NAKASIMANGOT si Khaki dahil kanina pa hindi sinasagot ni Luka ang mga tawag niya. Hindi rin ito nagre-reply sa mga text niya. Kung puwede lang, kanina pa siya lumabas ng ospital para puntahan ito sa bahay nito. Nag-aalala na kasi siya. And he missed her.
Tatlong araw na rin siyang nasa ospital dahil sa aksidenteng kinasangkutan niya. Nangyari `yon matapos niyang ihatid si Luka sa bahay nito mula sa party ni Monica. Habang naghihintay siya sa go signal ng traffic light ay may kotseng bumunggo sa bumper ng kotse niya.
Napag-alaman sa imbestigasyon na lasing ang driver na `yon at kasalukuyan na itong nakakulong.
Nagkaroon siya ng sugat sa ulo na kinailangan tahiin. Mahigit sampung stitches `yon. Nagtamo rin siya ng pilay sa kaliwang braso niya.
“That elyen girl. She didn’t visit me. Not even once,” naiinis na bulong niya sa sarili.
Kinkabahan na siya. Hindi kaya naisip na nitong hindi talaga nito kayang tugunin ang pagmamahal niya para rito? Kaya ba bigla na lang itong naglaho ay para hindi na siya umasa rito?
Hindi naman niya pinagsisisihan ang ginawa niyang pagtatapat. Hindi na niya napigilan ang damdamin niya. Her smile, her laugh, her happiness always calmed and warmed his heart. Heck, just looking at her made him feel complete.
Noong una, aaminin niyang naiinis siya rito dahil natapakan ang ego niya sa pagwo-walk out nito sa kanya. Na-challenge siya kaya ninais niyang mapalapit dito. Pero malamang na noon pa lang ay alam na niyang espesyal ito. Dahil kahit ilang beses niyang tangkain na lumayo na rito, natatagpuan niya ang sarili na muling bumabalik dito.
Because as he got to know her, as he looked past her cold façade and weird fashion sense, as he learned more of her sad story, he began to genuinely care about her. Alam niya ngayon na hindi iyon bunsod lang ng awa.
Hindi siya mababaliw kakaisip dito kung awa lang ang nararamdaman niya para dito. Iba’t ibang emosyon ang umusbong sa puso niya para dito. Tenderness, protectiveness, gentleness—they were all new to him. If that wasn’t love, hindi na niya alam kung ano iyon.
What he felt for her was something more... pure.
“Argh! I feel like a lovesick fool!”
Kaya niyang bigyan ng space si Luka sa ngayon, pero hindi niya alam kung gaano katagal niya kayang malayo rito kung ngayon pa lang ay miss na miss na niya ito.
Naalala pa niya ang sinabi ng kanyang Tita Marga noon:
“If you want to get something you’ve never had before, you should do something you’ve never done before.”
“KHAKI’S here?” nakakunot-noong tanong ni Luka kay Mayang.
“Opo. Ipinapasabi po niya na puntahan n’yo siya sa rooftop.”
“O, sige. Salamat.”
Iniwan niya ang kanyang late dinner at umakyat sa rooftop. Kinakabahan siya. Ngayon lang sila magkikita ni Khaki matapos ang isang linggo mula ng maaksidente ito. Nabalitaan niyang nakalabas na ito ng ospital no’ng isang araw, pero hindi niya akalaing pupuntahan siya nito.
Ang totoo niyan, nagpunta siya sa ospital nang gabing maaksidente si Khaki. Pero nang makita niya itong duguan habang sinusugod sa emergency room ay nilamon siya ng takot. Naalala kasi niya bigla ang nangyari kay Daniel.
She was too afraid the same thing would happen to Khaki, and that she would feel the pain of losing a loved one again. Sabihin mang duwag siya pero ayaw na niyang maranasan ang lahat ng `yon.
Pagdating niya sa rooftop at nagulat siya sa nakita niya—firecrackers!
Lumiwanag ang buong rooftop dahil sa tatlong malalaking fountain na kasalukuyang nagpapakitang-gilas sa pagkislap. Nakatayo si Khaki sa harap ng mga iyon habang may hawak na dalawang malaking luses sa magkabilang kamay habang napapaligiran ng malilikot na watusi sticks.
Hindi niya napigilang matawa nang mahina nang makita ang hitsura nito. Halatang natatakot ito pero sa kung anong kadahilanan ay pilit nitong pinaglalabanan ang takot na iyon.
“D-don’t laugh, elyen girl!” singhal nito sa kanya. So, natatakot nga ito.
She just laughed harder. She didn’t know she could still laugh this hard even after forcing herself to stay away from Khaki!
Halos sabay-sabay namatay ang liwanag ng tatlong malaking fountain. Nauna lang ang maiingay na watusi at ang mga luses na hawak ni Khaki. Halatang na-relieve ito pagkatapos niyon.
“I thought you weren’t afraid of firecrackers?”
“Shut up. Can’t you see? Mamatay-matay ako sa takot dito dahil sa phobia ko, pero ginawa ko pa rin para lang makita kitang masaya, `tapos, pagtatawanan mo lang ako?” Nilagpasan siya nito. Pasalampak na umupo ito sa sofa. “Ungrateful elyen.”
Ang totoo ay sobrang na-appreciate niya ang ginawa nito. Her heart swelled. Subalit agad niya sinupil ang nararamdaman niya. Hindi `yon nararapat dahil nagdesisyon na siyang umiwas. Ayaw na niya itong paasahin gayong tila hindi pa siya handang sumabak uli sa isang relasyon.
Umupo siya sa tabi nito. “Bakit nagdala ka pa ng firecrackers at fireworks dito?”
He glared at her. “You’re welcome, Luka.”
Ngumiti siya kahit alam niyang may bahid iyon ng kalungkutan. “Thank you, Khaki.”
Ngumiti na ito at masuyong hinaplos ang buhok niya. “Good girl. That’s exactly what I wanted to see.”
May kung anong mainit na bagay na humaplos sa puso niya dahil sa sinabi nito. The warmth that she was starting to get used to. Kumuha siya ng isang luses sa kahon na nakapatong sa coffee table.
Nagtaka siya. Hindi niya inaasahan ang pagiging kalmado nito. Inaasahan na kasi niyang magagalit ito sa kanya dahil hindi niya ito dinalaw sa ospital. Pinoprotektahan lang ba nito ang damdamin niya? O baka naman sadyang ayaw lang nitong magtalo pa sila?
Oh, Khaki… why are you so good to me?
Bumuntong-hininga siya. Lumuhod siya sa sofa at ipinatong ang mga siko sa ibabaw ng katawan niyon habang sinisindihan ang luses gamit ang lighter na iniabot ni Khaki sa kanya. Iyon ang klase ng luses na nagbubuga ng iba’t ibang kulay ng liwanag.
Nilingon niya si Khaki. He was watching her intently, making her feel awkward. “O? Bakit ayaw mo nang magpaputok? Luses lang naman `to.”
He looked at her long and hard. Mayamaya ay kumilos na ito para kumuha ng luses. Ginaya nito ang posisyon niya. Tahimik lang nilang pinanood ang paglipad ng makukulay na apoy mula sa mga luses nila. Ilang sandali silang walang imikan hanggang sa basagin ni Khaki ang katahimikan.
“Hindi pa tapos ang surprise ko para sa `yo, Luka.”
She turned to him. “Meron pa?”
Ngumiti ito. He pointed his finger at the sky. “Smile, Luka.”
Sinundan niya ang itinuro nito. Then suddenly, the dark night became vivid with colorful fireworks!
“Khaki! Ginugulantang mo ang mga kapitbahay ko!”
Dahil sa lakas ng putok ng fireworks, kailangan nilang lakasan ang mga boses nila para magkarinigan sila.
Tumawa ito. “Nah. I got everyone’s permission! Sa katunayan nga, inaabangan ng lahat ang simpleng fireworks display na `yan na inihanda ko para sa `yo.”
Lumobo ang kanyang puso. “Khaki, why are you doing this?”
Kumunot ang noo nito. She even caught a glimpse of disappointment in his eyes. “You don’t like it?”
Mabilis siyang umiling. “Nagustuhan ko, siyempre.” Nakangiting binalingan uli niya ang fireworks. “Daniel would have loved this.”
Tumikhim ito. “Pasensiya ka na kung itatanong ko `to... Do you still love Daniel?”
Ngumiti siya. “He’ll always be in my heart.”
Bumuntong-hininga ito. “No, that’s not what I meant. Siya pa rin ba ang nagmamay-ari sa puso mo?”
Kinapa niya ang kanyang damdamin. Oo, espesyal pa rin si Daniel sa kanya dahil ito ang unang lalaking minahal niya. Alam niyang kahit ano ang mangyari, hindi ito mawawalan ng espasyo sa kanyang puso.
Pero hindi na tumitibok ang puso niya para kay Daniel katulad noon. Marahil ay nailibing na ng panahon ang pagmamahal niya para sa binata. Hindi niya matanggap noon sa sarili niya na naglaho ang pag-ibig niya para dito kaya itinali niya ang sarili niya sa pangako niya rito para makabawi.
Pero nang palayain na niya ang sarili niya sa tulong na rin ng “senyales” na hiningi niya, naging malinaw na sa kanya na wala na ang pag-ibig niya para kay Daniel, at maluwag niyang natanggap iyon.
Mapait na ngumiti siya. “Hindi na. Ang sama ko, `no? Nangako ako noon sa kanya na mamahalin ko siya habang-buhay. Pero ngayon...”
“Luka, hindi ka masama kung naglaho man ang pag-ibig na nararamdaman mo para kay Daniel noon. May karapatan kang muling magmahal.”
Napatingin siya rito. Mukhang alam na niya kung saan patungo ang usapang iyon. “Khaki...”
Nakangiting humarap ito sa kanya. “Alam mo ba kung anong pinagkaiba namin ni Jose Rizal?”
Kumunot ang noo niya. “Ano?”
“Siya, tinamaan sa likod ng baralin. Ako, tinamaan sa’yo,” nakangising wika nito. Pero hindi nawala ang sinseridad at determinasyon sa mga mata nito. “I love you, Luka.”
Napasinghap siya. Parang nakulong sila sa sarili nilang mundo. Walang makukulay at maiingay na fireworks sa kalangitan, at tila nawalan ng hangin ang paligid dahil biglang nahirapan siyang huminga. Everything around them ceased to exist, only she and Khaki existed.
“Noong una, curious lang ako sa `yo. Pero habang tumatagal, unti-unting nahulog ang loob ko sa `yo. Para na nga akong tanga dahil madalas, pilit kitang kinakausap through telepathy kapag sobrang gusto kitang makita. I couldn’t get you out of my mind. Ngayon lang nangyari sa `kin `to,” pagtatapat nito. Marahang hinawakan siya nito sa mga balikat. “Mahal kita, Luka. Mahal na mahal! Naririnig mo ba `ko?”
Tinitigan lang niya ito sa mahabang sandali. Kapagkuwan ay nagsalita siya, tila may malaking bara sa lalamunan niya. “Khaki, umuwi ka na. At kalimutan mo na rin ang pagmamahal na `yan.”
Tinangka niyang umalis na pero pinigilan siya ni Khaki sa braso. “Luka, what’s wrong? Bakit mo ba ko iniiwasan? Okay naman tayo, `di ba? May nagawa ba kong mali? Sabihin mo lang. Pangako, aayusin ko kung ano man ang nagawa o nasabi kong hindi mo nagustuhan,” pakiusap nito sa tila desperadong boses.
Umiling-iling siya. “No, Khaki. Wala ka namang nagawang masama.”
“Then, why are you avoiding me? Ni hindi mo man lang ako dinalaw sa ospital,” may bahid ng paghihinanakit sa boses nito.
Oh. So he’s mad about that. “Galit ka ba sa’kin dahil hindi kita pinuntahan sa ospital? I’m sorry about that.”
Umiling ito. His face softened. “Hindi ako galit dahil lang hindi mo ko pinuntahan. Nag-aalala lang ako dahil hindi kita ma-contact. Hindi ako napapakali kapag hindi ko alam kung anong ginagawa mo o kung nasaan ka.”
Bigla siyang napahikbi. “Stop being so nice to me, Khaki. Baka hindi ko na kayanin kapag wala ka.”
Ngumiti ito, subalit bahagyang nakakunot ang noo. “Hindi ko maintindihan. Bakit ka naman nag-aalala, eh hindi naman ako mawawala?”
Umiling siya. “Y-you almost died in that accident, Khaki. I was there when you were being brought to the emergency room. Nang makita kitang puno ng dugo, bigla kong naalala si Daniel dahil gano’n din ang nangyari sa kanya. I thought you were going to leave me, too. Natakot ako ng husto, Khaki. Ayoko nang maranasan uli `yon. Paano kung bigla mo rin akong iwan? Natatakot ako na baka ang lahat ng taong minamahal ko ay nakatakda talagang iwan ako.
Now that you made me feel how to love and be loved in return again, natatakot na kong mapag-isa uli. Kaya siguro ngayon pa lang, dapat ko nang sanayin ang sarili ko na wala ka –”
“Para hindi ka na masaktan kapag nawala ako gaya ng pagkawala ni Daniel?” galit na sansala ni Khaki sa mga sinasabi niya. “Well, that’s bullshit!”
Napapiksi siya. Ngayon lang niya ito nakitang nagalit ng gano’n.
“Iyon ba ang kinakatakot mo? Ang mamatay din ako gaya ni Daniel at iwan kita? Kalokohan ang ipangako sa’yo na hindi ako mamamatay. Pero Luka, magtiwala ka naman sa’kin! Kung kinakailangan kong kalabanin si Kamatayan araw-araw, gagawin ko makasama ka lang! Kahit anong mangyari, gagapang at gagapang ako pabalik sa’yo. Kahit ibaon pa nila ako sa lupa, babangon pa rin ako para ipagluto ka ng makakain!”
“Khaki…”
Hinawakan siya nito sa magkabilang-balikat. “`Wag kang matakot, Luka. Walang nakakaalam kung gaano katagal tayo mabubuhay. Pero isa lang ang sigurado ko: gusto kong lubusin ang araw-araw na minamahal at nakakasama ka. Hindi ba puwede na himbis na ang pagkawala ko agad ang isipin mo ay `yong ngayon na magkasama tayo muna ang pahalagahan mo? `Yon ang mahalaga, Luka. `Yon lang ang isipin mo.”
Tinitigan lang niya ito sa mahabang sandali. Kapagkuwan ay nagsalita siya sa basag na boses. “Khaki, I don’t know what to say. I’m sorry.” She walked out on him.
Again.
HINDI mapakali si Luka sa kanyang kuwarto. Ilang araw nang hindi nagpapakita o nagpaparamdam man lang si Khaki sa kanya pagkatapos nitong magtapat. She wanted to see him. Pero ano naman ang sasabihin niya rito kapag nagkita sila?
Sa ilang araw na hindi nila pagkikita, sinimulan na niya ang pag-aayos sa relasyon niya sa mga tao sa paligid niya. In fact, nag-set na siya ng thanksgiving party para sa mga empleyado niya dahil naging matagumpay ang pagre-release nila ng comics nila.
Gayunman, hindi pa rin siya lubusang masaya. May kulang. At alam niya kung sino `yon.
Mariing pumikit siya. “Khaki phone home! Khaki phone home! Come on! I want to see you!”
Mayamaya ay isang tunog ng gitara ang bumasag sa katahimikan ng gabi at sa kanyang pakikipag-“telepathy” kay Khaki.
“Luka!”
Bumilis ang tibok ng puso niya nang marinig ang malakas na boses ni Khaki. Bago pa siya makapag-isip, natagpuan na niya ang sarili niyang nakadungaw sa labas ng bintana.
Khaki, who looked dashing and handsome and sexy in the dark, looked up at her while he played the guitar!
Ngumiti ito. “Listen, Luka. I’ve found a song that perfectly explains how I feel for you.” Then, he began to play the guitar again and started singing. “It took one look and forever laid out in front of you. One smile, then I died. Only to be revived by you. There I was. Thought I had everything figured out. That goes to show there’s too much i know. `Bout the way life plays out...”
Hindi man tunog-pro, maganda sa pandinig ang boses nito. Tumatagos sa puso niya ang mensahe ng kanta dahil ramdam niya ang emosyon doon habang kinakanta nito iyon.
“I take one step away. Then I find myself coming back to you. My one and only, one and only you. Now I know. That I know not a thing at all. Except the fact that I am yours and that you are mine. If you told me that this wouldn’t be easy. And, oh. I’m not one to complain.”
Habang pinapakinggan niya ang pagkanta nito, unti-unti na ring nagiging mas malinaw sa kanya kung ano ang nararamdaman niya para dito.
She was in love with him. Pumasok ito sa buhay niya nang walang pahintulot. In the process ay minahal niya ito nang hindi niya alam kung kailan o paano nagsimula gayong isang pakialamerong kiti-kiti lang ang tingin niya rito. Basta ang alam lang niya, ibinalik nito ang kulay sa mundo niya at pinasaya siya nito nang hindi nito nalalaman.
At na-realize niya na wala siyang dapat ikatakot. Dahil sa pagmamahal at debosyong nakikita niya sa mga mata ni Khaki, napanatag siya na hindi ito mawawala sa kanya. Na hindi nitong kayanin ang lahat para makasama siya. And she should do the same.
Natauhan siya nang huminto sa pagtugtog ng gitara at pagkanta si Khaki.
“Luka, this song... this is exactly how I feel about you! No’ng unang beses pa lang tayong nagkita, naramdaman ko nang espesyal ka dahil isa kang babaeng elyen!” biro nito. “Hindi ko alam kung bakit pero hindi kita matanggal sa isip ko. Naramdaman ko na lang na kailangan kitang makita uli. Kaya nga nakipagsabwatan ako kay Tita Marga at sa mommy mo para mapalapit ako sa `yo. I swore to make you fall for me, elyen girl! Pero ang nangyari, I just found myself falling in love with you instead—hard and fast! No’ng banggitin ka pa lang ni Tita Marga sa `kin, tumanggi na `kong makipagkita sa `yo pero napilit din niya ako sa huli.
“No’ng tinanong niya `ko kung kumusta ang naging date natin, ang sabi ko, ayoko na. Pero wala ring nangyari sa pag-ayaw ko dahil kinabukasan lang, namalayan ko na ang sarili kong nasa tapat ng bahay mo.
“Sa maniwala ka man o sa hindi, ilang beses ko nang tinangkang lumayo sa `yo dahil sa ilang beses na pagtataboy mo sa akin. Pero katulad nga ng sabi sa kinanta ko, ‘I find myself coming back to you’! Again and again! At nang ngumiti ka... damn! Sumuko na ang puso ko.”
She was speechless. Masaya siyang marinig ang tunay na nararamdaman nito para sa kanya. Lalo lang niyang napatunayan na hindi siya nagkamali sa pagpili ng lalaking muling pagbubuksan ng kanyang puso. Humugot siya ng malalim na hininga para ipagtapat dito ang nararamdaman niya nang magsalita uli ito.
“I’ll give you space for now, Luka.”
Kumunot ang noo niya. “What?”
“Space. `Yong tirahan n’yo ng mga kalahi mo,” biro nito. Pinaningkitan niya ito ng mga mata. Ngingisi-ngising nag-“peace” sign lang ito. “Seriously, pansamantala muna kitang patatahimikin. Hindi muna kita guguluhin. Alam kong marami ka pang dapat gawin sa pag-aayos mo ng relasyon mo sa mga tao sa paligid mo. Bibigyan kita ng oras para mag-isip muna. At sana, maisip mo na hindi ako mawawala sa’yo. Trust me, Luka.”
Umiling siya. “Hindi mo na `ko kailangang bigyan ng time dahil may sagot na `ko—”
Tinakpan nito ang mga tainga. “I don’t want to hear your answer right now. Pag-isipan mo munang mabuti. Kaya mo `yan! Nandito lang ako. I’ll wait for you. I love you, Luka!” He blew her a kiss before running away.
Naiwan siyang napatanga na lang habang pinapanood itong tumakbo. A smile spread across her face while shaking her head gently. “Sira talaga. I was about to say ‘I love him, too.’”
But thank you, Khaki. Salamat sa pagbibigay sa `kin ng panahon para ayusin ko ang sarili ko, at ayusin ang relasyon ko sa mga tao sa paligid ko. And thank you for loving me.