Chapter MFC 36

I HOPE you will come to the book signing. We want you to be there. Lahat ng writers ay nandoon. I know we are going through difficult times right now. But can we set aside our differences? This is for your advocacy. Hindi kumpleto ang okasyon kapag wala ka.

Nagtalukbong na lang si Quinn matapos mabasa ang mensahe ni Chance sa Messenger. Ngayon ang araw ng launch para sa Caged - ang compilation ng mga tula nila tungkol sa bullying. Pero wala iyon sa schedule niya. Nagpaalam na siyang hindi siya makakapunta dahil may importante siyang tatapusin kahit na wala na siyang pasok. Mas gusto niyang magmukmok na lang sa kuwarto.

“Ano ito? Magkukulong ka na lang dito forever? Pangangatawanan mo na lang ‘yang pagse-self pity mo? Hindi nakakaganda iyan,” sabi ni Sosimo at pilit na hinatak ang kumot niya.

“Wala naman akong ganda. Kahit naman anong gawin ko, kahit na maging Miss Universe pa ako, maging summa cum laude at santa rolled into one, si Cindy pa rin ang gusto ni Chance. Kahit anong gawing kapalpakan ni Cindy at kahit gaano pa siya kamaldita, nagpapauto pa rin siya. Ayoko na!”

“O tapos, masaya sila sa buhay nila at ikaw naman ay nagmomongha dito. Hindi pwedeng tumigil lang ang mundo mo dahil sa kanila. Hindi pwedeng puro love ang buhay. May advocacy ka pa sa buhay. May mga tao pang nangangailangan sa iyo. Nag-text na sa akin ang mga alaga mo sa Project Bullying. Sana daw makapunta ka dahil isa ka sa inspirasyon nila kaya sila nakasulat ng tula. Di ba pwedeng maging masaya ka para sa kanila?”

“Ang sakit-sakit kasi. Makikita ko lang sila Chance at Cindy doon. Makikita ko na naman ang kaipokritahan ng pinsan ko. Ang sakit-sakit. Parang gusto kong sumigaw pero walang nakikinig sa akin.”

Hinawakan nito ang mukha niya. “Quinn, naalala mo ang sinabi mo sa akin dati na isa lang itong phase ng buhay natin na kailangan nating pagdaanan? Tapos ka nang umiyak. Tapos ka nang magmukmok. Move on na. Kaya mo ang sakit. You are tough. Saka excited na ang parents mo na um-attend sa book signing mo. Gusto din daw nilang makilala ang mga tinutulungan mong na-bully na kabataan.”

“Pupunta sila sa book signing mo?” di makapaniwala niyang usal. Di niya nabanggit sa mga ito ang tungkol sa libro dahil baka di naman interesado ang mga ito lalo na ang nanay niya.

“Kahit na daw di ka sa beauty pageant malinya, proud sila sa mga achievement mo. Kaya kung pwede bumangon ka na diyan. Mga magulang mo ang dahilan kung bakit may achievements kang ganito. Sila ang nagpaaral sa iyo at maganda ang pagpapalaki nila sa iyo. Saka mo na iyakan ang love life. Pagagandahin kita nang todo.”

“Okay,” sabi niya at naligo na.

Tama. Hindi siya dapat magmukmok doon. Para sa mga magulang niya ay itatago na lang niya ang sakit. Para sa mga magulang niya ang araw na iyon. Gusto niyang makita na proud ang mga ito sa kanya.

Isang oras din siyang matiyagang inayusan ni Sosimo at nag-confirm siya sa publisher niya na dadalo siya. Madami na daw mga tao na naghihintay doon. Hindi naman siya magla-launch ng career bilang writer. She just wanted the voices of the bullied be heard. To reach out to those who bully. Dahil ang di alam ng iba, baka sa puso ng mga bullier ay isang bullied din. Inilalabas lang ng mga ito sa iba. Tama. Saka na ang love life. Marami pang magandang bagay sa mundo na maari siyang mag-focus.

“Nandito na ang anak mo,” anang ama niya na kuntodo amerikana pa. Nakita niya na nakapustura din ang ina. Parang dadalo ang mga ito sa awards night at di sa simpleng book signing.

“Ma, Pa, na-outshine n’yo yata ako,” sabi niya at humalik sa mga ito.

“Proud parents, darling,” anang ina niya at niyakap siya. “We are so proud of you, hija.”

“Hindi mo kailangan na maging beauty queen para maka-inspire ng iba. You are our queen and so much more,” anang ama niya.

Sa sobrang pagluluksa ng puso niya kay Chance ay nakalimutan niya na may mga tao pag nagpapahalaga sa kanya - ang mga kaibigan niya at ang mga magulang. Ang mga ito ang aalalay sa kanya sa pagharap niya sa bagong kabanata ng buhay niya. At ang sakit na dulot ni Chance ay mas madali niyang malalampasan.

NANLALAMIG ang kamay ni Quinn nang makita ang maraming tao na dumayo sa book launching. Hinatak niya ang kamay ni Sosimo. “Umuwi na lang tayo. Ang daming tao. Nakakatakot.”

“Gaga! Hindi ka naman magko-concert. Pipirma ka lang ng libro. Gamitin mo charismo mo bilang beauty queen.”

“Miss Quinn, this way please,” nakangiting sabi ng isa sa mga editor ng publication at kasama sa organizer ng event.

Pinaupo siya sa front row kasama ang iba pang writers. Ipinakilala siya ng mga ito sa mga magulang at nagpasalamat ang mga magulang sa nagawa niya sa mga anak nito. She felt better this time. Hindi siya nagkamali sa pagpunta sa event na iyon dahil nakita niya ang napaghirapan nila sa center. Ang mga dating mahiyain, takot at minsan ay suicidal nang biktima ng bullying ay puno ng kompiyansa ngayon. Alam kasi ng mga ito na di na sila nag-iisa. May mga taong nagmamahal sa mga ito.

“Of course, you know my cousin. She’s one of the volunteers of Silver Lining Youth Center. Sabi niya na-inspire daw siya sa akin,” sabi ni Cindy at sinapo ang dibdib. Kaladkad nito ang staff at ang camera crew na nagko-cover ng pageant. “Ganyan ang nangyayari kapag gumagawa ka ng kabutihan sa iba. Nai-inspire ang marami. Kaya nandito ako para suportahan din sila.”

What the hell! Di na nasiyahan ang pinsan niya na tangay-tangay ang crew ng pageant sa event at kailangan pa nitong palabasin na siya ang na-inspire dito?

“Nice naman. Tapos pinsan mo pa ang naka-collaborate ng sikat na writer na si King,” sabi ng babaeng staff na mukhang istriktang principal.

“Ako talaga ang gusto ni King na ka-collaborate but I am so busy with all the projects I am working on,” sabi ni Cindy at inilahad ang palad. “But the highlight of the event is King’s declaration of love for me. Gusto niyang ipakita sa lahat na ako ang mahal niya. You see, he used to be this fat guy bullied by everyone. Ako ang gusto niya. At binago niya ang sarili niya para sa akin.”

Smile lang, Quinn. Smile. Nakatutok ang camera sa iyo. Sikmurain mo na lang sinasabi ni Cindy para sa tagumpay ng event na ito. At bumaling na lang siya sa katabi na ipinapakita ang pictures ng mga ito habang inaayusan sa salon kanina.

Nagpalakpakan ang mga tao at naghiyawan. Tinawag na pala ng host ang pangalan ni Chance. “King!” tilian ng mga fans nito. Di lang kasi naging simpleng author si Chance. Heartthrob na rin ito.

Subalit humupa ang ingay nang lumabas ang isang matabang lalaki at nagsalita sa microphone. “Hello! I am King!”

“What the hell is this?” bulalas ni Cindy. “Sino iyan?”

“Ang taba niya! Ang pangit! Akala ko guwapo siya,” dismayadong sabi ng ilan sa mga fans nito. Kahit siya ay di niya alam kung bakit ito naka-fat suit. Na naman.

“Sa mga nakakita na sa akin dati, nagtataka siguro kayo kung bakit ganito ang itsura ko. For so many years, ito ang itsura ko hindi pa man ako si King. Tanggap ko noon na di ako pansinin ng magagandang babae. Masaya na ako na pagmasdan sa malayo ang babaeng gusto ko. But there’s this extra-ordinary girl who accepted me for who I am. Siya ang nagtatanggol sa akin sa mga bullies. And one of the two books which will be released today collection of poems if about this feisty, stubborn yet compassionate goddess.”

“No! Please! Chance, huwag ganito. Huwag iyong pangit ka,” nandidiring sabi ni Cindy habang nakasubsob ang mukha. Mahina langa ng sinasabi nito pero dahil magkatabi sila ay naririnig niya. “Ano ang iisipin ng mga tao? Na na-in love ako sa isang mataba at pangit na lalaki? Eeewww!”

Tumutok sa direksiyon nila ang mata ni Chance. “I lost her once. I don’t want to lose her again. So I will grab this chance to tell her that I love her.”

Iniwas agad niya ang tingin. Sanay na ako sa ganito. Sanay na akong masaktan. Pero gusto na niyang kumaripas ng takbo nang bumaba si Chance ng stage. Tumutok ang camera sa direksyon nila ni Cindy. Nakita niya na nakangiti na ang pinsan niya. Bumalik na ang maskara nito at nakangiti kay Chance.

Nang mga oras na iyon ay parang pinapaulanan ng mga archers ang puso ni Quinn. Ipapakilala na ni Chance sa lahat na si Cindy ang mahal nito at sa mismong harapan niya.

Napakalupit mo, Chance. Ang lupit mo.

Wala na siyang kawala dahil palapit na sa kanila si Chance. Magmumukha naman siyang tanga kung bigla siyang aalis. Kailangan niyang ngumiti. Magkunwaring masaya kahit sinasaksak na ng patalim ang puso niya.

“Chance, I love you, too,” sabi ni Cindy nang ilang hakbang na lang si Chance mula sa kanila. “But not like this. Get out of that fat suit. Wag mong gawing katawa-tawa ang declaration of love mo sa akin. I want the handsome Chance. The King.

Humalakhak si Chance. “Don’t fret. Hindi naman para sa iyo ang pag-ibig ko.” Tumutok sa kanya ang paningin ni Chance. “Kay Quinn.”

Parang binagsakan si Quinn ng bomba sa kinauupuan niya. Hindi iyon ang inaasahan niyang sasabihin nito. “Sa akin?” bulalas niya at itinuro ang sarili.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.