Chapter NPC 32

BUMAGSAK ang panga ni Jameson sa pasabog na deklarasyon ni Nadia. “What? You! You mean…” At tiningnan siya ng binata mula ulo hanggang paa.

Naestatwa ang dalaga sa kinatatayuan. Me and my big mouth. Bakit ko ba inalok ang sarili ko? Anong iniisip ni Jameson sa akin ngayon? He must think I am desperate.

Desperada naman talaga siya. Ito lang ang paraan na naiisip niya para mailayo ito sa tukso at panatilihin ang reputasyon nito. Ito rin ang paraan ko para maipakita ko na importante siya sa akin.

Taas-noo niya itong tiningnan. “Okay lang naman sa iyo ang kahit sinong babae, hindi ba? Hindi ko maaatim na pati mga bata gamitin mo. So I am volunteering my self. Use me.”

He held her chin. “How noble of you. Isasakripisyo mo ang sarili mo para lang sa kanila. That’s so original.”

“At bakit naman hindi? May future pa sila. Kung kukunin mo ang serbisyo nila, lalo mo lang silang ilulublob sa putikan.”

Hinaplos nito ang pisngi niya. “Ibig sabihin dahil sa concern mo sa kanila io-offer mo ang katawan mo sa lahat ng lalaking gustong maging customer nila?”

Nahindik siya. Hindi niya naisip iyon. “Siyempre di ko gagawin iyon. Baliw ba ako?”

Di na niya naalisa ang lahat ng sinabi niya kanina. Kusa na lang kasing lumabas sa bibig niya ang lahat ng iyon. Basta na lang namanhid ang utak niya matapos niyang makita na kumukuha ng babae si Jameson para sa lang sa panandaliang aliw. Her better judgment was suddenly clouded.

Umangat ang gilid ng labi nito. “So it is just me? Mapili ka rin pala ng customer, Miss.”

“Bakit? Gusto mo ba na ibandera ko ang katawan ko sa lahat ng lalaki para lang ipakita ko ang concern ko sa kanila?” pagalit niyang tanong.

“Ipagpalagay na natin na customer nga nila ako. You took me away. I would take up your offer. I satisfied my urges. Nasa kalsada pa rin sila at may mga lalaki pa rin na pi-pick up sa kanila.”

Kumurap si Nadia. “You have a point.”

Gumuhit ang ngiti sa labi nito. “Ibig sabihin mas concern ka sa akin dahil ako lang naman ang kaya mong sagipin sa mga oras na ito.”

Nakagat niya ang labi. “Oo nga. Concern nga ako sa iyo.”

“And I am so touched. You will sacrifice your body for me.’

“Oo. Concern ako. Sa dami ng STD na pwede mong mapulot ngayon, hahayaan ba kitang mahawa? Saka…” Saka nawawala na siya sa focus. Kapag nagpatuloy pa siya sa pagsasalita at pakikipagtalo dito, baka matakasan pa siya nito at bumalik sa mga lalaking iyon. Sa mga lalaki, di na nag-iisip pa kapag libido ang umatake. Kailangang maunahan niya. “Just shut up and let’s just do it. No strings attached. You can always go back to your brunette after this. I am safe, I am clean, I am a virgin. I lack the experience pero...”

Kumapit siya sa leeg nito at idinikit ang labi niya dito. She was willing to insist. Di siya papayag na magdalawang-isip pa ito o takasan siya. Gagawin niya ito bago pa siya mawalan ng lakas ng loob. Kung may babae itong makakasama sa gabing iyon, dapat ay siya iyon.

She was expecting that he would push her away. But instead he kissed her with so much ardor, she was not prepared for it. Biglang bumaligtad ang sitwasyon. Akala niya kanina ay siya ang kumokontrol sa sitwasyon.

But it was not simple. Ito ang mahirap sa di nag-iisip. Isang eksperto si Jameson. Alam nito kung paano kokontrolin pati ang katawan niya sa pamamagitan ng isang simpleng halik. Eksperto ring naglakbay ang kamay nito sa katawan niya. That simple magic made her body reach fever pitch.

Lahat ng nararanasan niya ngayon ay bago sa kanya. Ito lang din ang unang pagkakataon na di siya nag-iisip. She should be glad. Ito ang gusto niya. Gusto niyang makalimutan ni Jameson ang lahat ng babaeng nakapaligid dito kanina. Di naman niya hinihiling na kalimutan nito ang babaeng gusto nito. But she wanted Gusto niya na siya lang ang nag-iisang babae sa tabi nito.

She wanted him. Sisirain niya ang lahat ng patakaran na ipinataw niya sa sarili para dito. All she cared about was Jameson. His touch. His kisses. Kung saan man mauuwi ang lahat ay di siya makaramdam ng katiting na takot o pag-aalangan. There was no turning back.

She cared for him. She wanted to protect him. Iyon ang alam nito. That hot kiss could blow her brains out. At nang mga oras na iyon, ito lang ang laman ng isip niya. Isusuko niya ang lahat para lang matiyak na siya lang ang babaeng mananatili sa tabi nito. Wala nang iba.

She clumsily unbuttoned her blouse. Good thing she loved beautiful lingerie. Confident siya sa lacy bra niya. Then she unbuttoned his shirt. She wanted to feel his skin against hers. Parang natutupok siya nang magdikit ang mga balat nila. Her reasoning flew out of the window. Wala nang ibang tama sa kanya kundi ang angkinin ng lalaki.

Hinawakan ni Jameson ang pisngi niya at naghiwalay ang labi nila. “Nadia, we should stop. This is not right.”

Habol ng dalaga ang hininga habang maang na nakatingin dito. Pakiramdam niya ay lumulutang pa rin siya habang inaanalisa ang sinabi nito. “Not right?”

“You are a woman with so much dignity. Alam mo ba ang ginagawa mo? Ni hindi ka nga marunong humalik. Then you are doing this? Magsasanto ka ba? This is crazy!”

How dare him! Kailangan talagang ipamukha nito sa kanya na di siya marunong humalik? “Anong gusto mo? Iyong mga babaeng kasama mo kanina? Sa tanda ko nang ito, sa palagay mo ba hindi ako matututo?” I can do this!

Hindi ba nito napansin ang improvement niya kaninang una siya nitong hinalikan? Hindi na siya ganoon kainosente. Natuto na siya. And she was a fast learner. Marami pa siyang handang matutunan mula dito. She would willingly satisfy him.

Ihinilamos nito ang mukha sa palad. “Nadia, you are a virgin!”

“So? Ibig sabihin mo kailangan mag-alala kung may makukuha kang sakit sa akin. At hindi iyon dahilan para sila pa rin ang pilin mo.”

Hinawakan nito ang balikat niya. “Nadia, hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa iyo. I know you better than this. Kahit saang anggulo tingnan, mali ito. And you are surrendering yourself to me so that I won’t buy a woman? That is bullshit.”

“Yes. Pero gagawin ko pa rin para sa iyo.”

Hinaplos nito ang leeg niya at isinubsob ang mukha sa buhok niya. “At kung mangyayari iyon, sa palagay mo ba titigil lang ako ng isang beses. I will make love with you again and again. I am an insatiable lover.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.