Chapter Twenty Eight | True Love

Einah POV

Pumasok ako sa bukas na pinto. Nakita ko si Lady Satinne mag isang lumalaban kay Bryan MacKenzie gamit ang samurai. Si Andrew nakatali ang kamay at paa sa upuan.

"Oh may isa pang traydor. Sumali ka sa amin Lady X" Tumingin ako kay Lady S. Nagpapahiwatig ang kanyang mata. Tumango ako dahil naintindihan ko ang sinabi niya. Pinuntahan ko agad si Andrew nagmamadali kong kinalag ang tali gamit ang dagger knife. Pagkatapos ko siyang kalagan. Mabilis kong kinuha ang samurai sa tokador.

Nakita ko tumilapon si Lady Satinne sa pader. Lumapit sa kanya si Andrew. Ako naman ang sumugod kay Bryan MacKenzie.

"Huwag kang sumali dito. Andrew, umalis ka na. I ligtas mo ang sarili mo" Narinig kong sinabi ni Lady S.

"No! Love, I'll stay with you!" Andrew said to Lacey. Kahit gumamit ako ng guns. Bale wala lang kapag hawak ni Bryan MacKenzie ang samurai. Mas higit na malakas ang pakiramdam niya kapag gamit niya ang samurai.

Isa sa pinag aralan ko sa pagkatao niya. Alam namin ni Lady S ang lakas ni Bryan Mackenzie. Tumabi ako kay Lady S at sabay namin sinugod si Bryan MacKenzie. Sobrang lakas niya ngayon. Alam ko na hindi pinaghandaan ni Bryan MacKenzie ang una namin laban kaya madali ko siyang kalabanin.

Pareho na kaming sugatan ni Lady Satinne simula pa kanina. Napalingon ako makitang pumasok si Matthew.

"Einah! Lacey!" Sigaw ni Matthew. May hawak siyang baril. Inasinta niya kay Bryan MacKenzie. Nanlaki ang mata ni Matthew dahil hinarangan lang ng samurai ang mga bala ng baril. Binato ni Bryan ng takip ng samurai sa hawak na baril ni Matthew kaya tumilapon ito sa sahig. Tumingin sa gilid si Matthew at nakita niya ang samurai. Mag isa siyang nakipag buno kay Bryan MacKenzie. Gamit ang samurai. Sinubukan tulungan ni Andrew si Matthew. Alam ko hindi ganon ka bihasa si Matthew kaya natatakot ako. Pinilit kong tumayo.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko na sinaksak ni Bryan MacKenzie sa tyan si Matthew.

"Matthew!" Sigaw ko.

"Kuya!" Sigaw ni Lacey.

"Isa kayong mahinang nilalang!" Humalakhak ng malakas si Bryan MacKenzie. Hindi ko na kaya pang tumayo. Gumagapang ako papunta kay Matthew. Inaamin ko wala na akong lakas lalo na hindi biro ang nangyari sa amin ni Lady Caroline.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Andrew hinawakan sa kwelyo ni Bryan at iniumang ang samurai. Narinig ko ang malakas na sigaw ni Lady Satinne mabilis siyang tumayo at hiniwa ang likod ni Bryan MacKenzie. Namuo ang luha ko dahil humiga sa sahig si Bryan MacKenzie.

Sa wakas natapos din. Ipipikit ko na ang mga mata. Subalit nanlaki bigla ang mga mata ko nang bumangon si Bryan MacKenzie at mabilisan sinaksak sa tyan si Lady Satinne. Natulala ako sa nangyari at namuo ang luha sa mata ko.

Hindi ko napansin si Matthew na gumalaw at kinuha ang baril sa gilid. Sunod sunod na pinaputukan ni Matthew si Bryan MacKenzie sa likod.

Akala ni Matthew may laman pa ng bala ang baril.

Si Lady Satinne ginamit niya ang buong lakas at tinalunan si Bryan MacKenzie saka nito pinugutan ang ulo.

Tapos na!

Eto na ang hinihintay namin ang makita si Bryan MacKenzie na patay na. Matatahimik na din ang pamilya namin. Hindi ko na kinaya pa ang lahat biglang nandilim ang paningin ko.

***

Napamulat ako ng mata habang nasa tabi ko si Matthew. Nakahiga sa Hospital bed. Dalawang araw na siyang unconscious pero stable na siya. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang tungkol kay Lacey. Alam ko mag aalala siya sa kapatid niyang babae.

May mga sugat at pasa pa rin ako sa katawan. Pero nag pa discharge ako agad dahil walang titingin kay Matthew. Ayoko siyang iwanan mag isa. Ang mga anak namin na kay Misha. Ang kapatid ni Andrew sa ina. Ayokong makita ng mga bata na ganito ang kalagayan ng kanilang ama.

First time ko ma meet ang ina ni Matthew at Lacey. Masaya ako at dalawang kamay nila akong tinanggap. Hindi ko akalain na napakabait ng kanilang magulang.

Alam ko nag aalala sila sa kalagayan ng kanilang mga anak lalo na dalawa sila ni Matthew at Lacey nasa hospital. Hanga ako sa kanilang mag asawa pinapakita nila na matatag sila sa nangyari sa kanilang anak.

Naramdaman ng kamay ko ang pag galaw ng kanyang daliri. Biglang nanabik ang puso ko.

"Daddy?" Bumukas ang kanyang mata. Hinalikan ko siya sa pisngi sa sobrang saya nararamdaman ko.

"Mommy" Napangiti ako tumugon siya sa akin. Hinaplos ko ang kanyang ulo.

Masaya ako na gising na ang asawa ko. Ilang araw na confined sa hospital si Matthew.

Ang magulang ni Matthew ang nagpaliwanag tungkol kay Lacey. Walang tigil sa kakaiyak si Matthew. Sa ngayon hindi niya madalaw dalaw ang kapatid na babae.

Natatakot siyang makita si Lacey. Tumatak sa isip niya ang kalagayan ng kapatid niya noon. Nalaman namin na si Lacey buntis sa kambal na anak. Tinutulungan ko mag bantay si Andrew kay Lacey kapag may business meeting. Minsan si Mommy Marie ang nag babantay.

Napatingin ako sa pinto. Biglang pumasok ang isang babae nagpakilalang Kira. Nanghihina siyang pumasok at hinawakan ang kamay ni Lacey.

"I'm sorry! I'm so sorry! Hindi ko alam ang nangyari sa iyo!" Umiiyak na sinabi ni Kira kasama si Misha. Nalaman ko mga kaibigan pala sila ni Lacey. Hinawakan ko siya sa balikat tanda ng pag aalo ko sa kanya mula sa pag iyak.

Ilang buwan ang nakakalipas nanganak na si Lacey sa pamamagitan ng CS. Natatawa ako kapag nakikita ko si Andrew dala niya ang kanyang mga anak na magkakamukha.

Sa ngayon nag buntis ako ulit sa pangatlo naming anak.

Nakareceive kami ng tawag mula kay Andrew. Isa sa nagpasaya sa kin ng malaman ko na gising na si Lady Satinne. Walang kasing saya ang puso ko. Makita ko si Matthew na umiiyak sa tuwa sa nalaman.

***

Dalawang Linggo na ang nakakaraan simula nagising si Lacey mula sa comatose. Pinapunta kami ni Andrew sa bahay nila dahil plano na niyang mag propose kay Lacey.

Sa susunod na buwan ang kasal namin ni Matthew.

Nasa pinto kami ng bahay ni Andrew habang naghihintay. Binuksan ni Andrew ang pinto.

"Suprised!" Sigaw namin sa gulat na gulat si Lacey. Nakita ko ang saya sa kanilang mukha sa tagal na panahon hindi sila magkakasama. Naninikip ang dibdib ko habang pinapanood ko sila.

Sa wakas buo na ang pamilyang Madrid. Ang pamilya ng aking asawa at pamilya ko din. Alam ko eto na ang simula ng panibagong buhay namin lahat.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.