"Baby bakit ang tahimik mo? gusto mo na ba magpahinga, we can rest now."saad ni Zuriel sa akin nandito kami sa labas pa kasama sila Thea, nakayakap ito sa bewang mula sa gilid ko at nakapatong ang baba nito sa balikat ko.
Pangatlong araw na namin nagextend pa sila isang araw pero kami uuwi na, hinihintay na lang namin si Kuya Damian para sunduin kami.
Hindi ako umimik o sumagot man lang kay Zuriel nanatiling nakatuon tingin ko sa pagkain nasa harapan ko. Hindi ko rin ipinaalam Plano pauwi namin ni Flint. Maiiwan si Yana tanging kami lang ng anak ko uuwi.
Wala ako binanggit kay Yana
Hindi ko sinabi ang totoong dahilan
Hindi na siya nagtanong pero alam ko maghihintay lang siya sabihin ko.
Sasabihin ko pero hindi pa ngayon.
At ayoko na rin siya idamay sa problema ko.
Simula narinig ko usapan nila Zuriel lagi ako na lang ako nasa malalim na iniisip..
"Baby." tawag ulit ni Zuriel pero hindi ko man lang ito sinulyapan. Ramdam ko paninitig sa akin ni Yana.
Ilang sandali narinig ko tawag ni Yana dahilan para umangat tingin ko at kita ko rin napalingon sila Zuriel kay Yana.Naghihintay ng sasabihin nito at ako alam ko na kung sasabihin niya..
"Nagtext na si Damian nasa labas na raw siya."saad ni Yana na kinalingon nila Thea sa akin na nasa mukha ng mga ito pagtatanong...
"Sino Damian?" hindi mapigilang tanong ni Lhes.
Pero wala sa amin ni Yana sumagot...
Sabay kami tumayo.
"Mauuna na kami umuwi."sagot ko na hindi ko sinagot tanong ni Lhes.
Ramdam ko agad na napatayo si Zuriel mula sa likod ko kasabay ng paghawak nito sa kamay ko agad ko din hinila pabalik.
"Sorry kung hindi ipinaalam agad sa inyo , pero kailangan na namin umuwi ni Flint nandyan na sundo namin sa labas naghihintay.
"It's already late Jewel." saad ni Thea.
"Meron ba problema Jewel? Napansin kasi namin simula dumating kayo after mo puntahan si Zuriel tahimik ka na?...meron ba nangyari?..saad ni Lhes. ..
Sa sinabi ni Lhes rinig ko pagmura ni Zuriel.
Akmang sasagot na ako ng bigla ako hilahin ni Zuriel paalis at tinatahak namin loob ng bahay patungo sa kwarto...
"Baby." tawag nito sa akin pagkatapos ko hilahin kamay ko mula sa pagkakahawak nito sa akin ng makapasok kami sa kwarto.
"Minahal mo ba ako bilang ako O minahal mo ako dahil sa pagaakala mo ako ang babaing hinahanap mo?...
"I'm sorry baby, hindi-----"..saad nito pero agad ko din pinutol sasabihin nito dahil ang sakit sakit marinig at malaman sa kanya mismo...
"Huwag na huwag mo ako matatawag na Baby Zuriel at huwag na huwag mo rin sasabihin na mahal mo ako, Oo mahirap ako at hindi ako nakatuntong kolehiyo pero hindi ako tanga sa mga narinig ko usapan niyo magkakaibigan. Ang sakit Zuriel, akala ko mahal mo ako bilang ako pero hindi pala lahat na pinakita mo, lahat na pinaramdam mo hindi pala sa para sa akin'yon na inaakala mo lang ako ang 'yung babaing naka-one night stand mo at totoong mahal mo! 'Yung babaing hanggang ngayon hinahanap mo pa rin at mahal mo pa rin. Ang sakit sakit Zuriel dahil ako minahal kita ng totoo at buong buo minahal kita pero ginawa mo ako tanga pinaikot mo lang ako. Kaya pala ganun na lang kadali sabihin mo gusto mo ako, mahal mo ako at naniwala naman ako sayo pero putangina ang sakit sakit sana ako na lang 'yung babae pero hindi, hindi ako yun!".
"Baby-----" saad nito at akmang lalapit pero umatras ako.
"Huwag ka lalapit at ito na rin huli natin magkikita tayo. Salamat sa pagpaparamdam mo sa akin na mahal mo ako kahit hindi para sa akin.
Salamat sa mga naitulong mo sorry kung wala ako maibabalik kabayaran at sa ngayon wala pa pero pangako babayaran kita. Salamat kasi naging masaya ako nakilala kita kahit hindi ako kahit hindi pa ra sa akin. Don't worry anuman nangyari sa atin kalimutan mo na lang at kakalimutan ko din, salamat sa lahat Zuriel, salamat." saad at agad na lumabas sa kwarto.
Hindi niya ako pinigilan o hinabol man lang
Patunay na totoo ang lahat.
Pagkababa ko nasa sala bilang lahat maliban kay Yana. Nakita ko agad na tumayo sila Lhes at Thea na agad na lumapit sa akin at yumakap.
"Sorry Jewel. " sabay saad nila dalawa sa akin..
Humiwalay ako sa pagkakayakap nila..
"Wala kayo kasalanan at huwag kayo humingi ng sorry, I'm okay at least nalaman ko na at salamat sa lahat masaya ako nakilala ko kayo kahit sa konting panahon tayo nagkasama. mauna na kami at hanggang sa muli natin pagkikita." nakangiti ko saad sa kanila, maybe ito na huli ayoko na magkaroon ng koneksiyon mula sa kanila.
Sabay talikod sa kanila at nagmamadali ako lumabas ng bahay.
Pagkalabas ko naroon na si Yana at nasa loob na rin ng sasakyan si Flint at tulog pa rin.
"Kuya." tawag ko kay Kuya Damian na agad na lumapit at yumakap sa kanya. Hindi ko mapigilang mapahikbi.
"Ssssssshhhhhhh...."sambit ni Kuya Damian habang hinahagod ang likod ko...
Happy Birthday William!!!..
Tumatanda ka na Bro kailangan mo na magasawa...
William successful ka na madami ka na pera puwede ka na mgsettle down or kahit magkaroon ng girlfriend mas masaya ang buhay kapag meron katuwang sa buhay....
Sayang lahi niyo mga Mendez huwag kana gumaya kay Zuriel tatanda na lang kakahanap sa babaing yun umaasa pa rin mahahanap pa niya...
Kumusta kayo ni Ava....
"Ahhhhhhhhhh!!!....."sigaw ni Damian sabay bitaw nito sa akin kasabay ng paghawak nito sa ulo at napaluhod ito na sapo-sapo pa rin ang ulo.
Agad ako lumuhod.
"Kuya.." tanging sambit ko na agad bumaling kay Yana nakatulala lang nakatingin sa amin.
"Yana 'yung gamot!!"...sigaw ko kay Yana...na hindi agad nakakilos at tinawag ko ulit..
"Yana!!!." sigaw ko ulit.
Nataranta naman ito pumunta sa sasakyan para kunin ang gamot.
"Wala Jewel, wala dala si Damian." saad nito ng makabalik.
"Ang sakiiiiiiiiittttttt!!!!!ahhhhhhhhhh.."sigaw ulit ni Kuya Damian.
Narinig ko may kausap si Manong guard sa telepone nito...narinig ko pangalan ni Thea...
Ilang sandali narinig ko na mga yabag nila..
"Jewel anu nangyari?" tanong ni Lhes.
"May malapit ba hospital dito Lhes? kailangan namin dadalhin si Kuya Damian, inaatake kasi sakit ng ulo walang dala gamot." sagot ko hindi tumitingin sa kanila nakasubsob sa leeg ko ang mukha ni Kuya Damian at patuloy ang pagdaing nito sa sakit.
"Manong pakitawag sila Maru at pakisabi emergency po." utos ni Thea sa guardiya nila...
"Yes Ma'am." Agad naman tumakbo ang guar£.
"Hi--ndi ko na ka---yaaa ang sak---it." sambit ni Kuya.
"Kayanin mo Kuya dadalhin ka namin sa hospital." saad ko habang hinahagod ang ulo nito at ramdam ko sakit na nararamdaman nito ngayon ko naman ito nakita inatake siya ng ganito.
Ilang sandali dumating na sila...
"What happened?" sabay tanong ng mga lalaki..
"Pakitulungan kapatid ni Jewel na makatayo kailangan natin madala sa ospital masakit ang ulo." sagot ni Lhes.."Hon call Dr.Aragon tell him emergency." baling ni Lhes sa asawa nito.
Agad naman lumapit sa amin sila..
Si Maru at Ian umalalay habang si Zuriel pumunta sa likod ko para alalayan ako...
Pero bago pa man nila mapatayo si Kuya naramdaman ko na nawalan ito malay dahil sa pagbagsak ng mga kamay nito.
"Kuya gising!!! at kasabay nito ang paghawak ko sa magkabilang pisngi ni Kuya dahilan para mapasinghap sila Zuriel.
"William..."mahina at sabay nila sambit sa pangalan tinawag nila kay Kuya Damian.