Nagngitngit ang dalaga. Di niya alam kung ano ang trip ni Jameson pero di siya papayag na magpakasira ito. Guwapo naman ito. Makukuha nito ang sinumang babaeng gusto. Bakit kailangan sa mga babaeng nagbebenta pa ng aliw at mga menor de edad pa?
Paano na ang babaeng mahal nito? Nagbago na ba ito ng isip?
“Manong, pakihintay po ako. May susunduin lang ako.”
Dahil nakatigil naman ang sasakyan dahil sa traffic, binuksan ni Nadia ang pinto at bumaba. Malalaki ang hakbang niya,, parang susugod sa giyera. Nakatuon lang ang atensiyon niya kay Jameson. Sa kabila ng ugong ng sasakyan ay dinig niya ang masayang tawa nito.
“Ako ang bahala sa inyo,” nagmamalaking sabi ni Jameson sa mga babae.
“Mas maganda yata kung kami ang bahala sa pagpapaligaya sa iyo,” nang-aakit na sabi ng babaeng nakahawak sa balikat nito.
“Mas madali iyon kaysa sa gusto mo,” sabi ng babaeng nakapamaywang sa bandang kaliwa ni Jameson.
Hindi niya pwedeng hayaan si Jameson. Naghahanap lang marahil ito ng aliw. Ilang buwan na ba itong walang sex life? Mas madali nga naman sa bayarang babae ito kumuha ng aliw kaysa sa ibang babae na gaya ni Blondita. Mas komplikado dahil may expectations.
Mali pa rin. Kailangan niya itong ilayo sa tukso.
“Jameson!” tawag ni Nadia dito. Subalit patuloy pa rin ito sa pakikipagtawanan. Parang hindi narinig ang tawag niya. Kinuyom niya ang palad. “Jameson Deogracias!”
“Huh!” Napapitlag ito at lumingon. Nanlaki ang mata nito nang makita siya. “Nadia! What are you doing here?”
Tumaas ang kilay niya at iniikot ang tingin sa mga babae. “So ito pala ang sinasabi mong lakad. Boys night out pala.”
Alanganin itong ngumiti, tipikal na reaksyon ng isang taong nabuko sa ginagawang kalokohan. “Well...”
It was her fault. Kahit ang pakikipag-date at sex life nito ay dapat naka-report sa kanya. Gusto siguro nitong makalaya sa kanya pero di sa ganitong paraan! At lalong hindi sa mga batang menor de edad pa lang ay nagbebenta na ng laman.
Hinatak niya ang manggas ng polo ni Jameson at saka matiim na tiningnan ang mga babae. “I am sorry, young ladies. Kailangan na niyang magpaalam sa inyo.” Saka niya hinatak si Jameson palayo.
“Nadia, sandali lang. Di pa kami tapos mag-usap,” apela ni Jameson.
“Tapos na!” matigas niyang sabi. Ang gusto na lang niya ay mailayo ito sa lugar na iyon, malayo sa mga babae na gusto nitong makasama sa gabing iyon. Hindi na ito basta-basta makakalapit sa mga babae kahit kailan.
Nilingon nito ang mga babae na nakasimangot. Nawalan nga naman ang mga ito ng guwapo at mayamang kliyente. “Hindi pa ako pwedeng umalis.”
Uminit ang ulo ni Nadia. “Anong di ka pa pwedeng umalis? Gusto mong masira ang image mo dahil nagso-solicit ka ng aliw sa mga batang iyon? Paano kung may makakuha ng picture at video mo habang nandito ka? Bata, Jameson! Bata pa sila.”
“Mali ka ng hinala.”
“Anong mali ako ng hinala?” Binuksan ni Nadia ang pinto ng kotse at hinila ang lalaki. “Pasok! Kung hindi ka papasok, sasama ako sa mga babaeng iyan. Paparada din ako sa kalye.” Ganoong mga babae naman pala ang trip nitong patulan. Tingnan lang niya.
Napanganga si Jameson. “No! You can’t be serious!”
Pinatiim niya ang anyo. “I am dead serious!”
Tinitigan siya ng binata. Tinitingnan kung sinsero siya sa banta. Taas-noo niyang sinalubong ang tingin nito. Akala yata nito ay nagloloko siya. Patigasan silang dalawa ngayon.
Pumasok si Jameson sa kotse at siya naman ang hinila nito. “Pasok! Dito tayo mag-usap. Baka mamaya biglang may dumampot sa iyo. You are not supposed to be here.”
Matigas na rin ang salita nito. “Ikaw din naman. You are not supposed to be here. Jameson Deogracias, heir to Deogracias Furniture. And here you are, picking up some measly teenager just to have a warm body on your bed tonight. I know you better than that. Ang daming babae na naghahabol sa iyo!”
“That is not the point.” Itinaas nito ang isang kamay. “Look! I can explain everything!”
Matalim niya itong nilingon. “Wala kang sasabihin dito! Sa hotel na tayo mag-usap nang masinsinan.”
Nakakahiya dahil naiintriga silang tiningnan ng driver. Tiyak na narinig nito ang usapan nila ng lalaki. Bibigyan na lang niya ito ng malaking tip para tumahimik ito. Hindi pwedeng kumalat ang pangyayaring ito. Makakasama iyon sa reputasyon ni Jameson at ng Deogracias Furniture. Ganoon ba talaga ang mga lalaki kapag
Damang-dama ang tensiyon sa pagitan nila. Mula sa sasakyan hanggang makasakay sila sa elevator ng hotel at naglalakad sa hallway papunta sa suite ay dinig na dinig ang malalalim nilang paghinga. Marami silang gustong sabihin sa isa’t isa at kailangan lang nilang magkaroon ng privacy. Pero dama ni Nadia na malapit na siyang sumabog.
Pagtapat sa kuwarto nito ay Jameson ay ini-insert na nito ang keycard. “Dito na tayo mag-usap para magkalinawan na tayo.”
Ipinagbukas siya nito ng pinto. Ni di niya ito sinulyapan nang pumasok siya. “You must be pretty annoyed that I am interfering with your personal affairs.”
“Yes, this is one of those times. Lalo na’t di mo naman ako hinahayaan na magpaliwanag.” At isang mahinang click ang narinig. He locked the door.
“This is one of those times that I must interfere. I know that you have manly urges, Jameson. Pero dapat ba na mga bata ang pag-initan mo? Ilang taon lang sila? Fifteen? Sixteen?” Hinarap niya ito. “At dapat ba sa mga batang tulad nila? You know that it is a crime!”
Itinaas nito ang kamay. “Pwede ba akong magpaliwanag? Bigyan mo ako ng chance at makinig ka sa akin.”
Inilapag niya ang bag at tinanggal ang coat niya. “You don’t have to. I got the whole picture. Naiintindihan kita.”
“Wala ka namang maiintindihan dahil wala pa akong ipinapaliwanag!”
Namaywang si Nadia at tinitigan ito. “Believe me. Naiintindihan kita. Pwede pa nga kitang tulungan kung gusto mo.”
“Tutulungan mo ako?”
Tumango siya. “Oo. Malayo na ang narating mo mula nang una kang dumating. Maganda ang development ng training mo bilang tagapagmana ng Deogracias Furniture. You even told me that you are falling for someone. Everything is falling into place. At ayokong basta mo na lang sirain ang sarili mo nang wala akong ginagawa. Ayokong makita kang nakakulong at sira ang lahat ng pangarap mo.”
Humalukipkip ito at pinagmasdan siya sa malamig na mga mata. “Ah! You want to be my savior of sort. So what can you do for me?”
“If you want a woman then you can have me.”