Einah POV
Wala silang tigil sa pag bugbog nila sa akin. Habang nakatali ang aking kamay at paa sa upuan. Hindi nila ako pinakawalan dahil alam nila kaya ko silang labanan. Gusto kong umiyak dahil iniisip ko ang mga anak ko.
Ayoko silang mawalan ng ina. Sana magkaroon ng himala na may magligtas sa kin ngayon. Nakangising itinutok sa akin ang baril ng isa sa mga tauhan ni Bryan MacKenzie.
"Die! Agent Phoenix!" Pipindutin na ni Quatro ang trigger ng baril. Napapikit na ako hinahanda ko na ang sarili ko sa kamatayan ko. Biglang may tumalsik na dugo sa mukha ko. Pinilit kong inimulat ang aking mata. Ang tatlong lalake nakahandusay na sa sahig at naliligo sa sarili nilang dugo.
Shoot to head ang pagkakabaril.
Nandito siya! Nag tuluan ang luha sa mga mata ko. Dahil nagkaroon ng pag asa ang puso ko.
Sobrang hapo at sakit ng katawan ang nararamdaman ko ngayon. Inaamin ko sobrang nanghihina na ako. Pinilit kong imulat ang mata ng maramdaman ko may kumalas ng tali sa katawan ko. Biglang nanlaki ang mata ko dahil si Lady Satinne nga ang kaharap ko ngayon.
Tama nga ang nasa isip ko.
"What are you doing here Lady S?" Nanghihina kong tanong.
"I'm here to save you" Tipid niyang sagot.
"Te - thank you Lady S" Paos ang boses kong pasasalamat.
"Don't thank me Lady X. I need your help too" Inilagay ni Lady S ang kamay ko sa kanyang balikat. Kahit hirap sa kalagayan ko pinilit kong ngumiti kay Lady S. Palabas na kami ng pinto biglang dumating si Agent Arrow.
"Let's go Satinne. I call the back up!" Tinulungan ako niya si Lady S alalayan sa kanyang balikat. Hanggang sa pumasok na kami sa itim na Van.
"Einah, I'm sorry for all I've done to you. Hindi ko alam ang tungkol sa inyo ni Kuya Luis." Madamdamin sinabi ni Lacey.
"It wasn't your fault Lacey kay Bryan natin isisingil iyon. I promise we will finish this fight!" Ipinikit ko ang aking mata. Sa ngayon gusto ko munang magpahinga.
***
Matthew POV
Wala akong tulog kakahintay sa Ina ng aking mga anak si Nicholas at Eirah.
Kahit ang anak kong si Nicholas hindi rin makatulog sa pag aalala sa kanyang ina. Nasaksihan nito ang pag dukot kay Einah kaya walang tigil ang anak ko sa kakatanong sa akin. Hinaplos ko ang mukha ng aming anak. Kamukhang kamukha niya talaga si Einah.
Kung may nakuha sa akin ay ang ilong at build ng katawan niya. I can't believed na may anak akong 12 years old. Susunod na buwan ang kaarawan ni Nicholas. Nagpasalamat ako kay Ivan sa pag papalaki niya ng maayos sa anak namin ni Einah.
Ang unang asawa ni Einah. Naalimpungatan ang anak namin. Habang karga ko ang kapatid niyang babae natutulog sa bisig ko walang tigil sa kakaiyak kakahanap sa kanyang ina. Nagising ang anak ko si Nicholas.
"Dad, I'm worried to our Mom. I don't want to lose her again" Niyakap ko ang anak kahit hawak ko si Eirah. Kahit ako hindi rin mapakali. Kanina ko pa hinihintay ang tawag ni Lacey.
Naalala ko ang kinuwento sa akin ni Einah ang nangyari sa kanila ni Ivan iniwan nito ang asawa't anak para makapag higanti kay Bryan MacKenzie.
Sa pag balik ni Einah sa asawa nito huli na ang lahat dahil may iba nang minamahal si Ivan. Kung ako lang nagpapasalamat ako nag mahal ng iba si Ivan hindi ako magiging ganito kasaya dahil kasama ko ang asawa't at mga anak namin.
Tumunog ang cellphone ko kahit hindi pa natatapos ang pag ring sinagot ko na ang tawag.
"Son, Let's go to the Hospital. You're Mom is safe now. " Naluluha kong sinabi sa anak namin. Masayang balita ang dumating sa amin mag ama.
"Thank you so much Lacey" Mahinang usal ko.
I love Einah so much. Ang marinig ko lang na ligtas na siya. Nabuhayan ako ng loob. Gagawin ko ang lahat matulungan ang kapatid ko na haharapin si Bryan MacKenzie nang matapos na ang pag papahirap sa pamilya namin.
***
Einah POV
Inimulat ko ang mga mata.
"Hi Ate Einah! paparating na si Kuya Luis" Nakangiting bati ni Lacey. Nagkatitigan kami bago tumawa sa isa't isa. Napailing siya sa akin.
"Binabawi ko na ang sinabi kong stupid ka. Ate, hanggang ngayon hindi ko akalain na ikaw pala ang secret love ni Kuya Luis" Masakit pa rin ang katawan ko kaya hindi ko magawang tumawa. Hinawakan ko ang kamay ni Lacey.
"Thank you Lacey. Tatanawin ko na utang na loob ito. Iniligtas mo ako sa kamay ni Bryan MacKenzie. Akala ko mamatay na ako. Hindi ko kayang mamatay at iwanan ang mga anak namin ni Matthew. Pinapangako ko lalabanan natin si Bryan para sa pamilya natin na sinira niya!" Naluluha kong sinabi. Hinawakan ni Lacey ang kamay ko.
"Wala iyon Ate Einah. Pamilya tayo dapat mag tutulungan tayo sa isa't isa. Masaya ako para si inyo ni Kuya Luis." Narinig namin tumikhim si Matthew habang karga niya si Eirah.
"Mommy!" Umiiyak si Nicholas na lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. Hindi ko din mapigilan ang maiyak na makita ko ang asawa at mga anak ko. Ibinigay ni Matthew si Eirah sa Yaya n'ya. Lumapit siya kay Lacey.
"Ano na naman Kuya Luis?" Umirap sa ere si Lacey.
"Ang panget mo!" Pag aasar na sinabi ni Matthew. Gusto ko sanang matawa habang nakasimangot ang mukha ni Lacey.
"Magkamukha tayo! Kaya mas panget ka" Ganting sagot ni Lacey. Nag labanan ng titigan ang dalawa. Biglang niyakap ni Matthew si Lacey. Gusto kong maiyak sa kanilang dalawa. Pareho silang umiiyak sa isa't isa.
"I really miss you my little sis! Thank you sa pag ligtas mo sa ina ng mga anak ko. " Walang tigil sa pag iyak si Matthew. Pareho silang namumula ang kanilang ilong.
"I miss you too Kuya Luis." Yumakap ng mahigpit si Lacey. Bumitaw si Matthew. Inilagay ang kamay sa pisngi ni Lacey.
"Patawarin mo si Kuya ha. Naging mahina ako. Hindi ko na kase alam ang gagawin. Natatakot ako sa buhay nina Mommy at Daddy" Umiiyak na sinabi ni Matthew. Umiling si Lacey sa kanya.
"Pinatawad na kita. Kuya Luis, kung ililigtas mo ako hindi natin sigurado kung mabubuhay pa tayo sa oras na iyon baka lahat tayo mamatay sa kamay ni Bryan Mackenzie" Niyakap muli ni Matthew si Lacey na walang tigil sa pag iyak. Hindi ko mapigilan ang maluha sa muling pag tagpo ng magkapatid.