CHAPTER TWENTY- FOUR

"Tawagan mo na lang ako baby kapag tapos na kayo ni Clarence." paalala ni Zuriel ng maihatid kami sa dati namin inuupahan.

Kukunin namin mga gamit namin naiwan lalu gamit nila Clarence. Hindi ko puwede iwan ang dalawa dahil sila ang naging karamay ko sa mga nangyari sa amin ni Flint.

Si Zuriel na rin nagdesisyon isama ko ang dalawa hindi na rin ako nagdalawang isip pa dahil wala na rin mga magulang ang mga ito at gaya namin nagrerenta din ang magkapatid.

Laking pasalamat ko na okey na si Flint.

Nakakapaglakad na rin ito pero kinakailangan pa rin meron nakakaalalay sa kanya. Kumuha si Zuriel ng private nurse habang hindi pa nakakabalik sa normal si Flint.

Kung ako lang ayaw ko na sana kumuha ng private nurse kasi kaya ko naman, iniisip ko kasi paanu na ako makakabayad kay Zuriel. Sa ayaw at gusto niya kailangan ko 'yun bayaran mga ginastos niya. Hindi naman sa mataas pride ko kundi hindi niya naman responsibilidad  si Flint.

Gustuhin ko man umalis kami at bumalik sa probinsiya pero iniisip ko mga anak ko at kambal dahil hanggang ngayon nasa isip ko pa rin 'yung sulat na binigay sa akin ni Claire  ayoko sila madamay at natatakot ako may mangyari na naman kay Flint. Isa pa ito sa dahilan ko para pumayag na muna dito kami tumira pansamantala hanggang inaalam ko pa sino nagpadala ng sulat na iyon.

At gusto ko rin puntahan mga magulang ko panahon na siguro makipagkita ako sa kanila.

Sana na napatawad na nila ako. Gusto ko rin makilala nila ang apo at makilala ni Flint ang Lolo at Lola niya at ang kanyang Tita na kapatid ko.

"Okey, salamat sa paghatid." saad ko bago lumabas ng sasakyan, nauna na bumaba si Clarence na naghihintay sa akin sa may gate namin. Bago pa ako makababa marahan nito hinila braso ko dahilan para mapaharap ako sa kanya ulit. Ginawaran niya ako ng halik sa aking noo. We're okey pero as long as hindi pa settle lahat malabo pa sa amin ni Zuriel. Mahirap na magtiwala ulit.

"Salamat ulit." tuluyan na ako bumaba at hindi ko na hinintay pa magsalita pa ito. Nang makapasok ako sa bahay saka ko lang narinig tunog ng sasakyan na umalis na ito..

Kahit anu pilit na samahan niya ako hindi ako pumayag hindi sa ayaw ko pero mas importante makapunta siya kompanya nila dahil sa mga meeting na kailangan niya puntahan. Hanggang ngayon wala pa rin malay si Kuya Damian balita sa akin nila Thea ng araw na paglabas ni Flint...

"Clarence ako na bahala dito, konti lang naman gamit namin na kukunin ko at 'yung sa inyo ni Claire kunin mo na huwag mo kalimutan 'yung mga importante gamit na kailangan lalu na 'yung para sa pagenroll niyo next year." wika ko.

Pinangakuan sila ni Zuriel na papag-aralin sa susunod na taon ang kambal sila tatlo nila Flint sa iisang private school na sila. Ayaw sana nila Clarence pero sa huli pumayag rin pero may kondisyon ang dalawa 'yun tumulong sa mga gawaing bahay ayaw sana ni Zuriel pero pumayag na rin wala ito nagawa kesa naman hindi pumayag ang dalawa sa pagpapaaral niya.

Sa ngayon magsasangayon muna ako sa desisyon ni Zuriel para na rin kay Flint at kila Clarence hanggat hindi ko pa nalalaman kung sino ang nasa likod ng na nangyari kay Flint. Napagdesisyon ko rin magtrabaho para sa personal na pangangailangan ng tatlo na ayaw ko naman iasa lahat kay Zuriel...

"Sigurado po kayo Ate? tulungan ko muna kayo bago kunin ko 'yung gamit namin." wika ni Clarence.

"Oo, kaya ko na Clarence at kailangan din matapos agad mamaya pupunta pa tayo kila Lhes." saad ko

"Sige po Ate."paalam nito sa akin.

Agad ko inayos ang mga damit namin ni Flint.

Napagdesisyonan ko na rin na ipamigay ang iba damit ni Flint dahil binilhan ito ni Zuriel habang kay Yana ipapamigay ko na rin wala na ako balita sa kanya. Palagi ko pinapanalangin sana nasa mabuting kalagayan siya.

Ang huli ko inaayos ang isang kahon na naglalaman ng importante  bagay mga larawan ni Flint noong baby pa siya at mga larawan namin nila Yana Lola at kuya Damian.

Hindi ko akalaing na ang masaya namin samahan sa probinsiya sa paglipat namin dito sa Maynila magbabago lahat-lahat.

Hindi ko maiwasang mapaluha...

Nanumbalik sa akin ang masasayang araw na magkakasama kami sa probinsiya...

Isinilid ko ulit ang mga larawan sa kahon.

Nahagip ng mata ang kwintas na binili ko noong field trip namin noong high school. Tatlong pendant nito pero nawala ko ang isa. Kaya dalawa na lang isa kay Flint at isa sa akin.

Tree of Life Medallion Necklace

Naalala ko sinabi ng matanda na isa rin manghuhula hinawakan nito ang kamay ko...

Hindi ko makakalimutan sinabi niya..

"Ineng meron mangyayari sa buhay mo isang pagkakamali ang mangyayari na magpapabago ng buhay mo at ito medallion kakailangin mo, ito magiging daan para mahanap mo ang mga sagot sa mga katanungan mo sa mangyayari saiyo sa kinakaharap at ito magiging tulay at solusyon  sa lahat ng problema mo at magiging dahilan na tuluyan ng makuha kaligayahan na inaasam mo pero hindi madali marami pasakit mararanasan mo muna." saad ng matanda sabay hila ko ng kamay ko mula sa kanya.

Sa huli binili ko pa rin ang kwintas dahil gustong gusto ko. Pinagwalang bahala ko na lang sinabi ng matanda.

Saktong natapos ako nakabalik na rin si Clarence  dala mga gamit nila, dalawang box. Dinala na lahat ni Clarence sa labas ng gate ang mga gamit namin habang kinakausap ko ang landlady ng inupahan namin..

'Salamat po Manang Celia." saad ko sa matanda..

"Walang anuman, magingat kayo sa pupuntahan niyo kung saan man at sana mahanap mo na rin si Yana, isasama ko siya sa panalangin ko lagi

Ikaw na bahala kila Clarence gustuhin ko man kupkupin ang dalawa pero kulang pa din kita namin at kampante naman ako na magiging okey sila sa'yo Jewel."

"Sana nga makita ko na si Yana Manang.

At huwag kayo mag-alala ako na bahala kila Clarence at kapag may oras kami pupunta kami dito para bisitahin namin kayo."

"Salamat dito sa pera sobra binayad mo sa akin Jewel at pagpalain ka ng Diyos anak..."

"Walang anuman po Manang sige po aalis na po kami paparating na sundo namin at ingat din kayo.." paalam ko

"Oo anak, salamat ulit."

"Baka sa makalawa makapunta ako dito, makikipagkita ako sa nakabili ng puwesto namin ng talyer at karenderia at pakikumusta na lang po kami kay kabute..."

"Okey anak, ako na bahala magpaliwanag kay kabute."

"Sige po Manang alis na kami." Tumango ito bilang tugon at tinungo ko na rin ang labas ng gate at nasa kabilang kalsada si Clarence sa isang tindahan, bumili ata pagkain namin.

Nang makalabas ako tinawagan ko agad si Zureil..

Pero sa dinaasahang pangyayari habang hinihintay ko sagutin ni Zuriel ang tawag ko, isang sasakyan napansin ko mabilis ang patakbo nito patungo sa kinaroroonan ko at hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan sigaw ng mga tao narinig ko. Napapikit na lang ako at isang malakas na preno narinig ko at mga mura ng mga taong naroon, naramdaman ko may yumakap sa akin dahan-dahan ko minulat mata ko at nakita ko si Clarence na kita ko takot nito sa mga mata.

Sabay kami lumingon sa sasakyan na nasa harapan namin ng marinig namin ang malakas na busina.

Laking gulat ko ng makita kung sino nagmamaneho nito. Hindi ko inaasahan, kita ko sa mga mata nito ang galit at ilang sandali pagtitigan namin pinaharurot na nito ang sasakyan

" Yana. . . " mahina sambit ko.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.