Chapter EPILOGUE

2years later. . .

Dalawang taon lumipas at marami na nagbago pero sa dalawang taon wala pa rin pagbabago sa kapatid ko, hindi pa rin kami  napapatawad at kinakausap ni Era. Kahit anung gawin namin ni Papa wala pa rin pero hindi kami susuko at umaasa balang -araw magkakaayos din kami tatlo. Tumatanda na si Papa kaya ginagawa namin lahat para makausap namin. Habambuhay ang sentinsiya sa kapatid ko.

Sila Claire at Clarence nasa kolehiyo na. Lagi sila nasa honor list kaya sobra proud kami ni Zuriel sa kambal, kahit hindi man sila makasali sa honor list ang importante sa amin makapagtapos sila at makapaghanap ng magandang trabaho, alam namin malayo mararating ng kambal.

Habang si Flint ganun din lagi din kasali sa honor list manang-mana sa ama, at pangarap nito sundan ang ama  bilang isang businessman, at hindi ''yun impossible dahil suportado ng ama at kapag walang pasok sumasama kay Zuriel akala mo matanda na kung umasta, nakikipagusap rin sa mga investor tuwing meron meeting si Zuriel, ayun tuwang-tuwa naman ang mga investors lalu na magulamg ni Zuriel at si Papa. May pinagmanahan talaga. Siyempre bilang magulang  suportado namin.

Yana and Kuya William dalawang taon na rin sila sa ibang bansa nakatira, fully recovered na si Yana hindi man madali matanggap ang nangyari noon sa kanya pero paunti-unti natanggap na rin niya, sobra pasalamat ko kay Kuya William at sa pamilya ni Zuriel. Isang taon bago ko nakausap si Yana and that year okey na siya hanggang lagi na kami naguusap through video call gustuhin namin puntahan siya pinagbawalan ako ng doctor na bumayahe pa dahil hindi madali pagbubuntis ko lalu na tatlo sila nasa sinapupunan ko.

At ngayon araw uuwi na sila dito for good dahil si Kuya William na papalit kay Zuriel bilang CEO ng kumpanya nila, meron din kasi sarili kompanya si Zuriel na balang- araw si Flint din daw na mamahala. And about kay Summer tuluyan na naging legal na Mendez dahil inadopt na ito nila 'yan, pinahanap nila Zuriel tunay na mga magulang nito pero huli na wala na ang magulang ni Summer, nakasama ang mga ito sa nangyari landslide sa kanilang lugar, walang umako kay Summer na kamag-anak dahil salad din sila sa buhay, hindi na kay ang buhayin pa si Summer, kaya napagkasunduan ng Lolo at lola at mga magulang ni Zuriel na ampunin legal ang bata. Dahil sa pagiging matulungin ng mga Mendez, dahil sa nakita ng estado ng buhay ng kamag-anak nila Summer. Binilhan ng mag-asawang Mendez ng lupain na pagsasakahan nila nakapangalan sa Lolo na bata. Kita ko sobra saya ng kamag-anak ni Summer, todo pasalamat sa pamilyang Mendez. Nangako naman sila Kuya William sa Lolo ni Summer kapag meron oras dadalaw sila. Sobra pasalamat din nila na naparusahan ang may sala.

At si Papa sobra saya kasi sa kanya na tuluyang pinamahala ang Hacienda nila Zuriel, ito pangarap niya at pangarap ko maibigay sa kanya pero hindi ko natupad sa kanila ni Mama, hindi man sa kanya masabi buo ang Hacienda at least daw siya namamahala, sobra pasalamat din ni Papa kasi sa kabila ng ginawa ni Era hindi nagbago pakikitungo nila, at nasaan man ngayon si Mama alam ko masaya sa amin, hindi naman namin siya kasama physically, spiritually alam ko nasa paligid lang namin siya, nagbabantay sa amin.

Kami ni Zuriel bilang mag-asawa, masaya kami dahil sa bawat pagsubok na kinakaharap namin at haharapin namin sa darating na panahon makakaya namin dalawa na mag kasama, wala na ako mahihiling pa siguro kundi magkakasasama pa kami matagal dito sa mundo kasama ang mga mahal namin sa buhay. Zuriel masasabi ko perfect husband hindi sa karangyaan na naibibigay niya kundi sa pinapakita niya pagpapagalaga at pagmamahal sa akin at sa mga anak namin. Kahit pagod galing trabaho uuwi pero sa kabila nito meron at meron siya oras para sa mga anak namin, walang araw na uuwi siya hindi makikipaglaro sa mga anak, at tuturan niya ng assignment si Flint. Sa ganun paraan bonding na rin namin pamilya araw-araw.

"Jewel!!. . . " sigaw nila Thea, napatingin ako sa baba, nandito ako sa veranda ng kwarto namin ni Zuriel. Habang bumabalik sa nakaraan.

"Sorry baba na ako. . . " pasigaw kong sagot sa kanila nasa thrid floor kasi kwarto namin kasama ang triplets habang second floor naman Sula Flint kasama ang kambal.

Wala pa sila Papa at Zuriel, sila sumundo kila Yana at sa magulang ni Zuriel.

"Hey!. " bati ko sa kanila ng makalapit ako.

"Nasaan na mga tsikiting mo Jewel.? " excited na saad nila Lhes, pinaglilihian ng mga ito triplets, si Lhes si Kelaya at si Thea naman si Zaid kasi gusto naman niya lalaki maging anak nila ni Ian. Habang si Lhes okey lang sa kanila babae or lalaki.

"Hon, hindi pa nga tatlong oras ng sinundo kita rito, hanap mo naman si Kelaya. "  wika ni Maru.

"Sa gusto ko makita. . . " saad ni Lhes sabay nguso nito.

"At ikaw rin Thea, kulang na lang dito na kayo dalawa tumira. " dagdag naman ni Ian sa asawa.

"Babe naman eh. "  saad naman ni Thea na parang bata. Ganyan daw sila kapag buntis pinaglilihan nila anak, either pamangkin ni ng mga asawa nila O pamangkin nila.

"Fine. . . " tanging saad ni Ian mahirap pa naman kontrahin ang mga buntis.

Sabay-sabay kami buntis ngayon isang buwan si Lhes at si Thea dalawang buwan at ako 3 weeks pregnant, pero ako hindi pa nila alam at mamaya ko sasabihin, regalo ko kay Zuriel birthday niya ngayon at birthday din ng triplets kaya double celebration plus pagbubuntis ko ulit. Wala naman sa akin kung magbuntis ulit basta sabi ng sumunod ulit ako sa mga si nasabi niya gaya ng ipinagbubuntis ko ang triplets. Kahit maselan pagbubuntis ko, normal ko naman naipanganak sila. Buong oras ng panganganak kasama ko si Zuriel.

Kita ko sa kanya din na nahihirapan dahil sa nakikita niya medyo nahihirapan ako sa panganganak. Sabi niya sa akin okey na apat na anak, pinatake ako ng pills pero hindi ko iniinom at hindi alam ni Zuriel kaya sigurado mabibigla siya kapag nalaman niya buntis ako, dahilan ko kasi kaya ko pa naman magbuntis at kung bibigyan pa kami anak di go hanggat kaya ko pa, pangarap ko malaking pamilya talaga.

"Nasa loob sila, kay Tita Selda." Sagot ko sa dalawa.

"Let's go. . . " yaya ng dalawa at napailing ng mga asawa nila at sumunod sa amin.

Nang makapasok kami sa loob ng bahay, naglalaro ang tatlo kasama si Kuya Flint nila, walang araw O oras na hindi naglalaro ang apat kong anak. Si Flint kuyang-kuya siya sa mga kapatid niya. Humalik si Flint kila Thea bago nagpaalam na pupuntahan mga anak nila Thea.

Kinuha ni Lhes si Kelaya at si Thea naman si Zaid habang ako naman si Ilaria. Nang makuha nila Thea pinugpog nila ng halik.

Napatigil kami sa pagkukuwentuhan ng marinig namin tunog ng Sasakwa hudyat na dumating na sila Zuriel. Agad ako tumayo at binigay ko muna kay Tita Selda si Ilaria. Nagpaalam ako kila Thea sasalubungin sila Zuriel.

Saktong paglabas ko ng pinto papasok na sila Mom at Dad. Agad ako yumakap sa kanila namiss ko sila, doon din sila kasi muna nanatili pero noong nanganak ako umuwi naman sila and after that bumalik sila state at ngayon na sila umuwi at dito na rin mananatili, ayaw na rin namin na magtrabaho pa ang mag-asawa at magbiyahe ng malalayo kasi tumatanda na rin sila.

"Kumusta biyahe niyo po Mom Dad?".. tanong ko sa kanila.

"Okey naman anak. . . " nakangiting saad ni Mom

"Nasaan ang mga apo?" tanong ni Dad.

"Nasa sala po Dad kasama sila Thea at si Flint nasa garden kasama mga anak nila Maru." sagot ko.

"Sige na anak puntahan mo na si Yana, alam ko sobra miss mo na siya. . " saad ni Mom.

"Sige po Mom Dad pero ihatid ko muna kayo. . . " saad ko sa kanila.

"Huwag na anak kaya na namin, sige na punatahan mo na nanduon pa sila sa may sasakyan naguusap pa sila ng Papa mo".wika ni Dad.

" Okey po.. " paalam ko sa kanila.

Nang makalabas ako agad ko nakita si Yana, marami na rin nagbago sa kanya sa, lahat nagbago na, medyo tumaba na rin siya. Kita ko alagang-alaga siya ni Kuya William at kita ko rin gaanu kamahal ni Kuya William si Yana lalu na ngayon kumakahawak kay Yana akala mo tatakbuhan, napailing na lang ako.

"Yana!. .. " tawag ko sa kanya ng malapit na ako.

"Jewel! . . . " agad siya lumapit sa akin at yumakap, hindi namin mapigilang mapaluha pero nauwi sa hagulhol iyak namin, sari -sari na emosyon ang naramdaman namin, pangungulila kasiyahan, alam ko pareho kami ni Yana. Mas lalung humigpit ang yakap namin.

I'm happy, sobra dahil sa kabila ng lahat na mga nangyari sa amin noon  hirap sakit pero anuman mangyari noon nag pa pasalamat ako, kami ni Yana dahil na nakayanan namin at ngayon sobra-sobra na natatanggap namin na kaligayan.

"Mga anak, simulan na party marami pa kayo oras at araw na magkakasama naghihintay na 'yung mga bisita niyo, at sila Ma'am at Sir kailangan din na nila magpahinga." wika ni Papa

"Opo Papa, salamat po Mauna na po kayo sa susunod kami. " saad ko kay Papa na magkayakap pa rin kami ni Yana.

"Sige. . . huwag na kayo magtagal. " wika ni Papa bago tuluyang iniwan kami.

Humiwalay kami ni Yana mula sa pagkakayakap namin dalawa. Punong-puno ng luha mukha namin, sabay kami napatawa dahil sa itsura namin ngayon.

"Bukas tayo magsisimula mag-usap mahaba-haba usapan natin Yana. " wika ko.

"Oo nga Jewel, sobra kita namiss. . . " wika niya.

"Ako rin. . . " nakangiting wika ko sa kanya.

"Tara na punatahan na natin 'yung dalawa. " yaya ni Yana sa akin.

"Okey,. . . "magkahawak kami namin tinungo ang dalawa nanatili lang sila kung sa an sila iniwan ni Yana. Nang makalapit ako yumakap muna ako kay Kuya William.

" Baby. . . "tawag ko kay Zuriel, habang si Yana naman agad niyakap ni Kuya William.

"Mauna na kami bro sa garden. " paalam ni Kuya William

"Sige bro. . . " saad ni Zuriel na yumakap na rin s akin mula sa aking likuran.

Nang makaalis sila agad ako humarap kay Zuriel at hinalikan sa labi. Agad naman siya tumugon sa halik ko. Ilang minuto rin bago tuluyan humiwalay mga labi namin.

"Let's go baby habang nakakapigil pa ako , baka sa kwarto natin tayo mapunta.

" Sira! Tara na nga para masimulan party.. " yaya ko na rin sa kanya baka nga mapunta kami sa kwarto namin imbes sa garden.

Tamang kamag-anak, empleyado at kaibigan lang naman namin ang invited. At ilang investor sa kompanya nila. Ilang sandali nagsimula na, inuna muna namin para sa mga bata programa, meron pmaglaro, tuwang-tuwa ang triplets namin, hawak ni Zuriel si Ilaria, si Flint naman si Zaid at ako si Kelaya, sobra saya rin ng mga bisita lalu na si triplets namin makukulit at nang matapos ang mga palaro oras na magblow ng candle nila bago 'yon kinantahan muna sila Happy Birthday.

Nang matapos ang kanta sabay-sabay sila nagblow ng candle at sa hindi inaasahan after nila magblow ng candle, si Ilaria kumuha ng cake at ipinunas kay Zaid at Kelaya at kumuha rin sila Zaid sabay nila pinahid kay Ilaria sa huli tumawala  sila dahil sa ginawa nila sa mga sarili at dahil sa ginawa nila pati kami ni Zuriel meron na cake sa mukha gawa ni Zaid sinundan naman nila Kelaya.

Matapos kumain ang mga bata kinuha na sa amin ni Tita Selda kasama ang anak nito bunso na pinapaaral din ni Zuriel.

Ilang sandali umakyat na ako sa stage.

"Maganda Gabi po sa inyo lahat. . . panimula ko" Salamat sa mga pumunta ngayon alam namin busy kayo sa kanya-kanya buhay. " nakangiti ko saad sa mga taong nasa harapan ko.

"Ngayon gabi hindi lang birthday ng mga anak namin icecelebrate kundi kaarawan din ng asawa ko, at ito na rin  pagkakataon na mag pasalamat sa kanya, sa lahat-lahat. " noong kasi first birthday ng triplets namin  nakafocus kami sa kanila, ayaw ni Zuriel isabay sa kaarawan niya sabi kapag dalawang taon na nila isabay, gusto niya maging memorable first birthday nila.

"Zuriel Baby, thank you sa lahat, sa lahat-lahat na ginawa mo sa amin hindi lang sa amin ng mga anak mo kundi lalung -lalo na sa pamilya ko, hindi sapat ang thank you, pero habambuhay ka namin  pasasalamatan, sa mga nangyari noon lagi ka nasa tabi ko hindi mo ako iniwan, thank you, sa pagmamahal at pag-alalaga mo sa amin ng mga anak mo, thank you. . . Mahal na Mahal ka namin ng mga anak mo, ikaw ang the best father para sa kanila at best husband para sa akin, pangako anuman mangyayari magkasama natin haharapin ang bawat pagsubok na darating sa atin. Hindi mo kailangan pagurin masyado ang sarili mo baby, dahil hindi sa amin mahalaga ang mga materyal na bagay O madami pera sapat na sapat sa amin ang pagmamahal, oras at attention na binigay mo sa amin  at lagi mo tatandaan ako, kami na mga anak mo hindi kami magsasawang magsabi " MAHAL NA MAHAL KA NAMIN.  . . Baby come here samahan mo ako dito at ibibigay ko regalo ko sa'yo . " agad na tumayo si Zuriel.

"Happy birthday Baby and this is my gift for you, sana magustuhan mo.. " nakangiti ko saad sa kanya sabay abot ng puting sobre sa kanya na naglalaman ng sonogram.

Unti- unti binuksan ni Zuriel ang sonre, nang makita niya nasa loob agad siya tumingin sa akin nagtataka.

"How------" pinutol ko na sasabihin niya nagsalita ako.

"Hindi ako umiinom Baby, dahil gusto ko malaking pamilya, pangarap ko 'yon at kung nag-aalala ka sabi ni Doc okey naman ako magbuntis ulit kasi noon  naging maselan ang pagbubuntis ko dahil sa dami problema iniisip ko . " nakangiti ko saad sa kanya.

"Yes! magiging ama ulit ako!.. " wika niya sa harapan ng mga bisita, kasabay nito mahigpit na yakap sa akin.

"Thank you and I love you baby so much. "  bulong nito sa akin.

"I love you too baby. . . " saad ko sa kanya.

Sa buhay marami pagsubok na darating pero anuman mangyari huwag tayo susuko, dahil sabi nga habang buhay may pag-asa, sa bawat sakit at hirap sa dulo nito makakamtam din natin ang ginawa sa buhay at lahat ng mga namgyayari sa atin masaya man o hindi lahat may reason. Hindi madali ang buhay sa mundo pero kung magtitiwala ka sa taas at sa sarili mo lahat na gusto makukuha mo.

"Life is like a book some chapters sad, some happy and some exciting. But if you never turn the page. You will never know why the next chapter hold. . . "

- DR. A. P. J ABDUL KALAM

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.