Chapter NPC 38

"This is ridiculous,” bulalas ni Don Felipe. “Ten percent of the company?”

"In return, you will be introduced to Hollywood. What's a little sacrifice anyway? Everybody wins,” sabi ni Pocholo at inilahad ang kamay. “To sweeten the deal, I will even give one million to Miss Realondo if she will retract her claim.”

Matalim niyang tiningnan ang ama. “Sa iyo na ang pera mo.”

“Be smart, my dear. I will give you an hour to discuss it."

No. Si Pocholo San Agustin lang ang nanalo. At si Nadia ang talo sa lahat. Hindi na siya makakalakad nang may dignidad oras na nasunod ang lahat ng gusto nito. Pero kung magmamatigas siya, madedemanda si Jameson at mababalewala ang lahat ng pinaghirapan nila sa Deogracias Furniture.

“Lalaban tayo,” giit ni Jameson. “But I won’t let Nadia go. Siya ang dehado dito. Anong klaseng kompanya tayo kundi natin siya poprotektahan?”

“Hijo, baka nakalimutan mo na ikaw ang mahaharap sa demanda,” sabi ni Don Felipe na parang napapagod na rin sa sitwasyon.

"Aalis na lang ako. I will even sign that dastardly document they want to sign.”

Matagal na niyang isinuko ang pagiging anak ni Pocholo San Agustin. Nanay na lang naman niya ang kumakapit. Her mother might not agree with her decision. Pero ito lang ang paraan para tuluyang maputol ang ugnayan nila.

"No. Wala siya sa lugar,” giit ni Jameson.

Nilingon ni Nadia si Don Felipe. “Sir, buo na po ang desisyon ko. Para kay Jameson at para sa kompanya.”

“I told you that I will fight for you. Alam ko kung ano ang ginawa ko. Sinaktan ko ang tatay mo pero dapat lang iyon sa kanya. Why give up so easily?”

“Hindi di ko gugustuhing makulong ka!”

Humalukipkip ang lalaki at iniwas ang tingin sa kanya. “Akala ko wala tayong iwanan.

It was painful. Aalis lang siya sa kompanya. Pero bakit pakiramdam niya ay pinakakawalan na rin niya si Jameson?

Maya maya pa ay bumalik na ang mga San Agustin at ang abogado ng mga ito. “Nakabuo na ba kayo ng desisyon?” tanong ng abogado.

Biglang bumukas ang pinto ng conference room at pumasok si Aling Linda na galit na galit. "Nasaan ang walang hiyang iyon?"

"Nanay..." usal ni Nadia at tumayo.

Pero tuloy-tuloy ito sa direksyon ng tatay niya at pinaghahampas ng mahabang payong. "Walang hiya ka! Mapapatawad pa kita na tinakbuhan mo ang responsibilidad sa anak ko. Pero para sirain lahat ng pangarap niya, wala kang karapatan."

Mabilis ang pangyayari. Natumba ang swivel chair na inuupuan ni Pocholo. Patuloy sa pagpalo ng payong ang nanay niya hanggang mamilipit na sa sakit ang lalaki. Walang nagawa ang mga nakapaligid sa takot na tamaan ng payong ng nanay niya.

Niyakap ni Nadia ang ina pero sa nagpakawala pa ito ng sipa sa pagitan ng tuhod ni Pocholo bago niya nailayo. “Nanay!"

Laging mahinahon ang nanay niya. Parang di ito nagagalit. Mas gusto nitong umiyak lang. Parang bigla itong naging miyembro ng grupo ni Gabriella Silang. Patay kung patay.

Huminga ng malalim si Aling Linda. "Kaya kong patunayan na anak ng lalaking iyan si Nadia. Hibla lang ng buhok ang katapat. Pero di na siya kailangan ng anak ko. Handa akong pumirma ng kasulatan na nagpapatunay na wala kaming hahabulin na kahit ano sa kanya. Hindi namin kailangan ang pera mo o pera ng asawa mo."

Matalim na tiningnan ni Madam Caroll ang nanay niya. “Sama-sama kayong makulong sa ginawa ninyo sa asawa ko. No negotiations this time.”

"We are not backing out. See you in court. We are filing a case on violation against women and children against your husband,” sabi ni Don Felipe. "May video kami ng event.”

Saka lang niya napansin na naroon si Miggy. “Nasa verandah din po ako nang mga oras na iyon. Nakuhanan ko po ng video ang buong pangyayari.”

Nasa verandah ito at hindi niya napansin. Anong ginagawa nito doon?

Pinindot nito ang bluetooth remote at nag-flash sa projector ang isang video. Nahindik silang lahat nang unang bumungad agad ay ang self-shot video nito na nakikipaghalikan sa isang babae. “Huwag po iyan ang tingnan ninyo kundi ito.”

May maliit na imahe sa likuran nito kung saan nakita na nagkabanggaan sila ng ama. Hanggang kalaunan ay nag-zoom in na sa kanila ang camera at mukhang naantala na ang eskandalong ginagawa ni Miggy at ng babaeng guest na kasama nito. Walang tumitinag hanggang matapos ang pagpapalabas ng video.

“Walang kahit anong sinabi na manghihingi si Nadia ng pera. Pero malinaw kung paano mo sila binastos,” sabi ni Don Felipe na nanginginig sa galit. “Kung kakaladkarin kami sa korte, we have to show this to the public.”

Nangilid ang luha ni Nadia. Malakas ang laban nila. Kung kailan akala niya ay talo sila sa laban, saka naman sila nagkaroon ng matibay na ebidensiya. Mabait talaga ang Diyos.

“So, who’s filing the case first?” tanong ni Jameson at inilahad ang palad. “ You have feminist clients, Madam Caroll. Sigurado ako na di sila masisiyahan na may asawa ka na di marunong humarap sa responsibilidad, nambabastos ng babae na anak pa niya at ang muntik na niyang pananakit kay Nadia.”

Namula sa galit si Madam Caroll. Binitbit nito sa necktie si Pocholo. "Forget it. Umalis na tayo."

"But sweetheart..."

"You are ruining my business! Hindi ka na nasiyahan sa dalawang anak mo na ipinagtabuyan mo. May bago ka na namang anak?”

“Wait,” sabi ni Nadia. Dinampot niya ang retraction paper na nagsasabing di siya maghahabol bilang anak ni Pocholo San Agustin pero binura niya ang bahagi na nagsasabing tumanggap siya ng isang milyon. Pahagis niyang ibinalik ang papel sa mga ito. "Dalhin n'yo ito. Di ko kailangan ng tatay gaya niya. I feel sorry for you, Mrs. San Agustin. You are saddled with such a sorry man.”

“Umalis na kayo. Huwag nang magpapakita ang lalaking iyan sa akin dahil puputulan ko talaga iyan.. Wala kang mapapakinabangan sa kanya,” banta ni Aling Linda.

Niyakap ni Nadia ang ina. "Nanay, okay lang po ba kayo?”

"Oo naman,” nakangiti nitong sabi. “Masayang-masaya ako dahil di ka na aalis ng kompanya at di ka na niya guguluhin kahit na kailan.”

“Pero mahal ninyo si Tatay... Si Pocholo San Agustin.” Di na niya ito matatawag na tatay mula ngayon. Wala na itong karapatan.

“Natauhan na ako. Walang makakapanakit sa iyo. Tandaan mo na ikaw ang pinakamahalagang bagay sa akin. Mahal na mahal kita. Naka-move on na ako sa tatay ko.”

Pumalakpak si Miggy. “Bongga ang performance mo, Mother.”

“Miggy, di mo sinabi sa akin na nagbagong-buhay ka na.”

Kimi itong ngumiti. “Well, di ko alam na masarap humalik si Girl. Sinubukan ko lang naman. I enjoyed it. Kaya lalabas kami ulit mamaya.”

“Sagot ko na ang date ninyo,” sabi ni Jameson. “I owe you.”

“Isang kiss lang sapat nang kabayaran,” kinikilig na sabi ni Miggy.

“E kung ikaw kaya ang bambuhin ko naman ng payong?” tanong ni Nadia.

Nagtawanan ang lahat sa silid. Nagagawa na nilang tumawa ngayon dahil tapos na ang bagyo. “Salamat po, Don Felipe. Hindi ninyo ako pinabayaan.”

“Akala mo ba hahayaan kita na mag-resign? Nope. We are family. Kanila na ang Hollywood nila. Di lang sila ang kliyente sa mundo. You are an asset to this company. Baka nga balang-araw ikaw pa ang maging CEO nitong kompanya.”

“And I will be your faithful servant,” sabi ni Jameson.

“Hindi naman po iyon ang naiisip ko. Masaya lang po ako dahil di ninyo ako pinabayaan.”

Niyakap siya ni Jameson nang sila na lang dalawa sa opisina. Nasa opisina ni Don Felipe ang nanay niya at nagmimiryenda ang mga ito.

“I am glad it is over,” sabi ng binata.

"Akala ko talaga mawawala ka na sa akin. Nagalit ka sa akin kanina.”

“Dahil nagpapadala ka sa takot mo. Sinabi ko naman na ipaglalaban kita hindi ba? At kung papayag si Papa na umalis ka, dalawa tayong aalis dito. I won't let you go. Pamilya tayo dito. I am sorry about your father."

Umiling siya."Don't be. Mabuti po na sarado na ang parte na iyon ng buhay ko."

Handa na rin siyang harapin ang panibagong pahina ng buhay niya kasama si Jameson. Di na niya iisipin ngayon na nakakatakot magmahal dahil sadyang may lalaking hindi mang-iiwan at ipaglalaban siya. Maswerte siya na natagpuan niya si Jameson.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.