CHAPTER TWENTY-EIGHT

"Baby.." tawag sa akin ni Zuriel na agad ako lumingon kita ko ang pagkadisgusto naabutan ako gising pa, tumawag siya kanina na malalate siya ng uwi dahil nagkaroon ng konting problema sa isang branch nila Hotel at kakarating lang nito galing trabaho. Magaalas-diyes na rin ng gabi hindi ako makatulog dahil sa bumabagabag sa akin at hindi rin ako makatulog ng wala siya at siya pinaglilihian ko 'yung amoy niya, kung puwede lang lagi siya nandito pero hindi naman madali 'yun sa kanya dahil wala pa rin si Kuya William and speaking of kuya niya okey na ito anytime soon uuwi na sila wala nakakaalam muna na buhay siya dahil hindi pa nahahanap hanggang ang gumawa sa kanya noon.

At si Papa ng araw na iyon nakalabas na ito ng kulungan inasikaso agad ni Zuriel sa tulong nila Maru. Hindi na nakapagtataka yun dahil sa mga impluwensiya meron sila. Pansamantala muna ito kila Tita Selda hanggang sa araw na ipakilala ako ni Zuriel sa pamilya niya. At pagkatapos kukunin namin siya. Gusto ko makasama si Papa para makabawi ako sa kanya. Gusto  ko man sabihin na nagkita na kami ni Era pero hindi pa sa ngayon komplikado pa ang lahat. Alam ko miss na niya si Era.

Agad ako lumapit kay Zuriel at yumakap dito siniksik ang mukha ko sa leeg niya at  alam niya naglalambing ako sa kanya dahil hindi pagsunod sa sinabi niya kanina. Sa hindi ako makatulog.

"Hindi mo ako madadaan sa paglalambing mo Jewel." saad nito alam ko galit dahil pangalan ko na ginamit.

"I'm sorry hindi kasi ako makatulog ng wala ka baby." humiwalay ako sa pagkakayakap, Sorry na please huwag ka na magalit."paglalambing ko sa kanya pero wala epekto sa kanya at naiintidihan ko naman siya OA  minsan pero sweet.

Kalaunan nawala na galit nito..

Kasabay ng pagyakap nito sa akin..

" Ito na huli malalate ako umuwi baby, gusto ko maging healthy kayo ni baby."

"Naiintindihan ko baby sorry na talaga." Humiwalay ito sa pagkakayakap.

"Mauna ka na mahiga maliligo lang ako."

"Okey Baby." nakangiti ko saad at bago tuluyang tumalikod sa akin pinatakan muna ako ng magaan na halik sa labi.

Sa bawat araw na dumadaan

Sa bawat araw na magkasama kami pakiramdam  ko lumiliit ang mundo namin hindi sa estado ng buhay na namin kundi sa araw na dumating na mahanap na nito ang babaing mahal niya kahit sabihin niya mahal niya ako hindi pa rin wala sa akin ang mga posibilidad na mangyari...

Kung dumating man 'yun magpaparaya ako at dahil 'yun ang dapat gawin at dahil ''yun naman nauna.

Kinaumagahan gaya ng dati maaga rin ako gumigising nauuna ako sa kanya dahil ako naghahanda ng kanyang susuotin para sa trabaho and after that tutulungan ko si Manang sa paghahanda ng breakfast.

Magagaan lang trabaho ginagawa ko, mahirap na baka malagay na namin kami sa alanganin ni Baby.

" Handa lahat Jewel at ikaw na bahala rito at may aayusin lang ako sa labas." saad ni Manang pakatapos nito mailagay orange juice.

"Sige po Manang, salamat po." Nang makaalis si Manang narinig ko na rin yabag ni Zuriel pababa.

"Good Morning baby." bati ko sa kanya ng makalapit ako.

"Good Morning too baby."

Lagi kami sabay kumain kapag almusal na dalawa dahil si Flint tanghali na gumising na hinayaan lang namin para makabawi ang katawan nito...

"Puwede ba ako sumama sa'yo baby sa opisina mo?" tanong ko.

"Okey pero ipapasundo nalang kita mamaya before 11am meron pa kasi ako board meeting ngayon baka mainip ka lang doon sa opisina..."..

"Thank you baby."

"Basta para saiyo walang hiling mo na hindi ko hihindian baby at alam ko bored ka na rito kahit hindi mo sabihin." wika nito.

"Si Flint isasama ko baby."

"I forgot to tell you baby, tumawag sa akin kahapon si Thea hiramin nila ulit si Flint at kung puwede daw doon muna si Flint until weekend, Okey lang ba saiyo, if not I will call Thea.."

"Okey lang sa akin, alam ko gusto rin ni Flint duon may kalaro hindi lang lagi si Claire at Clarence at gusto meron iba makausap 'yung kambal hindi lang tayo. " pagsang-ayon ko

"Okey, by the way baby bago pala sila Mom makauwi lilipat na tayo ng bahay, meron na nakabili ng mansyon na ito Baby at alam ko kasi naboboring ka rito wala ka man lang iba makausap. Sa village nila Thea lilipat tayo magkakatabi lang bahay natin at mas okey doon lalu na siguridad at kampante ako kapag nasa trabaho ako, hindi gaya dito I know we have securities but hindi pa rin ako mapakali kapag wala ako dito."

"Pero sayang naman ito baby." nanghihinayang ako pero kung para sa siguridad namin lalu na ngayon tungkol kay Ava. Simula nangyari insidente hindi na ito nagpaparamdam alam ko may plano, I knew her hindi 'yun magpapatalo pagdating sa akin.

"Hindi ako manghihinayang basta para sa kaligtasan niyo baby."

"Thank you baby, sobra-sobra na naitulong mo sa amin at kulang ang salitang Thank you." hindi ko maiwasang maging emosyonal.

"Kung anuman naibibigay ko saiyo baby deserve  mo 'yun at deserve ng mga anak natin, sa lahat ng paghihirap na dinanas mo deserve mo kaligayahan na para sa'yo at ibibigay ko lahat sa'yo at sa dalawang anghel natin at hindi niyo na mararanasan ang hirap na dinanas niyo noon nandito na ako, pupunuan ko lahat-lahat ang mga taong hindi ko kayo nakasama, kayo ang lahat para sa akin at ang kayamanan ko na meron ako. Anything for you, kay Flint at sa magiging anak pa natin, lahat gagawin at ibibigay ko sa inyo. "saad niya na tuluyan na ako mapaluha.

"Don't cry baby at makakasama sa baby natin." kasabay ng pagkayap nito sa akin.

Sa mga sinabi niya sobra saya ko pero iniisip ko si Summer kung anu na plano niya, at sa babaing hinahanap niya, gusto ko magtanong sa kanya pero ayoko naman pangunahan gusto ko siya mismo magsabi sa akin for Ava wala problema kasi deal lang naman iyon at naniniwala ako pero kay Summer totoong anak niya ang bata and she need also a complete family but also my children.

Matapos mag-almusal nagpaalam na rin si Zuriel agad dahil may early meeting ito at bago umalis gaya ng dati madami bilin sa akin.

Nang makaalis si Zuriel, ilang sandali dumating na rin driver nila Thea para sunduin si Flint..

"Mama alis na po ako." paalam ni Flint.

"Anak be careful huwag magpapakapagod sa paglalaro okey, 'yung medicine mo don't forget before you sleep at hindi mo kasama si Ate Cliare mo bukas pa susunod sayo.."

"Yes Mama, Love you Mama".

"Love you too baby..".

Pumasok na ito sa loob ng sasakyan..

"Manong ingat po sa pagdrive".

"Opo Maam...sige po alis na kami.."

"Okey Bye...Bye baby..."

"Bye Mama."

Hanggang tuluyan na nakaalis ang mga tsaka naman ako pumasok. Nakasulubong ko ang kambal paalis na rin ang mga ito magbobonding sila at mamimili ng mga kailangan nila. Bukas na sila susunod kay Flint. Kapatid na turing ko sa kanila malaki ang utang na loob ko sa kambal.

"Alis na kami Ate Jewel." paalam ng dalawa..

"Ingat kayo dalawa, magsaya kayo bilhin niyo kung anu gusto especially cellphone bumili kayo bago alam ko gusto niyo na mapalitan."

"Opo Ate Salamat po." wika ni Claire.

"Sige na umalis na kayo, 'yung grocery para kay Papa huwag niyo kalimutan." paalala ko

"Opo." sagot nila at kasabay pagpasok nila sa sasakyan ihahatid sila ng driver hindi pa kasi nila kabisado ang daan at medyo malayo din ang sakayan mula dito.

Binigyan sila pera ni Zuriel at binigyan ko din sila mula sa naipon ko. Deserve nila 'yun.

Nang umalis sila, tinungo ko na rin kuwarto namin at maghahanda na ilang oras na lang at darating na sundo ko.

"Jewel nandito na sundo mo." saad ni Manang sakto paglabas ko ng kwarto...

"Opo pababa na  Manang." dali-dali ako bumaba gusto ko na makita si Zuriel kahit kakakita pa lang namin kanina umaga. Ganito talaga kapag buntis lalu na si Zuriel pinaglilihian ko.

"Bata ka parang hindi ka buntis, huwag ka magmadali Jewel at baka mapanu kayo ng baby mo." nagaalalang saad ni Manang ng makababa ako..

"Sorry po Manang, sige po aalis na ako...huwag niyo kalimutan kumain po at baka gabi na kami makauwi ni Zuriel." saad ko

"Oo, sige na baka matraffic pa kayo sa daan at ingat ka Jewel huwag magmadali lagi maselan pa naman pagbubuntis mo." paalala ulit ni Manang.

"Opo, Manang Bye!" tumango lang ito bilang tugon. Si Manang tinuturing ako biglang anak niya.

Sana buhay pa si Mama ngayon

Sana buo pa kami..

"Tara na po Manong." wika ko sa driver ng makapasok na ako sa loob ng kotse.

"Okey po Maam"..

Habang nasa biyahe hindi ko pa rin lubos maisip wala na si Mama. Hindi na niya nakita ang mga apo nito.

Napabalik ako sa realidad ng marinig ko ang mga komosyon ng mga tao mula sa park. ,Hindi ko namalayan huminto sasakyan dahil sa traffic..

Natuon ang pansin ko sa mga taong may pinagbabato hindi ko makita kung anu o sino...

Hindi ko alam bakit nakaramdam ako kaba at meron naguudyok sa akin na lumabas at puntahan.

"Manong itabi mo muna po ang sasakyan may titingnan lang ako."

"Ma'am hindi po puwede kabilin-bilinan ni Sir diretso agad tayo sa opisina niya baka matanggal ako sa trabaho po." pagtanggi nito at naiintindihan ko naman pero ewan gustong-gusto ko puntahan

"Ako bahala Manong sige na po kailangan ko lang kasi, gusto makita kung ang nangyayari doon. " saad ko sabay turo sa mga taong tuwang-tuwa sa gingawa nila pambabato na kung anu-ano.

"Pero Ma'am baka mapaanu kayo, buntis pa naman ho kayo at patay naman ako nito kay Sir."

"Please Manong, ako na bahala kay Zuriel mabilis lang ako." pakiusap ko pa. Ayaw ko umalis na Hindi ko natitingnan kung anu nangyayari.

"Sige po, pero sasamahan kita Maam." napipilitan saad nito.

Nang makapagpark agad ako lumabas ng sasakyan. Agad naman si Manong...

"Excuse me! Excuse me!, padaan ako." saad ko habang nakikisiksikan sa mga tao. Nang makarating ako sa unahan isang babae nakaupo ito sa damuhan at nakayuko ito. Sabog ang mga buhok nito.

"Stoppppppp!..." sigaw ko sa mga taong nambabato sa babae.

"Sino ka ba Miss? bakit nakikialam ka? umalis ka na nga istorbo ka ginagawa namin, alissss naaaa baka gusto mo isama diyan sa babae baliw na 'yan." saad ng isang binata nilapitan ko siya..

"Sino ako? gusto mo malaman talaga baka magsisi ka? At gusto mo bang tumira sa malaking bahay o sa tahimik na lugar habambuhay at mamili ka?!." galit kong saad dito.

"Isa kang------"

"Pulis, anu aalis ba kayo o gusto niyo dalhin sa presinto at makulong kayo?" pananakot ko sa kanila

Walang salitang nagsitalikuran ang mga ito..

Agad ko pinuntahan ang babae. Lumuhod ako sa harapan niya para magpantay kami dalawa..

"Miss.."tawag ko dito..

Unti unti umangat ang ulo at inalis nito ang buhok na nakatakip sa mukha..

Hindi pa nito natatapos alisin lahat ng buhok na nakatakip sa mukha agad ako napatakip sa bibig ko at hindi ko inaasahan na makikita siya dito at sa ganitong itsura niya.

"Yana...."tanging nasambit ko kasabay ng pagyakap ko dito ng mahigpit..

"Anu nangyari sayo Yana?" bulong ko sa kanya at hindi ko mapigilan mapahagulhol dahil sa nakita kong itsura sinapit ni Yana.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.