Chapter Twenty Seven | True Love

Einah POV

Eto na ang pagkakataon namin na mahuli at patayin si Bryan Mackenzie sa tulong ng device na binigay ni Bradley Novikov

"Take care Lady S at Lady X. Let's finish this fight!" Anunsyo ni Agent Arrow. Huminga kami ng malalim.

Siya ang mag ga guide sa amin papasok sa loob ng Warehouse. Isa sa pinakamagaling na hacker si Agent Arrow kaya nitong i hack ang CCTV.

Ramdam namin ang kaba sa puso. Lahat kami hinanda ang sarili sa muling pag tatagpo namin ni Bryan MacKenzie. Nauna akong pumasok sa loob ng warehouse bago ako nag sign na pumasok kami sa loob. Akala namin bente lang ang katao. Hindi namin akalain mahigit 50 ang member ni Bryan MacKenzie buti na lang kasama ang A&L Organization at TDS.

Hindi nakasama si Silver dahil sumabay sa panganganak ang kanyang asawa kaya on leave siya ngayon.

Malapit na kami sa destinasyon nang hinarang kami ni Lady Caroline. Pareho kaming nakatitig sa isa't isa.

"Satinne, ako na bahala dito. Puntahan mo na si Andrew." Nakatitig ako kay Caroline Mackenzie binansagan na Queen of Mafia. Dahil siya ang utak ni Bryan MacKenzie sa lahat ng transaction nito.

Itinuring na tunay na anak. Tahimik at hindi palakibo si Caroline MacKenzie. Malamig kung tumitig. Kung hindi ka sanay sa kanya makakaramdam ka ng pagtaas ng balahibo sa katawan.

"Thank you Lady X" Nagmamadaling umalis si Lady S. Tumingin lang si Lady Caroline. Hinayaan niyang umalis si Lady S. Dalawa na lang kami nakatayo. Parehong nagpapakiramdaman.

"Kumusta Xelena?" Tumiim ang mata ni Caroline.

"Mabuti naman. Ikaw kumusta na?" Mariin kong sinabi sa kanya. Hindi niya ako sinagot. Basta ang katawan namin bigla na lang kami lumapit at nag palitan ng suntok at sipa sa katawan.

Natanggal ang jacket sa akin katawan. Hindi ko alam kung bakit ganito ang gusto ni Lady Caroline. Pwede naman kaming gumamit ng guns. Pakiramdaman ko gusto n'ya lang ibuhos ang frustration niya sa buhay.

Binalibag ako ni Lady Caroline. Nakita ko ang galit sa kanyang mukha. Kahit masakit na ang buong katawan ko. Kailangan ko sabihin sa kanya ang katotohanan.

"Lady Caroline. Alam ko hindi mo gusto ang pumatay ng tao. Kaya itigil na natin ito!" Pakiusap ko patuloy pa rin nag bibigay ng mabagsik na suntok at sipa si Caroline.

"Wala akong pakielam! Papatayin kita!" Sigaw ni Lady Caroline. Iniiwas ko ang mga suntok at sipa niya.

"Alam ko ang nangyari sa pamilya mo. Si Bryan MacKenzie ang nagpapapatay sa magulang mo!" Sigaw ko sa kanya. Huminto ang kamao niya sa mukha ko. Nanlalaki ang kanyang mga mata. Nagpatuloy pa rin ako sa sinabi ko sa kanya.

"Caroline, nagsinungaling sa iyo si Bryan MacKenzie. Hindi ka niya tunay na pamangkin. Ginagamit ka lang niya para sa sarili niyang interes!" Pareho na kami punong puno ng pasa sa katawan. May sugat sa gilid ng labi namin. Nakita ko naglabasan ang luha sa kanyang mata.

"Hindi totoo yan!" Sigaw niya saka niya ako sinugod. Alam ko nag pa panic na siya sa kanyang nararamdaman.

I don't have a choice! Kung hindi ko siya lalabanan. Mamatay ako. Lumapit ako sa kanya. Alam ko wala na sa konsentrasyon si Lady Caroline hindi niya ma kontrol ang sipa at suntok niya sa akin. Pinalibutan niya ako ng kanyang binti sa baywang at saka inihagis sa pader. Halos gusto kong mapamura sa sakit.

Sa abot ng makakaya ko lumapit ako sa kanya payakap sa mabilis na paraan hinawakan ko siya sa ulo at iniuntog ko ang noo ko sa kanya. Alam ko nahilo si Lady Caroline bago ko siya binalibag.

Lumapit ako ulit at iniupuan ko siya sa tyan at binigyan ko ng suntok sa mukha nang makita ko na wala na siyang laban. Ipipihit ko na ang kanyang leeg para baliin biglang naalala ko ang kanyang mata. Nang panahon nag te - training kami sa Isla Del Fuego.

Ang pag kislap ng luha na pilit niyang itinatago. Inalis ko ang aking kamay sa kanyang ulo. Itinago ko siya bago ko iniwan ang katawan niya magmadali akong pumunta kung nasaan si Bryan MacKenzie.

***

Caroline POV

Napamulat ako ng mata nang marinig ko ang sunod sunod na putok ng baril kahit hirap ako sa pag bangon. Alam ko napuruhan ako ni Lady Xelena.

Tinignan ko ang buong paligid. Halos lahat ng tauhan ni Bryan MacKenzie naliligo na sa sariling dugo.

Shit! Mukhang wala nang lusot ngayon si Bryan MacKenzie.

I need to get out of here! Kahit hirap ako sa pag tayo. Nagmamadali akong lumabas ng warehouse. Napapapikit ako dahil parang pamilyar sa akin itong lugar. Biglang may pumasok sa isip ko.

Ang sikretong lagusan! Naalala ko na kung saan iyon. Nagtago ako sa mga sundalo nagpapalitan ng putok. Nakita ko ang isang bodega. Alam ko ginagamit ni Bryan MacKenzie itong taguan ng mga deadly weapons. Pumasok ako sa loob. Naghanap ako ng flash light. Nakita ko sa lalagyan ng mga baril. Binuksan ko ito saka tumingin sa sahig.

Pumikit ako ng maalala ko kung saan ang sikretong lagusan. Idinilat ko ang mata. Pumunta ako sa kaliwang bahagi. Kinapa ko ang sahig nang mahawakan ko kaparehas ng kulay ng semento ang hawakan kaya itinaas ko ito.

Bumungad sa akin ang hagdan. Lihim ako napangiti. Pag baba ko isinarado ko agad. Hirap na hirap ako sa paglalakad alam ko sa kabilang bundok ang labasan ng sikretong lagusan. Malapit na ko sa pinto.

Wala na ang mga tunog ng baril. Nakita ko ang mabatong bahay.

May motor sa labas. Napangiti ako. Kinapa ko ang bulsa ng pantalon at kinuha ang universal key para mabuksan ang padlock ng kadena.

Matagumpay ko itong binuksan. Dahan dahan kong inilakad ang motor nang makalayo na sa bahay. Sinira ko ang ignition. Pinagkakabit ko ang wire at tumunog ang motor. Hindi ko gaano kabisado ang lugar at madilim na.

Sa dilim ng kalye lalo na bundok ang dadaanan ko. Hindi ko napansin ang batong nakaharang. Kaya sumeplang ang motor na sinasakyan ko. Naunang bumagsak ang ulo ko. Hanggang sa nandilim ang paningin ko.

***

Nagising ako nasa hospital at may benda sa ulo.

"Si - Sino kayo?" Tanong ko sa lalakeng nakaputing damit. Nakasuot ng uniform na pang Doctor. Tumingin ako sa isang lalake. Nakatitig din siya sa akin.

"Magandang umaga. Miss, Ako nga pala si Chance Nathaniel Lopez" Pakilala ng lalakeng nakangiti at may dimple sa kanyang mukha.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.