Chapter Twenty Two | True Love

Matthew POV

"Sir, I found your sister and here's the profile of Lacey Anne Braun - Madrid" Inabot niya sa akin ang profile ng isa sa pinaka magaling na Detective at International Criminal Lawyer si Silver or Jake De la Cuesta ang partner ni Einah.

Tahimik kong binasa ang report ayon imbestigasyon kay Lacey.

Mahigit tatlong taon na nasa pilipinas si Lacey. Si Aaron ang kasama niya magaling mag tago ang dalawa. Malungkot ako napangiti. Alam ko na galit sa akin si Lacey. Kaya hindi nag papakita ang kapatid kong babae.

Tahimik akong umiinom ng alak habang iniisip ko ang kalagayan ni Lacey. Nalaman ko na buntis siya ngayon sa pangalawang anak niya kay Andrew.

Napailing ako. Iba mag mahal ang bunso kong kapatid. Si Andrew pa rin. Simula't sapul. Ibig sabihin kasama din nito si Andrei. Masaya ako para sa kapatid ko. Sana dumating ang time na mapatawad niya ako.

Flashback

"Mommy, si Kuya oh!" Hinabol ko ang bunso kong kapatid pababa ng hagdanan.

Arghh how I hate it!

Malakas na humalakhak ang magulang namin nang makita nila ang itsura ko.

"Mom, lagot sa akin ang babaitang yan! Kita n'yo naman i di no drawing n'ya sa gwapo kong mukha!" Nanggagalaiti kong sinabi.

Sino ba naman matutuwa nilagyan ng make up ang mukha ko! And worst nilagyan pa ako ng nail polish sa kamay at paa.

"Tama lang yan ginawa ng kapatid mo! Sino ba nag sabi sa iyong umuwi ka ng lasing?" Pag tatanggol ni Mommy kay Lacey.

Nakita kong dinilaan pa ako ng spoiled brat kong kapatid. Makaka ganti din ako pag binigyan ako ng pagkakataon.

Pero ang pagkakataon na iyon hindi na nangyari dahil pinadala ako sa America pagka graduate ko ng highschool. Pumatak ang luha sa mata ko.

"What are you thinking?" Niyakap ako sa likod ni Einah. Mabilis kong pinunasan ang luha sa mata ko. Humarap ako sa kanya. Pinatakan ko ng halik ang labi niya. Alam niya na iniisip ko ang kapatid kong babae.

"Iniisip mo ba ang kapatid mo?" Malambing na tanong niya. Kahit hindi ko sabihin. Alam ni Einah ang nararamdaman ko.

"Yeah! I miss my little Sis. Yun pangungulit niya sa akin. Noon masayang magkakasama kami" Hinaplos niya ang buhok ko.

"Huwag kang mag alala. I'm sure miss ka din ng kapatid mo. Sa nakikita ko sa kanya noon alam ko nangungulila din siya sa inyo. Alam ko balang araw mapapatawad ka din niya" Niyakap ko s'ya ng mahigpit.

"I love you my Mommy. Thank you at dumating ka sa buhay ko kayo ni Nicholas at Eirah" Umiling siya.

"I love you too Daddy. Kung hindi dahil sa iyo hindi ako magiging masaya at magiging buo ng mga anak natin . Gusto ko tuloy kausapin ang dalawa mong classmate para pasalamatan sila sa kalokohan nila noon" Pareho kaming natawa. Actually niregaluhan ko sila ng free vacation sa Japan kasama ng pamilya nila.

***

Einah POV

Pagkatapos namin umamin sa isa't isa ni Matthew walang kasing saya ang puso ko. Maalaga si Matthew sa mga anak namin.

Minsan siya na ang gumigising ng maaga para mag luto ng Breakfast sa amin. Uuwi ng Lunch para lang magkakasama kami kumain. Naisipan kong isama si Nicholas para mag grocery kasama ng yaya nito habang si Eirah kasama ang isang yaya na kinuha ni Matthew sa agency.

Ipapasok ko na ang mga pinamili namin. May tatlong Van ang humarang sa amin. Bigla akong kinabahan.

Shit! Eto na nga sinasabi ko nasa likod si Nicholas.

"Yaya, Tumakbo na kayo ni Nicholas!" Utos ko sa kanyang Yaya. Nauunawang tumango si Yaya Wanda.

"Halika na, Nicholas!" Hinila niya agad ang anak ko.

"Mommy!" Sigaw ni Nicholas habang buhat siya ni Yaya Wanda papasok sa loob ng Mall.

Tamang tama pagkaalis nila bumukas ang pinto ng Van. Naglabasan ang mga tauhan ni Bryan Mackenzie. Mahigit kinse sila sa tantya ko. Bigla akong kinabahan dahil kilala ko mga ito.

"Einah Sandoval. Tsk Tsk Tsk! Matagal ka na hinahanap ni Master Bryan ang galing mong mag tago. Get her!" Si Quatro ang isa sa malalakas na tauhan ni Bryan Mackenzie. Utos niya sa mga tauhan. Nagsilapit sila sa akin. Hinanda ko agad ang sarili. Limang lalake ang unang sumugod sa akin.

Sinuntok ko sa mukha ang isang lalakeng payat at sinipa ko sa tyan ang humawak sa braso ko. May anim na kalalakihan na dumating. Alam ko sila ang mga nagbabantay sa amin. Nakipag buno din sila laban sa mga tauhan ni Bryan Mackenzie.

Shit! Nakita ko na dehado na sila. Binunot ko ang isang bonnet ng kalaban.

Now I know. Eto ang mga professional killer na tauhan nina Bryan Mackenzie ang Russian Royal Black. Pero hindi ako magpapatalo sa kanila.

Napatay ko ang anim na tauhan ni Quatro. May bagong lumapit sa akin mahigit sampu. Isa isa silang nakipag buno sa akin. Inaamin ko na hihirapan ako dahil ako na lang ang mag isa. Nakabulagta na ang mga tauhan ng TDS.

Humarap sa kin si Quatro habang nakangisi ang kanyang mukha. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Malakas ka pa rin Lady Xelena. Kaya hanga sa iyo si Master Bryan. Pero hindi ako makakapayag na matatalo mo ako!" Sinugod niya ako.

Hinarang ng braso ko ang pagsipa ng kanyang paa sa mukha ko. Gumanti ako sa kanya at tinalon ko ang kanyang batok at inilagay ang dalawang paa ko. Para ibagsak ko siya.Kaya sabay kaming bumagsak. Sinuntok ko siya sa mukha. May lumapit sa akin na lalake kaya napatayo ako agad. Sinikmuraan ko ang kanyang tyan at sinipa ang kanyang pagkalalake. At ang isang lalake naman siniko ko. Pag bangon ko biglang may naramdaman ako ng pag tusok sa akin batok.

Nakita ko si Quatro may hawak ng tranquilizer gun.

Damn it! Nalintikan na! Bago nandilim ang paningin ko.

***

Matthew POV

Masamang balita ang nakarating sa akin. Dinakip nila ang asawa kong si Einah. Hindi ma detect ng TDS kung saan nila dinala ang asawa ko. Kailangan ko maligtas si Einah sa kamay ni Bryan Mackenzie. Mabilis kong tinawagan si Silver.

Nakita si Nicholas sa loob ng Mall kasama si Yaya Wanda habang nagtatago sa maraming tao. Ang mga tauhan namin may mga tama ng baril. Alam ni Bryan MacKenzie na malakas si Einah kaya ang mga pinadala niyang tauhan talagang magagaling sa larangan ng pakikipag laban.

"Silver, please help me! I need you to find my wife?" Halos magmakaawa ako kay Silver.

"There's only one person who can help us. Sir Matt!" Mariin ang titig ni Silver.

"Who?" Tanong ko.

"You're younger sister Lacey!" Nanlaki ang mata ko. Natatakot akong harapin ang aking kapatid. Alam ko matagal na siyang nandito sa pilipinas kasama si Andrei.

"W-where is she now?" Nauutal kong tanong.

"She just gave birth this morning in Makati Doctor's Hospital" Bumundol ang kaba sa puso.

"Kapapanganak pa lang ng kapatid ko. Hindi niya kakayanin makipag laban para tulungan ang asawa ko" Umiling si Silver.

"Trust me Sir Matthew, You need to talk to her. Otherwise baka hindi na natin maabutan na buhay si Einah!" Babalang sinabi ni Silver.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.