CHAPTER TWENTY- THREE

" Ingat kayo Zuriel at dahan-dahan sa pagmamaneho." saad ni Lhes.

Wala na ako nagawa pa kundi sumama na lang kay Zuriel para makapagpahinga

Hindi na ako tumanggi pa dahil sa pakiusap na rin nila Thea dahil alam nila sitwasyon ko at naisip ko rin ang batang nasisipupunan ko kailangan ko din magpahinga. Medyo malayo din ang inuupahan namin bahay kung duon pa ako uuwi.

Tatlong araw na simula pagkasunog ng Hospital..

Ayun sa balita sinadya ang pangyayari wala pa lead kung sino may gawa at kung anu dahilan kung bakit pinasunog ang hospital buti na lang naagapan agad ang sunog na hindi na kumalat sa buong building.

Sobra pasalamat ko sa Diyos at kay Claire buti nalang matalas pang-amoy nito na amoy agad meron nasusunog at duon mismo ward area kung saan naroon sila Claire. Mabilis ang kilos ni Claire nailabas si Flint sakto pagkalabas nila narinig nila pagsabog buti nalang lahat na nasa kwartong iyon nakalabas na lahat.

Madali rumispunde ang mga bombero mabilis din natupok ang apoy na hindi nagkalat pa sa buong building.  Nang din araw iyon nagising si Flint tatawagan na sana ako ni Claire para ipaalam sa akin pero kasabay nito ang nangyari.

Sa parking area naghintay sila Clarence, naabutan namin karga si Flint at si Claire nawalan na ito malay nasa tabi ni Clarence at Hindi ko inaasahan makita duguan na mukha ni Flint dahil bumukas ang sugat nito.

Limang minuto nang dumating kami ng makatanggap si Zuriel ng tawag kay Ian na pinaalam nito nakarating na ambulansiya galing sa hospital  ng pagaari ng pamilya nila Ian...

Pagdating namin nakahanda na lahat at pinasok na sila Flint sa ER.

Dahil sa pagbukas ng sugat ni Flint agad na inoperahan ito. Successful ang operasyon at ngayon naghihintay nalang kami magising siya.

Okey na lahat kay Flint at si Claire gising na rin.

Dahil meron private nurse na kinuha si Zuriel at magpapaiwan naman si  Claire at Clarence kaya pumayag na ako umuwi at magpahinga muna at wala na rin ako nagawa na sa condo muna ako ni Zuriel uuwi wala din ako kasama sa bahay at ayaw din pumayag sila Thea at lalu na si Zuriel, hindi na ako magmatigas pa kasi meron pa isang buhay na kailangan ko alagaan.

"I will, ingat din kayo." saad ni Zuriel kila Thea bago kami tuluyang umalis.

Nagbisita ang mga ito...

Tanging tango naman sagot ng mga ito bago pumasok sa kani-kanilang sasakyan..

Sobra pasalamat ko sa kanila kahit busy ang mga ito nagawa pa rin nila bumisita para kumastahin ako at si Flint.

Ngayon ko nakita kung gaanu kaimportante ang samahan nila, problema ng isa problema ng lahat kita kung paanu sila nagdadamayan despite sa mga hectic nila schedule sa mga buhay nila...

Swerte ko nakilala sila balang araw maibabalik ko rin ang tulong na naibigay nila sa akin...

"Let's go baby." yaya sa akin ni Zuriel at kasabay ng paghawak nito sa kamay ko at ginaya papunta sa sasakyan nito.

Habang nasa daan wala kami imikan..

Sabi nila kapag nagmahal ka kaakibat nito ang sakit dahil totoo ang pagmamahal mo at tama nga naman masakit kasi nagmahal ka ng totoo na akala mo mahal ka rin pero hindi pala...

Minsan naisip ko at natanong ko sa sarili ko ito na karma sa akin 'yung mga nangyayari sa akin ngayon at ito ba kapalit ng pagkakamali ko noon.

Kung kailan sunod sunod ang dagok sa buhay ko saka naman nawala ang mga taong inaasahan ko masasandalan ko ngayon pero wala. Kung wala sila Thea pakiramdam ko iniwan na nila ako, si Yana kuya Damian at Lola.

Dumadating sa punto gusto ko na rin sumuko pero hindi puwede lalu na ngayon dalawa na sila. Naniniwala ako darating ang araw lahat ng sakit at hirap na nararanasan ko ngayon mawawala din at makakatam ko din kaginhawaan kasama ang dalawa ko anak na siyang magiging lakas ko para patuloy na lumaban sa buhay.

"Baby andito na tayo." saad ni Zuriel dahil sa malalim iniisip ko Hindi ko napansin ibang daan pala tinahak namin, hindi sa condo, nabigla ako sa nakita kong bahay hindi ito ang bahay mansion nila dito Maynila.

Agad ako napalingon kay Zuriel..

"Nasaan tayo? tanong ko dito na inaasahan na nito magtatanong ako...

"Sa bahay natin baby." sagot nito kasabay pagbukas ng pinto nito at tinungo ang pintuan sa tapat ko binuksan pinto ng sasakyan na agad naman inilahad kamay nito sa akin ng mabuksan ang pinto at inabot ko naman kamay niya.

Hindi pa maproseso sagot nito sa akin

Anu bahay namin?...o napamali lang pandinig ko. Agad na giniya ako nito papasok ng bahay...

May dalawang kasambahay na sumalubong sa amin na alam na siguro darating kami...

"Good Evening Ma'am Sir." bati ng dalawang kasambahay sa amin...

"Magandang gabi po." bati ko sa kanila..

"By the way Manang this is Jewel...my future wife at simula ngayon makakasama niyo na siya dito sa bahay." saad ni Zuriel na pare-pareho naman kami nabigla sa sinabi nito.

"Welcome po Ma'am Jewel." nakangiting saad ng dalawa.

Akmang magsasalita ako pero naunahan na ako ni Zuriel..

"Puwede na kayo magpahinga Manang...".saad nito sa kasambahay  ..

"Sige po Sir." paalam ng medyo may edad ng babae at sumunod dito ang dalawang babae medyo bata pa baka kaedad ko lang siguro..

"Let's go to our room and you need to rest now Baby." yaya nito sa akin pero hindi kumilos nanatili ako nakatingin sa kanya.

"Bakit sinabi 'yun? alam mo at malinaw na sa atin nilinaw ko na sayo di ba? huwag mo na pilitin dahil walang magbabago sa desisyon ko, wala na Zuriel, wala na...

Kapag okey na si Flint at puwede ng ibayahe aalis na kami babalik na kami kung saan magiging tahimik na buhay namin. Don't worry lahat ng ginastos mo babayaran ko kapag nakuha ko na pera sa pinagbentahan namin ng karinderya at talyer. Thank you sa lahat Zuriel. Ipapanalangin ko mahanap mo na siya.".

Nakita ko pagigting ng  panga nito dahil sa huling sinabi ko. Gustuhin ko man sabihin ang pagbubuntis ko pero ayokong maging hadlang kung kanino siya liligaya at hindi sa akin yun.

It's better to let go and forget everything  than to give him a second chance kung sa huli masasaktan lang ako kapag dumating ang panahon o araw na mahanap ang taong totoong mahal nito.

"Wala aalis Jewel, dito kayo titira ni Flint kapag nailabas na siya ng hospital." madiin ang bawat salita binitiwan nito at ramdam ko galit at nagtitimpi lang ito.

"Buo na desisyon ko Zuriel, hindi mo kami responsibilidad wala ka sa amin responsibilidad." madiin ko saad ko sa kanya.

"Baby please don't leave me again. " pakiusap niya at dahan-dahan ito humakbang at agad yumakap sa akin.

"Mahal kita baby, believe me. " bulong nito sa akin.

'I hate you !I hate you!." saad ko dito

"I love  you baby..."

"I hate you!." saad ko habang pinaghahampas ko siya likod nito at tuluyan na ako napaiyak hanggang sa unti-unti na ako nawalan ng lakas sa paghampas sa kanya...

"Sssshhhhhhh I'm sorry baby, please stop crying." pakiusap nito habang hinahagod ang likod ko at habang dahan-dahan ako nito ginigiya pataas ng hagdaan..

Ilang sandali pa nasa loob na kami ng kwarto...

Inalalayan ako nito makaupo sa kama...

Humiwalay ito sa pgkakayakap sa akin at lumuhod upang magpantay ang aming mukha.

"You want take shower baby?" malambing na tanong nito sa akin.

Tanging tango lang naging tugon ko sa kanya.

"Okey baby, wait and I will prepare your clothes and that door our bathroom, you can take shower now while I'm preparing your clothes." bago tumayo ito humalik muna ito sa aking noo at tinungo ang isang malaking cabinet.

At tinungo ko na ang bathroom..

Ilang sandali natapos na rin ako

Sumunod na rin siya naligo.

Pakatapos makapagbihis nauna na ako nahiga...

Ilang sandali pa naramdaman ko na paghiga nito sa tabi at yumakap sa akin, iniangat nito ang aking ulo dahan-dahan inilapat sa malapad nitong dibdib..

Namiss ko ang ganito, ang makulong sa matitipunong braso niya 'yung feeling na walang makakapanakit sa iyo poprotektahan ka niya.

Hindi ko mapigilang mapayakap na rin sa kanyaqq.

"Good night baby, I love you. " bulong nito sa akin pero nanatiling tahimik lang ako.

Hindi ko pa alam...

Natatakot pa rin ako dahil sa huli masasaktan na naman ako..

Sana nga mahal na niya ako 'yung ako talaga...

Sa ngayon hindi ko pa muna masasabi nagdadalang tao ako gusto ko makasiguro ayoko maging rason para manatili siya dahil sa anak namin.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.