“ARE you ready for our next meeting?” tanong ni Jameson nang matapos ang meeting nila sa Davao City.
Tiningnan ni Nadia ang relo. “Anong meeting? Alas singko na ng hapon. Wala naman dapat tayong meeting ngayon.”
“We should be at Samal Island. Dadalawin natin ang resort doon. They request our presence as guests. Hindi mo ba nabasa ang bagong memo?”
“Anong memo?” tanong ng dalaga.
Inilabas nito ang smartphone at ipinakita sa kanya ang email ni Don Felipe. “We must travel once a month to learn more about different places. Pag-aaralan natin ang mga interior ng iba’t ibang resort at establishment. And we also have invitations to feature the resorts na client ng Deogracias Furniture. Dapat daw i-feature ko sa blog ko. Magandang exposure daw ang ginawa natin sa Isabela considering na tour lang sa pabrika halos ang ginawa natin pati ang opening ng heritage resort sa Pangasinan. We are starting to gain more clients from abroad because of him."
Kinintalan ni Nadia ng halik ang baba ni Jameson. “You get the best of both worlds.”
“The best thing is I get to spend more time with you.”
“Anong adventure sports ang pwede doon? Caving?”
“I hate bats.”
“Killjoy,” sabi niya sa binata. “Maganda rin ang scuba diving.”
Hindi inaasahan ni Nadia na mae-enjoy niyang mag-adventure sports. Ayaw nga siyang payagan ni Jameson. Pinasubok lang siya minsan pero hinahanap na niya ang adrenaline rush. Mukhang marami silang similarity kaysa sa inaasahan niya.
“Or we can just laze on the beach and sleep?” suhestiyon nito.
“Tumatanda ka na yata.”
“Siyempre. Mahirap nang padalos-dalos ngayon. Nagre-request na si Papa at si Nanay Linda ng apo. Baka madali si Junjun,” sabi nito at hinawakan ang princess cut diamond ring sa daliri niya. Dalawang buwan na silang engaged at sa isang taon naka-set ang kasal nila. Mas excited pa ang mga tao sa paligid para sa kasal nila.
Humagikgik si Nadia. “Lazing on the beach is just fine.”
Kahit saan magiging masaya siya basta kasama niya si Jameson. He was not her Prince Charming. She didn't need one. He was her love, her partner, the other half of her heart. And wherever they go, she would always be at home.