Einah POV
Pinag mamasdan ko ang asawa at mga anak ko. Kitang kita ang saya sa mukha ni Matthew simula na nagkabati sila ni Lacey.
Bukas, aalis ako para tuparin ang ipinangako ko kay Lady Satinne na haharapin si Bryan Mackenzie.
Napalunok ako sa bigat ng dalahin ko. Kailangan kong iwanan ang asawa at ang mga anak ko alang ala sa kaligtasan ng pamilya namin.
Noon, hindi ako natatakot na mamatay. Ngayon naiisip ko ang mga anak namin. Mahal na mahal ko sila.
Si Matthew na ang bahala sa mga anak namin. Pinag masdan ko si Nicholas. Binatang binata na ang anak namin ni Matthew. Malapit na siyang mag grade 7th. Parang kailan lang maliit pa siya nang iniwan ko siya kay Ivan.
Hindi ko alam kung buhay pa ako makakabalik. Kung hindi ko lalabanan si Bryan MacKenzie hindi niya titigilan ang pamilya namin.
Nakita ako ni Matthew nakaupo kasama si Nicholas sa hardin. Naglalaro silang mag ama ng Chess. Sabay silang tumingin sa kin nakatayo sa pinto. Kumaway sila sa kin.
"Mommy, come with us" Ngumiti ako bago lumapit sa kanila.
***
Nakatingin ako sa langit. Natatakot ako dahil malalayo ako kay Matthew.
Paano kung magkagusto siya sa ibang babae? Natatakot ako. May luhang bumagsak sa mga mata ko.
Naramdaman ko ang kamay sa aking balikat. Si Matthew nakita niya ang pasimple kong pag punas ng luha.
"What's wrong. Mommy?" Nababahalang tanong ni Matthew. Tumitig ako sa mata niya bago iniwas ko ang mata at huminga ng malalim.
Kailangan mo na sabihin sa kanya ang nararamdaman mo!
"Natatakot ako! Paano kung hindi na ako bumalik? Paano kung mangyari ulit ang nangyari sa amin ni Ivan" Hindi ko maiwasan na maiyak. Pinaharap ako ni Matthew sa kanya. Nakita ko din ang takot sa kanyang mata.
"Pinapangako ko sa iyo. Mommy, hihintayin kita kahit anong mangyari. Alam ko na babalik kang buhay alang ala sa ating mga anak. Ipangako mo babalik ka sa min!" Niyakap ako ng mahigpit ni Matthew.
"Pangako! babalik ako para sa inyo" Pinunasan ni Matthew ang luha sa mga mata ko.
"For fifteen years hinintay kita na balang araw mapapasaakin ka din. Kung hindi kayo nagkahiwalay ni Ivan baka tumandang binata ako." Mahinang natawa si Matthew. Natawa din ako sa sinabi niya.
"Walang akong ibang nakitang babae na mamahalin ko kundi ikaw. Ikaw lang!" Lumakas ang tibok ng puso ko sa sinabi ni Matthew.
"Ganyan kita kamahal Einah Sandoval -Madrid" Bumaba ang labi ni Matthew. Pinatakan niya ng halik ang labi ko.
"Mahal na mahal din kita. Matthew Luis Braun - Madrid" Ganting sagot ko habang magkadikit ang labi namin.
Nag hulugan ang mga luha sa mga mata ko.
Salamat. Matthew, binigyan mo ako pag asa. Pinapangako ko babalik akong buhay. Piping usal ko sa isip.
***
Naka hubad akong bumangon. Nakita ko si Matthew natutulog sa tabi ko. Nakabukas pa ang bibig. Hinaplos ko ang kanyang pisngi.
Tumingin ako sa orasan nasa tabi ng kama namin. Mag aalas tres pa lang ng madaling araw. Pumasok ako sa loob ng comfort room para maligo.
Ipinikit ko ang mga mata ko habang bumubuhos ang tubig sa ulo ko. Lungkot ang nararamdaman ko ngayon.
Pagkatapos ko maligo. Isinuot ko ang itim na pantalon at itim na sando bago ang itim na jacket. Tumingin ako sa salamin.
Malungkot ako napangiti. Kinuha ko ang bag pack nasa upuan ng tokador ko.
Pinagmamasdan ko si Matthew. Halatang napagod kagabi. Lumapit ako sa kanya para patakan ng halik ang labi niya.
Hindi niya alam na ngayon umaga ang alis ko. Inilihim ko sa kanya. Si Lacey lang nakakaalam.
Pumunta ako sa kwarto ng mga anak ko. Inisa isa ko silang hinalikan. Naghulugan ang luha sa mga mata ko.
Ma mi miss ko ang pamilya ko. Pangako babalik ako sa inyo!
Nakita ko sa labas ng gate ang kotse ni Lady Satinne. Mabilis akong pumasok sa loob. Tipid ko siya ningitian.
Kapareho kami ng suot.
Tahimik lang kami bumiyahe papunta sa opisina ng A&L Organization para pag planuhan ang pag tugis sa mga tauhan ni Bryan Mackenzie.
***
One Year Later
Nakaupo ako sa Providence Restaurant sa San Diego. Nakasuot ako ng black sunglasses.
Panahon para mag usap kami ng maayos ni Ivan. Nasa private room ako ng kanilang Restaurant. Napatingin ako nang umupo si Ivan sa harap ng lamesa.
"Kumusta?" Una kong bati sa kanya.
"I'm fine" Tipid niyang sagot. Pareho kaming huminga ng malalim.
"Ikaw? Kumusta na?" Mababa ang boses ni Ivan.
"Mabuti naman. Naparito ako dahil may mission kami sa San Diego" Tumango si Ivan.
"Alam ko hindi naging maganda ang huling pag uusap natin. Lalo na tungkol kay Nicholas" Patuloy ko. Napansin ko ang pamumuo ng kanyang luha sa mata. Alam ko na mahal na mahal ni Ivan si Nicholas.
"I know pareho tayong nagulat at nasaktan sa nangyari." Wika niya. Hinawakan ko ang kamay niya. Nagpatuloy magsalita si Ivan.
"Nasaktan lang ako sa nangyari. Inaamin ko na hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na hindi ko anak si Nicholas. You know how much I love him." Tumulo ang luha sa kanyang mata. Pareho kaming natamihik.
"Einah, I'm sorry for everything. Alam ko nasaktan kita. Sana mapatawad mo ako sa lahat ng mga kasalanan ko sa iyo" Umiling ako sa kanya.
"Matagal na kitang pinatawad. Hindi lang talaga tayo itinadha sa isa't isa. Sana kung anuman ang nakaraan natin. Kalimutan na lang iyon. Alisin na natin ang sama ng loob" Ngumiti ako sa kanya.
"Nagpapasalamat ako at nakilala kita na isang mabuting babae. Maraming salamat sa pag liligtas mo sa pamilya ko lalo na kay Harriet" Pareho kaming tumayo ni Ivan at nagyakapan. Tinapik ko siya sa balikat.
"Oh...before, I forgot." Kinuha niya ang puting sobre sa bulsa at binigay niya sa akin. Nagtataka ko siyang tinignan sa mukha nang inabot niya sa kin ang puting sobre
"Just Open it!" Nakangiti niyang sinabi.
Binuksan ko ang puting sobre. Napatakip ako sa bibig nang mabasa ko ang laman ng sobre.
Pumayag si Ivan na palitan ang apelyido ni Nicholas at isa ng Madrid si Nicholas late registered ang birth certificate.
Nicholas Luis Sandoval - Madrid ang bagong pangalan ni Nicholas.
"Actually nagkita na kami ni Matthew Madrid kaya nagkapag usap na kami tungkol kay Nicholas. Naging maayos ang pag uusap namin" Sunod sunod nag tuluan ang luha sa mga mata ko.
"Maraming salamat. Mr. Black" Yumakap kaming muli sa isa't isa. Naging magaan na ang aming pakiramdaman. Wala na ang sakit ng nakaraan.
"You're welcome. Salamat sa magandang ala ala, Mrs. Madrid" Ngumiti ako sa pag banggit niya sa apelyido ko.