"Mama hindi pa po ba tayo aalis? tanong ni Flint nakabihis na ito at ngayon araw birthday ng anak ni Thea. Sabi ko sa sarili hindi pa tamang panahon pero nakakahiya naman kila Thea. Kaya napagdesisyonan ko tumuloy kami ni Flint.
Nauna na sila Yana kasama si Summer hindi na kasi umuwi si Yana dito sa bahay dahil siya mag-aasikaso kay Summer and Zuriel hihintayin na lang ako sa bahay nila Thea after meeting niya diretso na siya hindi na rin nagpumilit na sunduin ako dito sa bahay. At hindi niya alam kasama ang anak ko. Even sila Thea hindi nila alam kasi tatlong araw bago birthday sinabi ko hindi ko maisasama si Flint. At naintindihan naman nila.
"Wait baby, hinihintay pa natin 'ung taxi po, wala ka na ba naiwan? " saad ko.
"Okey Mama, nasa bag ko na po lahat." sagot nito
Overnight kami sa bahay nila Thea para makapagbonding pa raw kami tutal kinabukasan naman sabado. Sunday naman ng gabi uuwi kami ni Flint.
Ewan ko bakit kinakabahan ako.
Ilang Sandali pa dumating na rin ang taxi.
"Kuya, Lola alis na kami, ingat kayo dito tawagan niyo kami ni Yana kung may problema po." paalam ko sa kanila.
"Okey apo, ingat din kayo at mag-enjoy kayo lalu na si Flint." wika ni Lola.
"Sige na Jewel ako na bahala kay Lola baka matraffic pa kayo sa daan, rush hour ngayon." saad ni Kuya.
"Okey Kuya, 'yung mga gamot niyo huwag kalimutan mag-inom." paalala ko bago tuluyang lumabas ng bahay.
"Yes Boss, Flint behave okey and enjoy the party."
"Opo Papa magbebehave po ako." nakangiting saad ng anak ko at humalik sa dalawa..
"Bye po Lola Papa." paalam nito at kumaway sa mga ito.
"Sige alis na kami at 'yung bilin ko kuya." paalala ko ulit sa kanila.
"Oo kulit mo boss." pagbibiro nito sabay pisil sa pisngi ko.
"Aray naman kuya!!" pagrereklamo ko lagi ganun si Kuya sa amin ni Yana, malambing.
"Let's go Mama naghihintay na ' yung taxi."
"Excited ang baby ko."
"Yes Mama! I'm excited because I will meet new friends at sayang nga lang hindi makakasama si kabute."
"Oo nga anak, pero sa susunod makakasama din natin siya, mas importante kasi lakad nila. "
"Nagkataon pa kasi pagalis din nila. " wika ni Flint na nasa boses nito panghihinayang.
"Okey tara na baka matraffic pa tayo baby, hayaan mo na marami pa pagkakatanda makakasama din natin sa lakad si Mush. "
"Bye!!" sabay paalam ulit namin ni Flint sa dalawa
Habang nasa biyahe nagkukuwento si Flint about sa mga ginawa nila sa school. Masaya ako na lagi kasali honor anak ko alam ko matalino siya kaya gagawin ko lahat makatapos siya ng pag-aaral..
"Nandito na po tayo Ma'am." saad ng driver ng makarating sila sa tapat ng bahay nila Thea.
"Thank you po Manong." saad ko ng maiabot ko ang bayad namin..
"Walang anuman Ma'am." nakangiting saad ng driver.
Nang makababa kami ako nakita ko sa mukha ni Flint ang pagkamangha nito sa nakikita.
"Laki ng bahay Mama." sambit nito habang ginagala ang mga mata.
"Pasok na tayo nasa loob na si Tita Yana at kasama si Summer at makikilala mo na siya."
"Okey Ma."
Madami sasakyan nakahelera sa loob at labas ng bahay..
First birthday ng anak ni Thea at Maru na pangatlo. Tanging si Zuriel na lang walang pamilya kung totoo hindi sila kasal ni Ava...
"Pagpasok nila sa sala sumalubong sa kanila ang isang katulong at giniya sila sa likod.
"Ma'am Thea nandito na po si Jewel."saad ng katulong sa amu nito. Nasa likod ko si Flint dahil nahihiya.
"Hello Jewel akala ko hindi ka na darating at mahaba na leeg ni Zuriel kakaantay sa'yo na dumating ka."saad ni Thea na karga nito ang anak..
"BTW Thea kasama ko pala anak ko." kinuha ko kamay ni Flint at unti-unti ko hinila mula sa likod ko. Thea my son Flint, and Flint Tita Thea."
"Hello Flint, gwapo mo naman baby.." nakangiting saad ni Thea.
"Im not baby." pagsusuplado nitO at nakataas ang isang kilay nito
"Flint, say sorry kay Tita Thea. "
"Flint. . ." diin na saad ko.
Pero hindi ko inaasahan iiyak ito nakuha namin ang atensyon ng mga bisita na napatingin na sa amin...
Agad ko naman ito niyakap..
"I wa--nt to go hom--e Ma--ma." saad nito sa pagitan ng pagiyak at sinubsob mukha nito sa aking leeg.
"What's going on here Hon.?" tanong ni Maru ng makalapit ito sa kanila kakagaling lang sa loob.
Kinuwento naman ni Thea ang nangyari..
Hindi ko naman namalayan nakalapit na rin si Zuriel..
"Come here little champ." saad ni Zuriel kay Flint na nakatalikod ito sa binata.
Unti-unti naman umangat mukha ni Flint at tumingin kay Zuriel mula sa likuran nito at walang pagdadalawang-isip ito lumapit at yumakap kay Zuriel. Binuhat naman ito Zuriel. Pinagtataka ko knowing na ang anak ko hindi basta basta lumapit or nakikiusap sa mga taong hindi kilala or kahit kilala hindi ito ganito na kahit hindi pa nakikilala si Zuriel kusa ito lumapit at yumakap. Alam ko suplado ang anak ko lalu na sa taong hindi kilala. Pili lang mga kaibigan nito.
"Let's go baby." yaya sa kanya ni Zuriel sa akin at sabay hawak sa kamay ko..
"Zuriel may mga tao 'yung kamay ko at kasama ko anak ko." bulong ko dito.
Wala ako nakuha sagot dito at balewala lang mga taong nakatimgin sa kanila. At iginiya na kami sa lamesa kung nasaan sila Yana at Summer kasama sila Ian at Lhes..
Nakasubsob pa rin sa leeg ni Zuriel ang anak ko wala na ata balak bumitaw.
Minsan naaawa din ako sa anak alam ko gusto gusto niya magkaroon ng ama hindi sapat ako o si kuya Damian para magtayong ama para kay Flint. Kung mahahanap ko lang ama niya kahit hindi kami magkasama buo pamilya ang importante may matawag ang anak ko na PAPA na sa kanya talaga at matanggap siya, sapat na sa akin yun...
Pero saan ako magsisimula hanapin siya wala alam kahit na anu...
"Flint maupo ka na dito sa upuan po, mabigat ka na baka nabibigitan si Tito Zuriel. " yaya ko kay Flint pero nanatiling nakayakap kay Zuriel..
"It's okey baby." saad ni Zuriel..
Umangat ito ng tingin pero imbes sa akin tumingin kay Zureil..
"Are you dating my Mom, Mister?" seryosong tanong nito na pare-pareho kami nabigla.
"Ohhhhhh... sagutin mo Bro
" natatawang saad ni Maru..
"Flint."tawag ko..
"What Mama Im just asking and there's nothing wrong about my question." saad nito at tumungin ulit kay Zuriel..
"What now Mister? Im waiting for your answer." seryoso pa rin ito na kinakatuwa nila Thea..
"Zuriel anu na answer the question." panunuya ni Lesh..
Tumikhim muna si Zuriel bago ito sumagot...
"What if Yes little boy?" patanong na sagot ni Zuriel.
Tumingin sa akin si Flint...
Bumalik kay Zuriel ulit ang tingin..
"Its okey with me at kung magiging masaya si Mama but don't ever hurt her, if you will hurt my Mama I'm gonna punch you Mister...put that in your mind...I don't want Mama get hurt." saad ni Flint na hindi ko inaasahan na ganun ang isasagot nito.
Ramdam ko paginit ng mata ko pero hindi ko hinayaang mapaluha ako. Naramdaman ko ang isang kamay ni Yana sa aking kamay na katabi ko at sa kanan nito si Summer..
Nakangiti ito sa akin. Buo suporta nito sa akin pero hindi rin nawawala na mag-aalala ito sa akin isa dahilan niya paanu kung hindi ako matanggap ng mga magulang ni Zuriel at lalu na't may anak na ako.
Naikwento ko na rin kay Yana lahat, 'yun pangako namin na walang limihan dahil kapag nagkaroon ng problema magtutulungan kami..
Pero hindi pa alam ni Kuya Damian at Lola.
Dahil hindi ko alam kung anu magiging reaction ng anak gusto ko muna 'yun malaman bago sabihin kila Kuya.
"May basbas na bro!!, wala na hadlang."saad ni IAN..
"Who told you Tito Ian.?" saad ni Summer na ikinalingon namin lahat sa kanya at seryoso ito...
Kinabahan ako sa itsura ng mukha niya...
Kumandong ito kay Yana at tumingin kay Zuriel...
"Daddy you like Tita Jewel?" seryosong tanong nito nakalimutan namin nandito si Summer.
Akmang sasagot si Zuriel ng magsalita si Flint..
"Well, his not like my Mom in fact she loves my Mom and by the way Who's this fat girl?" saad ni Flint na kinatuwa nila ang huling sinabi nito..
"Flint, watch your mouth kanina ka pa." saad ko dito parang tanda na magsalita at hindi ko nagustuhan huling sinabi nito kay Summer hindi naman mataba si Summer. Minsan may pagkapilyo din anak ko at bully din....
"What Mama? I'm just saying the truth about her she's fat, right?"
"Hoy Flintstone!!!kapal mo sabihan mo ako Fat!!I'm not mataba malabo paningin mo!" sigaw ni Summer kita sa mukha nito pagkainis.
" Fat girl, uso naman magdiet kaya.....it's hurt right? because truth may hurt you." panunuya nito....
"Daddyyyy!!."sigaw ni Summer.
Natatawa naman si Zuriel pati sila Thea dahil sa asaran ng dalawa. Pero hindi mawala sa isip ko 'yung kanina kailangan namin kausapin si Summer.
"Soon Daddy ko na rin siya Fat girl." pang-aasar pa rin ni Flint.
"Who told you Flintstone!!" sigaw ulit ni Summer.
"Me Myself and I Fat girl." sagot ni Flint na nakataas ang isang kilay nito..
"I don't want you to be my brother Flintstone! yuckssss" wika ni Summer sabay irap nito kay Flint.
"Who told you also I want you to be my sister ewwwww!!! i don't want a fat sister!!!.."saad ni Flint alam ko nangiinis lang ito...
"Alam mo Flintstone! At kailangan mo na magsalamin and you will see I'm not fat!!!!"
"I don't need eyeglass because I have a clear vision...Why don't you accept that your FAT...?minsan tanggap tanggap din Fatgirl"
"Summer pangalan ko!!!sarap mo sapakin!!!at bangasan 'yan malapad mong noo Flintstone!!..
"Sarap din tabasan 'yung taba mo!!."
"Hey kids enough and Flint enough...say sorry to Summer or else uuwi na tayo..."pagbabanta ko dito..
"Sorry Fa----"..
"Flint isa pa..."
"Okey I will say Sorry...."bumaba ito sa pagkakandong kay Zuriel..
Tinungo nito si Summer wala sabi-sabi hinila ito pababa at dinala ito malapit sa pool..
Napatanga naman kaming lahat.
"What the he----"...
"Baby your mouth." saad ni Zuriel..
"Im sorry...hindi ko akalain na ganun si Flint...he act like an old one."
"Baka namana sa Alama niya." saad ni Thea
"If you don't mind Jewel wala ka talaga natandaan sa ama niya?..tanong ni Lhes..
"Wala ako matandaan palatandaan sa ama ni Flint at gustuhin ko man hanapin pero hindi ko alam kung saan magsisimula, dahil 'yun nga wala ako alam man lang sa ama niya at kung sakali man may maalala ako gustuhin ko man ipapakilala siya sa anak pero paanu kung may sarili na pamilya, ayoko naman makasira at kung hindi ko man masabi kay Flint balang araw alam ko maiintindihan ni Flint."sagot ko at naramdaman ko paghawak ni Zuriel sa kamay ko..
"Bakit hindi mo puntahan yung bar ulit malay mo di ba? suhestiyon ni Lhes.
"Anim na taon na rin nakalipas Lhes sigurado may sarili na pamilya 'yun...tanggap ko na rin..."
"Kahit anu wala ka ba talaga natandaan man lang." tanong ni Thea
"Basta natandaan ko lang meron lalaki bigla na lang lumapit sa akin then kinaladkad ako palabas ng bar at huli ko natandaan after na may nangyari tinakasan ko siya...Im seventeen that time kakagraduate lang namin ng high school.."
Dahil sa sinabi ni Jewel nagkatinginan naman ang mga lalaki...
"Jewel what if wala pa asawa 'yung nakabuntis willing ka ba ipakilala sa kanya anak niyo?" tanong ni Ian.
"Oo naman basta para sa anak ko gagawin ko lahat hindi ko man maibigay ang buong pamilya sa kanya atleast malaman at makilala ang ama niya, pero hindi mawawala ang takot ko kung sakali makilala ang ama niya, paanu kung hindi niya tanggapin ang anak ko at hindi siya kilalanin nito." sagot ko
"For sure matatanggap ang anak niyo malay natin hinahanap ka nung lalaki." saad ni Ian sabay tingin nito kay Zuriel makahulugan...
"Hindi mangyayari hanapin pa ako....gaya ko wala rin siguro 'yun matandaan lalu na kung marami na 'yun naka one stand baka hindi lang ako at kung meron milagro na magkukrus landas na alam ko impossible hindi ako magdadalawang isip ipakilala anak namin. " nakangiti ko sagot sa kanila..
"Huwag ka mawalan ng pag-asa Jewel...."saad ni Thea..
"Anything na kailangan mo ng tulong we're just here for you Jewel magkakaibigan na rin tayo." saad naman ni Lhes..
"Salamat sa inyo."
"Welcome Jewel, let's go na magsisimula ng 'yung mga games sa mga bata." yaya ni Thea
"Dito na lang kayo Hon, kami na bahala sa mga bata and after ng games babalik din agad kami." saad ni Lhes sa asawa nito.
Tumango naman asawa ni Lhes
"Baby samahan na kita. " saad ni Zuriel na akmang tatayo ang dalaga para sunduin si Flint na nakikipaglaro na ito sa mga bata kasama si Summer..
"Huwag na Zuriel dito ka na lang kaya ko naman." pagtanggi ko, gusto ko maging close sila ng anak ko, ang mga anak nila.
"But-----.."
"Kaya ko Zuriel, I know gusto mapalapit kay Flint pero dito ka muna gusto ko magbonding kayo ng mga kaibigan mo minsan lang kayo magkita-kita dahil mga busy kayo pare-pareho." paliwanag ko.
"Hayaan muna Zuriel magbonding sila mga babae ikaw naman mamaya solo mo na naman siya." saad ni Maru.
"Okey fine." pagsuko nito at bago nakaalis hinalikan ko muna siya, sa labi.
Sinundan naman tingin ni Zuriel si Jewel na tinungo nito ang anak.
"Hey!." saad ng isang dumating na ikinalingon naman nila.
"Sean!!."sabay saad nila...
"Buti nakarating ka." saad ni Ian..
"Siyempre ako pa ba at tsaka hindi rin busy." sagot nito.
"By the way pinsan kailan uuwi si sister in law mo."tanong nito kay Zuriel..
"I don't know Sean." tanging sagot ni Zuriel
"Baka ayaw naman talaga 'yun umuwi at hanggang ngayon umaasa pa rin buhay pa si Kuya."
"Hayaan mo na, uuwi rin 'yun kapag kinulit na siya ni Summer." saad ni Zuriel...
"Maalaala ko pala guys, may nakilala ako bata."saad ni Sean.
"Then?" tanong ni Maru
"Ewan ko bakit magaan loob ko sa kanya at alam niyo ba kamukha ni Zuriel nung bata ka pa." baling nito sa pinsan.
"Alam mo Sean meron naman talaga magkakamukha na hindi magkadugo" saad ni Ian..
"Alam ko pero iba 'yung bata na 'yun, wait I have picture with that little boy." pero bako pa man nito makuha nito ang cellphone may tumawag na dito...
"Tito Sean!!" sigaw ni Flint na ikinalingon nila
Sabay-sabay naman sila napalingon kung sino tumawag
"Flint." mahinang saad ni Zuriel nasa mukha nito pagtataka at pumasok sa isip niya sinabi Sean, gaya ni Sean magaan din loob ko sa bata, at 'yung mga mata kahawig ng sa akin na isang Mendez.