Einah POV
Isang linggo na ang nakakalipas simula ng gumaling ang anak kong si Nicholas. Tinawagan ako ng lawyer ni Ivan sinabing kailangan namin umattend sa korte. Natatakot ako dahil alam ko na mayaman ang pamilya ni Ivan at wala akong laban kapag pera na ang pag uusapan.
Nagtataka ako kung bakit nandito din si Matthew sa korte.
Hindi ba siya pumasok sa opisina? Anong ginagawa niya dito?
"Matt?" Pansin ko ang pag aalala sa mukha ni Matthew. Lumapit siya sa akin bago niya ako hinalikan sa labi at niyakap ng mahigpit. Napakunot ang noo ko dahil may kasama din lawyer si Matthew.
Tumingin si Matthew kung saan nakaupo si Ivan at Harriet.
"Isinama mo pa ang lalake mo dito? Einah!" Halata ang inis sa mukha ni Ivan.
"Kusa akong pumunta dito kaya walang alam si Einah." Tumiin ang bagang ni Matthew. Halata ang inis sa kanyang mukha.
"Kahit anong gawin n'yo. Hindi na mag babago ang isip ko kukunin ko pa rin si Nicholas!" Banta ni Ivan sa amin. Gusto kong maiyak sa sinabi ni Ivan dahil kukunin niya talaga si Nicholas sa akin.
"You can't take away my son. Ivan, because I'm his biological father of Nicholas." Lumapit si Matthew sa Judge at may inabot na papel. Kinuha ng Judge ang tatlong sobre at binasa niya ito. Naguguluhan nagpalipat lipat ang tingin sa amin ni Ivan.
Anong papel ang binigay ni Matthew?
Nagsalubong ang kilay ko sa sobreng hawak ng judge.
DNA Diagnostics Center Los Angeles, Any Lab Test Now Colorado, Easy DNA Philippines tatlong iba't ibang kumpanya para sa DNA test? May bumundol na kaba sa dibdib ko.
Naguluhan ang mukha ng Judge sa binasa na DNA test. Nag simulang magsalita ang Judge sa harap namin.
"This DNA result said 99.99 % that Mr. Matthew Luis Braun - Madrid is the Biological Father of Nicholas Sandoval - Black." Nayanig ang mundo ko sa narinig na sinabi ng Judge. Nanlaki ang mata namin ni Ivan sa pag tataka at pagkagulat.
Paanong nangyari na siya ang ama ni Nicholas?
Biglang tumayo si Ivan dinuro niya ako.
"Damn you Einah! You lie to me! How did this happen?" Kitang kita ang galit sa mukha ni Ivan.
Hinigit ni Matthew ang kwelyo ng damit ni Ivan.
"Wala kang karapatan na murahin ang babaeng mahal ko. Ivan! Walang kasalanan si Einah dito." Sabay sinuntok sa mukha si Ivan at nanlilisik ang mata ni Matthew sa galit.
Napapailing ako. Nanghihinang napaupo.
"I don't know?! Wala akong alam!" Mahina kong usal. Hindi ko napigilan na mapahagulgol. Biglang lumapit sa akin si Matthew at niyakap niya ako ng mahigpit.
"I'm sorry! I'm so sorry. It's all my fault. Ako ang sisihin mo sa nangyari!" Sabi ni Matthew habang yakap pa rin ako.
"Wala akong naalala na may nangyari sa atin noon? Paanong nangyari iyon Matt na ikaw ang ama ni Nicholas?" Humihikbi pa rin ako. Naguguluhan ako sa nangyayari.
"Do you remember in Okada Hotel? Ten years ago?" Nanlaki ang mata ko nang marehistro sa isip ng gabing iyon.
"I -Ikaw ang lalakeng iyon?! P - paano ka? Papaano ka nakapasok?!" Mas lalo akong nanghina nang rumehistro sa isip ko.
Siya ang lalakeng nakatalik ko nang gabing iyon? ibig sabihin hindi nakabalik ng gabing iyon si Ivan?
Isang linggo kaming hindi nag kita ni Ivan dahil nagkaroon sila ng problema isa sa Restaurant nila sa San Diego.
Hindi ko namalayan na nabuntis na ako noon sa ibang lalake.
"Please forgive me. Einah. I was seventeen turning eighteen years old, A senior high school graduate when I saw you that night" Napasinghap si Harriet at Ivan sa narinig na kinuwento ni Matthew.
"You were sleeping in your bed and I was drunk that time hindi ko napigilan ang sarili ko. I thought ikaw yun niregalo sa akin ng mga kaibigan ko. Nagkamali ako ng pasok sa kwarto dahil iniwan mo itong bukas. When I woke up in that morning nakita ko na ibang room ang napasukan ko. Gusto kong humingi ng tawad sa iyo. I was young. Wala ako sa sariling desisyon. I'm afraid to face you that time. So, I run and rush to go to airport." Lumuluha niyang paliwanag. Nagulat kami sa pag suntok ni Ivan sa mukha ni Matthew.
"Ivan!" Gulat kong sigaw.
"Ivan!" Sigaw din ni Harriet Akmang susugod si Ivan nang pinigilan ko siya. Pinilipit ko ang kamay niya.
"Stop it Ivan! Don't you ever try to hurt him!" Nanlisik ang mata ko sa kanya.
"Bakit mo kinakampihan ang lalakeng iyan?! Sinira niya ang lahat sa atin?!" Naguluhan ako sa sinabi niya. Biglang natahimik si Ivan nang marealized ang kanyang sinabi.
"What did you say? Sinira niya? Ang alin dun? Dahil siya ang ama ni Nicholas? Hindi mo ba alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon? Gulong gulo ako ngayon. At ngayon siya ang sisihin mo? Kung tutuusin Ikaw ang sumira ng lahat. Ivan! Ni isang salita wala kang narinig na panunumbat sa akin?! Iniligtas ko ang ama mo at si Harriet sa kamay ng kaaway ninyo! Kahit ang sakit sakit na makita kong pinili mo siya at ng pamilya mo kesa sa akin. Hinayaan ko kayong dalawa dahil ayokong ipagpilitan ang sarili ko sa taong alam ko na wala ng pagmamahal sa akin! Tapos siya ang sisihin mo? Huwag mong ibaling kay Matthew ang kasalanan mo!" Dinuro ko siya sa dibdib sa sobrang galit ko.
Natahimik ang lahat ng tao sa paligid namin.
"I need to go! Gusto ko munang mapag isa" Lumabas ako ng court room. Tumakbo ako papasok sa loob ng sasakyan. Ayaw tumigil ng luha ko sa aking mata.
Awang awa ako sa aking anak.
All this time hindi pala si Ivan ang ama ni Nicholas? Paano ko ipapaliwanag ang lahat ng ito kay Nicholas?
***
Matthew POV
Nanghihina akong napaupo. Nagulat ako dahil biglang hinigit ni Ivan ang kwelyo ng damit ko.
"Ikaw?! Nang dahil sa iyo nawalan ako ng karapatan sa anak ko!" Naluluhang sinabi ni Ivan.
"Kasalanan mo lahat!" Paninisi pa niya sa akin.
"Are you sure na kasalanan ko? Where are you that night Ivan?" Tumingin ako kay Harriet biglang iniwas ang tingin. Namutla ang mukha ni Ivan sa sinabi ko.
"Pasalamat ka at hindi ko sinabi ito kay Einah, tungkol sa inyong dalawa. Walang ibang sisihin dito Ivan, kundi ikaw?! Kung hindi mo iniwan bukas ang pinto ng room ninyo ni Einah. Walang mangyayari sa amin. You did not protect her that night. Because you choose to go out with your friends!" Pag diriin kong sinabi sa kanya. Napilitang binitiwan ako ni Ivan
"Pambawi mo na lang dahil hiniwalayan mo si Einah. Hindi siya mapapasa akin." Inayos ko ang kwelyo ng damit ko. Nanatiling walang imik si Ivan.
"By the way, send me your account details. Babayaran ko lahat ng ginastos mo kay Einah at Nicholas. Papalitan ko ang apelyido ni Nicholas from Black to Madrid as soon as possible" Direcho akong lumabas ng court.
Napangiti ako sa kalangitan.
Sa wakas the truth will set us free.
***
Einah POV
Dalawang linggo ako nanatili sa bahay kasama si Nicholas. Masaya ako dahil nakarecover na siya mula sa pagkabaril niya sa katawan.
Ilang beses na pabalik balik si Matthew sa bahay ko. Umaalis na lang ako kapag kasama nito si Nicholas.
Napatingin ako sa cellphone ko nang marinig ko ang tawag. Kumunot ang noo ko.
"Silver?"
"Einah, Bryan MacKenzie is looking for you. Kailangan mo na talagang mag tago. Nag tip si Agent Arrow na gusto ka na niyang ipapatay kasama ng anak mong si Nicholas"
Lumakas ang kabog sa dibdib ko. I need to hide hindi ko kayang labanan si Bryan MacKenzie na ganito ang kalagayan ko.
Hawak ko ang pregnancy test. Ayokong I sacrifice ang buhay namin ng mga anak ko.
"Help me to hide. Silver" Sagot ko.