CHAPTER TWENTY

"Ate Jewel ako muna magbabantay kahit ngayon lang gabi kay Flint.l, para makapagpahinga ka naman ng husto po." saad ni Claire sa akin kakarating lang nito.

Siya naging kasa-kasama ko simula ng mamatay si Lola at katulong ko sa karinderya at ang kapatid naman nito namamahala sa talyer..

I want to help her planu ko sana next year gusto ko siya pag-aralin kaso nagkasabay-sabay ang hindi magagandang pangyayari pero pinapangako ko papatapusin siya ng pag-aaral but for now si Flint muna, kailangan niya maoperahan sa ulo dahil may namuo dugo dahil sa malakas na impact na pagkakabungo sa kanya.

Isang linggo na simula maaksidente pero hindi pa rin nagkakamalay si Flint. Hindi nawawala ka ba at takot ko sa sitwasyon ni Flint, sabi ng Doctor Kailangan maoperahan si Flint as soon as possible para hindi lumalala ang sitwasyon, problema ko malaking halaga ang kailangan at hindi sapat perang naipon ko.

At isa pa, hanggang ngayon wala pa rin balita mula sa mga pulis wala pa lead kung sino nakabangga dahil ayun sa mga nakakita sinadya banggain ang anak ko. Wala plate number na nakuha dahil mabilis ito pagpapatakbo ng sasaky

Kung iispin wala ako nakaaway dito simula ng pumunta kami ng Maynila. Hindi ko alam kung anu motibo. Gusto kung makuha ang hustisya para sa anak ko pero hindi sapat ang pera ko at mas kailangan ko ito sa pagoopera kay Flint na kulang pa hanggang ngayon...

Hindi ko alam kung saan ako kukuha hindi sapat ang kita sa talyer at karinderya.

"Okey lang ako Claire ikaw kailangan mo magpahinga kasi pagod ka sa pamamahala ng karinderya natin...

"Sapat naman po tulog at tinutulungan naman ako ng kapatid ko kung wala customer sa talyer." saad nito habang inaayos ang mga pagkain sa lamesa..

"Kaya ko naman dito Claire, gusto ko kasi kapag nagising si Flint ako una makikita niya kaya ayaw ko iwan siya."

"Okey po Ate ikaw bahala, basta huwag ka lang magpalipas ng gutom at bka ikaw naman magkasakit."

'Thank you Claire don't worry aalagaan ko sarili ko."

"Maiba ako saan ka kukuha ng pandagdag pampaopera ni Flint, wala ka ba kaibigan na puwede makatulong sa'yo except kay Yana at Kuya Damian." tanong nito

"Wala kung meron man hindi ako hihingi ng tulong sa kanila kasi hindi naman kami close nakakahiya naman." sagot ko pero sila unang pumasok sa isip ko.

"Ate hindi naman sa nakikialam ako, kaso kung sila lang naman 'yung mga kaibigan mo makakatulong sa'yo para kay Flint para maoperahan why not di ba? sa panahon ngayon kailangan mo na kapalan ng mukha lalu na buhay ang nakataya at utang naman babayaran mo naman sila kahit paunti unti, tumatakbo ang oras sa ngayon wala pa komplikasyon paanu sa darating na mga araw na wala ka pa nakukuha pera, alam ko madali sabihin dahil Hindi ako nasa posisyon mo, mahirap gawin pero para kay Flint makakaya mo gawin Ate, at alam ko siya na lang meron ka bukod kay Yana at Kuya mo na ngayon na wala na si Lola."

May point si Claire, kakapalan ko muna mukha ko. Hihingi ako ng tulong kila Thea

Alam ko nangako ako hindi na ako sa kanila magpapapakita pa pero sila lang may kakayahan para matulungan ako at kahit anu gagawin ko para kay Flint.

"I will try Claire na humingi ng tulong sa kanila pero hindi ko alam kung matutulungan nila ako pero maghahanap pa rin ako sa iba."saad ko na hindi ko mapigilang mapaluha...

Hindi ko alam ngayon mga nakaraang araw lagi na lang ako emosyonal na hindi ako ganito.

" 'Yung nakabundol kay Flint pumunta ako sa pulisya pero wala pa rin sila Lead, hirap kasi sa gobyerno natin kapag mahirap ka hindi ka nila ipapapriority, kesyo wala ka pambayad....kaya minsan dinadahilan nalang nila wala pa lead ganito ganyan at kung sana mayaman na lang tayo noh ate...pero mahirap tayo eh..."

"Bahala na ang Diyos sa kanya kung sinuman gumawa sa anak ko at gustuhin ko man makuha ang hustisya wala tayo magagawa ayaw ko irisk ang pera na pampaopera ni Flint....darating ang araw makukuha rin namin ang hustisya...hindi man sa ngayon.."

"Pero sino kaya may gawa noh, pala isipan pa rin sa akin kasi ang bait mo wala ka naman siguro nakaaway para gawin 'yun sa anak mo po..."

"Wala Claire ewan ko ba atkung sadya man o hindi bahala na si God angimportante buhay ang anak ko."

"Buti na nakakatulog pa mahimbing ang gumawa noon kay Flint, batang walang kamuwang muwang, buhay talaga nga naman...kadalasan sa sobra saya mo na may darating pala masakit na pangyayari at mas masakit kung importante tao sa buhay mo ang nasaktan..."

"Malalagpasan rin namin ito Claire, tara na kumain na tayo uuwi ka pa baka gabihin ka sa daan mahirap na wala pa naman si Clarence para sunduin ka, over time na naman sila...

"Sige para makapaghinga ka na rin Ate , namumutla ka na ..."

Masaya kami nagsalo ni Claire ng hapunan sa kabila ng mga nangyari heto matatag pa rin ako kahit minsan gusto ko na rin sumuko pero hindi puwede dahil kay Flint...

Matapos kumain agad naman iniligpit ni Claire pinagkainan namin..

Hindi ko na ito natulungan dahil bigla na lang ako nahilo.

"Ate samahan ko na kasi kayo dito uwi na lang ako maaga bukas at para makatulog kayo maayos nahihilo ka na dahil kulang sa tulog ka"

"Huwag na kaya ko naman at baka nalipasan lang ako gutom, pero okey na ako ngayon puwede ka na umuwi Claire...".

"Okey hindi na kita pipilitin pa...basta tawag ka lang kung kailangan mo ako..."

"Oo Claire Thank youathuwag mo kalimutan maglock ng pinto ng bahay...'yung gate lock mo rin may susi naman si Clarence." paalala ko dito...sa amin na rin kasi nakatira ang magkapatid at kambal sila..

Pareho na sana maghihigh skol ang dalawa ngayon pasukan pero dahil namatay mga magulang hindi na nakapagpatuloy..

"Opo ate...siya nga pala may nagdeliver nito sa karinderya at wala sabi kung kanino galing basta ibigay daw sa'yo." saad ni Claire habang may kinukuha sa bag nito...isang envelope at inabot ito sa akin..

"Kanino kaya ito galing..walang man lang impormasyon." sa isip ko..

"Mauuna na ako Ate, inagt ka dito...tawagan mo ako kapag kailangan mo.."

"Oo Claire salamat ulitat ingat ka din sa paguwi, yung mga bilin ko huwag mo kalimutan."

"Opo sige, alis na ako."paalam nito at tuluyan ng umalis ito..

Nang makaalis si Claire agad ko binuksan ang envelope..

Larawan ko noong High School Graduation...pero ang kinatawag ng pansin ko butas ng larawan sa may noo parang pinaputukan ng baril...

At sa likod nito may nakasulat..

"Nagsisimula palang ako Jewel...may susunod pa, kung ako sayo babalik na lang ako sa pinanggalingan mo..."...

Agad ko nabitiwan ang larawan...

Takot at kaba ang naramdaman ko kasabay ng panginginig ng katawan ko.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.