CHAPTER TWENTY-SEVEN

"Baby, you look pale puwede naman natin ipagpaliban muna ito at baka makasama sa inyo ni baby." nag-aalalang saad ni Zuriel.

Nandito  kami sa lugar kung saan ako lumaki.

Napagdesisyon ko puntahan sila Mama kahit ipagtabuyan nila ulit ako, tatanggapin ko 'yun kasi alam ko nabigo ko sila ako inaasahan sana nila noon na aahon sa kahirapan ng aming pamilya. Nagbabasakali mandito pa sila at maganda na ang buhay gaya ni Era.

"Ayos lang ako nandito na rin tayo and don't worry wala naman mangyayari masama at hindi naman nila ako ulit sasaktan, gusto ko na matapos ito kahit hindi nila mapatawad tatanggapin ko iyon magulang ko pa rin sila at saka nandiyan ka naman." pagkukumbinsi niya sa akin, kanina pa bago kami umalis

Napagusapan na namin ito sinabi ko lahat ang nangyari noon at lahat-lahat wala ako tinago sa kanya. Alam kung hindi siya lubos na sang-ayon dahil inaalala niya kami ni Baby. Plano na sana niya kapag nanganak na ako saka pupuntahan sila Mama, pero hindi ako sumang-ayon ayoko na palipasin pa madami na taon ang nasayang nagbabasakali lang naman ako tatanggapin nila ulit ako at para matahimik na rin kami pare-pareho bago ako harapin ang bagong kabanata ng buhay ko ang pagbuo ng sariling pamilya. Gusto ko rin makilala ang apo nila at makilala sila ng apo nila at makilala si Zuriel.

"Okey Baby." pagsang-ayon nito at bumaba na ang driver nito at pinagbuksan kami.

Bago ako lumabas huminga na muna ako malalim, kaba at takot ang nararamdaman ko hanggang ngayon kahit ilang taon na rin nakalipas pero para sa akin parang kahapon lang nangyari.

I missed them sobra.

Pagbaba palang namin sa sasakyan nasa amin na agad ang atensyon ng iba. Marami na nagbago mas dumami ang bahay. Marami na mga tao bago sa paningin ko. Hindi naman ito maihahalintulad sa squatter  area ang lugar namin. Mababait ang mga taong nandito kung minsan nagigipit kami sa mga kapitbahay namin kami nakakakuha tulong...

Kailanman hindi ko makakalimutan ang lugar na ito kahit saan man ako magpunta..

"Let's go baby." yaya ni Zureil kasabay ng pagsiklop ng kamay namin.

Sa likod namin ang tatlong body guard ni Zuriel na mas lalu nagbigay atensyon sa mga taong nakakakita sa amin hindi puwede wala bodyguard  na kasama simula noong nangyari sa amin ni Flint. Sobra higpit ni Zuriel.

Di ba si Jewel yan..

Ang yaman na...

Lalu gumanda siya...

Bakit ngayon lang bumalik dito?..

Buti alam niya pa daan pabalik dito...

At buti kamu naisipan pang bumalik ..

Mga salita naririnig  ko habang papasok kami sa iskinita. Kita ko ang mga mapanuring mata nila.

Sa wakas nakarating din kami feeling ko ang layo ng nilakad namin dahil sa mga taong nakamasid sa amin. Simpling bahay ang meron kami sementado naman ito..

Nasa likod ko si Zuriel na nakaalalay pa rin sa akin. Dalawang kamay nito nakahawak sa aking bewang.

Akmang kakatok na sana ako ng bumukas ang pintuan. Isang babae kaedaran ko ang bumungad sa akin

"Sino po sila?"nakakunot- noo na tanong niya.

"Ako po 'yung anak ng may-ari ng bahay na ito." sagot ko dito.

"Pasensiya na, pero hindi ko kilala ang may-ari ng bahay na ito, nangungupahan lang kami dito, ang alam ko pangalan si Selda ' yung nagpaparenta dito at sa kanya kami nagbabayad ng renta." sagot nito

"Pinaparentahan ito bahay namin?"pag-uulit ko at tumango ito bilang sagot.

Sasagot na sana ng may tumawag sa akin na ikinalingon ko agad...

" Jewel!.. " tawag nito sa akin.

"Tita Selda."saad ko at agad ko nilapitan..

Napansin ko maputi na buhok nito..

Kapatid siya ni Papa..

"Jewel, ikaw nga akala ko hindi ka na babalik dito." saad nito sabay yakap sa akin.Hindi maiwasan mapaiyak ito at ganun din ako at

Naramdaman ko paghagod ni Zuriel sa likod ko.

Ilang sandali kumalas si Tita sa pagkakayakap sa akin.

"Halika kayo duon na tayo sa bahay magusap." yaya sa amin ni Tita Selda. Naguguluhan ang sa nalaman ko. Sumunod kami dito..

"Sandali lang at kukuha ko kayo makakain muna, dito muna kayo." paalam nito sa amin ng makapasok kami sa bahay nila.

"You okey baby?".tanong ni Zuriel habang naghihintay kami kay Tita, alam ko nagalala ito.

"Okey lang ako." Nakangiti ko saad sabay hawak sa kamay niya. Ilang sandali pa bumalik na rin si Tita. Dala dala ang pagkain.

"Pagpasensiyahan niyo na pagkain naihanda ko." wika nito ng mailapag ang tray na may lamang pagkain.

"Okey lamg Tita sanay naman ako nito."

"Oo ikaw, pero 'yung kasama mo baka hindi mukhang mayaman baka 'di sanay sa ganitong pagkain." saad ni Tita.

"Okey lang po Ma'amkumakain naman ako niyan, hindi naman kami gaya ng ibang mayayaman na iniisip niyo po." magalang na saad ni Zuriel.

Napangiti naman ako sa sinabi ni Zuriel..

At totoo naman kasi 'yun wala sila arte sa pagkain dahil naobserbahan ko 'yun sa kanilang pamilya at mga kaibigan nito..

"Siya nga pala Tita si Zuriel po asawa ko po, Zuriel si Tita Selda kapatid ni Papa." pagpakilala ko sa kanilang dalawa.

"Kinagagalak ko po kayong makilala Maam." saad ni Zureil sabay paghalik nito sa pisngi ni Tita na kinagulat nito..

"Kinagagalak din kita makilala iho...huwag muna na ako tawagjn Maam..Tita na lang tutal asawa mo na rin pala pamangkin ko.

"Sige po Tita."

"Oh siya kain na muna kayo." yaya nito sa amin at sinimulan na namin kumain at hindi na ako makapaghintay nagtanong na ako. Gusto ko masagot mga katanungan sa isip ko.

"Tita sila Mama po nasaan sila?" tanong ko

Kita ko lungkot sa mga mata nito at medyo nanununbig na mga mata nito. Hindi ko alam pero kinakabahan na ako. Agad ako napahawak sa kamay ni Zuriel. Marami pumapasok sa isip ko na baka huli na ako.

Huminga muna ito malalim..

"Anim na taon na nakalipas." pagsisimula nito na kita ko hirap magkwento sa amin,

Noong pinalayas ka nila dahil sa nangyari noon.

Isang buwan makalipas nalaman naman ng Papa mo may sakit ang Mama mo, breast cancer Stage 4, parang bomba sumabog 'yun sa amin hindi dahil sa perang kakailanganin kundi alam namin na wala na pag-asa na magtatagal buhay ng Mama mo, simula ng malaman namin 'yun, walang araw na hindi nagtatrabaho si Kuya para matustusan ang gamot ng Mama mo at lahat ginawa niya...kahit may sakit nagtatrabaho pa rin siya, napatigil ulit sa pagkukwento dahil sa hindi mapigilang mapaluha at ako nanginginig na ako sa takot na baka tama nasa isip ko at naramdaman ko pagpulupot ng braso ni Zuriel sa bewang ko..

"Calm down baby." bulong nito sa akin...

Ilang sandali nagpatuloy si Tita..

"Pero isang pangyayari ang nangyari pinagbintangan ang Papa mo nagnakaw ng pera sa pinagtatrabahuhan niya, singkwenta Mil. Kahit anu sabi ng Papa mo hindi siya ang nagnakaw wala din nangyari ipinakulong nila at kasabay ng pangyayari 'yun namatay ang Mama mo Jewel, na pangalan niyo ni Era ang tinatawag at huling nasabi niya "patawarin niyo ako", sa huling mga sa salita ni Tita duon na ako bumigay hindi ko mapagilang hindi umiyak kasabay ang pagyakap sa akin ni Zuriel..

"Baby." bulong ni Zuriel nag-aalala ito.

"Sobra sakit, huli na ako. " tanging saad ko

Pinapakalma na rin ako ni Tita.

"Buntis po siya Tita.."rinig ko saad ni Zuriel kay Tita habang nanatili nakayakap sa akin..

"Bumalik na lang kayo baka anu pa mangayri sa kanya at sana sinabi niyo muna." saad ni Tita na ikinalingon ko.

"Kailangan ko malaman lahat Tita..." kita ko sa mga mata nito ang pagtutol..

"Pero Jewel-----" 

"Gusto  ko malaman Tita please at hindi na puwede padaanin pa isang araw mas lalu ako hindi matatahimik..."

Tumingin si Tita kay Zuriel naghihingi ng permiso kung itutuloy ba o hindi..

Naramdaman ko naman pagtango ni Zuriel...

Tumango si Tita bilang kahit kita ko pagtutol nito. Nagpatuloy si Tita hanggang mapunta na kay Era..

"Noong araw ng Graduation mo ang alam ko sumunod 'yun si Ers sa bar kung nasaan kayo magkakaibigan pero noong araw din iyon ang huli namin nakita si Era, simula noon at hanggang ngayon wala na kami balita sa kanya.

Isang taon makalipas  may nakita larawan niya sa Facebook may kalong na sanggol nagbakasakaling kami na siya 'yun, nagmessage kami pero wala kami nakuha sagot, sabi na lang namin baka hindi siya 'yun baka kamukha lang ng kapatid mo at simula noon kapag pumupunta kami sa kulungan para bisitahin si Kuya Alex hindi na siya nagsasalita lagi sinasabi sa amin ng mga kasama niya hindi na tlga nagsasalita si kuya pero kung anu pinapagawa sa kanya ginagawa naman niya nga lang hindi nagsasalita hanggang ngayon at tiningnan naman siya ng Doctor wala naman sakit baka daw dahilan ng hindi pagsalita ng Papa Mo yung mga nangyari noon na hanggang ngayon hindi pa rin matanggap. "

Mas lalung napahigpit ako ng  yakap kay Zuriel dahil sa kalagayan Ni Papa. Ilang sandali katahimikan namayani sa amin. Nanatili ako nakayakap kay Zuriel..

"Jewel alam ko na hindi makakabuti na puntahan mo agad Papa Mo dahil sa kalagayan mo at baka anung manyari sainyo magina bukas o sa makalawa nalang." pagtutol ni Tita sa desisyon ko punatahan na namin si Papa..

"Kailangan ko na po siya puntahan..."

"Alam ko gusto mo na siya makita naiintindihan ko pero ìsipin mo muna sarili mo at baby..."

"Pupuntahan na natin si Papa mo ngayon...huwag ka na umiiyak Baby."malambing nito saad sa akin..

Tumango lang ako bilang tugon...

Tinupad naman ni Zuriel sinabi niya kasama namin si Tita...

Nang makarating kami sa lugar kung saan nakakulong si Papa agad namin tinungo ang loob. Ilang sandali tinawag na ito na isang pulis habang kami naghihintay sa waiting area. Sari sari emosyon nararamdaman ko. Hindi na ako halos bumitaw kay Zuriel.

Ilang sandali pa narinig ko na tinawag ni Tita kay Papa.

Agad ako umangat ng tingin tila ako binagsakan ng kung anu sa aking dibdib ng makita ko itsura ni Papa, hindi na ito gaya ng dati na maganda ang pangangatawan, ngayon maputi na buhok medyo kulobot ng balat at napansin ko sa lahat sobra payat na ito...

Hindi ko maiwasang mapaluha...

Agad ko tumayo at lumapit sa kanya na agad ko yumakap sa kanya at yumakap din siya akin.

"Papa." bulong ko sa kanya.

"Anak, Jewel. " tawag niya sa akin na kinabigla ko at lalu na Tita at hindi maiwasang mapaluha.

"Patawarin mo ako anak." saad niya sa basag na boses, nanatili kami magkayakap. Humiwalay  ako mula sa pagkakayakap sa kanya ..

Hinawakan ko magkabilang pisngi niya na hindi mapigilang bumuhos ulit luha ko...

"Ako dapat Pa magsorry sa'yo at kay Mama kasi nabigo ko kayo noon, I'm sorry Papa hindi ako naging mabuting anak at hindi ko natupad pangako ko sa inyo ni Mama. At huli na ako wala na si Mama hindi man lang ako nakahingi ng sorry sa nagawa ko noon. "saad ko alam ko hindi sapat ang sorry sa nagawa ko noon ako inaasahan nila pero binigo ko 'yon at ngayon huli na ako makahingi ng tawag kay Mama, wala na siya.

"Pangako Pa babawi ako sa'yo."dagdag ko at muli ko siya yinakap ng mahigpit

I miss him sobra sila ni Mama..

Hindi man kami nakapagpangabot ni Mama alam ko masaya na siya saan man siya naroroon ngayon. Ngayon ibibigay ko kay Papa na deserve niya, ang buhay na hindi marangya pero hindi na gaya ng dati, na isang kahig isang tuka kami noon.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.