"Ito na kinakatakutan ko Jewel 'yung mga possibling mangyari at hindi ko alam kung kakayanin ko, pero ganun talaga ang buhay may mga pangyayari kailangan natin tanggapin masakit man pero para sa ikakabuti ng lahat at anuman kalalabasan nito kay Damian alam ko possibling hindi na niya tayo makilala at masakit para sa atin at lalu na sa akin. At pasalamat tayo kasi isa din ito sa panalangin natin na sana maalala na niya kahit kapalit na hindi na tayo makilala niya ulit."saad ni Yana na ramdam ko ang sakit sa bawat pagbigkas ng mga salita.
Nandito na kami sa ospital habang kami ni Yana nasa chapel. Sila Zuriel nasa ER kung saan hinihintay nila ang paglabas ng doctor. Wala niisa sa kanila nagtanong sa amin ni Yana sa ngayon hindi pa. Narinig rin namin tinawagan ni Zuriel mga magulang nila ni William na nasa ibang bansa ito ngayon dahil sa business trip.
Sa mga narinig ko hindi kailangan magtanong kung bakit kilala nila Zuriel si Kuya Damian magkakakibigan sila at Zuriel at Damian magkapatid.
Maliit talaga ang mundo...
"Yana nandito lang ako para sa'yo kahit anung mangyari at gaya mg dati tayo pa rin magtutulungan ipanalangin natin na sana hindi tayo makalimutan ni Kuya Damian lalu ka na dahil alam ko masakit kapag 'yun nangyari, tatagan mo sarili mo dahil kung mahal ka niya hindi ka man maalaala ng isip niya pero ang puso mararamdaman na niya 'yun....sa ngayon mas isipin natin na maging okey na siya maalaala na niya lahat at makabalik na sa pamilya na niya na matagal na nawalay siya at panahon na lang makakapagsabi kung kayo talaga para sa isat-isa, bata ka pa Yana marami ka pa maaabot sa buhay, para sa sarili mo at kay Lola at tuparin mo muna mga pangarap mo." saad ko, sa ngayon mas kailangan ako ni Yana at saka ko na iisipin 'yung problema sa sarili ko at alam ko malakas si Yana sa mga pinagdaanan namin alam ko KAKAYANIN niya ito anuman kalalabasan.
"Huwag mo ako isipin Jewel alam ko may problema rin kayo ni Zuriel, kahit hindi mo sabihin sa akin Alam mo ramdam ko Jewel at kakayanin ko ito, ngayon gusto harapin na mag-isa." nakangiti ito pero kita ko sa mga mata ang takot at lungkot.
"Alam ko kaya mo Yana alam ko matapang ka pero tandaan mo mandito lang ako para sayo at sabay natin haharapin natin ito dalawa, marami na tayo hinarap na pagsubok na magkasama at nakayanan natin ulit ito."
"Jewel kung sakaling man hindi tayo makilala ni Damian gusto ko sana harapin ko ito mag-isa 'yung ako lang Jewel at gusto ko matutunan na harapin ang problema mag-isa kasi hindi habang buhay magkakasama tayo, pero hindi ibig sabihin wala na tayo pakialaman, 'yung matuto tayo na harapin mag-isa 'yung masabi mo balang araw na nalampasan ko mag-isa at marami pa pagsubok darating na KAKAYANIN ko ulit na hindi umaasa sa iba, kasi balang araw kung babalikan mo mga pinagdaanan masasabi natin sa mga sarili "NA KAYA KO." saad ni Yana at naiintindihan ko siya at tama naman siya Hindi sa lahat ng oras O habang buhay magkakasama kami at kung 'yon gusto ni Yana rerespetuhin siguro panahon na mag-isa namin harapin ang buhay, para matuto kami.
" Kung anuman decision Yana, rerespetuhin ko, Basta lagi mo tandaan na nandito lang tayo para isat-isa kapag hindi natin kaya.
Ilang sandali natahimik kami ni Yana...
Magkahawak kamay kami nanalangin...
"Kaya natin ito!." sabay sambit namin dalawa at kasabay ng pagyakap ko kay Yana.
Anuman desisyon ni Yana iintindihin ko.....
Hindi ko maiwasang mapaluha...
NASA ganun kami sitwasyon ng may maramdaman ako may tumabi sa akin alam ko na kung sino kahit hindi ako lumingon...amoy palang, si Zuriel na"
"Baby..."tawag nito sa akin at hindi iyon para sa akin humigpit yakap ko Yana at kasabay pagbuhos ng mga Luha ko.
"Nailipat na si Kuya sa private room puwede niyo na siya puntahan at naghihintay na sila Thea doon." wika nito
Dahil sa sinabi ni Zuriel ramdam ko panginginig ni Yana. Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya.
"Yana let's go." yaya ko sa kanya..
Tango lang sagot nito sa akin...
Nauna tumayo si Yana...
Akmang tatayo na ako ng maramdaman ko braso ni Zuriel pumulupot sa bewang ko dahilan para mapalingon ako sa kanya...
Pero wala lumabas na salita sa bibig ko...
Inalalayan ako nito makatayo
Hanggang makarating kami sa tapat ng kwarto ni Kuya Damian wala sa amin nagsalita at nanatili ang braso ni Zuriel sa bewang ko habang ako naman nakayakap mga kamay ko sa braso ni Yana...
Dahan-dahan binuksan ni Zuriel pintuan..
Bumungad sa amin ang nagtatawanan sila Thea napapalibutan nilo si Kuya Damian.
Base sa nadatnan namin kahit hindi magtanong kanila nakaalaala na si Kuya Damian. Tumikhim si Zuriel dahilan para mapalingon sila sa amin...
"Jewel, Yana." sambit ni Lhes
"Lapit kayo dito." segunda ni Thea.
Lumapit kami...
"Kuya do you remember them? Jewel and Yana sila ang tumulong at nagalaga sayo." tanong ni Zuriel.
Ramdam ko panginginig ni Yana..
Naghihintay kami sa sagot ni Kuya ilang minuto ito nakakatitig sa amin bago sumagot...
Lahat nag-aabang sa sagot niya.
"No." sagot ni Kuya Damian salitang dahilan para bumuhos ang mga luha ko at hindi ko maiwasang mapahawak sa braso ni Zuriel na agad naman ako nito niyakap at ito inaasahan namin mangyayari pero mas masakit kapag nangyari na pala at galing sa kanya bibig.
Kung masakit para sa akin alam ko mas masakit para kay Yana, nanatili nakatingin si Yana kay Damian, hindi ito umiyak at nanatili magkahawak kamay namin pero ramdam ko paghigpit ng hawak nito sa akin.
Humiwalay ako sa pagkakayakap mula Zuriel, pero nanatiling nakapulupot mga braso nito sa bewang ko..
"Yana.." nagaalala ko tawag sa kanya.
Bumaling ito sa akin nakangiti pero kita ang sakit at lungkot sa mga mata nito...
Hindi man magtanong sila Thea alam ko alam nila ang namamagitan kila Yana at Kuya Damian.
"Inaasahan ko na ito at inaasahan natin masakit pero wala tayo magagawa." saad nito na pinipigilang mapaiyak..
Bumaling ito ng tingin kay Kuya Damian...
Lumapit ito kay Kuya.
"Hindi mo man ako maalaala Damian 'yung mga alaala pinagsamahan natin at binuo natin pangarap na magkasama mananatili 'yun sa isip at puso ko at mananatili ka sa puso ko. Alam ko darating ang araw na ito na babalik ang alalaala mo, paunti-unti makakalimutan din kita, Thank you kasi kahit alam ko panandalian lang 'yung relasyon na meron tayo, pinaramdam mo sa akin ang totoong pagmamahal sa katauhan bilang Damian. Masaya ako na nakabalik na alaala mo...
Ito na huli pagkikita natin I hope tuloy na tuloy na maalala mo ang lahat." saad ni Yana sabay talikod kay Kuya Damian.
Tumingin ito sa akin at mapait na ngumiti...
"Yana." tanging nasabi ko..
Lumapit ito sa akin at yumakap..
"Magiging okey din ako Jewel at sa ngayon hayaan muna ako, huwag mo ako alalahanin kaya ko ito." bulong nito sa akin.
Humiwalay ito sa akin mula sa pagkakayakap at tuluyan na ito lumabas ng kwarto..
Nang makalabas si Yana..
Kahit isa walang umimik...
Pare-parehong nanatiling tahimik habang si Kuya Damian nanatili nakatingin sa pintuan kung saan tuluyan na lumabas si Yana.
Dalawang linggo nakalipas wala na ako balita kay Yana. Kinabukasan nangyari sa loob ng kwarto ni Kuya agad kami bumayahi ni Flint pabalik ng Maynila na hindi alam ni Zuriel naiwan ito sa Hospital kasama sila Maru habang kami nila Thea umuwi sa private resort nila bago umuwi ng Maynila.
Kahit isang salita wala ako narinig kay Kuya Damian hanggang makaalis kami ng gabing iyon.
Pag-uwi namin ang hindi ko inaasahang balita mula sa aming kapitbahay na dinala sa ospital si Lola dahil sa paninikip ng dibdib nito, may sakit ito sa puso.
Agad ko pinuntahan si Lola at naiwan si Flint sa kapitbahay namin. Nang makarating ako sa ospital at sa kwarto nito hindi ko maiwasan mapaiyak dahil sa aparatos na nakakabit sa katawan ni Lola.
Ilang beses ko tinawagan si Yana pero hindi ko makontak. Sa pangatlong araw ni Lola sa ospital namatay siya na hindi man lang kami nagkausap dahil hindi man lang ito nagising simula ng dinala ito sa ospital.
Sunod sunod ang masasakit na pangyayari sa nakalipas na dalawang linggo...
Habang nakaburol si Lola lagi ko tinatawagan si Yana nagbabasakali makontak ko pa rin siya para ipaalam ang nangyari kay Lola pero nabigo ako....
Hanggang malibing si Lola hindi ko nakontak si Yana. Pasalamat ako dahil sa tulong ng mga kapitbahay nairaos ang paglilibing kay Lola nabigyan ng magandang libingan...
Mag-isa ko hinaharap lahat...
Wala ako pinagsabihan dahil sa nangyari ng gabi iyon pinangako ko na 'yun na huli magkakaroon ako koneksyon sa kanila..
Ang huling balita ko lumipad patungong ibang bansa sila Zuriel at Damian kasama si Summer para mapatingnan si Damian sa mga specialista duon at duon na rin naghintay ang mga magulang nila Zuriel...
At ngayon kami na lang ni Flint magkasama...
Pinagpatuloy ko ang karinderya na naipundar namin pati ang talyer na pinamahala ko sa kaibigan ni Damian dito sa lugar namin marami sila tanong sa akin kung nasaan si Damian lagi ko sinasagot nagkaroon na offer na magandang trabaho sa kanya
Lagi ko pinapanalangin na sana nasa mabuting kalagayan si Yana at si kuya Sana tuluyan na gumaling.
"Mama!" tawag ni Flint kakapasok lang nito sa karinderya at kakagaling sa paaralan nito at nang makalapit ito agad na yumakap sa akin..
Sa mga nangyari kay Flint ako kumukuha ng lakas, siya ang lakas ko. Kailangan ko maging matatag hindi lang para sa sarili ko kundi para kay Flint ,para sa amin dalawa.
"How's school Baby?" tanong ko dito at kinuha ang bag nito at iginiya sa lamesa kung saan nakahanda na kakainin nito.
Sa mga nangyari isamg beses lang nagtanong si Flint about kila Yana at Damian kung nasaan ang mga ito at gaya ng sabi ko sa mga nakakakilala sa kanila nagkaroon ang mga ito magandang offer na trabaho...
"It's okey Mama, nakakakuha ang mataas na score sa exam namin."
Matalino si Flint lagi ito nakakasama honor roll mana ata ito ama...
"Congrats Baby...."
"Salamat Mama, after nito uuwi na ba tayo?..
"Yes baby maya-maya lang maglaro ka muna at nandyan sa labas 'yung bisekleta mo, pero diyan ka lang sa tapat ng karinderya huwag duon sa park, don't go there Flint." paalala ko sa kanya.
"Okey Mama at pupunta naman dito sa Mush..."..
"Okey , finish your food punta lang ako sa kusina after you eat you can play outside.."
"Yes Mama.."
"Again Flint huwag pupunta sa park..."
"Opo." saad ni Flint na agad na rin ako tumayo para makapagluto ng huling lulutin para sa pangmeryenda, magsisilabasan na ng mga empleyado...
Habang nagluluto hawak ko ang baso may lamang tubig ng bigla ko itong nabitiwan kasabay ng isang sigaw na narinig ko mula labas ...
" 'Yung bata!" sigaw boses lalaki
Palabas na ako ng marinig ko nagkakagulo na at sinalubong ako ng isa waitress ko...
"A--te Je--wel...si F--lint po.."utal nitong saad..
"Anu nang--yari sa ka--nya Claire?" nauutal ko tanong sa kanya...
"Nas---agasaa--n Ate." nanginginig na saad nito sa akin.
Agad kong tinungo ang labas...hinawi ko mga taong nagkukumpulan at bumungad sa akin ang nakahandusay na si Flint na duguan.
'Flint!!!!.." sigaw ko sabay takbo kay Flint.