LUMABAS ng bahay si Bee nang i-text siya ni Ryford na hinihintay siya nito sa labas ng bahay. Nakita niya ang binata na nakaupo sa hood ng kotse nito. Kahit gabi na, itinatago pa rin nito ang mukha nito sa hoodie nito.
Ryford smiled at her. “Hi, Bee.”
Bumuntong-hininga si Bee. Wala sana siyang balak labasin si Ryford pero ang sabi ni Jolly, kukuha lang ng atensiyon si Ryford sa mga kapitbahay nila kapag nanatili itong naghihintay sa tapat ng bahay. Baka may makakilala pa sa binata at sugurin sila ng media. Mas malaking eskandalo iyon.
“Hello,” walang ganang ganting-bati ni Bee. Sampung hakbang ang layo niya mula kay Ryford.
Naging malungkot ang ngiti ni Ryford habang nakatingin sa kanya. “Your eyes are puffy. Kanina ka pa umiiyak `no?”
Napasinghot si Bee nang maalala na pagkatapos niyang mag-walk out sa McDonough Brothers ay tatlong oras siyang nag-ii-iyak sa kuwarto niya. “Sino kayang may kasalanan?”
“I’m sorry.”
“You should be.”
Tinapik ni Ryford ang espasyo sa tabi nito. “Come here, Bee. Let’s talk. Really talk.”
Hindi pa rin gumalaw si Bee.
Eksaheradong bumuntong-hininga si Ryford. “Paano magkakaroon ng communication kung ayaw maki-cooperate ng receiver sa sender ng message?”
Napangiti si Bee. Naaalala pa pala ni Ryford ang madalas niyang sabihin dito kapag hindi nito sinasagot ang tawag niya noon. Nang ngumiti si Ryford ng totoo, nawala na ang sama ng loob niya sa binata. Umupo siya sa tabi nito.
“How long since we ever had a real talk, Bee?” puno ng pagkamangha na tanong ni Ryford.
Ngumiti ng malungkot si Bee. “The last time we had a real talk was when I graduated from college, two years ago. Tinanong mo ko kung saan magsusulat ba ko sa diyaryo, pero ang sabi ko sa’yo, hindi ko alam. Dahil nalilito pa ko no’n kung anong klaseng article ba ang gusto kong isulat. Pagkatapos, nagkataon pa na sabay ang araw ng interview ko para sa isang diyaryo, at para sa Baby Pink. Naaalala mo ba kung anong ginawa mo no’n?”
Natawa ng mahina si Ryford. “Sinundo kita. Pero ang sabi ko sa’yo, isang beses mo lang ako puwedeng gawing driver, kaya napilitan ka agad mamili kung alin sa dalawa ang pupuntahan mo. Sa nakikita ko naman, hindi mo dapat pagsisihan ang naging desisyon mo.”
Tumango si Bee. “Ang sabi mo sa’kin no’n, kahit gaano pa kababaw ang tingin ng ibang tao sa pagsusulat ko ng balita tungkol sa kung sinu-sinong celebrity, hanggat masaya ako, wala dapat akong pakialam sa sasabihin nila.” Binalingan niya si Ryford. “You used to be my moral compass, Ryford. Kaya nasasaktan ako na makitang naliligaw ang taong parating nagbibigay ng direksyon sa buhay ko. Ang mas masakit pa, wala akong nagawa para sa’yo.”
Bumuntong-hininga si Ryford, saka tumingala sa mabituing kalangitan ng gabing iyon. “Bee, when you’re in a crowd, you tend to get lost... and that what has happened to me.”
“Bakit ka naligaw, Ryford? Nasa likuran mo lang naman kami ng mga kapatid mo,” paghihinanakit ni Bee.
“I felt alone. Alam mo kung bakit? Kasi kayo may ibang buhay bukod sa Rai’s, ako wala.”
Kumunot ang noo ni Bee. “What do you mean?”
“Kapag binitawan ni Kuya Rykard ang mic, nagiging chef na siya. Kapag nasa baba ng stage si Kuya Rydell, nagiging professor na siya. You all have your own lives outside Rai’s. And that... that scares me,” halos pabulong na pagtatapat ni Ryford. “Paano kung isang araw, mabaling sa iba ang atensiyon ng fans? Paano kung sa pagtanda ng mga kapatid ko, piliin nilang i-give up ang pagtugtog at mag-focus na lang sa mga profession nila? Mabubuwag ang Rai’s, pero magpapatuloy pa rin ang buhay nila. Habang ako... mawawala ang lahat sa’kin.”
Tahimik lang na nakinig si Bee sa paglalabas ni Ryford ng hinanakit. To build a communication, the receiver must accept the message from the sender accordingly. Iyon ang paborito niyang lecture noong estudyante siya dahil applicable iyon sa tunay na buhay.
“Akala ng mga tao, ako ang pundasyon ng Rai’s,” pagpapatuloy ni Ryford sa malungkot na boses. “No’ng una siguro, oo. Pero pagkatapos ng first hit namin, hindi na naging gano’n kapatok sa mga tao ang kantang isinusulat ko. Natakot akong matapos ng gano’n kadali ang kasikatan at tagumpay ng Rai’s, kaya humingi ako ng tulong kay Radcliffe.”
“Kay Radcliffe?” gulat na tanong ni Bee.
Marahang tumango si Ryford. “Radcliffe’s major in college was Music. Noon pa man, tulad naming magkakapatid, mahilig na siya sa music At gaya ko, marunong din siyang sumulat ng kanta. Pero mas magaling siya kaysa sa’kin. At napatunayan ko `yon nang mag-hit ang mga kantang isinulat niya para sa Rai’s, na naging dahilan para kuhanin kami ng Music and Stars bilang artists nila.”
Naitakip ni Bee ang mga kamay sa bibig. “Si Radcliffe ang nagsusulat ng kanta para sa Rai’s?”
Naging mapait ang ngiti ni Ryford. “Oo. Kalahati ng kanta sa debut album ng Rai’s, si Radcliffe ang sumulat. Binabayaran siya, siyempre. Pero hinayaan niyang i-credit ko ang mga isinulat niya. Tutol ang mga kapatid ko no’ng una, pero nakiusap ako sa kanila na itago na lang ang sekreto namin ni Radcliffe. So yeah, Radcliffe is my ghost songwriter.”
Hindi makapaniwala si Bee sa mga ipinagtapat ni Ryford. Pero mas nangibabaw sa puso niya ang umusbong na matinding paghanga para kay Radcliffe. Bukod sa talento nito, mas nagustuhan niya ang ginawa nitong pagsasakripisyo para kay Ryford.
“Bago ako nalulong sa drugs, dumaan ako sa depression. Naisip ko kasi na parang hindi na ko kailangan ng Rai’s, lalo’t si Radcliffe na ang gumagawa ng pinakamalaking role sa isang banda – ang paggawa ng kanta na magugustuhan ng mga tao. Do’n ko naisip na puwedeng mawala ang Rai’s sa’kin, at hindi gaya ng mga kapatid ko, wala akong fallback. Mawawala ang lahat sa’kin. Natakot ako, naduwag. That’s why I ran away...”
“Sa pamamagitan ng pagda-drugs?” malungkot na tanong ni Bee.
Tumango si Ryford. “That’s the easiest escape I found, Bee.”
Hinawakan ni Bee ang kamay ni Ryford, naawa siya sa kaibigan niya dahil sa lungkot at takot na nahimigan niya sa boses nito. “I was right. Na-the-threaten ka kay Radcliffe.”
Muli, tumango si Ryford. “Hindi ko inakala na sa pag-alis ko, si Radcliffe ang ipapalit nila Kuya sa’kin. Parang nabuhay ang kinakatakutan – na maaagaw niya ang lahat sa’kin. Dahil siya naman talaga ang mas magaling sa’min. That was when I realized that I was so stupid for running away. Takot na takot akong mawala ang Rai’s sa’kin, pero ako mismo ang sumira sa sarili ko. I got angry at myself, that’s why I hid from everyone.”
“Nakatulong ba ang paglayo mo?”
“Siguro,” halos pabulong na sagot ni Ryford. Pinatong nito ang kamay nito sa kamay niya na nakahawak na sa isa pa nitong kamay. “Dahil naisip kong tama ka. Na wala akong dapat sisihin sa pagbagsak ko kundi ang sarili ko lang. Nabigla lang ako nang makita ko sina kuya dahil hindi ko pa nahanda ang sarili ko sa paghaharap naming tatlo.”
Nakonsensiya naman si Bee. “I’m sorry kung pinangunahan kita.”
Umiling si Ryford. “Tama lang `yong ginawa mo, Bee. Dine-delay ko kasi parati ang pagharap sa mga kapatid ko. Pero dahil sa ginawa mo kanina, nakapag-usap-usap na kami.”
“Nagkaayos na ba kayong magkakapatid?”
Umaliwalas ang mukha ni Ryford sa pagngiti nito. “Oo. Bati-bati na kami.”
Nakahinga siya ng maluwag. “Mabuti naman kung gano’n.”
“Thank you,” sinserong sabi ni Ryford. “Dahil sa mga sinabi mo, natauhan ako. Hindi na ko tatakbo. Poprotektahan ko ang pangarap ko. I will work harder. I don’t want to be another dreamless soul on earth.”
Ngumiti si Bee. “Finally, nagkaroon din ako ng silbi sa idol ko.”
Nalukot ang mukha ni Ryford, halatang hindi nagustuhan ang sinabi niya. “We’re friends, so don’t talk like that. Naging selfish lang ako masyado at puro mga issue ko lang ang pinagtuunan ko ng pansin kaya napabayaan ko ang pagkakaibigan natin. But I truly care for you. Ikaw lang ang nag-iisang babae na nagpahalaga sa’kin na hindi hinihintay na i-flirt ko siya. You’re honest and genuine. You’re a gem, Bee.”
Natawa ng mahina si Bee, binabalot ng mainit na bagay ang kanyang puso. “Stop it, Ryford. Nagkaka-fats na `yong puso ko.”
Ryford squeezed her hand. “No, really. Parati mong sinasabi na ako ang nagbibigay ng direksyon sa buhay mo noon. But I think it’s the other way around. Kung wala ka sa tabi ko noon, baka sinukuan ko rin agad ang pagtugtog at pagkanta. Habang nag-iisip ako nitong nakalipas na mga araw, na-realize ko na pinakamasaya pala ako noong nasa high school pa lang tayo. Noong ikaw pa lang ang audience ko. Because I can see you everyday and I can talk to you anytime I want. You were always there to listen.”
“It sounds like a confession, Ryford,” nahihiyang sabi ni Bee.
Ngumiti si Ryford. “I... I’ve always liked you, Bee. Pero parati mong sinasabi na fan kita, at ako ang idol mo na para bang pinagbabawalan mo kong lumagpas sa linya ng pagkakaibigan natin. The funny thing is, even if I was the “idol” between us, it was always me who has been reaching out to you.”
Nakaramdam ng munting saya si Bee sa ipinagtapat ni Ryford, pero alam niyang hanggang do’n na lang `yon. “I’ve liked you, too, Ryford. Akala ko no’ng una, natakot lang akong mapalapit sa’yo dahil kapag nakilala na natin ang isa’t isa, baka magkaayawan lang tayo at masayang ang pagkakaibigan natin. But now, I know the real reason why even though we both liked each other, none of us made a move.”
Dumaan ang pagkaaliw sa mga mata ni Ryford. “And that is?”
“Dahil pareho nating nakitang walang patutunguhan ang nararamdaman natin para sa isa’t isa,” natatawang sagot ni Bee.
Nahawa yata si Ryford sa kanya dahil natawa na rin ito. Nawala na ang mabigat na tensiyon na nasa hangin kanina. “I have to agree with that.” Kinurot ng binata ang kanyang pisngi. “You will always be my best friend, Bee.”
Lumuwang ang pagkakangiti ni Bee. “You will always be my ultimate idol, Ryford.” Akmang kokontra si Ryford kaya inunahan na niya ito. “I know, we’re friends. Pero ang pagiging fan mo ang paraan ko ng pagiging kaibigan sa’yo.”
Bumuntong-hininga si Ryford, pero ngumiti uli ito. “This is only my observation but... is Radcliffe in love with you?”
Nag-init ang mga pisngi ni Bee. “B-bakit mo naman nasabi `yan?”
Natawa si Ryford. “Ah, so he really is.” Inakbayan siya nito. “So, my dearest friend, ikuwento mo naman sa’kin ang love story niyo ng pinsan ko.”
Napangiti si Bee. And under the starry evening sky, she carefully poured her heart into telling Ryford the story of Radcliffe and her.
NAPAKURAP-kurap si Bee habang pinapanood si Puma na kagat-kagatin ang daliri habang tila malalim ang iniisip.
May ideya na siya kung bakit nagkakagano’n si Puma. Pupunta kasi ngayon sa opisina ng Baby Pink ang Rai’s at ang Barbie Dolls para magpa-interview kay Puma para sa gagawing collaboration ng dalawang grupo.
Kung pupunta ro’n ang Rai’s, ibig sabihin makikita ni Puma si Rykard.
“Puma, nag-alala ka ba dahil magkikita kayo ni Rykard?” deretsang tanong ni Bee kay Puma.
Napasinghap si Puma, at mabilis na namula ang mga pisngi. “Gano’n ba ko kahalata?”
Ngumiti si Bee. “Hindi mo na kailangang maglagay ng blush on.”
Nakagat ni Puma ang ibabang labi, pagkatapos ay lumapit sa kanya at bumulong. “Bee, this is awkward but, uh, may something ba sina Rykard at `yong friend mong si Jolly?”
Ngumiti si Bee. “Pasensiya ka na, Puma. Hindi na kasi ako updated sa love life ng kaibigan ko.” Tinapik niya sa balikat si Puma. “Pero neutral ako. Pareho ko kayong friend ni Jolly, kaya ichi-cheer din kita. Go, girl! Ipaglaban mo si Rykard!”
Iniwan ni Bee si Puma na pulang-pula ang mukha.
Bee has been too caught up with her own misery that she almost got outdated with Jolly’s juicy love life. Ginalang ni Jolly ang kagustuhan niyang mapag-isa at manahimik sa sarili niyang mundo sa lumipas na mga araw. Pero sapat na ang panahong nilaan niya para magluksa. Ngayong nagagawa na uli niyang ngumiti, babawi siya sa mga kaibigan niya.
Iyon ang iniisip ni Bee habang nagkakape sa gilid ng vending machine nang may maramdaman siyang presensiya ng ibang tao. Ang nakakamangha, hindi na siya nagulat nang makita si Radcliffe na ilang hakbang lang ang layo sa kanya. Pero natural lang na naroon ang paglundag ng kanyang puso, at ang kapayapaan na bumalot sa sistema niya dahil sa binata. He was so close, yet he looked so far away, so she kept her distance.
“Hi,” pormal na bati ni Radcliffe sa kanya. Seryoso ang mukha nito, pero wala na ang galit at hinanakit sa mga mata.
“Hello,” kaswal na ganting-bati naman ni Bee. Pasimple siyang sumandal sa railing ng hagdan sa likuran niya para hindi bumigay ang mga tuhod niya. Just being under Radcliffe’s scrutinizing stare melted her knees into jelly. “Napaaga yata ang Rai’s.”
Tumango lang si Radcliffe. “You lost weight.”
Nagkibit-balikat si Bee. “Busy sa work.”
Pumagitna ang katahimikan.
Nanatili lang nakatitig si Radcliffe kay Bee at habang ginagawa iyon ng binata, unti-unting nagkaroon ng emosyon sa mga mata nito. There was longing, love and warmth in them. Sigurado naman si Bee na gano’n din siya habang nakatingin kay Radcliffe.
Napahikbi si Bee. Hindi na niya napigilan ang emosyong bumuhos sa dibdib niya. Miss na miss na niya si Radcliffe pero hindi niya ito magawang yakapin, halikan o malapitan man lang. At kasalanan niya ang lahat ng iyon.
Nanlabo ang mga mata ni Bee dahil sa mga luha, kaya hindi na niya napansin nang lapitan siya ni Radcliffe, kuhanin mula sa kanya ang Styrofoam cup at ihagis iyon sa basurahan. Ang alam lang niya, nakakulong na siya sa mainit at mahigpit na yakap nito habang nakasubsob siya sa dibdib nito, umiiyak at sinisinghot ang paborito niyang pabango nito.
“Bakit ka umiiyak?” malumanay na tanong ni Radcliffe.
“Miss na miss na kasi kita,” humikhikbing sagot ni Bee, pagkatapos ay tumingala siya kay Radcliffe. “I’m sorry, Radcliffe. Hindi ko naman gustong magsinungaling sa’yo ng gabing `yon, pero nangako kasi ako kay Ryford na wala akong pagsasabihan na nagpakita siya sa’kin. Pinuntahan ko lang naman siya bilang kaibigan. Natakot kasi ako na kapag tinaboy ko siya, baka lalo siyang magtago sa inyo. Saka sinabi ba ni Barbie na naghahalikan kami ni Rydell nang makita niya kami?”
Tumango lang si Radcliffe.
Sunod-sunod na umiling si Bee. “Hindi totoo `yon. Well, hinalikan ako ni Ryford sa noo, sa pisngi saka sa sentido kasi pinapatahan niya ko, pero hindi nagdikit ang lips namin. Nakatalikod si Ryford mula kay Barbie kaya paano naman niya makikita kung nag-kiss nga kami?”
“Really?” parang bata na paniniguro ni Radcliffe.
Mabilis na tumango si Bee. “Promise!”
Bumuntong-hininga si Radcliffe, saka masuyong pinunasan ang mga luha niya gamit ang daliri nito. “Don’t lie to me again, Bee.”
“P-pinapatawad mo na ba ko?”
“Yes, and I’m sorry, too,” he said, pressing his mouth against her forehead. “I wasn’t mad at you. I was just jealous... and insecure. Alam ko naman kasi na gusto mo si Ryford, at kung gaano ka kagalit sa’kin no’ng unang beses tayong nagkita. Kaya madali akong naniwala kay Barbie nang ipakita niya sa’kin ang blog mo kung saan ang sasakit ng mga post mo tungkol sa’kin.”
“I’m sorry! Ang kitid-kitid ko that time!”
“Shh. Patapusin mo ko,” saway ni Radcliffe sa kanya. “I was hurt, dahil naramdaman ko `yong galit mo sa’kin dahil sa blog na `yon. At nang sabihin ni Barbie na kaya ka lang siguro pumayag makipag-date sa’kin ay dahil gusto mong malaman mula sa’kin kung ano ang nangyari kay Ryford, naniwala ako. Because I thought, if you hated me that much, how come you agreed to go out with me without a hidden motive? Nasaktan ako, kaya natiis kita ng matagal. I’m sorry, baby.”
Tumango-tango si Bee. “Naiintindihan kita, Radcliffe. Nagsinungaling naman kasi talaga ako sa’yo. Pero ang mahalaga, hindi ka na galit sa’kin.”
“I can’t last long without you, Bee,” pabuntong-hininga na sabi ni Radcliffe. “Kaya nga kahit alam kong puwede akong masaktan sa paglapit kong `to sa’yo, sumugal pa rin ako. I missed you so much.”
Humigpit ang pagkakayakap ni Bee kay Radcliffe. “Don’t go far away from me again.”
“I won’t,” he promised, his lips pressed against hers.
NAKAIPIT ang cell phone ni Bee sa pagitan ng leeg at balikat niya habang pinapaliguan ng ketchup ang fries niya na kinalat niya sa ibabaw ng mga tissue. “Huh? Tuloy ang collaboration ng Rai’s at Barbie Dolls pero hindi na magkakaroon ng duet sina Radcliffe at Barbie? Bakit daw?” tanong niya kay Puma.
“Well, ayon kay Radcliffe, hindi naman talaga siya pumayag sa gusto ni Barbie. Nagmaldita lang siguro ang batang `yon kaya ipinagkalat na magduduet sila ni Radcliffe.”
Napangiti si Bee. “Talaga?”
“Oo. Saka sabi pa ni Radcliffe, para sa isang babae lang ang kantang My Own Cover Girl niya. Parang kilala ko kung sino ang girl na tinutukoy niya,” nanunuksong sabi ni Puma.
Kinilig si Bee pero ikinubli niya iyon sa pagtawa. “You sound happy, Puma. May nangyari bang maganda?”
“Hmm... yeah. I asked Rykard out on a date,” tila nahihiyang sabi ni Puma.
Nakagat ni Bee ang ibabang labi. Paano na si Jolly pag nagkataon? Mukhang hindi niya pala kayang maging neutral. Mas matimbang pa rin ang best friend niya! “P-pumayag ba si Rykard?”
May sinabi si Puma pero nawala na rito ang atensiyon niya nang may lalaking naka-bull cap at naka-shades ang umupo sa tapat niya. Sabay silang napangiti ni Radcliffe. Mabilis na nagpaalam siya kay Puma.
“O, bakit nandito ka? Akala ko ba, may press conference ang Rai’s at Barbie Dolls ngayong araw?” nagtatakang tanong ni Bee.
“Hmm... hindi natuloy. May nangyari kasi bago pa man din magsimula ang press con,” malungkot na sagot ni Radcliffe.
Kumunot ang noo ni Bee. “Bakit? Ano’ng nangyari?”
“Dinala ni Barbie si Ryford sa press con. Pagkatapos nagalit si Rydell. Ayun, nagtalo `yong tatlo,” naiiling na kuwento ni Radcliffe. “Gusto ni Ryford na humarap sa press para ipagtapat ang totoong dahilan kung bakit siya nawala nitong nakalipas na anim na buwan.”
Bumuntong-hininga si Bee. Hindi niya inasahang gagawin `yon ni Radcliffe. “But that was brave of him.”
Tumango si Radcliffe, nakangiti na. “Mukhang handa na siyang bumalik sa dating Ryford na kilala natin. Pero gaya ng sinabi niya, kailangan muna niyang humingi ng tawad sa mga taong nasaktan at nadismaya niya, lalo na ang mga fans niya.”
“Dapat hindi ka umalis sa tabi nila.”
Nakangiting umiling si Radcliffe. “Nah, moment iyon ng McDonough Brothers. Mas kailangan sila ni Ryford. But they know I will always support them.”
Tumango-tango si Bee. “All’s well that ends well.”
“True,” sang-ayon ni Radcliffe. “Hey, baby. Sabado ngayon, ha. Shouldn’t we be comparing notes by now?”
Napasinghap si Bee. “Pero naiwan ko ang notes ko.”
“Let’s do it in words,” nakangiting suhesiyon ni Radcliffe, saka itinaas sa ulo ang shades kaya nakita niya ang pagkislap ng mga mata nito. Tumikhim ito bago nagsalita. “First observation: your favorite friend is Jolly.”
Natawa si Bee ng mahina. “Paano mo naman nasabi `yan?”
“Mas kampi ka kasi sa kanya kaysa kay Puma. Because, second observation, you enjoy creating chances for Jolly and Rykard to be together.”
Nag-init ang mga pisngi ni Bee. “A-alam mo ang ginagawa kong pagma-matchmake kina Jolly at Rykard?”
“Yes,” natatawang sagot ni Radcliffe. “Third observation: you suck at pairing up people. Lalo mong pinaglalayo sina Jolly at Rykard, `tapos napapalapit naman si Rykard kay Puma dahil pa rin sa’yo.”
Umungol si Bee. “Huwag mo ngang ipaalala ang mga kapalpakan ko.” Itinaas niya ang isang daliri sa harap ni Radcliffe saka siya lumabi. “First observation: you’re brutally honest. Kapag may mali ako, o may nagawang hindi mo nagustuhan, hindi mo man lang sinu-sugar coat ang sermon mo sa’kin.”
“Mas gusto mo bang utuin at kunsintihin kita kahit alam kong mali na ang ginagawa mo?” nakangiti pero seryosong tanong ni Radcliffe.
Umiling si Bee. “I love your honesty.” Ngumiti lang si Radcliffe. Itinaas niya ang dalawang dalari. “Second observation: you still want to be with me even if I messed up big time.”
Lumuwang ang pagkakangiti ni Radcliffe. “I do.”
Ginawang tatlo ni Bee ang nakataas na daliri. Sa totoo lang, kinakabahan siya sa susunod niyang sasabihin pero tinatagan niya ang loob niya. “Third observation: you still love me even after our bad fight.”
Radcliffe chuckled, and his eyes showed her all the love he had for her. “Bull’s eye, baby. Pero hindi ka pa panalo.” Iitinaas nito ang apat na daliri. “My fourth and last observation: you’re finally in love with me, Baby Bee.”
Nag-init agad ang mga pisngi ni Bee, pero hindi na niya sinubukang itanggi ang sinabi ni Radcliffe. Sa huli ay napangiti na lang siya at itinaas ang mga kamay bilang tanda ng pagsuko. Nakakatuwang isipin na naroon sila sa Jollibee ngayong inamin na niya ang damdamin niya para sa binata, dahil iyon ang nakatulong sa kanya para malaman kung sino ang soulmate niya. “Fine, suko na ko. Ikaw uli ang panalo ngayon. Ano’ng wish mo?”
Ipinatong ni Radcliffe ang mga braso sa mesa, saka nakangiting dumukwang sa kanya. Halos pabulong lang nitong sinabi ang wish nito. “I want us to be exclusive, Bee.”
Sumeryoso si Bee. Lumingon siya sa paligid. Halos lahat ng customer do’n, nakatutok ang mga camera kay Radcliffe. Nakilala marahil ng mga tao ang binata nang tanggalin nito ang shades nito. Hindi lang siguro nila namalayan dahil engrossed sila sa laro nila.
Kaya ba ni Bee magkaroon ng boyfriend na front man ng sikat na banda at hinahabol pa ng mga babae?
Kayang-kaya. Napangiti si Bee. “Okay.”
Ngumisi si Radcliffe na para bang pinipigilan na lang nitong sumigaw. Lumingon muna ito sa paligid. No’n lang din siguro nito napansin na humahakot na sila ng atensiyon. Pero mas lalo lang lumuwang ang ngiti nito nang balingan siya. “Selfie tayo, para sa fans.”
Natawa si Bee. Her boyfriend pulled her closer for a selfie, and she burst out laughing when almost everyone in that fast food chain became photobombers.
“Selfie with my girlfriend,” was Radcliffe’s caption when he tweeted the photo.
-WAKAS-