CHAPTER TWENTY- SIX

"Baby huwag ka muna magkikilos kailangan mo pa rin magpahinga at sila Manang bahala sa lahat. Just eat and rest habang nasa trabaho ako and dont worry about Flint nandyan naman sila Claire para magbantay." paalala ni Zuriel habang kumakain kami ng agahan.

Kahapon lang ako lumabas ng hospital dalawang araw ako wala malay. Sobra pasalamat namin na walang nangyari masama sa Baby namin. Pagkagising ko mukha agad ni Zuriel bumungad sa akin at agad ako nagsorry sa kanya dahil sa Hindi ko agad nasabi pagbubuntis ko. Kung nawala ang baby namin hindi mo mapapatawad sarili ko. About naman sa nangyari hindi muna namin pinaguusapan dahil maselan pagbubuntis ko at alam ko patuloy pa rin sila Zuriel sa pagiimbestiga baka nga kapatid ko na ang pinagduduhan sa mga nangyari sa amin ni Flint, possible siya, dahil siya lang pumasok sa isip ko na meron galit sa akin. Speaking of Era, si Era at Ava iisa at ibang-iba na siya ngayon at angat na sa buhay at isang malaking tanong paanu sila nagkakakilala nila Zuriel at mga kaibigan nito at nasaan sila Mama, magkakasama kaya sila? at sa nakita mayaman na sila. Pero sa ngayon kailangan ko muna magpahinga ng maayos at dami bawal sa akin ni Zuriel at wala naman ako tutol kasi para sa amin ng anak namin para sa ikakabuti.

Huling usapan namin ni Zuriel darating na pamilya nito at mag-uusap  na sila at doon ko na rin malalaman ang lahat. At hindi na rin ako nangulit pa kay Zuriel. Next week darating mga magulang ni Zuriel at kasama si Kuya Damin at huwag ko na rin daw isipin muna si Yana kasi tuloy pa din paghahanap nila sa kanya.

"Masusunod kamahalan..." nakangiti ko pagbibiro ko sa kanya....

"Good Mahal na Reyna." pagsasakay niya naman sa biro ko.

" 'Yung damit mo hinubad nasaan na?" tanong ko nauna na kasi ako bumaba sa kanya mula sa kuwarto namin dahil gusto ko na kumain ng lugaw na niluluto ni Manang.

"Nanduon na baby sa ibabaw ng kama natin." sagot nito at tumango naman ako..

Ilang sandali natapos na rin kami kumain at kasabay nito pagpaalam na aalis na.

"Tawagan mo ako if you need something Baby." saad nito bago pumasok sa loob ng sasakyan. Tumango ako at ngumiti sa kanya at yumakap ako.

"I love you baby at ingat po sa pagmamaneho." bulong ko.

"I will baby , I love you too..."saad nito kasabay pagkalas mula sa pagkakayakap sa akin....

Nang mawala na sa paningin ko sasakyan pumasok na rin ako loob ng bahay gaya ng sinabi ni Zuriel nanatili lang ako sa loob ng kuwarto habang nagbabasa ng mga libro.

Tulog pa rin kasi si Flint puyat kakalaro ng games sa tablet nito. Napagkasunduan na talaga namin sa sunod na taon na lang ulit mag-aaral. Kahit pa man okey na lahat kay Flint gusto pa rin makasiguro namin na fully recover na siya at yung balik normal na lahat na wala na bata sa buhay namin.

ZURIEL

"Zuriel dumating na result ng DNA niyo ni Flint." saad ni Ian sabay abot ng brown envelope nito sa akin.

Agad ko naman kinuha iyon. Hindi ko maiwasan kabahan dahil ayoko madisappoint. Alam ko simula palang nakita ko si Flint meron na ako iba naramdaman para sa bata, magaan ang loob ko sa kanya ' yung sinabi nila lukso ng dugo.

Everytime na titingnan ko siya nakikita ko sarili sa kanya noong bata pa ako, even his attitude akong- ako noong bata, suplado pero malambing.

Ayaw ko man gawin ito pero gusto makasiguro not because na masigurado anak ko talaga just because I want to make sure na ang matagal ko hinahanap na babae ay si Jewel.

My friends praying and hoping na sana si Jewel and I've already told them about the pendant na kapareho kay Jewel, because of that mas lalu silang umaasa na si Jewel ang matagal ko na hinahanap. Slowy I open the envelope then the moment I saw the result hindi ko maiwasan pasigaw.

"YES!." sigaw ko na parang nanalo ako sa lotto at kahit hindi magtanong si Ian he knew dahil sa reaksyon ko.

"So kailan mo ipapaalam kay Jewel?" tanong ni Ian kita ko rin sa mukha nito labis na tuwa what more pa kaya malaman nila Thea at lalu na ni Jewel and finally I found her.

"Paguwi nila Mom and Dad at ni Kuya magkakaroon ng party at duon ko sasabihin sa kanila." nakangiti ko sagot sa kanya na para ako baliw, totoo naman mababaliw ka ilang taon din paghahanap ko kay Jewel at lalu na meron na kami anak.

"Sa wakas nahanap mo na rin 'yung taong mahal mo noon at ngayon ay iisa lang pala. Kahit hindi natin ginawa 'yung DNA test alam namin anak mo si Flint and even Tita and Tito will prove that." saad ni Ian.

"Yeah I know but i want to make sure kasi ayoko masaktan sa huli pero kung sakali hindi si Jewel 'yung hinahanap ko babae wala naman magbabago siya na mahal ko and i will accept  Flint na ituturing kong tunay na anak Ian at kung magtagpo kami noong babae kung sakali hindi si Jewel sa huli si Jewel pa rin pipiliin ko kahit meron kami anak, siguro hindi ganun kalalim pagmamahal ko sa babaing hinahanap ko dahil ng makilala ko si Jewel, naisip ko hindi na ituloy ang paghahanap sa kanya, Jewel is my everything at gagawin ko lahat para sa kanya.

"Kita ko nga sa mga mata mo Zuriel kung gaanu  mo kamahal si Jewel. Pero maiba ako Zuriel about kay Ava hindi 'yon titigil and si Summer anak mo siya at kahit na sabihin mo wala nangyari sainyo ni Ava pero 'yung DNA result nakita mo naman di ba at pinaulit mo pa same pa rin 'yung result.."

"Maguusap kami ni Ava...I don't know pero para may pakiramdam ako may mali at tinatago si Ava."

"Paanu mo nasabi?"  kita kong may pagtataka mababakas sa mukha nito..

Ilang taon na rin namin kilala si Ava. We met her with one of our business  partner in State which Kuya William the CEO of the our Company..

Ava is adopted daughter as we knew..

As for Mr and Mrs Luther nakita lang nila sa isang establishment si Ava na minsan nagbakasyon sila dito sa Pilipinas..

Maulan noong time na yun na nakita nila ang dalaga basang basa at nanginginig sa lamig at ulan. Nang lapitan nila ito umiiyak at tuliro..

Punit punit ang damit..

Dahil sa awa at wala din sila anak kinuha nila ito

Dinala sa State at pinagamot..

Isang buwan nakalipas nalaman nila buntis ito..

At that time wala pa rin kibo at tulala pa rin ito..

Nang makita lumalaki tiyan nito duon na rin nagsimula magsalita at naalaala mga nangyari sa kanya walang araw na lagi ito sumisigaw at pinagsusuntok ang tiyan para mawala ang bata..

At minsan tanungin ito kung bakit gusto alisin ang bata sa sinapupunan niya..

She said "I was raped"..

Nang malaman ng mag-asawa Luther ang nangyari kay Ava mas lalung nag-udyok sa kanila ampunin na ito ng tuluyan at ibigay dito ang pangalan nila at binigay lahat kay Ava.

Hanggang nanganak ito nakakaalalay ang magasawa. Pero hindi inaasahan pangyayari naaksidenti ang mag-asawa at dahil sa nangyari nagkaroon ng kasunduan between my family at mag-asawang Luther at abogoda ng mga I to tumungo sa among bahay at binasa ang nakasaad sa last will nito na nakiusap na just for public publicity ipalabas na kasal na si Ava which is kay Kuya William for the reason na baka dumating 'yung time na maungkat ang nakaraan ng dalaga at bumalik ito sa dati  lalu na gusto angkinin ng pamilya ng Luther ang naiwang kayaman ng mag-asawa, tinanggap namin ang deal but in one condition  kapag nakita na namin ang babaing mamahalin namin it will be the end of deal and it was agreed.

But Ava fall inlive with me not with Kuya William . Nang malaman ko 'yun sinabi ko totoo sa kanya na meron na akong mahal na iba.Umiiwas na ako sa kanya after that

At gaya ko wala din balak na mahulog ang loob ni Kuya kay Ava.

'Yung akala ko hindi magkakaproblema at makakaiwas na ako pero noong araw na iaannounce na pekeng kasal sana, nangyari ang aksidenti ni Kuya dalawang linggo simula ng makauwi ito dito Pilipinas and it takes two months para sabihin ng pulisya na closed  na pagiimbestiga at dineklara na patay si Kuya and because of that sa akin napasa ang deal na dapat kay Kuya at wala ako nagawa kasi pinanghahawakan ko kondisyon na 'yun at walang araw na lagi ako tumatawag kay Ian tungkol sa pagpapahanap ko sa babaing minsan nakaone night stand ko ng umuwi ako dito..

Years passed nawawalan na ako pagasa..

Until one day, bumalik na kami sa Pinas kasama si Summer  at naiwan si Ava sa state dahil sa kompanya niya hindi basta-basta maiwan.

Nang araw na umuwi kami at siya naman nakilala ko ang magiging Yaya Ni Summer which is, si Jewel. Unang kita ko palang at ng magsalita ito familiar na sa akin hanggang nahulog na ako sa kanya, una iniisip siya 'yung babae hinahanap ko but then I've realized noong bumalik ako sa state para ipagamot si Kuya, na mahal ko na siya hindi sa babaing nakaraan ko kundi siya na si Jewel.

Gustong kong umuwi na noon dahil hindi ko na siya makontak even Thea wala na sila kontak kay Jewel sobra nag-aalala ako kasi that time na nasa hospital si Kuya na nagkamalay ito 'yun din ang araw na umalis si Yana, kaya alam ko hindi okey si Jewel.

Nakiusap ako kay Mommy na mauna na ako umuwi ng dito sa Pilipinas. Pinahanap ko sila sa private  investigator na kakilala ni Maru pero wala sila nahanap na impormasyon.

Nawala na rin sa isip ko 'yung babaing pinapahanap ko. Nasabi ko sa sarili ko hindi siya para sa akin at kung pagtatagpuin kami ng tadhana at kung sakali man nagbunga ang nangyari sa amin gagawin ko nararapat at 'yun maging ama sa anak namin kung meron man hanggang duon lang 'yun dahil sa ngayon sigurado na si Jewel ang mahal ko.

After one month nakauwi ako and that time nagkita kami sa bahay nila Thea na hindi ko inaasahan na gaya rin niya. At nalaman ko lahat..

And now masaya na ako, sobra SAYA.

"Dalawang taon namin sa States nakita ko paanu niya itatrato si Summer na parang hindi anak, kaya malapit kami ni Summer at lagi wala time si Ava kay Summer kahit paghatid sa school noong bata pa hindi maihatid kaya siguro malapit agad si Summer kay Jewel dahil naghahanap ito ng kalinga ng isang Ina, and about sa DNA test result alam ko may mali duon. Ngayon okey na lahat ipapaDNA test ko ulit si Summer na hindi nalalaman ni Ava and I'll make sure na lalabas na 'yung totoong resulta. Gusto makapgfocus na magiina ko at gusto bumawi sa kanila lalu na kay Flint at Jewel na ilang taon naghirap at Gusto ko ibigay 'yung buhay na nararapat sa kanila, si Jewel  na marami siya isinakkripisyo at hirap na dinanas sa buhay para mabuhay lang si Flint at si Flint para mabuo ang pangarap na nagkaroon ng ama at buo pamilya." sobra saya ko at walang mapaglagyan kasiyahan

"Masasabi ko lang Zuriel masaya ako para sayo at may sarili ka na rin pamilya, don't worry tutulungan ka namin nandito naman kami lagi..

Sabihin mo lang kila Thea kung kailan planu niyo magpakasal sila Thea na bahala tulungan si Jewel sa preparation niyo.."

"Thanks bro..."

"Welcome bro, so paanu 'yan mauna na ako naghihintay na si Misis susunduin pa namin anak namin." paalam ni Ian

"Sige, ingat Bro at salamat ulit."

"Ingat sa pagdrive bro sobra saya mo pa naman ngayon ikakasal ka pa.."

"I will bro .."

Tumango lang ito bilang tugon at umalis na rin...

Inaayos ko na rin gamit ko para makauwi na sa bahay. Gustuhin ko man sabihin na kay Jewel pero gusto ko andito sila Mommy  na kompleto kami.

And the deal is over..

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.