sa anak namin.

"Sa nangyari ngayon. Hindi pwedeng tumira sa iyo ang anak ko. Isasama ko siya pauwi ng Los Angeles. Nanganganib ang buhay niya sa iyo." Galit na sinabi sa akin ni Ivan.

"Anak ko din si Nicholas. Hindi ko hahayaan na ilayo mo ang anak ko para isama mo siya sa Los Angeles" Ganting sigaw ko din. Pinigilan siya ng asawa niyang si Harriet.

"Huwag na kayong mag away. Isipin muna natin sa ngayon si Nicholas." Tumaas baba ang dibdib ko sa inis ko kay Ivan. Lumabas ang Doctor. Lumapit kami ni Ivan.

Natatakot ako sa sasabihin ng Doctor. Inalis nito ang facemask.

"Doc, kumusta po ang kalagayan ng anak ko?" Nag aalala kong tanong.

"Ms. Sandoval, we need a blood transfusion sa anak ninyo. Maraming dugo ang nawala sa kanya. As soon as possible. Rare ang dugo ng anak ninyo mahirap hanapan sa blood bank" Paliwanag ng Doctor.

"Sino po sa inyo ang AB negative?" Nagkatinginan kami ni Ivan.

"Doc, A positive po ako" Tumingin ako kay Ivan na umiling din sa akin.

"I'm O positive, Doc" Napasinghap ako.

Wala sa amin ang kaparehong dugo ni Nicholas?

"Wala sa inyo ang kaparehong dugo ng anak ninyo?" Nagtatakang tanong ng Doctor sa amin.

Paanong nangyari iyon?

"I'm AB negative. I'm willing to donate my blood" Napalingon ako kay Matthew.

"Matt?" Hinila niya ako sabay mariin hinalikan sa labi. Naiilang akong napatingin sa mag asawang Ivan at Harriet. Umiwas sila ng tingin sa amin.

"Good. Ihahanda na namin ang equipment para simulan ang blood transfusion ng nawalang dugo sa bata. Para simulan na ang operahan ang pasyente" Tumingin ako kay Matthew namumuo ang luha sa aking mata.

"Thank you Matt!" Itinaas niya ang kamay at hinaplos ang pisngi ko.

"I'll do everything for you. Baby and to our Son Nicholas" Hinalikan niya ako ulit sa labi. Nagpaalam siyang sa akin nang pumasok siya sa loob ng operating room.

Halos apat na oras kaming nag hintay. Sinabi ng Doctor na stable na si Nicholas.

"Einah, ngayon stable na ang anak ko. Isasama ko si Nicholas sa Los Angeles! Mas ligtas siya sa akin" Napaangat ang tingin ko kay Ivan.

"Anong sinabi mo? Kukunin mo ang anak ko? May iba ka ng pamilya Ivan hindi ko hahayaan na kunin mo si Nicholas sa sakin" Mariin kong sinabi.

Hindi pa ba kami tapos mag usap?

"Anak ko din si Nicholas. Sa nangyari ngayon mapapahamak lang ang anak ko sa iyo" Sigaw niya sa akin. Pinag titinginan kami ng mga tao.

"Black, I won't allowed you to take my Son!" Sabay kaming napalingon ni Ivan biglang lumapit si Matthew sa amin.

"You're Son? How come he is your Son? I'm his biological father. Kaya wala kayong magagawa ni Einah. Idadaan ko ito sa korte para makuha ko ang rights na mapunta sa akin ang anak ko. Nicholas is american citizen." Namumula sa galit ang mukha ni Ivan.

"Hindi ko hahayaan na kuhain mo si Nicholas sa amin ni Einah" Mabagsik na sinabi ni Matthew kay Ivan.

"Kahit anong gawin mo kukuhain ko ang anak ko. Ilalaban ko ito sa korte. Sa nangyari ngayon nanganganib ang buhay ni Nicholas kay Einah." Ramdam namin ang tension sa kanilang dalawa ni Ivan at Matthew.

"We'll see. Ivan Lester" Nag babantang tingin ni Matthew.

***

Pinag mamasdan ko ang aking anak nakahiga sa puting kama. Napakuyom ang kamao ko. Nalaman ko na ang lalakeng bumaril kay Nicholas. May bumaril din sa lalakeng iyon gamit ang Sniper. Iisang tao lang ang kilala kong magaling sa Sniper.

Isa pa ito si Ivan. Natatakot ako na kuhain ni Ivan ang anak namin.

Paano ko ipaglalaban si Nicholas? Dapat ko bang ibigay si Nicholas kay Ivan para sa kaligtasan ng anak ko? Huminga ako ng malalim. Naramdaman ko ang kamay ni Matthew sa balikat ko. Nangingitim din ang ilalim ng kanyang mata. Pareho kaming walang tulog sa pag bantay kay Nicholas. Lumabas ang luha sa mata ko.

"I'm worried" Hindi ko napigilan sabihin kay Matthew. Niyakap niya ako sa likod habang nakaupo ako sa upuan katabi ng kama ni Nicholas.

"Shhh. Don't worry. Gagawa ako ng paraan para hindi makuha ang anak natin" Tumiim ang bagang si Matthew.

"Ayokong mawala ang anak ko. Matthew, hindi ko kakayanin na ilayo siya ni Ivan sa akin" Tuloy tuloy ang pag agos ng luha sa mata ko.

"I'll promise you. Hinding hindi makukuha ni Ivan ang anak natin. Sa ngayon mag pahinga ka muna. Ako na muna ang mag babantay sa anak natin" Naramdaman ko ang init ng puso ko sa sinabi ni Matthew. Binuhat niya ako para iupo sa sofa ng kwarto ni Nicholas.

Pinahiga niya ang ulo ko sa kanyang legs at hinaplos niya ang takas kong buhok sa mukha. Parang nawala ang alalahanin ko sa ginagawa ni Matthew. Dala ng pagod at alalahanin. Nakatulog ako ng payapa.

***

Matthew POV

Kanina pa ako nag pipigil ng galit sa nangyaring komprotasyon namin ni Ivan. Kinuha ko ang cellphone para tawagan ang aking ama.

As soon as possible kailangan maipadala na ang DNA test nanggaling sa Los Angeles at Colorado sa magkaibang kumpanya.

Hinding hindi ko hahayaan na makuha ni Ivan ang anak namin ni Einah.

Kailangan ko ihanda ang sarili ko sa mangyayaring gulo lalo na walang alam si Einah. Inaamin ko na tatakot ako kapag nalaman ni Einah na ako ang totoong ama ni Nicholas.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.