"Tito Sean!!" tawag ni Flint na kinabigla ko ngayon ko lang narinig pangalan na 'yun.
Agad na tumakbo anak ko patungo sa table nila Zuriel at dali-dali naman ako sumunod sa kanya
Nakita ko ng makalapit ito sa lalaking tinawag, agad ito binuhat ng lalaki ang anak ko kita sa mukha nila pareho ang kasiyahan sa pagkikita nila.
"Tito Sean you're here!" rinig ko saad ni Flint sabay halik nito sa pisngi ng lalaki..
"Who are you with?" tanong ng lalaki
"Si Mama..."
"Mama?"..
"Yes my Mama.."
"Where's your friend Mush?" tanong ulit ni Sean..
"May pinuntahan sila kaya hindi nakasama sa amin dito po."
"I see." tanging sagot ni Sean.
"Flint."singit ko sa usapan ng dalawa lumingon naman sa akin ang dalawa habang sila Zuriel kita ko sa mga mukha nila kuryusidad kila Flint..
"Tito Sean this my Mama and Mama this Tito Sean po. " pakilala ng anak ko sa amin dalawa..
"Hi I'm Jewel." pakilala ko..
"Nice meeting you Jewel." nakangiting saad ni Sean sa akin.
"Upo muna tayo habang hinihintay natin 'yung pagkain.."..Yaya ni Thea..
"Tito Sean put me down po." saad ni Flint ng makaupo sila hindi ito binitiwan ni Sean..
"Why? ayaw mo ba ako makatabi? tanong nito na nagdadrama.
"Hindi naman po sa ganun gusto ko kay Tito Zuriel po." sagot ni Flint.
"Bakit gusto mo sa kanya?..
"Because soon he will be my Daddy." diretsang saad ni Flint na ikinainit ng mukha ko.
"Daddy?" ulit ni Sean sa huling salitang binitiwan ni Flint kita ko sumulyap ito sa amin ni Zuriel..
"Yes..why is there something wrong po Tito Sean?"
"Nothing."
"Okey, ibaba niyo na po ako Tito.."
Binaba naman ito Sean at agad na lumapit kay Zuriel na agad naman pinaupo nito sa kandungan...
"By the way Jewel, Sean my cousin..."
Tanging tango lang ko at hindi ko napigilang magtanong sa pinsan ni Zuriel.
"Can I ask you Sean kung saan kayo nagkakilala ng anak ko.? tanong ko dahil sa kuryusidad.
"Hindi ba sayo naikuwento ni Flint?" balik tanong naman nito sa akin na ikinailing ko..
Habang si Flint naman agad na humarap kay Zuriel at yumakap.
"Hey, what's wrong baby?" tanong ni Zuriel na ikinalingon ko.
Pero wala sagot ang anak ko...
Binalik ko ang tingin kay Sean..
"Hmmmm... sa mall kami nagkakilala kasama 'yung kaibigan niya si kabute." sagot ni Sean na kinabigla ko at pati na rin si Yana...
"Mall?" ulit ko..
"Yes sa mall, Why hindi mo ba alam na pumupunta sila sa mall kasama ang kaibigan niya para magtanong tungkol sa STAR WARS na laruan na paborito niya daw ito at nagtatanong kung meron pa stock dahil bibili siya kaso problema hindi pa sapat pera niya at sabi nila nagtitinda sila ng kandila para makaipon at mabili ang paborito niya laruan, don't get me wrong Jewel hindi naman sa kinaawaan ko anak mo kaya binigay ko 'yung laruan na gusto niya hindi ko alam kung bakit magaan ang loob ko sa kanya at noong nakita ko siya pinapagalitan ng isa sa staff namin, agad ako dinala ng mga paa sa kinaroroonan nila, noong nakita ko buo niya mukha may naaalala ako tao na kamukha niya."
Sa mga huli sinabi ni Sean hindi ko na iyon pinansin at nilingon ko na anak ko na ngayon maghigpit pagkakayakap kay Zuriel...
"Flint." madiin ko tawag sa kanya at hinawakan ko ito sa braso niya..
"Come here and we will talk." dagdag ko..
"I'm sorry Mama."sambit nito.
"Jewel huwag muna pagalitan kusa ko naman binigay 'yung laruan sa kanya."saad ni Sean..
Pero hindi ko ito inintindi dahil sa galit ko hindi ko alam na ganun kagusto ni Flint ang laruan at nakuhang nito magtinda ng kandila para sa laruan na 'yun. Dami pumasok sa isipan ko dahil sa nalaman ko...
"Flint."Ulit ko tawag ko sa anak ko...
Lumingon ito sa akin pero nanatiling nakayakap kay Zuriel..
"Ma---"
"Uuwi na tayo." saad ko na kinalingon ng lahat sa akin habang si Yana hinwakan nito ang kamay..
"Jewel." tanging sambit ni Yana..
"But I want to play more----"
"No, we will go home now at bumaling naman ako sa mga kaibigan ni Zuriel.
"Im sorry kailangan na namin umuwi." paalam ko sa kanila.
Tumayo ako at kinuha si Flint kay Zuriel.
Bumitaw naman ito sa pagkakayakap kay Zuriel at humarap ito sa akin...
"I'm sorry Mama." maluha-luhang saad nito...
"Sa bahay tayo mag-uusap Flint." tanging saad ko hinawakan sa isang kamay" Lets go"...
"Ihatid ko na kayo baby..."saad ni Zuriel..
"Salamat pero huwag na magtataxi na lang kami, magtetext na lang ako kapag nakauwi na kami.."
"I insist ihahatid ko na kayo sainyo or sa condo na lang kayo muna mas malapit lang "...
"Huwag na Zuriel..."
"Okey fine, tawagan mo ako kapag nakarating na kayo sa bahay niyo.."
"I will." bumaling naman ako kay Thea.."Thank you Thea sa paginvite and sorry kanina sa ginawa ng anak ko."
"It's okey Jewel and I understand you, ingat kayo sa pag-uwi." nakangiting saad nito..
"Sige thank you ulit...'
"Let's go Flint.."
"Ihatid ko na kayo sa labasan nd Yana puwede ka na umuwi ako na bahala kay Summer samahan mo na sila Jewel pauwi..."saad ni Zuriel at kinarga nito si Flint.
" Okey Sir.. " sagot ni Yana.
Habang nasa nasasakyan pare-pareho kami walang imik...
Nang makarating sa tapat ng bahay agad na bumaba si Flint at tumakbo papasok ng bahay.
Agad naman nito nakita si Damian na agad na nagpakarga nasa at nasa mukha naman ni Damian ang pagkabigla nito..
"Bakit ang aga niyo umuwi?" takang tanong ni Damian ng makapasok kami.
"Flint, come here we need to talk?" tawag ko dito.
"Mama I'm sorry po.."
"Tell me Flint kailan ka pa natutong magtago sa akin kailan mo pa ginagawa ang pagtitinda at akala ko ba nagkakaintindihan tayo..bakit Flint?" saad ko ng hindi ko mapigilang mapataas ng boses sa kanya, dahil sa takot na naramdaman ko nung nalaman ko sa sinabi Sean, paanu kung maaksidente sila, hindi ko kakayanin mawala ang anak ko.
"Jewel huminahon ka nga at natatakot 'yung bata, anu ba kasi problema.."saad ni Kuya Damian...
"Flint go to your room." saad ni Yana.
Agad naman ito sinunod ni Flint at nagmamadaling tinungo ang kwarto nila.
Kinuwento kay Kuya Damian ang nalaman ko gaya namin ni Yana wala din ito alam sa ginagawa ng anak niya..
"Kaya pala napapadalas ang pag-alis nila at hindi ko alam na nagtitinda at pumupunta sila ng mall."tanging nasabi ni Kuya Damian..
"Alam ko Jewel nasaktan ka pero hindi naman hiningi ni Flint kusa naman binigay ni Sir Sean 'yung laruan at naiintindihan kita kung bakit ka ganyan kahit hindi pa naman ako isang ina alam ko nararamdaman mo na sana ikaw 'yung dahilan sa lahat ng kasiyahan ng anak mo at alam namin ginagawa mo lahat para sa anak mo dahil except sa amin, si Flint na lang meron ka".
"Inaamin ko nasaktan ako pero mas iniisip ko paanu kung may mangyari masama kay Flint na hindi natin alam, hindi ko alam kung makakaya ko mawala sa akin si Flint, siya ang buhay ko siya rason kung bakit patuloy pa rin ako lumalaban sa buhay kahit mahirap kinakaya ko para sa kanya and anytime puwede mangyari ang aksidente 'yun ang kinatakot ko sa nalaman ko, sa ginawa ni Flint." wika ko
"Naiintindihan ka namin Jewel at siguro naman ngayon hihinto na si Flint sa pagtitinda at hindi na ulit gagawa ng ulit na ikakagalit mo."
"I'm sorry Jewel kung hindi ko nababantayan masyado si Flint hindi ko kasi akalain na gagawin niya 'yun para sa laruan na gusto niya, don't worry babantayan ko na siya maigi." saad ni kuya Damian.
"Huwag ka magsorry Kuya wala ka kasalanan at pare-pareho tayo na hindi natin akalain gagawin 'yon ni Flint at alam ko busy ka rin sa karenderia at sa talyer mo, siguro magreresign na lang ako sa trabaho para makafocus kay Flint at tutulong na lang ako sa'yo Kuya."
"Pero Jewel paanu si Sir Zuriel kailangan niyo din mag-usap huwag ka padalos-dalos sa desisyon mo alam ko kapakanan ni Flint iniisip mo."
"Zuriel?...tanong ni Kuya..
"Yes 'yung boss namin nanliligaw kay Jewel." nakangiting saad ni Yana..
"Wait akala ko ba may asawa na 'yun at anak so paanong manliligaw sa'yo.." takang tanong ni Kuya.
"Wala siya asawa at anak kuya 'yun sabi niya sa akin at naniniwala naman ako kahit hindi niya pa sa akin sinasabi rason kung bakit sila nagpapanggap na mag-asawa ni Maam Ava." sagot ko.
"Jewel alam ko wala ako karapatan panghimasukan ang buhay at alam ko gusto mo bigyan ng kumpleto pamilya si Flint pero huwag ka padalos-dalos sa gagawin mo desisyon ayoko masaktan ka at sa tatlong taon natin magkakasama nakita ko pagpupursige mo para kay Flint siguro panahon naman para sa sarili mo maging masaya ka. Kita ko sa mga mata mo kasiyahan at mahal mo na siya pero sa akin lang siguraduhin mo muna, hindi lang ikaw masasaktan kundi kami at anak mo, hindi kami tututol kung alam namin sasaya ka sa kanya."
"Salamat kuya tatandaan ko sinabi mo at huwag ka mag-alala may tiwala ako Zuriel." sagot ko.
"Sana lang nagsasabi siya ng totoo kung hindi ako makakalaban niya."
"Kapag hindi siya busy yayain ko siya dito para ipakilala sa inyo."
"Dapat lang Jewel para makilatis namin ni Lola.." pagsang-ayon ni Kuya.
"Ako naman magtatanong, anu na estado niyo dalawa at alam ko hindi ako manhid meron something sa inyo dalawa." nakangiti ko saad sa dalawa alam ko nabigla sila, matagal ko na napapansin sila pero wala niisa sa kanila nagkukuwento..
"Hindi naman sa nanghihimasok ako sa inyo dalawa pero paanu kung bumalik alaala mo kuya at meron ka pala pamilya na sa huli pareho kayo masasaktan mas lalu na si Yana at sabi ng Doctor meron pa posibilidad na bumalik ang alaala mo at may posibilidad na hindi mo na kami makilala pa "...
Nanatiling tahimik naman ang dalawa...
"Basta nandito lang ako para sa inyo dalawa susuportahan ko kayo kapag dumating ang araw na may maalaala ka na kuya..."
"Don't worry hindi 'yun mangyayari makakalimutan ko kayo dahil sa inyo kaya buhay pa ako hanggang ngayon kung anuman naitulong ko sa inyo ibabalik ko at hindi magbabago pagmamahal ko kay Yana." saad ni kuya sabay akbay kay Yana.
Ramdam at kita ko masaya sila anuman mangyari mananatili suporta ko sa kanila...
Masaya ako para sa kanila...
"Let's sleep, maaga pa kayo bukas at Jewel puntahan mo muna si Flint kausapin mo." saad ni Kuya..
"Opo pupuntahan baka nakakaistorbo na ako sa inyong dalawa at Kuya patapusin mo muna ng Collage si Yana bago mo buntisin"..
"Jeweeeeeeelll!!!!!."sigaw ni Yana.
"What?" sabay taas ng isa ko kilay..
" 'Yung bibig mo baka marinig ni Lola alam mo naman ang matatanda."
"Sige na mauna na ako at malabing-labing na kayo" panunukso ko sa kanila.
"Remember 'yung mga sinabi ko Jewel at siguraduhin mo mapapapunta mo dito si Zuriel..."
"Oo, hindi ko kakalimutan at sasabihin ko kay Zuriel sige na good night ...tatawag pa ako sa kanya naghihintay na 'yun..."
"Okey good night.."
Tinungo ko muna kwarto nila Kuya at pagpasok busy ang anak ko sa pagbabasa ng libro...
Hindi ko alam kung kanino ito nagmana mahilig magbasa ng libro naisip ko baka sa ama nito..
"Flint.."tawag ko at umangat naman tingin nito sa akin..
"I'm sorry Mama, huwag ka na po magalit at hindi ko na po uulitin, promise ."
"Im sorry din kung napagtaasan kita ng boses kanina. Natakot lang kasi ako baka kung anu mangyari sayo kasi ikaw na lang meron si Mama hindi ko kakayanin kapag may nangyari masama sayo baby, hindi ko man maibili ang gusto mo kasi mas importante para kay Mama makapagtapos ka ng pag-aaral mo at kapag nangyari 'yun at makapagtrabaho ka lahat ng gusto mo mabibili mo di ba? kaya pasensya kung hindi naibigay ni Mama 'yung gusto malaruan..
"Don't worry Mama kapag nakapaggraduate ako ikaw naman pagsisilbihan ko po at ibibigay ko rin ang lahat na makapagpapasaya sa'yo po and You're the best Mom in the world, I love you Mama.."
"I love you too Baby...."
"Sige na matulog ka na. "
"Okey Mama, goodnight po.."
"Night baby.."
Nang makatulog si Flint lumabas na rin ako sa kwarto at makapagpahinga na rin...
Nakita ko sila Kuya at Yana naglalambingan sa sala. Masaya ako para sa kanila pero hindi mawala ang takot kung sakaling bumalik na ala-ala ni kuya.
Pare-pareho complicated mga relasyon namin sana naman sa huli maging masaya kami.