Dahan-dahan ko minulat mga mata ko ng maramdaman ko mumunting halik sa magkabilang pisngi. Alam ko sino, kasi pabango pa lang nito, siya na. Bumungad sa akin ang mukha ni Zuriel na kita ko sa mga mata nito pag-aalala..
"Zuriel." sambit ko ng tuluyan na ako maimulat ang mga mata.
"Yes baby, kumusta pakiramdam mo? you want something to eat?" saad nito dahilan para mapapikit ako dahil sa lambing na pagkakasabi niya. I miss him so much, 'yung halik at yakap niya at hindi ko alam kung bakit ganito nararamdaman ko sa kanya na dapat galit ako dahil sa isipin ginamit niya lang ako na inaakala na ako babaing hinahanap at mahal na mahal niya.
Masakit pero wala naman ako magagawa kundi tuluyan na tapusin ang koneksyon meron kami na alam ko mahirap mangyari dahil sa paghingi ko ng tulong kay Thea hindi na mawawala koneksyon kahit anu pilit kong gawin..
Minulat ko ulit mga mata ko at ganun pa rin ang makikita kung emosyon sa kanya mga pinaghalo pagmamahal at pagalala sa mga mata nito...pero iwinaksi ko ang emosyon na nakita ko pagmamahal. Dahil kahit kailan hindi ako mamahalin ni Zuriel.
Lagi ko sinasabi sa sarili ko na swerte ng babaing 'yun dahil sa kabila ng hindi pagkakakilanlan nila personal minamahal siya ni Zuriel at ako isang inaakala lang para sa kanya.
"Okey na ako Zuriel, salamat kailangan ko na umalis kailangan na ako ni Flint." saad ko sa kanya at dahan-dahan akong bumangon dahil medyo nahihilo pa rin ako pero kailangan ko umalis.
Alam ko nasa bahay pa rin ako nila Thea at maggagabi na rin. Dahil maggagabi na agad ko hinanap ang bag ko pero hindi ko mahanap..
Bumaling tingin ko kay Zuriel na nakakatitig lang sa akin. Alam ko magtataka sa itsura ko
Wala ako ayos gaya ng dati medyo nabawasan din timbang ko at pumayat ako.
"Nasaan ang bag ko Zuriel?" tanong ko sa kanya..
"I will not give your bag, unless you talk to me baby."
"Wala na tayo dapat pag-usapan pa Zuriel.."..
"Meron baby." pagpupumilit nito
"Nakapag-usap na tayo Zuriel at malinaw na ang lahat na kung tutuusin hindi mo naman kailangan mag-explain sa akin kasi wala naman tayo Zuriel at kung anuman meron o nangyari sa atin dati kalimutan na natin, magkalimutan na tayo Zuriel kasi sa tuwing makikita ka naaalala ko ginawa mo sa akin."
"I'm sorry Baby pero ------"..
Hindi ko na tinapos sasabihin ayaw ko na marinig pa...
"Please tama na Zuriel, tama na sakit dahil pagod na pagod na ako gusto ko na sumuko pero iniiisip ko ang anak ko, tantanan mo na ako dami ko na problema ngayon lalu na sa anak ko. Hanapin mo na lang 'yung babaing na hanggang ngayon hinahanap mo pa rin at mahal mo. Zuriel siya pagtuunan mo ng pansin huwag ako dahil the more na magkikita tayo the more na nasasaktan ako, tama na ayoko na patuloy lang ako masasaktan kapag nakikita ka. Darating ang araw makakalimutan din kita at alam ko kapag nahanap mo na siya you will forget me too Zuriel. At magiging masaya ako para saiyo at sa inyo dalawa, ito na sana ang huling natin pagkikita Zuriel..."
"Mahal kita baby, mahal na mahal kita at lahat pinakita ko sa'yo totoo lahat 'yon."
"Hindi ako mahal mo Zuriel sinasabi mo lang 'yan kasi na akala mo ako 'ung babaing hinahanap mo kasi pareho kami sitwasyon pero hindi ako 'yun Zuriel."
"Alam ko hindi maniniwala baby, but please bigyan mo pa ako pagkakataon at panahon hindi ko pa masabi ngayon, sorry kung nasaktan kita hindi ko 'yung intention baby." pakiusap ni Zuriel, sa ilang buwan na nagkasama kami alam ko kung nagsasabi siya ng totoo o hindi and this time I know na nagsasabi siya totoo pero ayoko na bigyan pa ng isang pagkakataon papasukin ulit siya sa buhay ko, dahil sa huli ako pa rin masasaktan at maiiwan.
"Kung bibigyan kita ng pagkakataon Zuriel sa huli masasaktan ako lang din masasaktan at hindi natin alam kung anu mangyayari bukas o sa mga susunod na araw paanu kung nahanap mo na siya? paanu kung nagbunga ang isang gabi nangyari sa inyo at may anak kayo? paanu ako Zuriel sa huli ako pa rin masasaktan at iiyak dahil siya naman talaga mahal mo at hindi ako ayaw ko mangyari 'yun dahil baka ikamatay ko na 'yun tama na mga sakit na dinadanas ko ngayon, ayoko na Zuriel." saad ko sabay talikod sa kanya at tinungo ang pinto hindi ko hinintay pa makapagsalita pa...
Pagkalabas ko ng pinto sakto naman pagdating ni Thea.
"Aalis ka na Jewel? Where's Zuriel?" tanong nito sa akin ng makalapit ako.
"Oo aalis na ako Thea, baka alam mo nasaan 'yung bag ko."
"Nasa akin 'yung bag and before you leave I want to talk to you first Jewel." saad ni Thea at pumunta kami sa kwarto nila...
"You're pregnant Jewel, kaya ka nahimatay kanina." diretsa saad ni Thea ng makapasok kami
sa kanilang kwarto at dahilan para dahan dahan ako mapaupo sa kama nila.
Naramdaman ko pagtabi sa akin ni Thea at niyakap ako nito.
"Zuriel didn't know about this, pero alam namin si Zuriel ang ama. Just me and Lhes ang nakakaalam lang and we know your situation between you and Zuriel, Jewel kaya mas pinili namin huwag sabihin kay Zuriel. Respeto namin sa'yo dahil Ikaw lang may karapatan masabi sa kanya at kung anuman desisyon mo reresputihin at maiintindihan namin Jewel..
"Thank you Thea." tanging wika ko.
"Your welcome, basta nandito lang kami Jewel lalu na ngayon wala si Yana at wala na Lola niyo, bukas ang pinto namin para sa inyo mag-ina."
Tumango bilang tugon.
"Tumawag na ako taxi para ihatid ka, alam namin ni Lhes hindi ka magpapahatid sa amin lalu na kay Zuriel at nagbalot na rin kami mga pagkain para sa inyo at huwag mo kalimutan meron buhay sa sinapupunan mo, kumain ka sa tamang oras, alam ko hindi mo maiwasan maistress pero kailangan mo
magdoble ingat."
"Thank you ulit ingat, magiingat ako promise
kailangan ko na umuwi maggagabi na rin pasensiya tlga."
"Okey lang Jewel, Tawagan mo ako..."
"Oo sige." paalam ko.
Nang makalabas kami ng bahay napatigil kami ng makita namin si Zuriel nasa may gate...
Kahit medyo malayo kita ko sa mukha nito pagod dahil sa biyahe.
"Jewel baka ihatid ka niya, paanu 'yan malalaman niya kalagayan ni Flint and you know him pagdating kay Flint turing niya anak na at napamahal na kay Flint. "
" Hindi ako magpapahatid Thea at hindi niya puwede malaman sitwasyon ni Flint ayoko humingi ng tulong sa kanya at ayaw ko rin maging responsibilidad niya anak ko..."
"Naiintindihan kita Jewel, tara na"..
Nang makarating kami sa tapat ng taxi ng magsalita si Zuriel..
"Ihahatid na kita Baby." malumanay na saad nito
"Hindi na meron naman taxi, salamat na lang kaya ko naman umuwi hindi mo na kailangan ihatid ako at hindi mo ako responsibilidad na ihatid." malamig ko saad sa kanya...kita ko sa mga mata niya sakit.
Akmang papasok na ako ng tumunog ang cellphone ko. Agad ko ito kinuha sa bag ko...
Calling Clarence....
Hindi ko alam bakit kinabahan ako. Agad ko ito sinagot.
"A--te na--saan ka na? kaila---ngan mo na umuwi, na---su--sunog ang Hospital....."saad nito na rinig ko mga sigawan ng mga tao...
"Pauwi na ako Clarence hintayin mo ako diyan." hindi puwede ako panghinaan ako ngayon mas kailangan ko maging malakas, sarili ko lang maaasahan ko ngayon.
Akmang bubuksan ko na pinto ng harangan ako ni Zuriel...
"Umalis ka na diyan nagmamadali ako!."sigaw ko sa kanya..
"No, until you----".
"Nasusunog ang hospital kung saan naroon si Flint! kya umalis ka na diyan Zuriel utang na loob!.."
Shit!!!rinig ko saad nito...
"Oh my ghaddd!" rinig ko saad ni Thea.
" Thea pakisabi kay Ian pakihanda ng ambulansiya nila at emergency room" saad ni Zuriel bago ako hinatak papasok sa taxi.
"Ako na bahala Zuri" pahabol na saad ni Thea...
Nang makapasok kami sa sasakyan agad ko sinabi saan hospital sa driver.
"Paki-bili--san naman po Ma-nong . " nanginginig ko saad.
"Opo Ma'am.. "
" Flint... " usal ko kasabay naramdaman ko pagyakap sa akin ni Zuriel.
"Ang anak ko... " sambit ko.
"Shhhh... Walang masama mangyayari kay Flint baby. "
Ilang sandali at nasa ganun kami sitwasyon tumunog cellphone ko at agad ako humiwalay kay Zuriel. Dahil sa panginginig ko kinuha ni Zuriel ang cellohone, siya na rin nagbasa ng mensahe mula kay Clarence.
Clarence: Ate nandito kami sa parking area po, si Claire nawalan ng malay, at si Flint po dumudugo sugat niya sa ulo.
"Shit!.. " wika ni Zuriel.
"Anu nangyari Zuriel? Akin na cellohone ko. " Hindi nito binigay at mas lalu ako kinabahan.
Agad nito kinuha ang cellohone niya meron tinawagan.
"Dalawang ambulansiya bro kailangan, pakibilisan. " saad nito sabay patay ng cellohone at niyakap ulit ako.
Hanggang makarating kami wala na nagsalita.