Chapter MFC 37 (Wakas)

Hinawakan ng binata ang kamay niya. “Yes. Quinn, will you accept my love the same way you accepted me, flaws and all?”

Naramdaman niya ang pagpatak ng luha niya. Hindi niya maipaliwanag ang pakiramdam niya. All this time, akala niya ay si Cindy ang mahal nito. Pero hindi. Siya na ang mahal nito. Nangyari na ang matagal na niyang inaasam. Siya na ang mahal ni Chance. Lahat ng sama ng loob niya nang nagdaang mga araw pati na rin ang naipon nang nagdaang taon ay parang tinangay lang ng hangin.

Niyakap niya ito. “Chance! Hindi ka nagjo-joke, di ba?”

“My love is not a joke, Quinn.”

Ginagap niya ang kamay ni Chance. “I am so happy. Akala ko si Cindy pa rin ang mahal mo. This is quite a surprise.”

“You showed me how beautiful love is. Minahal kita matapos akong matauhan kay Cindy. There was no use loving her. Pero malayo ka na sa akin. Nasa Italy na ako noon. Bakit mo ako mamahalin kung sarili ko di ko kayang mahalin? So I improved myself. Siguro kapag mahal ko na ang sarili ko, mamahalin mo rin ako. Pero ayaw mo pa rin sa akin kahit na nagbago na ako. Mas gusto mo pa ring kasama ang dating Chance.”

“It was easier for me to love the old Chance. What I felt for him is pure, innocent love. Mas natakot akong mahalin ka ngayon. Marami akong karibal. At kung noon nga di mo ako minahal, lalo naman ngayon.”

“Mr. King, kung magbe-break kayo agad, pwede bang ako na lang?” tanong ng naluluhang fan ni Chance. “Kasi mahal kita kahit ano pa itsura mo.”

“Mahal kita maging sino ka man!” sigaw ng iba pang fan ni Chance. Ang mga fans na kanina ay nanlalait dito, ngayon ay handa nang tanggapin kung anuman ito.

Humalakhak siya. “Sorry, girls! He’s taken. He’s mine! Nahuli kayo.” Then she stuck out her tounge.

“Kung di mo kami kayang mahalin, pirmahan mo na lang ang libro namin!” sabi ng fan nito na nagpapahid ng tissue sa mata.

“Sandali. May nakalimutan lang ako,” sabi ni Chance at hinawakan siya sa balikat. Naghiyawan ang lahat nang angkinin nito ang labi niya. Gusto rin sana niyang makihiyaw pero mas enjoy na I-enjoy ang halik nito.

Pinapunta sila sa backstage dahil may isa production number pa daw bago ang mismong book signing. Pero malakas pa rin ang hiyawan ng mga tao kahit nang nasa backstage na sila ni Chance.

“Wagi na iyan! I am happy for you!” tili ni Sosimo na pumunta din sa backstage. “Sa wakas naman kayo na.

Subalit sumunod din ang pinsan niya at kabuntot pa rin ang mga staff ng beauty pagaent. Kinabig ni Cindy ang balikat ni Chance. “Wait! Ako ang mahal mo.”

Malungkot na ngumiti si Chance. “Akala ko nga ikaw ang mahal ko. Akala ko kasi tanggap mo ang itsura ko. Hindi ko naman hiniling noon na mahalin mo ako. Pero ni simpleng respeto hindi mo maibigay sa akin. Kaya pati sarili ko hindi ko na rin magawang irespeto.”

Kumapit si Cindy sa braso nito. “Noon iyon. Bagay na tayo ngayon. You are King now.”

“Paano kung mataba pa rin ako? Paano kung hindi naman ako sikat? Paano kung ordinaryo lang ako? Mamahalin mo pa rin ba ako?”

Padarag nitong binitiwan si Chance. “Why should I?” nadulas ang dilang bulalas ni Cindy at biglang natutop ang bibig. Hindi na nito alam kung paano pa babawiin ang sinabi.

“My point exactly,” sagot ni Chance at inakbayan siya. “Sana maging masaya ka para sa amin ni Quinn. Because I also wish you happiness. Sana din manalo ka sa pageant at totoong makatulong ka sa mga nangangailangan. They deserve genuine love, Cindy. Only a real queen can give that.”

Namula sa galit si Cindy at nalukot ang mukha. “Ipinahiya ninyo ako. I thought we have a great love story. Tapos ganito lang pala ang gusto mo? Magsisisi ka na hindi mo ako pinili. I will be the next Miss Universe. Magsisisi ka dahil hindi ikaw ang nasa tabi ko kapag nangyari iyon. Bibigyan pa kita ng chance ngayon na magbago ng isip.”

“Hindi ko ipagpapalit si Quinn sa kahit na ano,” sabi ni Chance at kinintalan ng halik ang ibabaw ng ulo niya.

“Di naman pala sa iyo magpo-propose. Sayang lang ang oras namin,” anang cameraman at pinatay ang camera.

“Shut up! Staff lang kayo ng pageant,” angil ni Cindy dito.

“At contestant ka lang,” pakli naman ng

“That is enough, Cindy. You already caused enough trouble for today,” saway ng ama ni Cindy na si Tito Timoteo.

“But, Dad, ipinahiya nila ako. You can’t believe that he will choose Quinn over me. I mean...”

“He did so suck it up!” angil ng ama nito at hinaklit ang braso nito. “We are going home now. Mag-uusap tayong mabuti.” Tumango ito sa kanila at sa mga staff ng pageant. “I apologize for my daughther’s behavior. Rest assured that I won’t tolerate her behavior.”

“Sana ikaw nalang ang sumali sa pageant,” sabi ng staff. “You are always welcome next year, Miss Quinn.” At ibinigay ng babae ang calling card sa kanya. “I think you have a shot to become the Beauty with a Purpose Queen.”

Tinanggap lang niya ang calling pero wala naman sa isip niya na sumali sa pageant. “Give it a try. Madami kang matutulungan. Pero kung hindi, it doesn’t matter. Alam ko naman na madami ka pa ring fans. Lalo na kapag nabasa nila ang mga tulang isinulat ko para sa iyo.”

“I can’t believe you did that, Chance,” sabi niya at hinampas ang dibdib nito.

“Ang sabihin sa lahat na mahal kita o ang pagsusuot ng fat suit?”

“Pareho. Ganito talaga kagrande dapat kapag sinabi mo na mahal mo ako. Madali naman akong kausap.”

“Iwas ka nang iwas sa akin. Kaya nga gumawa ako ng paraan para malaman mong mahal kita. Na seryoso ako. At siyempre tiniyak ko rin na pupunta ka ngayon.”

Naningkit ang mga mata niya. “Kinuntsaba mo si Sosimo para sabihin sa parents ko na may libro akong lalabas.”

“Yes. And it worked.”

“Baliw ka talaga. Nag-fat suit ka pa. Nakakalimutan mong magkaka-rashes ka sa suot mo.” Napailing siya. “Hubarin mo na iyan.”

“Kahit na magka-rashes pa ako, wala akong pakialam. Gagawin ko ang lahat para sa babaeng mahal ko. Para sa iyo.”

“Pero hindi ba si Cindy ang dahilan kung bakit ka nagbago.”

Umiling ito. “Pinili ko na magbago hindi dahil sa kanya kundi dahil sa iyo. I want to be the guy with self-confidence. Who is strong enough to fight for himself. Who is strong enough to love you and protect you.”

“At ano ang nangyari kay Cindy nitong nakakaraang araw?”

“Gusto kong tiyakin sa sarili ko na wala na siya sa sistema ko. Pero habang kasama ko siya, ikaw pa rin ang gusto kong makasama. Ikaw pa rin ang nasa isip ko. Ayoko lang siyang pabayaan dahil pinsan mo siya. Alam mo na, kailangan kong magmalasakit sa kapamilya. I am obviously wrong. Hanggang sa event na ito, gusto rin niyang gamitin para sa personal gain niya.”

“I am just sad that she learned her lesson the hard way.”

“So do I. Pero sana hindi na ako magkamali ulit o makagawa ng kahit na ano para masaktan ka.”

“Fans are wild and crazy now. Oras na para sa book signing ninyo,” sabi ng publisher na si Mattheu Segundo.

“Yes, Boss.”

“Pwede bang gumawa kayo ng romantic poem? Collaboration ninyong dalawa? Sa palagay ko maraming fans ang mag-aabang kapag in-announce natin ngayon,” anang boss nila.

“Sige, Sir. Basta gagawin din po namin ng tula ang love life ninyo,”’ nanunuksong sabi ni Chance. “Sigurado po na matutuwa din ang mga fans ninyo.

“Pumirma na nga kayo sa labas!” anang si Mattheu at tinalikuran sila. “Pati love life ko pakikialaman.”

Nagtawanan sila ni Chance at hawak-kamay na lumabas ng stage. Ang matabang Chance ang kasama niya ngayon at hindi ang King na tinitilian ng lahat. Si Chance na kahit mataba, mamahalin pa rin niya.

Love is something so rare. At hindi alam ng kahit sino kung kanino iyon mararamdaman. Pero kapag tinamaan ka na, kalilimutan mo kung anuman ang kahinaan ng taong iyon. Akala niya ay wala na siyang pag-asa dito pero ang pag-ibig kapag pinagtiyagaan ay makukuha din sa tamang panahon.

At sa palagay niya ay mas titibay pa ang pagmamahalan nila ni Chance sa paglipas ng panahon. Dahil ang pag-ibig nila ay di nakabase sa panlabas na anyo kundi sa kagandahan ng puso na di kumukupas. Iyon ang tunay na pag-ibig.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.