"Still sore baby?" tanong ni Zuriel baka napansin nito hindi ako masyado makagalaw ng normal.
Nag-aayos kami ngayon ng mga dadalhin papunta sa private resort nila Thea. Since pare-pareho sila nakaleave sa trabaho kaya napagpasyahan sa private resort nila Thea pumunta..
Sakto naman wala pasok si Flint kaya makakasama ko siya at first time ng anak ko makakakita at makakalangoy sa dagat sa probinsiya kasi tamang sa batis lang kami naliligo...
Tuwang tuwa si Flint at masaya ako para sa anak ko...
"Hmmm... Yes pero okey lang naman ako kaya ko pa naman." sagot ko.
"Are you sure? puwede naman sumunod na lang tayo bukas baby, para makapagpahinga ka pa." nagaalalang saad nito at paulit-ulit kasi ako nito inangkin.
"Okey lang ako at tsaka excited na si Flint ayoko naman mawala excitement niya." wika ko.
Lumapit ito sa akin naunang naupo ito at pinaupo naman ako nito sa kandungan..
"Puwede naman sumabay si Flint kila Thea isang sasakyan lang naman sila at kami na lang pupunta ng mall at ihatid ko na lang siya kila Thea....bukas ng umaga susunod tayo...I'm worried baby, medyo maputla ka and you need take a rest, well."
"Nakakahiya naman sa kanila Zuriel at kaya ko naman at sa biyahe na lang ako magpapahinga...
please baby." paglalambing ko dito at nakakahiya naman kasi kila Thea at kaya ko pa naman OA lang si Zuriel kahit medyo mahapdi kaya pa naman.
"Okey, 'di na kita pipilitin but when we reached there magpahinga ka muna ako bahala kay Flint..
"Yes po boss." nakangiti ko sagot sabay halik ng mabilis sa labi nito.
"Ako na nito magtatapos nito at puntahan muna si Flint, hintayin niyo ako sa sala baby..."
"Sure ka? kaya ko pa naman tulungan ka para madali.."
"Konti na lang ito kaya ko na ito Baby huwag na matigas ang ulo mo. "
"Sige ikaw bahala baby at maghahanda na lang ako snacks kakain muna tayo bago umalis.."
"Okey baby."
Agad ako naghanda ng sandwich...
Ilang sandali bumababa na rin si Zuriel dala ang isang malaki maleta para sa aming tatlo...
Matapos kumain umalis na rin kami papuntang mall. Nang makarating kami hindi na rin ako pinasama ni Zuriel sa loob ng mall. Mabilis lang naman daw sila at nakahanda na rin kasi mga pinamili nila kukunin na lang...
Ilang sandali nakabalik din agad ang dalawa..
Kita ko sa mukha ni Flint ang saya mukha nito...
Sana si Zuriel na lang ama ni Flint pero malabo mangyari 'yun...
Nang makapasok agad naman kami umalis..
Habang nasa biyahe natutulog si Flint na hindi nabibitawan ang salbabida eroplano...
"Baby you can sleep, gisingin na lang kita kapag nakarating na tayo." saad ni Zuriel.
"Huwag na baby pagdating na lang duon magpapahinga ako at apat na oras din biyahe wala kausap..."
"Hmmmm....okey Baby..."...
Habang nagkukwentuhan kami, si Flint nakatulog na. Maggagabi na rin kami nakarating At kami ang huling dumating..
Pagbungad namin papasok busy na sila sa pagluluto.
"Dadddyyy!." salubong sa amin ni Summer kasunod si Yana.
"Summer be careful.." saad ni Zuriel ng makalapit ito sa amin.
"Hello po Tita Jewel." bati nito sa akin at kasabay ng paghila ng kamay ko para magpantay kami at humalik sa akin yumakap na rin...
Sobra sweet ni Summer...
"Flint wake up!!." baling nito kay Flint na hinihila ang paa dahilan para unti-unti magising ito. Asahan na naman ang riot ng dalawa sa mga asaran ng mga ito.
"I want to sleep fatty girl. "sambit ni Flint na masama tingin kay Summer at alam ko kapag ganito hindi kontento ang tulog niya.
" ' Yan ka naman sa fatty GIRL!I hate you Bato!." sambit ni Summer sabay sumimangot...
"Flint." tawag ko dito dahilan para lumingon sa akin ..
"I'm sorry Mama, I'm just kidding."
"Say sorry to Summer."saad ko..
Bumaling ito kay Summer..
"I'm sorry Summer at nagbibiro lang naman ako masanay ka na sa akin."
"Okey, so let's go na sa tabing dagat gagawa tayo castle." yaya ni Summer.
Binaba naman ito ni Zuriel..
"Punta na po kami sa tabing dagat." paalam ng dalawa at magkahawak kamay na tinungo ang tabing dagat.
Humalik muna sa akin si Yana bago sumunod sa dalawa..
"Let's go baby, magpahinga ka na muna..tawagin na lang kita kapag kakain na tayo..."
"Hindi na ako magpapahinga tutulong kila Thea...nakakahiya naman sa kanila Baby...
Saka okey na rin ako...konti sakit na lang kaya ko na..."
"Pero Baby..."
"Okey lang ako Baby..."paglalambing ko dito..
Kakahiya naman kasi kila Thea nahuli na nga kami hindi pa ako tutulong...
Gusto ko rin sila makabonding kapag mga ganitong pagkakataon sayang naman gusto ko rin mapalapit sa kanila at makilala pa lubusan...
"Okey pero kung gusto muna magpahinga punta ka lang sa akin...tutulong din ako kila Maru...
"Okey Baby Thank you...tara na " ..nakangiti kung saad sa kanya...
Sabay namin tinahak papasok ng rest house na magkahawak kamay...
"I'm sorry kung late kami nakarating ".pahingi ko ng pasensiya kila Thea, nandito kami sa kusina habang si Zuriel kasama naman kaibigan nito sila Maru gagawa ng bonfire sa tabing dagat.
"Its okey Jewel...nagsisimula pa lang kami..." nakangiting saad ni Les..
"Maputla ka Jewel, may sakit ka ba?" puna ni Thea sa akin na nasa tono nito pagaalala.
"Wala, I'm okey sa biyahe lang siguro hindi kasi ako sanay sa aircon." sagot ko nakakahiya naman kasi sabihin ko 'yung totoong dahilan.
"Magpahinga ka muna tutal ito lang naman lumpia gagawin 'yung iba idedeliver na lang mamaya para sa dinner natin at maaga pa naman gisingin ka na lang namin." si Lhes.
"Huwag na, iinom na lang ako gamot mamaya." pagtanggi ko.
"No you need to rest Jewel, Manang pakitawag po si Zuriel para samahan si Jewel sa kwarto nila." baling nito sa caretaker siguro nila dito sa resthouse.
"Sige magpapahinga na ako bawi na lang ako mamaya sa inyo at ako na lang pupunta kay Zuriel." pagsuko ko, ayoko magmatigas baka anu pa mangyari sa akin at maging dahilan pa pagkakasiya nila.
"Are you sure? kasi kung hindi mo kaya ipapatawag na lang namin. " tanong ni Thea
"Oo naman kaya ko, sorry kung 'di ako makakatulong sa inyo."
"It's okey, matatapos na rin kami at magpapahinga din kami para mamaya meron tayo energy, sulitin natin bawat oras na magkakasama tayo, you know mga busy tayo." saad ni Lhes.
"Padalhan na lang kita pagkain bago ka uminom ng gamot mo." saad ni Thea.
Tumango ako bilang tugon at lumabas ng kusina tinungo kung nasaan sila Zuriel...
Nakita ko nakaupo na sila nakaharap sa dagat tapos na sila gumawa ng bonfire at dahan dahan ako lumapit sa kanila, pero bago pa man ako makalapit sa kanila ng mapahinto ako dahil sa tanong ni Ian.
"Zuriel, about duon sa babae hinahanap mo, meron ka na ba lead? " tanong ni Ian.
Hindi ka agad nakasagot si Zuriel na kita ko malalim buntong hininga nito...
Hindi ko alam bakit ako kinabahan at kung saan patungo usapan nila at lalu na hindi agad nakasagot si Zuriel.
Alam ko wala ako karapatan dahil wala pa kami label. Basta ganito na kami....mahal ko siya at ramdam ko mahal niya rin ako at ayoko pangunahan ni Zuriel lalu na hindi pa sila nagkakausap ni Ava...at ngayon nalaman ko meron siya hinahanap na babae.
"Bago ka pumasok sa sitwasyon mo ngayon dapat inayos mo muna lahat at siguraduhin mo muna nararamdaman mo kasi may mga taong masasaktan lalu na meron bata. At kay Ava at Summer alam mo naman 'yung result ng DNA di ba? at kahit anu pilit iwasan mo 'yun, kahit anu pilit mo itanggi, Summer is your daughter Bro and then the girl six year ago kahit hindi mo nakita mukha niya minahal mo at mahal mo pa rin kaya hindi ka tumitigil sa paghahanap sa kanya. Paanu kung 'yung babaing naka-one night stand mo nagkaroon kayo anak, di ba? at magkrus landas niyo dalawa. Ngayon si Jewel pag-isipan mo mabuti Zuriel hindi lang si Jewel masasaktan pati Flint umaasa 'yung bata at si Summer din." mahabang lintanya ni Maru.
Naninigas ang katawan ko sa mga salitang binitiwan ni Maru.
So it's TRUE anak nila ni Ava si Summer.
"Ayusin mo muna lahat Bro, ayoko ko masaktan si Jewel hindi deserve na masaktan sobra bait niya." saad naman ni Ian tinapik ang balikat ni Zuriel
"You know Avaand Alam ng tao kasal kayo at kapag nalaman ang tungkol sa inyo ni Jewel, lalabas na kabit si Jewel." paalala ni Maru...
Dahil sa narinig ko unti-unti at dahan dahan ako tumalikod at tinungo ang loob ng bahay Hindi ko na hintay na magsalita si Zuriel.
Pinigilan ko mapaiyak hindi puwede malaman na alam ko na at hindi puwede makita umiyak ako..
Kaya ko ito. Maghihintay ako si Zuriel mismo magsasabi sa akin, maghihintay ako.