Chapter FINAL CHAPTER ELYEN GIRL

IPINUSOD ni Luka ang kanyang mahabang buhok bago umupo sa stool sa harap ng canvas. She was going to paint again and she wanted her painting to have a positive vibe, just like what she was feeling right now.

And it was because of Khaki again.

She thought Daniel’s memory would be enough to last her a lifetime. Pero biglang may isang pakialamerong kiti-kiti ang sumulpot sa buhay niya. Ipinagsiksikan nito ang sarili sa buhay niya. He had melted the ice around her heart with his warmth and sunny disposition.

Come to think of it, if she hadn’t felt his warmth, she wouldn’t realize that she was missing out a lot in her life.

Inilayo niya ang sarili niya sa mga tao dahil natatakot siyang masanay uli sa presensiya ng mga ito at masaktan uli kapag nawala ang mga ito sa kanya. Kaya nga laking takot niya nang unang beses siyang hawakan ni Khaki at maramdaman niya ang init ng katawan nito.

Because of that warmth, she realized she had been longing for the warmth of the people she loved—her family, her friends, everyone who genuinely cared for her. At nagising din siya sa katotohanan nang araw na iyon—she was afraid of being alone.

Iyon marahil ang dahilan kung bakit madaling natibag ni Khaki ang pader na iniharang niya sa mga tao sa paligid niya. Nakita nito ang totoong dahilan ng kalungkutan niya. It wasn’t just because she was mourning, it was also because she was lonely for isolating herself from everyone to protect herself from getting hurt again.

And since Khaki knew it, he gently pushed her to do the right thing.

Ilang sandali pa ay natapos din niya ang kanyang painting. Hindi niya alam kung ilang oras niyang ginawa iyon pero masaya siya sa kinalabasan ng painting niya. She loved the burst of color in her painting. And this was how she perceived life now—full of brightness. Parang makulay na fireworks sa kalangitan ang mga kulay sa painting niya.

Tumayo siya at nag-inat. Tumingala siya sa kisame.

“Daniel, Khaki’s a good guy, isn’t he?” nakangiting tanong niya sa kawalan. A sudden warm breeze touched her face from her open window. She chuckled and closed her eyes. “Is that your answer?”

Ginawa niyang senyales ang pagdampi ng hangin sa kanyang mukha. Dapat na ba siyang matakot dahil kada tatanungin niya si Daniel ay tila may nangyayari para tila ipaabot ang sagot nito sa tanong niya? O baka naman gumagawa lang siya ng mga senyales sa gusto niyang kasagutan?

Inilagay niya ang tigdalawang daliri sa kanyang magkabilang sentido habang nakapikit. “Khaki phone home. Khaki phone home. I want to see you.”

Mayamaya ay napailing siya. Mukha siyang tanga. Nahawa na yata siya sa mga kalokohan ni Khaki.

Mga kalokohang nami-miss na niya. She had gotten used to having him around so she felt incomplete now. Dalawang linggo na rin ang lumipas pagkatapos siya nitong haranahin. She already missed him.

She smiled and called someone in her cell phone. “Hello? Tita Marga?”

NAKAKUNOT ang noo ni Khaki habang pinapanood ang anime na Fushigi Yuugi. Isa lamang iyon sa mga CD na binili niya para pag-aralan kung paano muling magtatapat kay Luka. Kasalukuyang nasa date ang kanyang Tita Marga with Mr. Salvez kaya walang mang-aasar sa kanya kung manood man siya niyon ngayon. Naisip kasi niyang kung gagawa siya ng isang bagay na ginagawa ng anime boys na gustong-gusto nito, baka sakaling magbago ang opinyon nito sa kanya.

Okay, fine. Naghahanap lang talaga siya ng magandang linya na maaari niyang sabihin kay Luka.

“These last three months have felt more like thousand of years to me. I’ve missed you so much. Everything about you. Your voice, your warmth, the sound of your heartbeat,” sabi ng bidang lalaki. English subbed kasi ang binili niya.

“Any guy would die first before he says that,” angil niya sa hero ng anime na pinapanood niya.

Mayamaya ay may narinig siyang katok mula sa kanyang bintana. Nakakunot-noong napalingon siya roon. Nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita.

“Luka!” bulalas niya.

Ngumiti ito at kumaway sa kanya sa labas ng salaming bintana niya. His room was on the second floor! Ibig sabihin, nakatuntong ito sa hagdanan? Mabilis siyang nagtungo sa bintana. Akmang bubuksan niya iyon nang umiling ito. Bakit ayaw nitong buksan niya ang bintana? Nalaman niya ang sagot sa sunod na ginawa nito.

Bumuga ito ng hangin sa salamin at nagsulat doon.

I love you.

Napasinghap siya nang malakas at napakurap dito.

Ngumiti lang ito at sinenyasan siyang lumapit. Kumunot ang noo niya. Inilapat nito ang mga kamay sa bintana. Her eyes were commanding him to do the same.

Tumalima siya. It was as if he could feel her warmth through the glass window. And it felt damn good.

Mayamaya ay pumikit si Luka at unti-unting inilapit ang mukha sa bintana.

Whoa! Did she want to kiss him behind the glass window? O pinagti-trip-an na naman siya nito?

Pero bago pa siya makapag-isip, nakapikit na siya at tinatanggap ang halik ni Luka. He could feel the warmth of her lips even though there was a cold glass window between them. His heart was surrounded by a warm feeling knowing that he was kissing the woman he loved.

Hindi na siya nakatiis. Kumatok siya sa bintana. Luka was a bit startled as she pulled away from the “kiss.” Sinamantala niya iyon para mabuksan ang bintana. Agad niya itong hinila papasok sa kanyang kuwarto. Nang masiguro niyang nakatapak na sa sahig ang mga paa nito ay agad niya itong siniil ng halik sa mga labi. Ipinulupot nito ang mga braso sa kanyang leeg para kumuha ng balanse. He snaked his arm around her waist.

Luka’s lips moving against his in perfect harmony was the most mind-boggling thing he had ever experienced. It was like having his first kiss all over again. Only this time, he was crazy for the woman he was kissing.

Loving someone this badly shouldbe illegal. But who cared? He would plead guilty every time if it meant he could kiss her each and every second.

KHAKI’s kiss was the sweetest thing Luka had ever tasted. It was so heart-tingling and passionate that it was as if everything was on fire. She didn’t know how long the kiss lasted, but eventually, her arms ended up around his neck while his hands were placed on both sides of her face as he kissed her thoroughly.

They were both gasping for air when the kiss ended. For a moment, they just looked deep into each other’s eyes, as if they were making sure that what happened wasn’t a dream. Si Khaki ang unang naka-recover mula sa “magic.”

“Luka, that was dangerous! Hindi ba marunong gumamit ng pinto ang mga elyen?” sermon nito. “Si Tita Marga ba ang nagbigay sa `yo ng hagdan?”

Nagkibit-balikat siya. “I wanted to give you an epic answer to your confession kaya kinutsaba ko si Tita Marga mo. Ipinahanda na niya ang hagdan bago siya nakipag-date. `Wag kang magalit sa kanya.”

Pabirong kinarate chop siya nito sa ulo. “Kung nahulog ka sa hagdan, epic bukol ang aabutin mo.” Tumigil ito at tinitigan siya. “Ang sabi mo, mahal mo `ko.” Tumingin ito sa bintana kung saan niya isinulat ang mga salitang iyon. “Totoo ba iyon?”

Nakakatawa ang pagkislap ng mga mata nito. He looked so hopeful she didn’t have the heart to joke around and tell him “no.”

Nakangiting tumango siya at buong pagsuyong ikinulong ang mukha nito sa kanyang mga palad. “Yes. Noong una, pakialamerong kiti-kiti lang ang tingin ko sa `yo. Hindi ko alam kung kailan nagsimulang mahulog ang loob ko sa `yo. Napansin ko na lang na hindi na `ko sanay na wala sa tabi ko.”

“Bakit ni-reject mo `ko no’ng nagtapat ako sa `yo?”

Kumunot ang noo niya. “Hindi kita ni-reject. Ang sabi ko lang, hindi ko alam ang sasabihin ko. Ang gusto ko kasi, kapag sinagot kita, malinaw na ang isip ko at maayos na ang takbo ng utak ko. At no’ng hinarana mo naman ako, I was about to tell you I loved you. Pero ikaw naman ang nag-walk out.”

Umungol ito. “Akala ko kasi ire-reject mo na naman ako.” Buong pagsuyo nitong hinaplos ang kunot ng noo niya. “Sigurado ka na ba sa nararamdaman mo? If you’re not yet ready to love again, I’ll wait for you kahit gaano pa katagal.”

Ngumiti siya. “Sigurado na `ko, Khaki. Dahil ikaw ang minahal ko, alam kong hindi ako magsisisi na binuksan ko uli ang puso ko. Nakahanda na `kong tanggapin ang lahat ng puwede kong maranasan sa buhay ng isang taong nagmamahal dahil alam kong nasa tabi kita.

“Ikaw ang dahilan kung bakit nagawa kong muling ngumiti, kaya alam ko na sa oras na umiyak uli ako, nariyan ka para pawiin ang sakit at patawanin ako. Hindi na `ko natatakot harapin ang nararamdaman ko para sa `yo. Thank you for coming into my life. Kahit pakialamerong kiti-kiti ka, kahit no’ng una ay nakakabuwisit ka, nagawa mo pa ring abutin ang puso ko.

Salamat dahil kahit anong pagtataboy ang ginawa ko sa `yo, bumabalik ka pa rin sa `kin.” Niyakap niya ito. “I’m sorry kung pinagdudahan ko ang pagmamahalan natin. Kampante na kong hindi mo ko iiwan, at may tiwala akong magkakasama tayo habambuhay. Saka ipinangako mong aalagaan mo ko, `di ba? Wala nang bawian `yon.”

Ngumisi ito. “Elyen girl, hinding-hindi kita iiwan. Para na rin akong nag-suicide kapag ginawa ko `yon. At alam mo bang tinatawag lang kitang ‘elyen girl’ para mapansin mo `ko?”

She matched his grin. “Now I know.”

Niyakap siya nito nang mahigpit. She felt his warm lips against her neck as he pulled her closer, sending shivers down her spine.

“These last two weeks have felt more like thousand of years to me. I’ve missed you so much. Everything about you. Your voice, your warmth, the sound of your heartbeat.”

Napakurap siya. Pamilyar ang linyang iyon sa kanya! Napatingin siya sa TV set nito nang may malakas na ingay na nagmula sa pinapanood nito. Kumislap ang mga mata niya. “Wow. Panood!”

Umungol ito sa pagtutol nang kumalas siya sa pagkakayakap nito. Umupo siya sa sofa na nasa tapat ng TV set. She was already engrossed in watching when he sat next to her. He put an arm around her shoulders and pulled her closer. Inihilig niya ang kanyang ulo sa balikat nito.

She heard him sigh in contentment. “I’ve always thought of myself as a playboy. Akala ko, eksperto na `ko pagdating sa mga babae dahil kahit kailan, hindi naman ako nagkaroon ng problema sa mga naging karelasyon ko noon.

“You were like a storm when you came into my life. I was so alarmed because I didn’t know how to handle a woman like you. Akala ko no’ng una, magiging sakit ka sa ulo. But I always felt so calm whenever I looked at you. Hindi ako mapakali kapag hindi kita nakikita. Kaya nga lagi akong sumusulpot sa bahay mo.”

She looked up at him. She noticed he had suddenly grown uneasy. Nakakunot ang noo nito habang nakatitig sa TV pero alam niyang malayo roon ang isip nito.

“Khaki phone home. Khaki phone home!” untag niya rito.

He turned to her and smiled. “Luka, whenever I’m alone and thinking to myself, I always imagine my future with you in it. We do have a psychic connection, don’t we? Can you tell what’s on my mind?”

She squinted at him and pretended to think deeply. Isang tingin pa lang sa mga mata nito, alam na niya ang nasa isip nito. “Gusto mo `kong makasama habang-buhay.”

Lumapad ang ngiti nito. “Luka Mercado, my elyen girl, will you marry me?”

Napangiti siya. “You just read my mind.”

He laughed and gently pushed her down on the sofa. Then, he kissed her again and again and again. Parang wala nang katapusan ang kaligayahan na dulot ng gabing iyon sa kanilang dalawa.

She just agreed to marry him after all.

-WAKAS-

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.