Matthew POV
Hinintay ko lumabas si Andrew sa loob ng kwarto ni Lacey.
Naalala ko ang huling pag uusap namin ni Agent Silver.
Flashback
"Si Lady Satinne ang nakakaalam ng lahat ng sikreto ni Bryan Mackenzie. Madaling niyang matatagpuan si Einah kung hihingi tayo ng tulong sa kanya." Paliwanag ni Agent Silver sa kin.
Alam ko nag aalala din siya kay Einah. Pinakilos na din namin ang buong TDS subalit si Bryan Mackenzie ang taong matinik. Mahirap siyang mahuli.
"Nakuha ni Lady Satinne ang mga information at transaction ni Bryan Mackenzie bago siya pinapatay. Kaya ang ilan mga illegal business ng Royal Mafia nahuhuli agad." Patuloy ni Silver.
"Si Lady Satinne at Agent Arrow, sila ngayon ang may ari ng A&L Organization. Lihim ang kanilang Organization walang nakakaalam kahit sino dahil lahat ang mga kasali dito may sariling propesyon." Nanlalaki ang mata ko sa nalaman.
My Youngest sis have a brilliant mind. Alam ko na noon pa lang malakas na ang loob ni Lacey.
Aminado ako bumilib ako kay Lacey. Dahil siya ang nagmana kay Daddy. Isang matapang na Secret Agent at Military Army Officer ang ama namin ni Lacey.
Nakatayo ako sa harap ng pinto ng kwarto ng hospital. Nakailang buntong hininga ako.
Naninikip ang dibdib ko sa pag aalala at takot na makaharap ko ulit ang kapatid kong babae. Nanginginig ang kamay ko binuksan ang pinto. Nakita ko si Lacey nakaupo at malalim ang iniisip.
Tumingin siya sa akin at biglang nanlilisik ang kanyang mga mata.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa akin.
"Kumusta Lacey Florencio or should i say Lady Satinne?" Gumaralgal ang boses ko. Nilapitan ko siya para yakapin. Na miss ko na ang kaisa isa kong kapatid. Naiiyak ako dahil nakita ko siya na buhay at nag sasalita. Pilit siyang nag pupumiglas sa kin.
"Anong kailangan mo. Kuya Luis?" Tumiim ang kanyang mukha. Lumuhod ako sa kapatid ko.
"I need your - help!" Pinatatag ko ang aking boses kahit nanghihina ako ngayon.
"You need my help? For what? Pagkatapos mo akong pabayaan sa kamay ng mga mandurukot?" Tawa lang ang isinagot niya sa akin.
"Ginawa ko lang iyon dahil si... Si Daddy. Nagmakaawa na itakbo na si Mommy sa hospital. Patawarin mo ako" Hinawakan ko ang kanyang kamay.
"Patawarin? Bakit? Tatlong araw Kuya. Tatlong araw akong binaboy ng lalakeng iyon. Mas gugustuhin ko pang mamatay. Tuwing naalala ko ang nakaraan nangyari sa akin. Diring diri ako sa sarili ko tapos sasabihin mo lang sorry?" Umiiyak niyang sinabi. Sinuntok ang dibdib ko sa sakit ng panunumbat niya.
"Inaamin ko natakot ako Lacey. Naging mahina ako" Tumitig ako sa kanya. Hindi ko na matiis. Nag sisimula lumuha ang mga mata ko.
"Namatay ang anak ko Kuya!!! Alam mong buntis ako" Bulyaw niya sa akin nanlilisik ang kanyang mata.
"Hindi namatay ang anak mo Lacey. Buhay siyang binigay ko kay Andrew" Matatag kong sinabi. Alam ko walang alam si Lacey sa nangyari sa kanya noon.
"Paanong -?" Nagtataka niyang tanong. Pinutol ko ang sasabihin niya.
"Natagpuan ka namin ni Kuya Roldan sa gitna ng kagubatan. Comatose ka nang pinag buntis mo si Andrei nanganak ka thru caesarian operation. Hindi mo ba nakikita ang hiwa sa ilalim ng tyan mo? Pagkapanganak mo kinuha ka ni Bryan MacKenzie sa Hospital. Hinanap kita subalit wala akong makuhang inpormasyon sa iyo" Paliwanag ko sa kanya.
"Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo!" Umiiling siya sa akin halatang hindi naniniwala sa mga sinabi ko.
"Ako ang naglagay sa gate ng bahay ni Andrew sa Massachusetts. Mas ligtas siya kung kay Andrew ko iiwan ang bata" Patuloy kong sinabi.
"Tulungan mo ako iligtas si Einah. Nakikiusap ako sa iyo. Lacey. Ikaw lang nakakaalam lahat kay Bryan" Pakiusap ko sa kanya.
"Wala akong planong iligtas ang babaeng iyon. Kuya. Dapat lang siya mamatay!" Nang init ang ulo ko sa sinabi ni Lacey. Naiisip ko ang kalagayan ni Einah ngayon. Kaya hinigit ko siya sa kinahihigaan niyang Hospital Bed. Sakal ko ang kanyang leeg. Inilabas ko ang baril at itinutok ko sa kanya .
"Please Lacey?! Nakikiusap ako sa iyo. Alang ala sa dalawa mong pamangkin si Nicholas at Eirah. Ang mga anak namin!" Nanlaki ang kanyang mata. Hindi makapaniwala sa mga sinabi ko.
"Imposibleng anak mo si Nicholas ang batang iyon pagkakaalam ko anak ni Ivan Le -" Pinutol ko ang sasabihin niya. Alam ko kapag mga pamangkin niya ang pag uusapan malambot ang puso ni Lacey.
"He is my real Son according to DNA test kung tinatanong mo kung paanong nangyari. I left her pregnant before I go to US for studies" Halatang naguluhan ang kanyang mukha. Nakita ko ang pamumuo ng kanyang luha sa kanyang mata.
Walang may gustong magsalita sa aming dalawa. Pareho kaming nakatitig sa isa't isa.
"I- I'm sorry Kuya Luis" Naiiyak niyang sinabi.
"Kung galit ka. Sakin mo ibuhos Lacey huwag kay Einah. Nakikiusap ako sa iyo. Iligtas mo si Einah alang ala sa mga pamangkin mo umiiyak sa kanilang ina!" Hindi ko na matiis humagulgol ako sa kanya.
Napakagat labi si Lacey. Kita ko ang pag sisi sa kanyang mukha. Sabay kaming napalingon ni Lacey biglang bumukas ang pinto.
Damn! Nahuli kami ni Andrew na hawak ko sa leeg si Lacey at nakatutok ang baril sa sentido niya.
"What's happening here?" Mapanganib na tanong ni Andrew. Kita ko ang galit sa kanyang mukha. Mabilis siyang liumapit sa min.
"Don't come here. Andrew!" Babala ni Lacey kay Andrew. Nagkatitigan kami ni Lacey. May halong pakiusap. Nabasa niya ang sinasabi ng mukha ko.
"Bukas ng umaga nasa bahay mo na si Einah" Nabuhayan ako ng loob sa sinabi ni Lacey. Hindi ko na mapigilan na yakapin at halikan sa pisngi ang pinakamamahal kong kapatid.
"Salamat Lacey. Patawarin mo ako" Sabi ko. Tumayo ako para iwan ko ang kapatid kong babae. Para makapag usap sila ni Andrew.
"I miss you my little Sis" Paalam ko sa kanya.
Tumingin ako kay Andrew. Sa wakas nag tagpo na din ang landas natin. Nakipag titigan ako sa kanya na may pagbabanta. Malaki ang kasalanan niya kay Lacey. Sa ngayon ang pamilya ko muna ang iisipin ko.
Matapos lang ang problema namin mag uusap din tayo. Yan ang gusto kong iparating sa kanya.
Pagkalabas ko ng kwarto. Nakahinga ako ng maluwag. Alam ko ililigtas ni Lacey si Einah. Tama si Agent Silver ang kapatid ko ang pag asa para maligtas ang ina ng mga anak ko.